upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila.
Ang kahilingang ito ay di
napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantalangnangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at
muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.