You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Pambansang Paaralang Sekundarya ng Taysan
Taysan, San Jose, Batangas

Banghay-Aralin sa Filipino 9

Yugto ng Pagkatuto: Linangin- Panitikan

I. Layunin
F9PD-IIIa-50: Natutukoy at naipaliliwanag ang mensahe ng napanood na
parabulang isinadula.

F9PB-IIIa-50: Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay


maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

F9PT-IIIa-50: Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa


parabula.

II. Pamantayang Pangnilalaman


Paksa: Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubusan
Sanggunian: Panitikang Asyano 9(pahina196-200)
Kagamitan: pantulong biswal, laptop, powerpoint, telebisyon

III. Proseso ng Pagkatuto


Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng liban
5. pagbabalik- Aral

A. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa pagtalakay ng
ating aralin ay may inihanda akong isang
awitin. Maaari ninyo itong sabayan kung
inyong nanaisin. Handa naba ang lahat?
Opo.
(pagpaparinig ng awitin mula sa
Superbook)

Mga Kataungan
1.Tungkol saan ang inyong napakinggang
awitin?
Tungkol po sa Diyos.
2.Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating
tatalakayin?
Siguro po ang tatalakayin po natin
ngayong araw ay may kaugnayan sa
Kanya/ Diyos.
3.Anong uri kaya ng akdang pampanitikan
ito nabibilang?
Parabula po.
Paglinang ng Talasalitaan
Bago tayo dumako sa ating aralin ay atin
munang bigyang pansin ang mga salitang
ginamit sa akda.

Panuto: Ibigay ang hinihinging kahulugan ng


mga salitang hango sa parabula. Piliin ang
mga kasagutan sa mga larawan.

B. Analisis
Bilang pagtalakay sa ating akda ay atin
munang talakayin ang parabula.

Ano ang parabula?


Ang parabula po ay makatotohanang
pangyayari na naganap noong panahon
ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat. Ito po may kapupulutan ng aral na
nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao.
Bilang pagpapatuloy sa pagtalakay ng
ating aralin ay may inihanda akong isang
parabula na pinamagatang “ Ang Talinhaga
sa May-ari ng Ubasan”.

(pagbasa ng parabula)
Mga Katanungan
1.Sino kaya ang may-ari ng ubasan?
Ang Diyos po.
2.Ano-anong oras siya naghanap ng mga
magtatrabaho?
Ikasiyam po ng umaga, ikalabindalwa po
ng tanghali, ikatlo at ikalima po ng
hapon.
3.Kung isa ka sa manggagawang maghapon
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init
ng araw ngunit ang tinanggap na upa ay
kapareho lamang ng isang oras na
nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?
Kung isa ako sa manggagawa, hindi ako
magrereklamo dahil sa una pa lamang
ay nagkasundo na kami na ang ibibigay
niyang upa sa akin ay isang salaping
pilak lamang sa maghapon.
4.Kung isa ka naman sa manggagawa na
tumanggap ng parehong upa kahit kulang
ang oras mo sa paggawa, ano ang
mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba
ang binigay sa iyong upa?
Sa una ay makokonsensyaakodahil mas
mahaba yung oras nainilaan ng mga
naunang manggagawa tapos pareho
kami ng matatanggap na salapi pero
tatanggapin ko pa rin ito dahil ito ang
ipinagkaloob kung kaya`t di ko
tatanggihan ang grasya.

C. Abstraksyon
Upang mapalalim pa ang inyong
pagkaunawa ay dumako na tayo sa
pangkatang gawain.

Pangkat 1
Pumili ng isang senaryo na inyong
nagustuhan sa akda at ipaliwanag kung
bakit ito ang napili.

Pangkat 2
Lumikha ng isang tula na nagpapakita ng
pasasalamat sa Diyos.

Pangkat 3
Lumikha o magsagawa ng isang
broadcasting tungkol sa hinaing ng mga
manggagawa tungkol sa upa na natanggap
nila.

Pangkat 4
Bigyang pagpapakahulugan ang pahayag na
“ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay
nahuhuli”
D.Aplikasyon
Kung ikaw ang may-ari ng ubasan,
pare-pareho rin ba ang upa na ibibigay mo
sa mga mangagawa?
Para po sa akin ay oo dahil kung sa una
pa lamang ay may kasunduan na
kaming isang salaping pilak ang
ibabayad ko sa kanila para sakanilang
pagtatrabaho sa maghapon.

E. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang
katanungan. Sagutin ito ng buong husay. (5
puntos)

May kilala o alam ka bang tao na katulad


ng may ari ng ubasan? Sa anong mga
bagay o gawi sila nagkakatulad?
Iba’t-ibang kasagutan ng mga mag-
aaral.

Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa pagpapakahulugang metaporikal. Magbigay ng 5 halimbawa
nito.

Inihanda ni:
_____________________
PRINCES JANE C. MIRAL
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
___________________
JOMIELYN C. RICAFORT
Gurong Tagapagsanay

You might also like