You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

LINGGO 28
LAYUNIN.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:
1. 75% ng mga mag-aaral ay nakikilala ang luma at modernong ortograpiya sa pamamagitan ng
pagpili ng mga salitang nagbabago ang mga titik ang anyo sa akdang “sipi mula sa Ibong
Adarna”.
2. 75% ng mga mag-aaral ay nakagagawa ng sampung (10) pares na salita na magkatugma
batay sa tugmang patinig at tugmang patinig at katinig sa batay sa mga halimbawa sa aklat.
3. 75% ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng kasiyahan sa pagbuo ng isang taludtod na korido
sa luma at modernong ortograpiya sa pamamagitan ng pagsulat.
PAMANTAYA NG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ng mag-aarala ng kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at
pagpapahalaga upang isulong ang wikang Filipino

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang sanaysay na nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan at pagtangkilik ng wikang Filipino.

BILANG NG MODYUL: 3
BILANG NG ARALIN: LINGGO 25
A. Panitikan: “sipi mula sa Ibong Adarna”

YUGTO NG PAGKATUTO

A. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
1. PN3Aa: Nakikilala ang genre ng napakinggang akda.
2. PN3Af: Natutukoy ang pagkakaiba ng mga kahulugan ayon sa diin at haba nito.
3. PN3Ag: Nauunawaan ang napakinggang akda sa tulong ng tono, antala, haba at
diin.

PAGSASALITA
1. PA3Ac: Nakapagbibigay ng sariling katwiran tungkol sa isang isyu o paksa.
2. PA3Ae: Nabibigyang lalaim ang katwiran sa pamamagitan ng pagtanggi o pagsang-
ayon.
3. PA3Be: Nakapaglalahad ng mga pahayag nang may kaisahan, kabuuan, at
kaayusan.
4. PA3Cb: Nabibigyang paliwanag ang mga ideya ng tauhan ayon sa sitwasyong
kinabibilangan.
PAGSULAT
1. PU3Af: Nakagagawa ng tekstong naghahambing.
PAG-UNAWA SA BINASA
1. PB3Ac: Nakapagbibigay ng sariling katwiran tungkol sa isang isyu o paksa
2. PB3Ad: Natutukoy ang mga tugon na ginagawa ng pangunahing tauhan sa
tungggalian
3. PB3Ba: Natutukoy at nailalarawan ang panahong pinangyarihan ng akda.
4. PB3Ae: Napapangatwiranan ang kamalian at kawastuhan ng tugon ng tauhan sa
tunggalian.
5. PB3Bb: Natutukoy ang mga detalye ng akda na nagpapakita ng panahong
pinangyarihan ng akda.

1
B. TATAS
TA1-4C: Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at
kredibilidad
TA1-4D: Gagap ang gramatika at bokabularyong Filipino
C. PAKIKITUNGO SA WIKA AT PANITIKAN
PW1-4A
PW1-4B
D. ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
EP1-4A:Nakahahanap ng mga angkop at sari-saring batis ng impormasyon upang mapagtibay
ang mga paninindigan, mabigyang bisa ang mga pinaniniwalaan at makabuo ng kongklusyon.
EP1-4B: Alam ang pinagkaiba ng primary at sekondaryang batis.
Mga Kagamitan
Unang Araw:
a. Kagamitan ng mag-aaral sa pahina 23-48
b. Gabay ng Guro
c. Visual aids
Ikalawang Araw
a. Kagamitan ng Mag-aaral sa pahina 49-57
b. Gabay ng guro
c. Pandikit (scotch tape)
d. gunting

UNANG ARAW (Enero 13, 2017)


Pang araw-araw na Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagsuri ng Tala ng mga liban sa klase.
3. Pagbabalik-aral sa “Pork Empanada”

1. PAGGANYAK
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Knock! Knock! (kilos na kumakatok) Who’s there?
Twit! Twit! Twit!  Twit! Twit! Twit!  who?
Twit! Twit! Twit! Adarna!  Hahahaha :D Ibong adarna.

2. PRESENTASYON
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Ipapaskil ng guro ang larawan ng Ibong Adarna. Opo. Nabasa po naming sa mga pambatang
Pamilyar ba kayo sa Ibong Adarna? aklat na ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng
tatlong prinsipe. Ang dalawang kapatid na
panganay ay naiputan ng mahiwagan ibon kaya
naging bato. Ang ikatlong kapatid ay nahuli ang
Adarna.
Alam ba ninyo ang tunay na pamagat ng Ibong Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong
Adarna? Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang
Berbania
Tama. 

3. INTRODUKSIYON

2
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Sino ang nakaka alam ng kasaysayan ng Ibong > Walang tiyak na petsa kung kailan isinulat ang
Adarna? tula
> Hindi rin alam kung sino ang sumulat ng akda
> May ilang naniniwala na si Huseng Sisiw/Jose
dela Cruz, ang makatang nagturo kay
Francisco Balagtas kung paano tumula, ang
nagsulat ng akda
Ano ang malalaman tungkol sa akda mula sa -Ito ay isang korido.
pamagat? -May tatlong prinsepe na nagmula sa Berbanya.

Tama. 

4. PAGPAPAYAMAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Buksan ang inyong aklat sa pahina 23. Susundin ito ng mag-aaral.
Ano ang inyong napansin? Magkaiba po ang titik na ginamit sa luma at
Anong ipinagkaiba sa paraan ng pagkakasulat modernong ortograpiya gaya ng c sa halip na k
sa pagitan ng luma at moderno? at au sa aw.
Anong ipinagkaiba sa nilalaman ng luma at Parehas lang ang nilalaman ng luma at
moderno? modernong ortograpiya.
Tama! Mahusay. 
Balikan natin ang pamagat. Ano ang ibig sabihin • Isa itong tulang kadalasan ay pumapaksa sa
ng korido? matimyas na pag-iibigan, relihiyosong
paniniwala, o pantastikong pangyayari.
• Mula sa banyagang padron ang korido, at
hinihinalang ginamit lamang ito upang mawala
ang kasikatan ng isang anyo ng tula na likas na
Filipino: ang dalit.
Tama.

GAWAIN 1.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Maaari bang basahin ninyo ang panuto? 1. Sa inyong kuwaderno, piliin o hanapin
ang mga salitang nagbago mula sa “sipi
mula sa Ibong Adarna”.
2. Guhitan ang mga titik na magkaiba sa
luma at modernong ortograpiya.
3. Gawin ito sa loob ng 15 minuto.
4. May karagdagan limang puntos ang
sumusunod sa panuto.
Halimbawa:
LUMANG MODERNONG
ORTOGRAPIYA ORTOGRAPIYA
Virheng Birheng
capua kapwa
mariquit marikit
Tapos na ba? Opo.

3
Ano ang mga nakuha ninyong sagot? gracia------------grasya
auditorio--------awditoryo
medico----------mediko
guiguinhawa—giginhawa
at marami pang iba.
Tama.  magaling. May karagdagang limang 
puntos ang mga sumunod sa panuto.

5. PAGPAPALAWIG
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Ngayon naman ay sagutin ninyo ito sa inyong 1. Ano-ano ang pagkakapareho ng saknong ng
kuwaderno. Maaari bang basahon ninyo ang Ibong Adarna kung anyo ang pag-uusapan?
mga tanong? 2. Subuking magbilang: ano-ano ang mga
bagay ang pare-pareho ang bilang sa bawat
saknong?
3. Subuking pakinggan: ano-ano ang mga
bagay na pare-pareho ng tunog sa bawat
saknong?
Ano ang inyong sagot? • Mayroong walong pantig sa bawat taludtod
• Mayroong apat na taludtod sa bawat saknong
• Pare-pareho ang tunog ng dulong pantig sa
bawat saknong.
Tama. 

6. KASUNDUAN
Magsaliksik ng tungkol sa sukat at tugma.

IKALAWANG ARAW
Enero 16, 2017
Pang araw-araw na Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagsuri ng Tala ng mga liban sa klase.
3. Pagbabalik-aral sa Pagbabagong ortograpiya at Ibong Adarna

1. PAGGANYAK
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Mayroon tayong isang palaro. PANUTO:
Maaari ba ninyong basahin ang 1. Ang isang pangkat ay kailangang binubuo ng 6 na
panuto? miyembro.
2. Bibigyan sila ng 10 salita na kailangan nilang alamin
kung alin ang magkakatugma at hindi.
3. Ang mga salitang magkatugma ay kailangang idikit sa
noo. Ang mga hindi katugma ay kailangang idikit sa baba
ng mga miyembro.
4. Isang salita lang sa noo at isa sa baba ang dapat na
nakadikit sa isang miyembro. Hindi pwedeng hawakan
ang mga salita.
5. Kapag nagawa na nila ito, kailangang tumayo sila nang
magkakatapat bilang hudyat na nagawa na nila.

4
6. Ang unang pangkat na makagawa nito ang siyang
tatanghaling panalo.
7. May karagdagang puntos ang pangkat na sumunod sa
panuto. Ang hindi sumunod ay matatanggal/mae
eliminate sa palaro.
Mahusay. 
Maaari na ba tayong magsimula? Opo. 
Handa na ba kayo?
Palakpakan natin ang pangka

2. PAGPAPAYAMAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Ano ang tugma? Ano ang mga uri ng tugma? Ang tugma ay ang pagkakapare pareho ng
dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod
sa isang saknong ng tula.
Tunog o ponema ang inuulit, hindi titik.
Tugmang patinig at Tugmang katinig ang
pangkalahatang uri ng tugma.
Uri ng Tugmang Patinig:
-Walang Impit
-May impit
Uri ng Tugmang Katinig
-Mahina
-Malakas
Maaari bang magbigay kayo ng halimbawa ng -Walang Impit
magkatugmang patinig na mga salita? Masaya-dalaga
Masiste-kostumbre
Sulu-Datu
-May Impit
Salita-dinarakila
Luwalhati-katunggali
Tabo-halo-halo

Bigkasin ninyo ang ikalawang saknong ng sipi mula Sa awa mo po’t talaga
sa Ibong Adarna. Birheng walang makapara
Akong hamak na oveja
Hulugan ng inyong grasya.
Ilang pantig mayron sa bawat taludtod? Walo.
Ano ang tawag natin dito? Sukat. Ang sukat ay ang pagkakapare-
pareho ng bilang ng pantig ng 2 o higit pang
taludtod sa isang saknong ng tula.
Maaari ba ninyong ibigay ang pangkalahatanguri ng Gansal (5,7)
sukat? Pares (4,6,8,12,16,18,24)
Saan natin maibibilang ang halimbawa korido na Sa pares dahil ito ay nagtataglay ng walong
Ibong Adarna? pantig sa bawat taludtod ng mga saknong.
Paano tayo magpapahinga sa pagbigkas ng isang Kailangan natin ng hati o regular na pagtigil o
tula? paghinga sa loob ng isang taludtod
sangayon sa mga pagpapapangkat ng mga
salita’t bigkas sa taludtod. Ito ay tinatawag
na caesura.

5
Tama. Kagaya ng halimbawa sa pahina 55 ng Susundin ito ng mag-aaral.
inyong aklat, nagkaroon ng hati sa ika-6 na pantig
sa bawat taludtod. Maaari bang bigkasin ninyo ito Sa loob at labas / ng bayan kong sawi,
nang may wastong pahinga? Kaliluha’y siyang / nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait / ay nalulugami,
Ininis sa hukay / ng dusa’t pighati
(Francisco Balagtas, mula sa Florante at
Laura)
GAWAIN 2.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
May bagong Gawain kayo. Maaari bang basahin Sa inyong kuwaderno, gumawa ng sampung
ninyo ang panuto? (10) pares na salita na magkaka tugma batay
sa mga uri ng tugma na nabanggit sa aklat.
Susundin ito ng mag-aaral.
Tapos na ba kayo? Opo.
Ano ang inyong mga sagot? Palad-ladlad
Ikot-baluktot
Pandesal-Maykapal
Tama. Ang mga katabi ang siyang maglalagay ng Susundin ito ng mga mag-aaral.
puntos sa iyong mga sagot. Bilangin kung ilang
tamang sago tang nakuha. Isulat ito sa itaas na
kanang bahagi ng papel o kuwaderno .
Palakpakan natin ang mga mag-aaral na nakakuha Magpapalakpakan ang mga mag-aaral.
ng 10 puntos. 

3. SINTESIS
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Ngayon naman, gumawa kayo ng isang Susundin ito ng mag-aaral.
saknong ng korido na may sukat at tugma.
Sino ang maaaring magbasa ng pamantayan Babasahin ito ng mag-aaral.
para sa gawaing ito? Nakagawa ng isang saknong sa luma at bagong
otograpiya--------------------------------------------40%
Angkop ang tema sa korido----------------------20%
May sukat at tugma ang bawat taludtod—---40%
KABUUAN-------------------------------------------100%

4. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW ARAW NA BUHAY


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Ano ang ipinapakita ng pagbabagong ortograpiya Nagkakaroon ng pagbabagong ortograpiya
sa atin? sa pagbago ng panahon dahil sa mga
impluwensyang natatanggap natin at pati na
rin sa mga pagusbong ng mga bagong mga
salita. Makikita natin sa lumang ortograpiya
ang impluwensya ng Kastila. Sa bago
naman, nakita natin ang mga titik na
ginagamit natin sa kasalukuyan.
Ano ang ibig sabihin nito? Maaaring magbago rin ang mga ginagamit
na titik sa modernong ortograpiya sa
paglipas ng panahon. Ngunit, nanatili pa rin

6
ang kagandahan ng isang akdang
pampanitikan.
Tama.   Papalakpak ang mga mag-aaral.

5. PANGWAKAS NA PAGTATAYA

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


Maikling Pagsusulit 1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
I. Piliin ang tamang sagot. Isulat wastong pagbabagong modernong ortograpiya
lamang ang titik ng tamang sagot ng salitang catauan?
sa iyong sagutang papel. a. catawan
b. katawan
c. catauwan
d. katauan
2. Alina ng naiiba sa grupo ng mga salita sa ibaba?
a. Cahirapan
b. Cintas
c. Guinto
d. prinsipe
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI TUGMA sa
mga salitang babanggitin?
a. Masaya
b. Dalaga
c. Langgam
d. Maya
4. Ano ang prinsipyo ng Tugma?
a. Tunog o ponema ang inuulit, hindi titik.
b. Titik ang inuulit, hindi tunog.
c. Pare-parehas ng bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
d. Wala sa nabanggit.
5. Kung di ukol,
Di bubukol.
Anong uri ito ng sukat ng tula?
a. Gansal
b. Pares
c. Labindalawahan
d. caesura

6. KASUNDUAN
 Magsaliksik o pakinggan sa youtube ang awit ni Joey Alaya na “Magkabilaan”
Inihanda ni:

Bb. Sheena R. Bacurin


Guro sa Filipino 7

You might also like