You are on page 1of 6

Surigao Education Center

Km. 2, National Highway, Surigao City, 8400

Banghay Aralin Sa Filipino (Barayti ng Wika)


I. Layunin :
Pagaktapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a) Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng Barayti ng Wika,
b) Naiuugnay ang Barayti ng Wika sa sariling kaalaman at karanasan,at
c) Nakabubuo ng maikling dayalog/ pagsasadula gamit ang aralin.
II. Paksang Aralin :
A. Barayti ng Wika
B. Sanggunian : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Pahina 8- 12
C. Kagamitan : Visual Aid, Powerpoint Presentation at Pamantayan sa Gawain.
III. Pagpapahalagang Pangwika : Paggalang sa pagkakaiba-iba ng wika ng bawat isa.

IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimula Makikibahagi/Sasagot

1. Pambungad na Panalangin:

“ bago tayo magsimula sa ating bagong (Magsisitayo ang lahat para sa


aralin ay magsitayo muna ang lahat panalangin)
para sa panalangin.”

(Tatawag ng mag-aaral upang


pangunahanang panalangin.)

“ Bb, pangunahan mo ang panalangin.” “Manalangin na po tayo”

“Amen” “Amen”

2. Pagsasaayos ng silid-aralan:

“ pakipulot ang mga kalat sa inyong (pupulutin ang mga kalat sa kanilang
paligid,ayusin ang mga upuan para paligid, aatyusin ang mga upuan at
mapanatili ang kaayusan ng klase at uupo ng tahimik)
tumahimik.”

3. Pagtatala ng Liban

( kukunin sa class monitor ang talaan ( titiyaking maayos na nakaupo at


ng liban) tahimik)

4. Pangganyak
Hahatiin sa apat na pangkat ang klase
at kukuha ang bawat pangkat ng
magprepresenta.
Bibigyan sila ng envelope na
naglalaman ng mga larawan at
gagayahin nila ang paraan ng
pagsasalita ng tao na kanilang nabunot.

(Pagbunot at pagtatanghal ng bawat


pangkat)

“ano ang inyong napansin sa ating (Magtataas ng kamay at sasagot)


ginawang aktibidad?”

“Tama!”
“Ano pa ang inyong napansin” (Magtataas ng kamay at sasagot)
“Sige, ikaw binibini”

“Mahusay!”

5. Paglalahad ng Paksa
B. Paglalahad “ Makinig na ang lahat” (tatahimik ang lahat at makikinig.)

“Batay sa ating naging aktibidad ang


aralin sa araw na ito ay ang Barayti ng
Wika. ” (pagpapakita ng biswal sa
powerpoint)
Unang Pangakat
“At ngayon papangkatin ko kayo sa Showbiz Balita- Mag-iimpersonate o
apat.”(pagpapangkat at pagbibigay ng manggagaya ng kanilang nais na
panuto sa bawat pangkat.) personalidad at itatanghal ito sa klase
na parang isang interview.

Ikalawang Pangkat
Wika Chat- Gagawa ang Pangkat ng
isang chatbox na kinabibilangan ng
iba’t ibang uri o pangkat ng tao.

Ikatlong Pangkat
Pagsasadula- Magsasadula ng napiling
eksena sa isang pelikula. Sa
pagsasadulang ito kinakailangan na
Makita ang barayti ng wikang pidgin.

Ika-apat na Pangkat
News Patrol- Magtatanghal ang mga
mag-aaral ng isang news report na
nagpapakita ng iba’tibang dayalekto
ng bansa.

“ Bibigayan ko lamang kayo ng limang


minuto para magahanda, hindi hihigit
sa tatlong minuto ang presentasyon at
bago tayo mag-umpisa ay narito ang
pamantayan ng inyong magiging
presentasyon.”

Pamantayan sa Presentasyon

Kaayusan 25%
Kalinawan ng mensahe 50%
Pagkamalikhain sa presentasyon 25%
Kabuuan 100%

(pagpapakita ng biswal sa powerpoint)

“ang unang pangkat ang mauunang


magtanghal.”
(tatayo at
C. Paglalahad Unang Pangkat-showbiz balita Magsisimula sa pagtatanghal
ang unang pangkat)
“ano ang nais na ipakita ng inyong
natapos na presentasyon?” (pupunta sa harapan ang isang mag-
aaral upang sumagot.)
“Mahusay!”

“sa tingin ninyo anong barayti ng wika


nabibilang ito?” “Idyolek po”

“Magaling!”

“Base sa naging presentasyon ng


unang grupo paano ninyo bibigyan ng
pakahulugan ang idyolek. (magtataas ng kamay at sasagot)

“Tama!”

“ ang Idyolek ay barayti ng wika na


personal sa isang ispiker. May mga
salik natulad ng kwaliti ng boses at
katangiang pisikal”
(pagpapakita ng biswal gamit ang
powerpoint.) (tatayo at
Magsisimula sa pagtatanghal
Ikalawang Pangkat- wika chat ang pangalawang pangkat)

Binibini, sa aming presentasyon po


kungnakikita niyo ipinakita sa Wika
Chat ang iba’t ibang klase ng tao base
sa pangkat na kanilang kinabibilangan
at ang kanilang paraan ng pagsasalita
at pagbuong pangungusap, ipinakita
ng aming resentasyon na tayo ay iba
iba kung kaya’t iba iba din ang paraan
ng pagsasalita kailangan lamang na
irespeto natin ang bawat isa”

“ ano ang kabuluhan ng inyong naging (magtataas ng kamay at sasagot )


presentasyon?”

“tama!”

“Ano naman ang sosyolek?” “Binibini, ang sosyolek po ay


nabubuo batay sa dimensyong sosyal”
“Magaling”

“ang sosyolek ay nabbubuo batay sa


dimensyong sosyal.” (pagpapakita ng
kahulugan sa powerpoint)

Ikatlong Pangkat-pagsasadula (pagsasadula ng ikatlong pangkat.)

“Maari bang ipaliwanag ninyo ang


naging presentasyon ng inyong
pangkat.” (magpapaliwanag)

“Magaling!”

“ anong barayti ng wika ang naging


presentasyon ng ikatlong pangkat?”
“pidgin po”
“Magaling !”

“at ito rin ay tinatawag na nobody’s


native language”
(pagpapakita ng biswal powerpoint)

“Bukod sa pidgin Mayroon ding


barayti ng wika na Creole”
(pagpapakita ng biswal powerpoint)

“ Pakibasa ng sabay sabay” (pagbabasa ng mag-aaral)

“at ang pinakamahusay na halimbawa


nito sa atin ang chavacano”

Ika-apat na Pangkat-news patrol (pagtatanghal ng ika-apat na pangkat)

“mahusay!”

“anong barayti ng wika ang naging


presentasyon ng ikaapat na pangkat?” “Binibini, Dayalek po”

“magaling!”

“Ano naman ang dayalek?” (itataas ang kamay at sasagot)

“Mahusay!”

“ang dayalek ay ang wikang ginagamit


sa isang rehiyon,lalawigan o pook”

(pagpapakita ng biswal)

“At ang panghuli naman ay ang


Etnolek”“

Batay sa tawag dito sa tingin ninyo


ano ang etnolek?” (sasagot sa katanungan)

Tama!”

“ Wikang galing sa iba’t ibang pangkat


etniko”
(pagpapakita ng biswal sa powerpoint.)

“ Naintindihan ba ang ating Aralin”


“opo”

“ Magaling! Batid ko naunawaan na


ninyo ang ating aralin nais kong
panoorin ninyo ang inIhanda kong
video upang lubusan ninyong
maintindihan ang ating paksa.”

(bidyo presentasyon sa powerpoint)

V.Paglalahat “:sa inyong napanood na video ano sa


tingin niyo ang kahaagahan ng pag-
aaral naton ng barayti ng wika?” “Binibini, sa pag-aaral po natin ng
barayti ng wika mas nagkakaroon po
tayo ng malawak na pagkakaunawa sa
pagkakaiba-iba ng wika ng bawat isa.”

“tama!”

“magbigay pa ng ibang sagot” (Itataas ang kamay at sasagot)

“Mahusay!”

VI.Pagtataya Tama o Mali

Panuto:
Isulat ang T kung ang Isinasaad ng
pangungusap ay tama at M naman
kung Mali.

1. Dayalek o diyalektal ang


wikangginagamit sa isang
particular narehiyon. (T)
2. Ang sosyolek ay isang barayti ng
wikana personal sa isang ispiker. (M)

3. Tinatawag din ang pidgin na


nobody’s native language. (M)
4. Creole ay ang dating pidgin na
naging native language. (T)
5. Ang idyolek ang barayti ng
wika na nabubuo batay sa
dimensyong sosyal(M)
6. Kosa, pupuga na tayo mamaya. Ang
pangungusap ay halimbawa ng
sosyolek . (T)
7. Wiz ko feel ang hombre dito.
Ang pangungusap na ito ay halimbawa
VII. Takdang-Aralin ng ito ay Creole. (M)
8. ang etnolek ay nagmula sa iba’t
ibangetniko (T)
9. ang chavacano ay isang
halimbawa ng Creole. (T)
10. ang ganda hane! Ang
pangungusap na ito ay halimbawa ng
sosyolek. (M)

Ang bawat pangkat ay gagawa ng


isang poster na patungkol sa Barayti ng
Wika.

Pamantayan sa Paggawa ng Poster:


Kaayusan 25%
Nilalaman 25%
Pagkamalikhain 25%
Orihinal na gawa 25%
Kabuuan 100%

VIII. Pangwakas Panalangin

MARAMING SALAMAT PO!

Inihanda ni: Bb. Rashiel Jane Paronia Celiz, LPT


Aplikante

You might also like