You are on page 1of 3

Lesson Plan sa Filipino 1

I.LAYUNIN

Pagkatapos ng apat napong minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naitutukoy ang salitang magkapareho ang kahulugan

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Salitang Magkapareho ang Kahulugan

Sanggunian: Filipino 1 Bumasaat Sumulat, pahina 108-110

Kagamitan: Aklat, tsart at mga larawan

Code: F1W6-11g-i-3

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang gawain

 Kakanta ( May limang maya)

B. Paglinang na Gawain

a.Pagganyak (Ituro Mo)

 Ang guro ay magpapakita ng litrato o larawan at ituturo ng mga mag-

aaral kung ano ang tamang salita sa ipinipakita na larawan ng guro.

 b. Paglalahad

 Ang guro ay magtatanong ng mga sumusunod:

1. Ano ang napansin niyo sa larawan na ipinapakita?

2. Ano kaya sa palagay niyo ang ibig sabihin ng mga

larawan?
c. Pagtatalakay

May mga salitang Magkapareho ang Kahulugan. Masasabi

natin ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasing-

kahulugan o parehong kahulugan nito katulad ng ginagawa natin sa

pang araw-araw na gawain.

Halimbawa ay sari-sari store-negosyo, ang negosyo ay isang uri ng

pinagkakakitaan.

d.paglalapat:

Direksyon: Salungguhitan ang mga salitang Magkapareho ang

Kahulugan.

1. Si Lino ay isang kusinero. Siya ay nagluluto sa isang sikat na kainan sa

kanilang lugar.

2. Sa kaniyang suweldo, nakapag-aaral ang kapatid. Kaya tinitipid ang

kanyang kinikita.

3. Nang magkaroon ng sapat na ipon, nagsimulasiya ng sariling negosyo.

Bukod sa suweldo, may bukod na siyang pinagkakakitaan.

4. Umasenso ang kaniyang tindahan. Umunlad ang kanilang buhay.

5. Ikinarangal siya ng kaniyang mga magulang. Ipinagamalaki rin siya ng

kapatid sa mga kaibigan.


IV. EBALWASYON

Direksyon: Kumuha ng papel at piliin ang dalawang Salita na

Magkapareho ang Kahulugan

Prepared by: Checked by:

Ms.Merasol L. Rebalde Mrs. Paterna S. Calamonggay

You might also like