You are on page 1of 6

Masusing Banghay-Aralin

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng apatnapung-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
A. natutukoy ang dalawang uri ng pangngalan,
B. Napahahalagahan ang gamit ng pangngalan sa bawat uri nito sa pangngusap; at
C. nakagagawa ng talaan ng mga salitang pantangi’t pambalana.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Dalawang katangian o uri ng Pangngalan
B. Sanggunihan: yahoo. google.com
C. Kagamitan: larawan, plaskard, comic strip, pentel pen, cartolina, kahon, at laptop
D. Pagpapahalaga:
Kahalagahan ng Pamilya sa buhay.
III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
 Pagbati
Magandang hapon klase! Magandang umaga po Guro!
Kumain ba kayo ng inyong Opo guro!
tanghalaian?

Mabuti naman dahil alam niyo klase


kapag may laman ang sikmura may
laman din ang utak at iyan ang
gagamitin ninyo sa ating talakayan
mamaya!

 Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin
maari bang tumayo ang lahat at
tayo’y manalangin!
(magtatawag ang guro ng isang mag- (mag-aaral)
aaral para pangunahan ang tayo’y yumuko at manalangin
panalangin)

 Pagtala ng Liban
G. Regaspi dahil ang inatasan kung
magtala ng liban pakitignan ang
iyong mga kaklase kung mayroon
lumiban.
May lumiban ba sa inyo? G. Regaspi: Wala po guro!

Mabuti naman at nandito kayong lahat sa


klase ko.
 Paglatag ng Alituntunin
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan ang ating talakayan may
mga simple lamang akong
alituntunin na dapat ninyong
malaman para mas organisado ang
ating talakayan.
Una: umayos ng upo
pangalawa: gusto ko parating malinis
ang ating silid aralan, kaya paki pulot
lahat ng kalat.
Pangatlo: ayaw ko ng maingay lalo na
kung nagsasalita ako sa harap.
Pang-apat: itaas lamang ang inyong
kanang kamay kung kayoy sasagot at
kung kayo ay may katanungan
at ang panghuli: kapag ang bell ay
tumunog ng ganito itoy senyales na
kayo’y maingay at kailangan niyo
nang tumahimik.

Maliwanag ba klase! Maliwanag po Guro!


 Pagsasanay
klase, may hawak akong grupo ng
salita rito na ating natalakay noong
nakaraang aralin. Gusto ko basahin
niyo ito ng malinaw at malakas!
Handa na ba kayo klse! Opo guro!
Pangngalan
Lugar
Tao
Bagay
Pangyayari
hayop

Mahusay!

 Balik- Aral
Klase, sino sa inyo ang makapaglalagom
ng mga pinag-aralan natin kahapon? Guro ang tinalakay natin kahapon ay
G. Motas tungkol sa isa sa mga bahagi ng
pananalita. At ito’y ang pangngalan kung
saan ito’y salitang ngalan ng tao, hayop,
bagay at pangyayari. Binigyan diin natin
ang mga ibat ibang halimbawa sa tao,
bagay, pangyayari, lugar at hayop.
Mahusay! Magaling! Palakpakan si G.
Motas sapagkat talgang nakinig siya sa
ating talakayan kahapon!
 Pangganyak
(Hahatiin ni guro ang klase sa dalawang
grupo.)
May mga letrang nakarambol sa pisara at
may mga hinandang katanungan si Guro
pagkatapos basahin ni guro ang
katanungan ay paunahan ang dalawang
grupo sa pagbuo sa mga letra upang
masagot ang katanungan. Ang grupong
mas maraming mabilis na tamang
naisagot ang siyang panalo.
Mga Katanungan
1. Ito ay isang institusyon na humuhubog
sa kaalamang kognitibo, pangdamdamin P-A-A-R-A-L-AN
at saykomotor ng isang indibidwal.

2. Sila ang tinatawag na pangalawang


magulang at nagtuturo ng mga kaalaman G-U-R-O
sa mga mag-aaral.

3. Siya ang panglabing-anim na pangulo


ng Pilipinas.
4. Isang hayop na nakamamatay kung R-O-D-R-I-G-O-D-U-T-E-R-T-E
minsan tawag sa kaibigang nanunulot ng
kasintahan.

5. Sikat na nobela ni Dr. Jose Rizal na ang A-H-A-S


ibig-sabihin sa filipino ay huwag mo
akong salingin.
6. Ang sagradong libro kung saan dito N-O-L-I-M-E-T-A-N-G-E-R-E
mababasa ang mga salita ng Diyos.
7. Ano tawag mo sa anak ng nanay mo? B-I-B-L-I-Y-A
K-A-P-A-T-I-D
Nagustuhan niyo ba ang ang ating laro? Opo guro!

 Paglalahad
Pakibasa nga klase ang inyong
kasagutan?
(babasahin ng mga mag-aaral ang mga
Maraming salamat klase! salitang nasa pisara)
Sa mga salitang inyong binasa ang mga
itoy halimbawa o kabilang sa, Saang
bahagi ng pananalita? Sino may may
ideya?

Tama magaling! Ang mga salitang inyong Guro, ang mga salitang aming binasa ay
binasa ay kabilang sa pangngalan at ang kabilang sa Pangngalan!
tatalakayin natin ay patungkol pa rin sa
pangngalan.. klase ang tatalakayin natin
ay ang dalawang katangian o uri ng
Pangngalan

 Pagtalakay sa Aralin

KATANGIAN o URI ng PANGNGALAN

Klase may dalawang katangian ang


Pangngalan?
Ang una ay ang Pantangi.

Klase ang Pantangi ay mga pangngalang


tumutukoy sa tangi o tiyak nangalan ng
tao, hayop, bagay, lugar, kaisipang diwa,
o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.
Tinitiyak ng pangngalang pantangi na
hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba.

Ang halimbawa nito ay


B-A-G-U-I-O-C-I-T-Y
R-O-D-R-I-G-O-D-U-T-E-R-T-E
B-I-B-L-I-Y-A
M-A-N-N-Y P-A-C-Q-U-I-A-O
N-O-L-I-M-E-T-A-N-G-E-R-E

Klase ano ang napapansin ninyo sa mga


halimbawa?

Tama magaling! Laging tandaan klase


pangngalang Pantangi kung ang ngalan
kapag ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Maliwanag ba klase? Guro ang mga halimbawa ay nagsisimula
sa malaking titik
Maari ba kayong magbigay ng halimbawa
ng pangngalang pantangi ng tao, bagay, Opo guro!
lugar, pangyayari.
Magaling!
(gamitin mo nga ito sa pangungusap)

Magaling mahusay na paggamit sa Guro, Coco Martin ngalan po ng tao.


pangungusap. Si Coco Martin ang bida sa seryeng ang
probinsyano.
Sino pa ang magbibigay ng halimbawa?

Ngayong dumako na tayo sa isa pang


katangian o uri ng pangngalan. Guro, Pangasinan pangngalang pantangi
tumutukoy sa lugar.

Ang PAMBALANA mga pangngalang


nagsisimula sa maliit na titik na
tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng
tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba
pa.

Kung ang pantangi ay nagsisimula sa


malaking titik ang pangngalang
pamabalana naman ay nagsisimula sa
maliit na titik at tumutukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
lugar, at pangyayari.

Mga halimbawa:

P-A-A-R-A-L-AN
G-U-R-O
A-H-A-S
L-A-P-I-S
K-A-P-A-T-I-D

Klase magbigay nga kayo ng halimbawa


ng pangngalang pambalana at gamitin ito
sa pangungusap.
Isa-isahin ang mga mag-aaral na
magbibigay ng halaimbawa?
(isa-isang magbibigay ng halimbawa ang
Magagaling talaga kayo klase. Para hindi mga mag-aaral)
kayo malito laging tandaan kapag nag-
uumpisa sa malaking titik itoy
pangngalang pantangi at kung itoy
nagsisimula sa maliit na titik itoy
pangngalang pambalana.

 Paglalahat
Kung talagang nakinig kayo sa ating
talakayan ano ang ang ating pinag-
aralan?

Magaling!
Ano ang dalawang uri ng pangangalan at
ibigay ang katuturan nito? Guro ang ating pinag-aralan ay tungkol sa
Uri o katangian ng pangngalan.

Guro, ang pantangi kung saan itoy


pangngalan na tumutukoy sa tiyak na
ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari.
At ang pangalawang uri ng pangngalan ay
Magaling.. bigyan niyo nga ng limang ang pambalana kung saan itoy
bagsak ang inyong mga sarili sapagkat tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng
talagang nakinig kayo sa ating aralin tao, bagay, lugar at pangyayari.
ngayong araw.
(papalakpak ng limang beses)
 Paglalapat

Hahatiin ang klase ng dalawang grupo.

Bawat grupo aayusin o ihahanay ang mga


salita kung itoy pantangi o pambalana
ngunit ang mga salitang pantangi at
pambalana ay ihanay ayon sa pagkaka-
ugnay nito. Itatama rin ng bawat grupo
ang mga pangngalang pantangi sapagkat
nakasulat ito sa maliit na titik. Bawat
grupo bibigyan lamang ng 3 minuto para
ihanay ang mga salita.
Halimbawa:

Pambalana: Panatangi:

sasakyan Ford
puno Narra
 Pagpapahalaga

Klase, ano ang pinakaimportanteng


bagay na meron kayo sa buhay niyo
ngayon? At bakit?

Guro, para sa akin ang aking pamilya


sapagkat sila ang tutulong sa akin sa oras
na kailangan ko ng tulong at laging
nariyan at handang tanggapin ako kahit
Magaling tama ka ang pamilya ay dapat makagawa ako ng kasalanan.
pahalagaan sapagkat sila ang iyong
kakapitan sa lahat ng problemang
kakaharapin mo.

Klase, ano ang nabanggit na pangngalan


sa kanyang pangungusap? Guro ang pangngalang nabanggit ay
Pamilya?
Tama magaling!

Anong uri ng pangngalan ang salitang


pamilya? Guro ito ay pangngalang pambalana.
Tama mahusay. Bigyan natin siya ng
limang palakpak.

 Pagtataya

Magpapanood si guro ng isang maikling balita o video clip, bawat mag-aaral ay


magsisipi o ililista ang mga pangngalang nabanggit sa balita at tutukuyin kung itoy
pangngalang pantangi o pambalana.

https://www.youtube.com/watch?
v=OTJzKE7Ebsc&list=PLgyY1WylJUmgOqPXQvjQW7IddgpNlbv2w&index=6

 Takdang-Aralin

Maghanap ng isang sanaysay tungkol sa mga problema ng bansa. Bilugan ang


pangngalan ginamit kung itoy pantangi at salungguhitan ang pangngalan kung ito naman
ay pambalana.

You might also like