You are on page 1of 18

Panuto: sundan ang putol-putol na guhit at

pagkatapos ay kulayan ito bibigyan ko kayo ng


limang minuto para gawin ito.
Ang Ibong Adarna ang orihinal na pamagat nito ay Corrido at
Buhay na Pinagdaanan ng tatlong prisipeng magkakapatid na
naghahanap ng lunas ng sakit para sa kanilang ama na si haring
Fernando at ang kanilang ina si Reina Valeriana sa kaharian ng
Berbania.
Panuto: hanapin sa diksyunaryo ang kahulugan ng sumusunod
na mga salita isulat sa 1/4 na papel bibigyan ko lang kayo ng
limang minuto para sumagot.

1. TEMA
2. PAKIKIPAGSAPALARAN
3. AWIT
4. KORIDO
5. IPINAPAKSA
6. BERSO
7. PANGYAYARI
8. LUNAS
9. PINAPALAD
10. NAGTATAGUMPAY
Basahin
May dalawang anyo ng pasalaysay rito sa
Pilipinas- ang awit at ang korido. Walalng tiyak
na petsa kung kalian nakarating sa kapuluan
ang uri ng panitikang ito. Wala ring nakaaalam
kung saan nagmula ang dalawang ito. May mga
nagsasabing galling ito sa Mexico.
Ang Korido ay tulang pasalaysay na
nagpapahayag ng mga
pangyayaring hango sa buhay ng
mga prinsipe, prinsesa, hari, at
reyna at ng iba pang mga monarka.
Lumaganap ang mga korido sa
panahon ng mananakop ng mga
Espanol dahil sa mga kanais-nais na
pagpapaphalagang nakapaloob dito
na angkop sa kulturang Pilipino.
Ang Korido ay isang tulang pasalaysay na may temang
romansa na patungkol sa pakikipagsapalaran ng mga bayaning
may dugong bughaw tulad ng mga prinsipe at prinsesa. Ang
mga tulang romansa ay may halong kulay at damdamin ng
pag-ibig.
Kadalasang ipinapaksa ito sa paglalaban ng mga Kristyano at
ng mga di-banayaga. Isang halimbawa ng Korido ay “Ibong
Adarna”.
Pakanta ang bigkas ng Korido at aapating linya (quantrain)ng
berso bawat saknong.
1.Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay
wawaluhing pantig.

2.Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa


mabilis na pagsasalaysay.
KORID
O
3.Ang paksa ay alamat at pantasya o may
kapangyarihang supernatural ang tauhan kung minsan.

4.May malalim na damdaming relihiyoso.


Ang Ibong Adarna
sa Iba’t-ibang
Bahagi ng Mundo
Walang bansang matutukoy
na pinagmulan ang Ibong Adarna.
May mga naniniwalang ito ay akda
ni Huseng Sisiw, subalit mas
marami ang naniniwalang ito’y
nagmula sa Europe.
Sinasabing may mga
pagkakahawig ang mga tauhan at
pangyayari sa akdang ito sa mga
kuwentong nagmula sa Denmark,
Germany, Indonesia, at mga
bansa sa Southwest Asia.
Magkakatulad ang mga ito sa
sumusunod na mga
pangyayari:
• Nagkasakit ang amang hari
at ang tanging makagagamot
sa kanya ay tubig ng buhay o
halaman ng buhay o di kaya
ay ang awit ng isang ibon.

• Ang maghahanap ng lunas ay


ang magkakapatid ng
prinsipe at ang anak na
bunso ang kadalasang
nagtatagumpay.
COLLOQUIUM
COLLOQUIUM
Ang colloquium ay isang impormal na
pulong para sa pagpapalitan ng mga
kaalaman ng mga eksperto para sa isang
paksang pinag-uusapan.
A. Pangkatang Gawain
Bumuo ng limang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng
mga pamantayan sa pagsasagawa ng colloquium. Gayon
din ang mga hakbangin.
Pag-usapan sa pamamagitan ng colloquium ang
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

B.Bawat pangkat ay magsasagawa ng isang impormal na


pagpupulong.
Bubuo ang mga kasapi ng mga tanong at pamantayan sa
gagawing pagpupulong at pag-uusapan ang kaligirang
pangkasaysayan ng ibong Adarna. Iuulat ng isang kasapi
ang napagpulungan. Ang pag-uulat ay mamarkahan sa
pamamagitan ng rubrik.
Rubrik para sa Pag-uulat
PAMANTAYAN 10 6 4 2

Malinaw at malalim ang pagkakabuo ng mga


tanong
Epektibong naipahayag ang mensahe batay sa
ginawang pagpupulong

Kawili-wili ang pag-uulat ng paksa at nakuha


ang atensyon ng mga nakikinig sa simula
hanggang wakas

Wasto ang pagkakasunod-sunod ng pag-uulat,


malinaw ang bawat salita

Kabuuang Puntos
Pamantayan ng Pagmamarka:
40-38- Napakahusay
37-30- Mahusay
29-20- Mahusay-husay
19-10-kailangan pa ng lubusang paghahanda
9-2- di pinaghandaan

Interpretasyon:
38-40- 100
30-37- 95
20-29- 90
10-19- 85
2-9- 80
V. Takdang-Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod
isulat sa kwaderno sa Filipino.

1. Kilalanin ang mga tauhan sa Ibong


Adarna.
2. Isulat ang katangian ng bawat isa.

Bb. Hyacinth B. Orillo

You might also like