You are on page 1of 5

Department of Education

Region V
Division of Masbate
CORBADA ELEMENTARY SCHOOL
Corbada, San Fernando, Masbate

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2


CLASS OBSERVATION NO. 1

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang :
a. Magamit ang personal na karanasan sa paghinuha ng nangyari sa nabasa/ napakinggang
teksto o kwento

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: PAGBIBIGAY HINUHA
Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 2
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Video, Handouts

III. PAMAMARAAN:
a. PANIMULANG GAWAIN:
A. Awit (Video Presentation)
B. Panimulang Pagsubok:
Panuto: Ano ang hinuha mo batay sa sumusunod na mga pangyayari?
1. Araw-araw puno ng mga tao ang mga makasaysayang pook. May mga hindi
na nakakapasok.
a. Ipagbawal na ang araw-araw na pagdating ng mga tao.
b. Palakihin ang lugar para magkasya ang lahat ng gustong pumasok.
2. Gumuho ang Fort Santiago dahil sa binomba ng mga Hapon.
a. Iyon ay itatayong muli para sa alaala ng pambansang bayani
b. Iyon ay hahayaan ng mawala kasi mahal ang ang muling pagpapatayo
ng gusali.
3. Gusto ng isang mayor na palitan ng isang mall ang museo kung saan
nakalagak ang mga gamit ng bayani ng kanilang bayan.
a. Papayag ang mga tao kasi magkakaroon ng mall sa kanilang bayan.
b. Kokontra ang mga tao kasi mahalaga sa kanila ang alaala ng kanilang
bayani.
4. Nasa museo ng mga bayaning Pilipino ang mga mag-aaral. Mayroon ding
dalawang banyaga. Napansin ni Delfin na pinagtatawan ng dalwang banyaga
ang bawat makita sa museo.
a. Kakausapin ni Delfin ang mga banyaga. Sasabihin niyang dapat nilang
igalang ang alaala ng mga bayaning Pilipino.
b. Pababayaan ni Delfin ang mga banyaga sa kanilang ginagawa.
Matatanda na sila para malaman kung ano ang tama at ang mali.
5. Nasa Fort Santiago ang klase ni Bb. Gan. Nakita ni Troy ang isang kamag-
aral na palihim na nagtapon ng balat ng kendi sa mga gamit ni Jose Rizal.
a. Isusumbong siya ni Troy kay Bb. Gan.
b. Hindi siya pakikialaman ni Troy sa Kanyang ginagawa.

b. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


 Ang mga bata ay manonood ng isang maikling video ng kwento tungkol sa Corona
Virus.
 Ipaaalala ng guro sa mga bata ang mga pamantayan sa panonood/ pakikinig.
 Mga tanong pagkatapos:
1. Tungkol saan ang kwento?
2. Ano-ano ang mga mangyayari kapag nagkasakit ng Corona Virus?
3. Ano-ano kaya ang mga dapat gawin para makaiwas sa Corona Virus?
i. Bakit kailangang maghugas ng mga kamay palagi?
ii. Ano ang dapat gawin kapag lalabas o pupunta ng grocery store?
iii. Ano kaya ang mangyayari kung palagiang hawakan ang mukha na hindi
naghuhugas ng kamay o hindi gumagamit ng alcohol?
iv. Bakit kaya importanteng panatilihin ang 1 meter social distancing?

Tukuyin ang iyong hinuha sa kalalabasan ng pangyayari tungkol sa sumusunod na


sitwasyon. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Hindi sumunod sa pagsusuot ng mask si Gerry. Ilang araw ang nakalipas,
nagkaroon siya ng ubo. Maaaring …
2. Palaging hinahawakan ni Gerry ang kanyang mukha nang hindi gumagamit ng
alcohol o naghuhugas ng kamay. Ano kaya ang pwedeng mangyari?
3. Hindi nakinig si Gerry sa kanyang ama sa paalala nito tungkol sa 1 meter physical
distancing. Maaring siya ay …

c. PAGTATALALAKAY
 Ang hinuha ay palagay o hula tungkol sa kalalabasan ng isang pangyayari.
Tandaan:
 Pagbibigay ng Hinuha – ang palagay o hula tungkol sa kalalabasan ng isang
pangyayari ay tinatawag na hinuha.
 Nakagagawa ng hinuha tungkol sa maaring mangyari o maganap batay sa mga
naunang pangyayari o sa inilahad na sitwasyon.
 Maari ding magbigay ng hinuha batay sa personal na karanasan ng nagbabasa
ng teksto o kuwento.

 Nakagagawa ng hinuha tungkol sa maaaring mangyari o maganap batay sa personal


na karanasan batay sa nabasang teksto o kuwento.

d. PAGLALAPAT: PANGKATANG GAWAIN


PANGKAT 1:
Ibigay ang iyong hinuha sa kalalabasan ng pangyayari sa bawat bilang. Guhitan ng
masayang mukha ang bilog na katapat ng iyong sagot.
 Naiwan ni Rommel ang kanyang tsokolate sa kanilang sala. Nang kanyang balikan,
nakita niyang hawak na iyon ng kanyang kapatid.
o Aagawin ni Rommel ang tsokolate habang pinagagalitan ang kapatid.
o Sasabihin ni Rommel na kanya ang tsokolate habang tinatanong ang kapatid
kung gusto niyang humati sa kanya.
 Nagsalang ng tubig ang nanay. Nang makita ni JR na kumukulo na iyon. Pinatay niya
ang apoy at binuhat ang kaldero. Subalit mainit pala ang hawakan niyon.
o Hindi niya matatagalan ang init. Mababagsak ang kaldero.
o Tatawagin niya ang kanyang nanay para kunin ang kaldero sa kanya.
 Maagang nakatulog si Celine dahil masakit ang kanyang ulo. Hindi siya tuloy
nakagawa ng mga takdang-aralin niya.
o Hindi siya papasok sa susunod na araw. Ayaw niyang mapagalitan ng kanyang
guro sa pagpasok nang walang takdang-aralin.
o Papasok siya. Sasabihin niya sa kanyang guro kung bakit hindi siya nakagawa
ng mga takdang-aralin.
 Naghati sa kaunting ulam ang magakapatid na Ricky at Alvin. Napansin ni Ricky na
gusto pang kumain ng nakababatang kapatid pero wala na itong ulam. Siya ay may
ulam pa.
o Ibibigay ni Ricky ang natitira niyang ulam sa kapatid
o Bibilisan ni Ricky ang pagkain para maubos na rin ang ulam niya.
 Pupunta ang nanay sa probinsya. Gustong-gustong sumama ni Yna pero mayroon
siyang markahang pagsusulit. Sa araw ng pag-alis ng nanay, nagkasakit kaya hindi
makakasama ang ate ni Yna. Hindi maaaring lumakad nang walang kasama ang
nanay.
o Sasamahan ni Yna ang nanay. Liliban siya sa iskul kaya hindi siya
makakapag-test.
o Hindi na tutuloy ang nanay. Hindi siya papayag na mag-absent si Yna dahil
may test ito.

PANGKAT 2:
Basahin at isulat ang iyong hinuha sa bawat sitwasyon.
 Alam ni Thelma na may butas ang kanyang ngipin. Paulit-ulit siyang pinagsasabihan
ng kanyang nanay na huwag kakain ng tsokolate dahil tiyak na sasakit ang kanyang
ngipin. Isang araw, nadatnan ng nanay si Thelma na umiyak habang sapo ang
kanyang ngipin.
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________.

PANGKAT 3:
Panuto: ano ang hinuha mo sa kalalabasan ng pangyayari ang iyong hinuha batay sa
iyong personal na karanasan lagyan ng (/) ang patlang na katapat ng iyong sagot.
 Naglalaro si mika at ang bunso niyang kapatid na si Trixie. Mayamaya, tumakbo si
Mika at may hawak nang gunting nang bumalik. Tinawag niya si Trixie.
o ____ Tuturuan niya ng paggupit ng papel na manika si Trixie.
o ____ Gugupitan niya ang buhok ni Trixie.
 Pagod na pagod sa matagal na pakikipaglaro si Rodel. Nakahain na ng pananghalian
nang siya’y pumasok sa kanilang bahay
o ____ Marami siyang makakain dahil nagutom sa matagal na paglalaro.
o ____ Kakaunti lamang ang kanyang makakain dahil sa sobrang pagod
sa paglalaro.
 Pangako ng mga magulang kay Rapunzel na bibigyan siya ng parti sa kanyang
kaarawan. Ilang araw bago ng parti, naospital ang tatay ni Rapunzel. Naibayad pati
ang perang nakalaan para sa bertdey niya. Nang kausapin si Rapunzel ng kanyang
mga magulang,
o ____ pipilitin niya ang mga ito na ituloy ang kanyang bertdey parti.
o ____ sasabihin niyang huwag nang ituloy ang kanyang bertdey parti.

e. PAGLALAHAT
i. Ano ang hinuha?
ii. Paano mo naibibigay ang iyong hinuha?
IV. PAGTATAYA
A. Panuto:
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang iyong hinuha. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang batang si Jose ay madalas kumain ng tsokolate pero hindi siya nagsisipilyo.
a.Sasaki tang kanyang tiyan.
b. Sasakit ang kanyang ngipin.
c.Sasakit ang kanyang ulo.
2. Mangingisda si Mang Juan. Isang araw inabutan siya ng malakas na alon sa gitna ng
dagat.
a.Makakahuli siya ng madaming isda.
b. Tataob ang kanyang Bangka.
c.Wala siyang mahuhuling isda.
3. Si Bb. Honey ay isang guro na mabait. Matiyaga niyang tinuturuan ang kangyang
mga mag-aaral hindi lamangng pagbabasa at pagsusulat pati na din ng kagandahang
asal.
a.Galit ang mga mag-aaral sa kanya
b. Walang natututunan ang mga bata sa kanya.
c.Mahal na mahal siya ng kanyang mga mag-aaral
4. Masipag mag-aral si Agnes. Palagi siyang nakakakuha ng mataas na marka sa
pagsusulit.
a. Mangunguna siya sa klase.
b. Hindi siya papasa.
c. Makakakuha siya ng mababang grado.
5. Ang bunsong kapatid ni Ikay ay madalas maglaro ng posporo sa likod bahay.
a. Hahayaan lang siya ng kanyang nanay.
b. magiging malinis ang kanilang bahay

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Basahing mabuti ang talata at isulat sa inyong kwaderno ang inyong hinuha.
Maagang pumasok si Karla sa paaralan. Habang nagkaklase ay natigilan ang lahat dahil sa
lakas ng buhos ng ulan. Kalahating oras na ay hindi pa ito humihinto. Napansin nila ang pag-apaw
ng tubig sa kanal. Mayamaya’y biglang dumating ang punong-guro at tila natataranta.

Ihinanda ni:

EVA E. CONSIGRA
GURO

Inaprobahan ni:
KIWOT D. ARIZALA
PUNONG GURO

You might also like