You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay Aralin Filipino 3

I. Layunin

Pagkatapos ng klase ang mag-aaral ay inaasahang

A. Naiintindihan ang kahulugan ng pandiwa

B. Natutukoy ang mga salitang kilos na ginamit sa pangungusap

II. Nilalaman

Paksa: Pandiwa

III. Kagamitang panturo:

Sanggunian: Filipino 3

Kagamitan: Visual aids/PowerPoint presentation

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magandang hapon sa lahat! > Magandang hapon din po, Bb. Camille.

Bago natin simulan ang ating aralin tayo'y magdasal


muna. May gusto bang manguna sa pagdarasal sa
klaseng ito?

Sa ngalan ng ama ng anak ng espiritu santo.


Panginoon, maraming salamat po sa lahat ng biyaya at
inyong pagpapala. Gabayan niyo po kami sa araw na ito,
naway marami pong matutunan ang aking mga
estudyante mula sa aking pagtuturo. Lahat ng papuri't
pasasalamat ay ibinabalik namin sa Iyo, Panginoon.
Amen.
> Amen.
2. Pagbati

3. Pagtatala ng lumiban

Bago tayo magsimula, akin munang itatala kung sino


ang mga wala sa klase natin ngayon.

> Wala po.


Sino ba ang wala sa araw na ito?

Wala. Magaling dahil kompleto kayo lahat.

4. Balik-Aral

Bago natin talakayin ang bagong paksa, atin munang


balikan kung ano ang paksang tinalakay natin kahapon.

Ano nga ba ang ating tinalakay kahapon?

> Ako po ma'am.

Sino ang makakapagsabi ng sagot?

> Ang tinalakay po natin kahapon ay tungkol sa pang-uri


o mga salitang naglalarawan.
Janine!

Magaling, Janine!
B. Panlinang na gawain

Bago natin umpisahan ang lahat nayroon akong


inihandang gawain na makatutulong sa inyo na
magkaroon ng ideya tungkol sa paksang ating
tatalakayin ngayon.

> Ang mga salita ay ang mga sumusunod:

1. Kumakain

2. Naglalaro

3. Magluto
Mayroon tayong puno rito sa sa pisara. Sino ang
gustong pumitas ng mga bunga at basahin ang mga 4. Sasayaw
salitang nakasulat sa likod ng mga ito nang malakas
upang marinig ng inyong ibang mga kaklase. 5. Kumakanta
C. Paglalahad ng mga halimbawa > Pumitas o pumili ng mga salita mula sa puno.

Ano ang inyong ginawa? > Base sa aking palagay ito po ay mga salitang kilos o
pandiwa.

Ano ang inyong napansin sa mga salitang nakasulat sa

likod ng mga bunga ng puno?

D. Pagtatalakay

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad

ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang


Ingles.

Halimbawa ng pandiwa

lumilipad

naglalakad

sumayaw

nanood

lumapit

humiyaw

nagwalis

sumigaw

sumabay

pumasok

E. Paglalapat
Hahatiin ng guro sa dalawang grupo ang klase, bibigyan
ng gawain ang bawat grupo.

Unang grupo, gumawa ng limang pangungusap na


nagpapakita ng pandiwa at babasahin ng miyembro ang
mga pandiwang ginamit sa pangungusap.

Ikalawang grupo, mag-isip ng mga salitang nagsasaad ng


kilos o talaw o pandiwa at isadula ang mga ito.

F. Paglalahat

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na akong


ididikta

Mahalaga bang matutunan ang pandiwa o salitang


nagsasaad ng kilos o galaw?

Bakit ito mahalaga?

G. Pagsubok

Panuto: Sa isang buong papel sumulat ng limang


pandiwa o mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw at
gamitin ang mga ito sa pangungusap.

H. Takdang Aralin
Sumulat ng sampung pangungusap na mayroong
pandiwa at salangguhitan ang mga ito.

You might also like