You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

IKALAWANG BAITANG

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
A. Nailalarawan ang mga elemento (tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento
(panimula, kasukdulan, katapusan/kakalasan)

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Elemento at Bahagi ng Kuwento
B. Sanggunian : Youtube, Google
C. Kagamitan : Google Slide, Google Meet
D. Pagpapahalaga: Pagiging mapanuri
E. Pamamaraan : Talakayan, Q&A, panonood ng kwentong pambata

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Guro: Magandang umaga mga bata!
Mag – aaral: Magandang umaga din po Ginoong Percy!
Guro: Kamusta Kayo?
Mag – aaral: Mabuti naman po.
Guro: Ayos! Ngayong araw ay may ipapanood akong bidyo sa inyo. Ito ay
tungkol sa nararanasan nating pandemya ngayon. Ang pamagat ng kuwentong
inyong mapapanood ay “Ang Halimaw na si Corona Virus.”

B. Paglalahad ng Paksa at Layunin


Guro: Ang kwentong ating napanood ay may kaugnayan sa ating paksang
tatalakayin. Ang paksang ating pag – aaralan ngayong araw ay tungkol sa
Elemento at Bahagi ng Kuwento.

C. Paghawan ng Sagabal
Guro: Ngayon, bago natin talakayin ang paksang ating pag – aaralan ay may
babasahin tayong mga salita. Halina at ating alamin kung ano ang mga kani –
kanilang kahulugan.

Mag – aaral: tauhan, tagpuan, banghay, simula, tunggalian, kasukdulan,


kakalasan, wakas

Guro: Mahusay! Alamin naman natin ang kahulugan ng bawat salitang ating
binasa.

Tauhan - Ito karakter na gumaganap o ang nagbibigay-buhay sa kwento

Tagpuan - Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan nangyari ang kwento

Simula - Sa bahaging ito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at


ipinakikilala rin ang tauhan at tagpuan ng kuwento

Tunggalian - Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga


suliraning kakaharapin

Kasukdulan - Pinakamataas na pangyayari sa kwento kaya't ito ang


pinakamaaksiyon

Kakalasan - Bumababa sa bahaging ito ang takbo ng kwento na nagbibigay-daan


sa wakas.

Wakas - Makikita sa bahaging ito ang kinahihinatnan o resolusyon ng kwento


(masaya o malungkot)
Banghay - Ang maayos at wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang akda.

D. Pagtalakay

Guro: Ngayon na nalaman natin ang kahulugan ng mga salitang ating binasa.
Tara! At ating balikan ang pinanood nating kuwento. Alamin natin kung sinu –
sino at alin doon ang tauhan, tagpuan, at mga bahagi ng kuwento. Mayroong
tatlong elemento ang kuwento, ito ay ang tauhan, tagpuan at banghay. Ang
banghay ay ang pagkakasunod – sunod ng mga kuwento.Mayroon itong limang
bahagi, ang simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas. Sa tingin ninyo
sinu – sino ang mga tauhan sa kuwento?

Mag – aaral: Ang mga tauhan sa kuwento ay si Aling Sita, Ang Diwata ng
Kagubatan, ang mga mamamayan ng bayan ng Kalsona at Kurumaw

Guro: Magaling! Ano ang masasabi niyo tungkol kay Aling Sita?

Mag – aaral: Si Aling Sita ay misteryoso ngunit mabait.

Guro: Fantastic! Saan naman umatake ang Kurumaw batay sa kuwento?

Mag – aaral: Umatake ang Kurumaw sa bayan ng Kalsona.

Guro: Ano naman ang masasabi ninyo tungkol sa bayan ng Kalsona?

Mag – aaral: Ang bayan ng Kalsona ay maganda at madaming matataas na gusali.

Guro: Very Good! Paano naman nagsimula ang kuwento?

Mag – aaral: Nagsimula ang kuwento nang pumunta ng bayan si Aling Sita upang
mamili at madami siyang napansin na hindi kanais nais na gawain ng mga
mamamayan ng bayan ng Kalsona.

Guro: Mahusay! Ano naman ang naging suliranin ng mga taga bayan ng Kalsona?

Mag – aaral: Ang naging suliranin ng mga taga bayan ng Kalsona ay ang pag
atake ng halimaw na si Kurumaw.

Guro: Ang ginawa ng mga tao upang matalo at mawala si Kurumaw?

Mag – aaral: Ang mga tao ay hindi lumalabas ng kanilang bahay, sila ay nagdasal
ng taimtim araw – araw hanggang sa Nawala si Kurumaw.

Guro: Tama! Iyan ang tinatawag nating home quarantine. Kaya tayo ay nagkikita
at nag – uusap na lamang ngayon sa pamamagitan nitong google meet. Paano
nalaman ng mga tao na wala na si Kurumaw?

Mag – aaral: Nalaman ng mga tao na wala na si Kurumaw dahil sa isang tao na
naglakas loob lumabas at nagpatunay nito.

Guro: Dabest! Ano naman ang naging wakas ng kuwento?

Mag – aaral: Ang naging wakas ng kuwento ay isa palang engkantada si Aling
Sita. Ginawa niyang Kurumaw si Ogie, ang kanyang alagang Unggoy upang
turuan ng leksyon ang mga tao.

Guro: Tama! Ngayon na nalaman natin kung sinu – sino ang mga tauhan, kung
saan ang tagpuan at ang pagkaka sunod sunod ng kuwento.

E. Paglalahat
Guro: Tungkol saan naman ang ating paksang pinag – usapan ngayong araw?

Mag – aaral: Ang ating paksang pinag – aralan ay tungkol sa elemento at bahagi
ng kuwento.

Guro: Anu – ano ang mga elemento ng kuwento?

Mag – aaral: Ang mga elemento ng kuwento ay tauhan, tagpuan, at banghay

Guro: Anu – Ano naman ang mga bahagi ng kuwento?

Mag – aaral: Ang mga bahagi ng kuwento ay ang simula, tunggalian, kasukdulan,
kakalasan, at wakas

Guro: Mahusay! Ngayon ay nalaman na natin ang mga elemento at bahagi ng


kuwento.

F. Paglalapat
Sa loob ng sampung minuto ay gumawa ng sariling kuwento isulat ito sa isang
buong papel. Maaaring ito ay batay sa inyong mga karanasan o karanasan ng
ibang tao. Maaaring tungkol ito sa paborito mong hayop o mula sa iyong
panaginip. Anumang paksa ay maaaring gamitin. Ikuwento sa buong klase.

IV. Pagtataya
Sagutan sa sagutang papel ang mga tanong sa baba.

Ano ang tauhan sa kuwento?


Ano naman ang tagpuan sa kuwento?
Ano naman ang banghay?

V. Takdang Aralin

A. Alamin ang tamang salita na katumbas ng mga kahulagan na makikita sa screen.

1. Ito ang nagbibigay-buhay sa kwento


2. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan nangyari ang kwento
3. Sa bahaging ito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at ipinakikilala
rin ang tauhan at tagpuan ng kuwento
4. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning
kakaharapin
5. Pinakamataas na pangyayari sa kwento kaya't ito ang pinakamaaksiyon
6. Bumababa sa bahaging ito ang takbo ng kwento na nagbibigay-daan sa wakas.
7. Makikita sa bahaging ito ang kinahihinatnan o resolusyon ng kwento (masaya
o malungkot)
8. Ang maayos at wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda.

Sa ikalawang bahagi ng
papel, subukang gumawa ng
sariling maikling
kuwento. Maaaring batay ito sa
inyong mga karanasan o
karanasan ng ibang
tao. Maaaring tungkol ito sa
paborito mong hayop o mula sa
iyong panaginip.
Anumang paksa ay maaaring
gamitin
Sa ikalawang bahagi ng
papel, subukang gumawa ng
sariling maikling
kuwento. Maaaring batay ito sa
inyong mga karanasan o
karanasan ng ibang
tao. Maaaring tungkol ito sa
paborito mong hayop o mula sa
iyong panaginip.
Anumang paksa ay maaaring
gamitin
Sa ikalawang bahagi ng
papel, subukang gumawa ng
sariling maikling
kuwento. Maaaring batay ito sa
inyong mga karanasan o
karanasan ng ibang
tao. Maaaring tungkol ito sa
paborito mong hayop o mula sa
iyong panaginip.
Anumang paksa ay maaaring
gamitin

You might also like