You are on page 1of 11

Paglalarawan sa Tao ,

Bagay , Hayop , Lugar at


mga Pangyayari
Balik –Aral sa nakaraang Aralin o
pasimula sa bagong aralin

Mga bata balikan natin ang ating nakaraang


aralin , saan natin kadalasang nakikita o
nababasa ang mga nangyayari sa ating
kapaligiran?
Paghahabi sa layunin ng aralin
Bago tayo magsimula ng ating leksyon atin munang tulain ang tulang :

“Ang Aking Alaga”

Ako ay may alaga ,


isang asong matabaa,
buntot ay mahaba maamo ang mukha ,
siya ay mahal ko ,
ako ay mahal niya ,
kaya kaming dalawa ay laging magkasama.
Pag- uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin

 Mga Bata may mga bagay akong ipakikita sa inyo , bawat


isa ay bibigyan ko nito at mag isip kayo ng mga salitang
naglalarawan dito. Paramihan kayo ng isusulat ninyo sa
papel.
Pagtatalakay ng bagong konsepto

 Saaraling ito, ikaw ay inaasahang makapaglalarawan


ng mga tao, hayop, bagay, at lugar sa pamayanan. Isa
sa bahagi ng pananalita ay ang pang-uri. Pang-uri ang
tawag sa mga salitáng naglalarawan. Kadalasan,
ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan. Ang salitáng panlarawan ay mga salitáng
naglalarawan sa hitsura, hugis, laki, kulay, amoy, at
panlasa ng tao, hayop, bagay, lugar, at maging
pangyayari upang mas pagandahin ang paglalarawan
sa ngalang inilahad.
Pagtatalakay ng bagong konsepto

HALIMBAWA:
Hitsura: maganda , makinis
Laki: malaki, maliit
Hugis: bilog, tatsulok
Kulay: pula, asul
Timbang: mabigat, magaan
Amoy: mabango, mabaho
Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan No. 2
 Basahin ang alamat.
“Ang Alamat ng mga Daliri”
Noong unang panahon, ang ating mga daliri ay
magkakadikit. Ang pinakamaliit ay si “Kung gayon, maaaring si Hinlalaki iyon, “wika ni
Kalingkingan at ang pinakamataas ay si Hinlalato. Hintuturo. “Alam mo, madalas nang hindi
Halos magkasintaas sina Hintuturo at tumutulong si Hinlalaki sa ating mga gawain. At ‘pag
Palasingsingan. Tanging si Hinlalaki ang mataba at oras na ng kainan, siya ang unang-unang dumudulog
pandak. Sila ay magkakapatid. Ang magkakapatid sa hapag,” pagrereklamo ni Kalingkingan. Nag-usap
ay nagtutulungan sa mga gawain maliban kay ang apat na magkakapatid. Lahat sila ay nakapansin
Hinlalaki. Isang araw, habang naglilinis ng sa ibang ugali ni Hinlalaki. “Mula ngayon, lalayo na
bakuran si Hintuturo katulong ni Hinliliit, táyo sa kaniya,” mungkahi ni Hintuturo.”Subalit
napansin niya na may natutulog sa ilalim ng kailangan sa lahat ng ating gawain ay tulungan niya
punong santol. “Hinliliit, sino ang naroroon sa tayo,” wika ni Hinliliit. Nagkasundo ang mga
ilalim ng punò?”, tanong ni Hintuturo. “Ewan ko. magkakapatid. Buhat noon, napahiwalay na si
Nagluluto si Hinlalato at naglilinis ng bahay si Hinlalaki sa kaniyang apat na kapatid.
Palasingsingan,” tugon ni Hinliliit.
Paglilinang sa Kabihasan
(Tungo sa Formative Assessment )

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa


nabasang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Si Hinlalaki ay mataba ngunit _______ (mataba, pandak).


2. Sa mga daliri, Si Kalingkingan anf______(pinakamalaki, mataba).
3. Si Hinlalato ang ______ (pinakamaliit, pinakamataas).
4. Ang magkapatid na Hintuturo at Palasingsingan ay _______
(magkasingbango, magkasingtaas).
5. Lahat sila ay nakapansin sa _______ ugali ni Hinlalaki ( pandak, mataas).
Paglalahat ng Aralin

 Ano ang tawag sa salitang naglalarawan?

 Ano ang inilalarawan ng pang-uri?


Pagtataya ng Aralin
Piliin ang salitáng bubuo sa pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
(masipag, magalang, matulungin, mapagmahal, matalino)

1. Nasasagot ni Bong ng ________ ang mga tanong tungkol sa mga


aralin.
2. Ang taong ________ ay nakatatapos ng mga gawain.
3. Kung ikaw ay ________ marami kang matutulungan.
4. Ang anak na nagsasabi ng “po” at “opo” ay __________.
5. Lalong minamahalan ng magulang ang batang babaeng __________.
Karagdagang gawain para sa takdang aralin
(Assignment)

Gumuhit ng larawang nagpapakita ng


kagandahan ng kapaligiran. Sumulat ng
dalawang pangungusap na naglalarawan sa
iyong iginuhit. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

You might also like