You are on page 1of 11

El

FILIBUS
TERISMO
Ipapasa Kay:
Gng. Glorilyn B. Liquido
MGA TAUHAN
sa
El
FILIBUS
TERISMO
MGA TAUHAN
Simoun - Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa
nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa
El Filibusterismo.

Basilio - Kasintahan ni Juli; mag-aaral sa medisana; kalaunan ay


napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya

Kapitan Tiago - Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria


Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at
libing.

Isagani - Pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita


Gomez.

Kabesang Tales - Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Juli at ni Tano;


ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking
buwis.

Tandang Selo - Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Juli.

Juli - Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni


Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra.

Kapitan Heneral - Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na


posisyon sa pamahalaan.

Mataas na Kawani - Kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may


paninindigan at may pananagutan.

Don Timoteo Pelaez - Ama ni Juanito Pelaez; naging kasanib ni


Simoun sa negosyo
MGA TAUHAN
Juanito Pelaez - Pinakasalan ni Paulita Gomez bandang huli.

Paulita Gomez - Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni


Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina.

Donya Victorina - Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio.

Don Tiburcio - Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina;


nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago.

Ben Zayb - Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng


mga balita.

Macaraig - Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng


wikang Kastila.

Pecson - Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa


mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang
hangaring ito.

Sandoval - Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga


mag-aaral.

Placido Penitente - Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral;


anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon
ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika.

Tadeo - Tamad na mag-aaral; mahilig magdahilan na may sakit


upang hindi makapasok sa paaralan.
MGA TAUHAN
Padre Salvi - Dating kura sa San Diego; pansamantalang
nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si
Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral.

Padre Camorra - Paring gumahasa kay Huli.

Padre Fernandez - Paring natatangi; may paninindigan; hindi


nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.

Padre Florentino - Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan


at nakausap ni Simoun bago ito mamatay.

Padre Irene - Paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng


wikang Kastila.

Padre Millon - Paring guro sa pisika; lumait-lait sa estudyanteng si


Placido Penitente ng wala itong maisagot sa kanyang klase.

Ginoong Pasta - Tagapayo ng mga prayle.

Don Custodio - Siya si Custodio de Salazar y Sanchez de


Monteredondo na tinaguriang “Buena Tinta”; ang magdedesiyon sa
akademya ng wikang kastila.

Quiroga - Intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni


Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik.

Kapitan Basilio - Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni


Kapitana Tika; ama ni Sinang.
MGA TAUHAN
Hermana Bali - Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay
Padre Camorra upang humingi ng tulong sa
pagpapalaya kay Basilio.

Hermana Penchang - Relihiyosang amo ni Huli.

Kabesang Andang - Ina ni Placido Penitente; taga-


Batangas.

Kapitana Tika - Asawa ni Kapitan Basilio; ina ni Sinang.

Ginoong Leeds - Amerikanong nagtanghal sa perya.

Imuthis - Nagsasalitang ulo sa perya.

Pepay - Isang mananayaw; hiningian ng tulong ng mga


mag-aaral upang kausapin si Don Custodio tungkol sa
akademya ng wikang Kastila.

Sinong - Kutsero; ilang beses nabugbog dahil


nakalimutan ang sedula at napundihan ng ilaw sa
kasagsagan ng prusisyon.

Carolino - Nakapatay kay Tandang Selo na kaniyang


lolo.

Sinang - Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan


Basilio at Kapitana Tika.

Maria Clara - Namatay sa kumbento ng Sta. Clara;


sinasabing paulit-ulit na hinalay ni Padre Salvi.
KABUOHAN ng BUOD
sa
El
FILIBUS
TERISMO
KABUOHAN ng BUOD
Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo
na naglalakbay. Lulan nito ang maraming taong papunta sa
Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun,
Basilio, Isagani, at ilang mga pari.

Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina


nang ito’y makarating sa San Diego. Doon ay nakita niya
ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng
salamin ay nakilala niyang iyon si Juan Crisostomo Ibarra.

Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi


lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang parehas sila
ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa
si Basilio sa planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila.

Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng


kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na
Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang
Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang
namamahala dito.

Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay muli


niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa gagawing
paghihigmasik.

Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na


sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si Maria
Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil
binawian din ng buhay ang dalaga kinahapunan.
KABUOHAN ng BUOD
Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral,
sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga,
dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng
kanilang kahilingan patungkol sa pagpapatayo ng
akademya ng wikang Kastila.

Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob din
ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin
sa pinto ng Pamantasan na naglalaman ng mga
paghihimagsik.

Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan


at dinakip ang mga ito kasama si Basilio. Labis ang
pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.

Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre


Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay
Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-
aaral maliban kay Basilio.

Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit


tumalon sa bintana ang dalaga at agad namatay.

Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang


plano na paghihiganti. Upang maisagawa iyon, sumanib
siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito.
Ipinagkasundo niyang ipakasal si Paulita kay Juanito.

KABUOHAN ng BUOD
Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na
posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang dalawang buwan,
nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit
tuluyan na siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simoun.

Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang


maisagawa ang paghihimagsik. Naghandog siya ng magarang
lampara para sa ikakasal.

Di-lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may


lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang mitsa ay sasabog ito
ng malakas.

Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio


sa labas. Hindi siya mapakali dahil alam niya ang mangyayaring
pagsabog.

Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa


nalalapit na pagsabog ng lampara. Nakita din niya si Isagani at
sinabihan umalis na sa bahay na iyon.

Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng


Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ang mitsa nito ngunit
mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.

Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at


nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si Simoun ng
lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.

Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang


balak niyang paghihiganti.

Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.


Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni


Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat ng kayamanan ni
Simoun.
LIDER:
Lapeceros, Chaelds Khalel S.

MGA MIYEMBRO
Amilao, Rusty
Danlog, John Steven
Payla, Kenneth
Picut, Lourd Christopher
Sabellina, Jeff Lawrence
Bacong, Glydel Mae
Dalondonan, Jezeil mae

You might also like