You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 3

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang salita na nanatili ang kahulugan;
b. Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita.
c. Aktibong nakikibahagi sa talakayan at mga gawain.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Tambalang Salita
Sangunian: Batang Pinoy Ako, kagamitan ng mag-aaral sa Filipino, pahina 156-157.
Kagamitan: Powerpoint, Larawan, Laptop
Estratehiya: Explicit Teaching

III. Pamamaraan:

Gawain nang Guro Gawain nang Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Pagsasanay Magandang umaga po titser.
Magandang Umaga mga bata.

Ngayon mga bata magsitayo ang lahat


para sa panalangin.

Bago tayo magsi-upo sasayaw at kakanta


muna tayo. Ang pamagat nang kanta ay
“Kung ikaw ay masaya” (Sumasayaw at kumakanta ang mga bata)

Halina’t sabay2 tayo.

b. Balik-aral
Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol
sa pang-ukol.

Ano ang pang-ukol? Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay


sa isang panggalan sa iba pang salita sa
Ikaw, liza? pangungusap.

Magaling.

c. Pagganyak

May ipapakita ako sa inyong mga salita


tukuyin natin ang mga kahulugan nito.

LAKAD-PAGONG
(mabagal kung lumakad)

AKYAT-BAHAY
(nahuli ng mga pulis ang mga akyat-
bahay)

BASANG-SISIW
(Si pedro ay nagmukhang basing-sisiw
nang mabasa siya nang tubig sa gripo)

Nakarinig na ba kayo nang mga salitang Opo titser.


ito?

Alam niyo ba kung anong tawag sa mga Hindi po titser.


salitang ito?

B. Panlinang na Gawain
a. Paglalahad

Ngayong umaga ang tatalakayin natin ay


“tambalang salita”

Bago tayo magsimula sa ating paksa, ano ang 1. Umupo nang Mabuti
dapat gawin nang isang mabuting mag-aaral 2. Makinig sa guro
kapag nagsasalita ang guro sa harapan? 3. Itaas ang kamay pag sasagot

Opo titser.
Tama. Maaasahan ko bai yang lahat sa inyo?

Maraming Salamat.

b. Pagtatalakay

Tambalang Salita-ang tambalang salita ay binubuo ng


dalawang salitang magkaiba na pinagtambal.

Halimbawa: dalaga sa bukid = dalagang bukid

May mga tambalang salita na nawawala ang sariling


kahulugan ng pinagtambal na salita.

Halimbawa: Dugong bughaw= mayaman

Buuin bawat pares bilang tambalang salita.

1. Hating a. gabi
2. Bunga b. kahoy
3. Takdang c. aralin
4. Patay d. gutom
5. kapit e. tuko

(Magbibigay ang guro nang halimbawa gamit ang


mga larawan)

c. Pangkatang Gawain
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa dalawang grupo.
Magbibigay ako nang mga pangungusap na hindi
kompleto at kukuha kayo nang mga tambalang salita
sa kahon upang mabuo ninyo ang mga pangungusap.

1. Ang dating mamahaling gamot ay abot-kaya


na ngayon.
2. Hating-gabi nan ang umuwi si Ron mula sa
trabaho sa call center.
3. May ginataan na bagong luto sa kusina kaya
magmerienda muna tayo.
4. Natapos mo ba ang ating takdang aralin sa
Sibika at kultura?
5. Kailangan mo nang lakas loob kung sasabihin
mo sa kanya ang katotohanan.

d. Paglalahat
Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang
Ano ang tambalang salita? salitang magkaiba na pinagtambal.

Tama.

IV. Pagsusuri

Isulat sa patlang ang mga salitang puwedeng


itambal sa ibinigay na salita upang makabuo nang
tambalang salita.

Kahoy Pawis kisap sisiw


buhay

1. Punong+
2. Anak+
3. +mata
4. Basang +
5. Hanap +

V. Takdang aralin

Magbigay ng iba pang halimbawa ng tambalang


salita at gamitin ito sa pangungusap.

You might also like