You are on page 1of 10

Banghay Aralin sa Filipino 1

Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang teksto. (F1PN – IIIj-12)

II. Paksang – Aralin


A. Pagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang teksto.
B. Manwal ng Guro “Bumasa at Sumulat 1”, ph. 372 – 374
C. Larawan, Tsart
D. KALUSUGAN/PAGKAMASIPAG

III. Pamamaraan.
A.Panimulang Gawain
1. Pamukaw – Sigla: Tula
Ang saging at papaya
Pagkaing pampaganda
Ang gatas at ang itlog
Pagkaing pampalusog.

2. Pagganyak
 Kayo ba ay kumakain ng gulay?
 Bakit kailangan nating kumain ng gulay?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad: Pakinggan ang kuwento

“MahiligsaGulay”
Si Mark ay mahilig kumain ng gulay. Isang araw, nakita niya sa kanilang kusina ang
isang garapon ng munggo. May naisip siya. Kinuha niya ito at dinala sa kanilang bakuran.
Nagbungkal siya ng lupa at itinanim ang buto ng munggo. Hindi nagtagal, sumibol na ang
kanyang itinanim na buto. Laking tuwa ng kanyang nanay. May pandagdag na siyang mailuluto
sa paborito ni Mark.

2. Pagtatalakay
 Sino ang mahilig kumain ng gulay?
 Ano ang nakita niya?
 Ano ang ginawa niya sa buto ng munggo?
 Anong uri ng bata si Mark?
 Ano ang inyong hinuha tungkol sa napakinggang teksto?
3. Pangkatang Gawain
Panuto: Ibigay ang inyung hinuha sa napakinggang teksto.

Pangkat 1 – 4
Kailangan n gating katawan ang walo hanggang sampung baso ng tubig araw – araw.
Nililinis nito ang dumi sa loob n gating katawan. Nakatutulong din ito upang hindi mangasim an gating
sikmura. Sadyang kailangan ng ating katawan ang tubig.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano mabibigyan ng hinuha ang napakinggang teksto.

2. Pagsasanay
Panuto: Makinig nang mabuti at ibigay ang inyung hinuha tungkol dito.

Si Lino ay isang kusinero, siya ay nagluluto sa isang sikat na kainan sa kanilang


lugar. Sa kaniyang suweldo, nakapag – aaral niya ang kanyang kapatid. Kaya tinitipid niya ang kanyang
kinikita. Nang magkaroon ng sapat na ipon, nagsimula siya ng sariling negosyo. Bukod sa suweldo, may
bukod na siyang pinagkakakitaan.

IV. Pagbibigay – Halaga


Panuto: Pakinggan ang kuwento at ibigay ang inyong hinuha tungkol dito.

Magtatanghali na nang magising si Malou mula sa kanyang pagkakatulog. Dali – dali


siyang nagbihis. Agad kinuha ang bayong na lalagyan ng kanyang mga bibilhin. Nagmamadali siyang
naglakad papuntang palengke. Diretso sa suki niyang tindera ng isda. Siya lamang kasi ang nagtitinda ng
paborito niyang isda. Pagdating sa puwesto, biglang napangiti ang kanyang suking tinder. Iniabot ang
maliit na salamin. Kakatuwa pala ang kanyang hitsura. Baligtad pala ang kanyang blusa. Sa pagmamadali
hindi na niya ito napansin. Napangiti na lamang si Malou sa kanyang sarili. At nabanggit ang isang
pangako, “Mula ngayon, titingin muna ako sa salamin bago lumabas ng bahay”.

A.M.

D.P.

V. Takdang – Aralin
Magsaliksik ng kuwento at ibigay ang hinuha tungkol dito.
Banghay Aralin sa Filipino 1

Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan.

II.Paksang - Aralin
A. Pagsasabi ng paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o Gawain.
B. Batayang Aklat: Bumasa at Sumulat ph. 180 – 184
C. Larawan, Tsart
D. PAGKAMASIPAG/PAGKAMATULUNGIN

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw – Sigla: Awit na may kilos

2. Pagganyak
( Magpakita ng larawan ng mga batang naglilinis sa paaralan.)
Tanong:
Anong mga kilos ang ipinakita sa larawan?Saan sila naglilinis?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
1. Sumasakay ako sa tamang tawiran.
2. Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.
3. Pumipila at di ako nakikipag – unahan sa pag –inom ng tubig.

2. Pagtatalakay

 Ano ang salitang kilos sa unang pangungusap? Anong salita sa pangungusap ang nagsasaad
kung saan ito ginawa? (sa tamang tawiran)
 Ano ang salitang kilos sa pangalawang pangungusap? Anong salita sa pangungusap ang
nagsasabi kung kalian ito ginawa? (kapg ang ilaw ay pula)
 Ano ang salitang kilos sa pangatlong pangungusap? Anong salita sa pangungusap ang
nagsasabi kung paano ito ginawa?

Ang sa tamang tawiran ay nagsasabi ng lugar kung saan ginawa ang kilos.
Ang kapag ang ilaway pula naman ay nagsasaad ng panahon kung saan ginawa ang kilos.
At ang di ako nakikipag – unahan ay nagalalarawan ng paraan kung paano ginawa ang kilos.
3. Pangkatang Gawain
Panuto: Mag –isip ng mga kilos na nagpapakita ng pagiging mabuting Pilipino. Sabihin ang
paraan, panahon at lugar kung saan ginagawa ang kilos. Gamitin ang pormat sa ibaba.

Kilos Lugar Panahon Paraan

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano masasabi ang lugar, panahon at paraan sa pagsasagawa ng kilos?
2. Pagsasanay
Panuto: Sabihin ang lugar, panahon at paraan sa pagsasagawa ng kilos sa sumusunod na larawan.

Batang naghuhugas Sanggol na


ng plato sa kusina
natutulog sa kuna

IV. Pagbibigay – Halaga


Panuto: Sabihin ang lugar, panahon at paraan sa pagsasagawa ng kilos.

1. Makikita sa lansangan ang maraming dekorasyon sa pasko.


Saan makikita ang maraming dekorasyon sa pasko? __________
2. Ang mga madre ay tahimik na nagdarasal sa loob ng monastery.
Paano nagdarasal ang mga madre sa loob ng monastery? __________
3. Magsisimba kami sa madaling araw kasama ang buong pamilya.
Kailan magsisimba ang buong pamilya? __________
4. Naglalaro sa parke ang mga mag – aaral.
Saan ngalalaro ang mga mag – aaral? __________
5. Tumatakbo ng mabilis ang sasakyan kaya nabangga.
Paano tumakbo ang sasakyan na nabangga? __________
A.M.
D.P.

V. Takdang – Aralin
Kumpletuhin ang talata.

Mailalarawan ang mga kilos sa pamamagitan ng pagsasabi kung __________,

__________ at __________ ito ginawa.


Banghay Aralin sa Filipino 1
Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita. (F1KP – III-j-6)

II.Paksang - Aralin
A. Pagpapalit at pagdadagdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita.
B. Bumasa at Sumulat Patnubay ng Guro ph. 356 – 358
C. Tsaart, Istrip ng Papel, Pocket chart
D. PAGKAALERTO

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Pamukaw – Sigla: Awit


2. Pagganyak
Anu – ano ang mga makikita natin sa ating kapaligiran?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
(Isulat ang sumusunod na salita sa pisara.)
Sapa ilog dagat hangin lupa
 Basahin natin ang mga salitang naksulat sa pisara.
(Babasahin muna ng guro tapos sunod na babasa ang mga bata)
 Saan natin makikita ang mga ito?

2. Pagtatalakay
(Gumamit ng pocket chart)
Tulungan ang mga bata sa pagtukoy ng mga tunog na bumubuo sa bawat salita. Sabihin
muna ang buong salita, pagkatapos ay isa – isang ilagay sa pocket chart habang binabanggit ang
tunog nito.

 Sa salitang sapa. Ano kaya ang mabubuong salita kung:


a. Papalitan natin ng K ang S? (Sagot: Kapa)
b. Papalitan natin ang K ng T? (Sagot: Tapa)
c. Papalitan natin ang T ng M? (Sagot: Mapa)
 Sa salitang ilog. Ano kaya ang mabubuong salita kung:
a. Dagdagan natin ng B ang ilog? (Sagot: Bilog)
b. Palitan ang BI ng TU? (Sagot: Tulog)
c. Palitan natin ng NG ang G? (Sagot: TuloNG)
3. Pangkatang Gawain
Panuto: Palitan at dagdagan ang tunog ng mga salita upang makabuo ng bagong salita.
(Pangkat 1- 4 )

Salita Palitan Dagdagan


1. dagat
2. hangin
3. lupa

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang nabubuo kapag pinapalitan o dinadagdagan natin ang tunog ng isang salita?
(Sagot: Makakabuo tayo ng isang bagong salita.)

2. Pagsasanay
Panuto: Sumulat ng isang salita sa maliit na papel. Bigyan ng panahon upang magsalitan sila ng katabi.
Maaari nilang palitan o dagdagan ang tunog ng nabuong salita upang makabuo ng bagong salita. Pareho
nilang babasahin ang nabuong salita.

IV. Pagbibigay – Halaga

Panuto: Palitan at dagdagan ang tunog ng mga salita upang makabuo ng bagong salita.

Salita Palitan Dagdagan


1. basa
2. mata
3. usa

A.M.

D.P.

V. Takdang – Aralin
Sumulat ng dalawang salita. Dagdagan at palitan ang tunog nito upang makabuo ng bagong salita.
Banghay Aralin sa Filipino 1

Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
(Ika – apat na Araw)

I. Layunin
- Nagagamit ang mga natutuhang salita sa pagbuo ng simpleng pangungusap. (F1PP-IIIj-9)
- Nasusulat ng may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra upang
maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu, salita, pangungusap. F1KM-IIIj

II.Paksang - Aralin
A. 1. Paggamit ng mga natutuhang salita sa pagbuo ng simpleng pangungusap.
2. Nakasusulat ng may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra upang maipahayag
ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu, salita, pangungusap.
B. Patnubay ng Guro: Bumasa at Sumulat 1, ph. 368 – 371
C. Tsart, metacards
D. PANGANGALAGA SA MGA LIKAS NA YAMAN

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw – Sigla: Awit
2. Pagganyak
 Anu – anong mga likas na yaman ang makikita ninyo sa ating mga karagatan?
 Marami pa ba ito ngayon sa ating mga karagatan?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
(Pagbasa ng kuwento)

“Ang Butanding”
Ang Butandinging ay isa sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Hindi ito isang balyena. Ito ang
isang pinakamalaking isda na matatagpuan sa bansa.
Ito ay matatagpuan sa maligamlam na tubig ng Bohol at Sorsogon kaya naman ang mga lugar na
ito ay dinarayo tuwing Enero at Hunyo.
Malaki ang naitutulong nito sa turismo at sa kabuhayan ng mga nakatira dito.

2. Pagtatalakay
Panuto: Isulat ang sagot sa pisara
 Tungkol saan ang kuwento? ( Butanding )
 Hindi ito katulad ng anong isda? ( Balyena )
 Ito ay nakatira sa anong lugar? ( Bohol at Sorsogon )
 Basahin ang mga salitang nakasulat sa pisara.
Butanding balyena Bohol Sorsogon
 Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
 Ang Bohol at Sorsogon ay nagsimula sa anong titik?
 Gamitin ang mga salitang ito sa simpleng pangungusap.

3. Pangkatang Gawain
Para sa Pangkat I at II
Panuto: Sumulat ng tatlong likas na yaman na makikita sa kagubatan.
Pagkatapos ay gamitin ito sa pagbuo ng simpleng pangungusap.

Para sa Pangkat III at IV


Panuto: Ipahayag ang inyong reaksiyon sa isyu. Isulat ito ng may wastong baybay, bantas at
gamit ng malaki at maliit na letra.
Patuloy ang pagtapon ng mga basura at kemikal ng mga paktorya sa mga ilog at dagat.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano magagamit ang mga natutuhang salita sa pagbuo ng isang simpleng pangungusap?

2. Pagsasanay
Panuto: Gamitin ang sumusunod na salita sa pagbuo ng isang simpleng pangungusap.
1. dagat 2. Lansangan 3. Bundok 4. Punong – kahoy 5. Palay

IV. Pagbibigay – Halaga


Panuto:
1. Basahin ulit ang kuwento ng “Ang Butanding” , pumili ng tatlong salita at gamitin ito sa
pagbuo ng simpleng pangungusap. ( 1 – 3 )

2. ibigay ang inyong reaksiyon tungkol sa kuwento at isulat ito ng may wastong baybay, bantas at
gamitan ng malaki at maliit na letra. ( 4 – 5 )

A. M.
D. P.

V. Takdang – Aralin
Gamitin ang salitang buhangin at pananim sa pangungusap.
Banghay Aralin sa Filipino 1

Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon. F1PL – Oa-j-2

II.Paksang - Aralin
A. Paggamit ng wika bilang bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon .
B. Patnubay ng Guro: Bumasa at Sumulat ph. 210 – 214.
C. Tsart
D. PAGPAPAHALAGA SA WIKANG FILIPINO

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw – Sigla: Awit
2. Pagsasanay
Basahinang sumusunod na salita
Wika tunog salita letra
3. Paglalahad
Pagkanta ng Alpabetong Pilipino. Hikayatin ang mga mag – aaral na sumali sa pagkanta.
A B C D E F G H I J
K L M N Ñ NG O P Q R
S T U V W X Y Z
(Ulitin ang pag –awit ng dalawang beses.)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagtatalakay
Ang mga ito ay mga letra ng Alpabetong Pilipino. Ang iba ditto ay natutunan na ninyo sa
“Mother Tongue”.
Magbigay ng mga letra at magbigay ng isang salita galling sa letrang ito.
2. Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay gagamitin ang mga letra upang makapagbigay ng mga salita at ibigay ang
ibig sabihin nito.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano magagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon?

2. Pagsasanay
Gabayan ang mga mag – aaral sa pag – iisip ng iba pang salitang nalalaman nila na gumagamit ng
mga tinutukang letra.
IV. Pagbibigay – Halaga
Panuto: Gamitin ang sumusunod na letra sa pagbuo ng mga salita bilang pagtugon sa sariling
pangangailangan at sitwasyon.

1. H
2. N
3. P
4. L
5. E

A. M.
D. P.

V. Takdang – Aralin

Magbigay ng iba pang salita na ginagamitan ng Alpabetong Pilipino.

You might also like