You are on page 1of 3

Filipino 10 Reviewer

El Filibusterismo
 kilala rin sa tawag na “Ang Paghahari ng Kasakiman o The Reign of Greed”
 Karugtong (sequel) ng Noli Me Tangere
 Ito ay nakasulat sa wikang Kastila
 Mula sa saling “Filibustero” – taong kalaban ng mga prayle o ng Relihiyong Katoliko Romano.
 Ginawan ng balangkas sa Calamba noong 1887, nagsimula ang pagsulat at pagbabago sa plot sa London
noong 1880-1890, itinuloy sa England at natapos sa Brussels, Belguim noong 1891.
 Sinimulang ilimbag sa F. Meyer-Van Loo Press sa Ghent Belguim. Sa tulong ni Valentin Ventura,
naipagpatuloy ang paglilimbag at natapos noong Setyembre 1891. Bilang pasasalamat at pagtanaw ng
utang na loob, ibinigay ni Rizal kay Ventura ang orihinal na manuskripto ng nobela, kasama ang isang
nilagdaang sipi.
 Inihandog kina GOMBURZA, “Sa alaala ng mga paring Don Mariano Gomez (85 taon), Don Jose Burgos
(30 taon), at Don Jacinto Zamora (35 taon). Binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 28, 1872.
 Ang nobelang ito ay pampulitika na nagpadama, nagpapahiwatig, at nagpapasining pang lalo sa maalab
na hangaring makapagtanto ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
 Paghahari ng kasakiman mula sa mga taong may mataas na katungkulan sa pamahalaan at impluwensiya
ng mga prayle hindi lamang sa pang-Simbahang usapin kundi maging sa pagpapasyang sibil.
 Ipinapakita rito ang pagnanasa ng mga mamamayang makahulaspos mula sa pagkakagapos at magkamit
ang tunay na kasarinlan maging sa marahas na paraan.
Mga Tauhan
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan
Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Huli.
Kabesang Tales - naghangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.
Ginoong Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari. Siya ang naging dahilan ng pagkamatay ni Huli.
Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; kilalang may dugóng Kastila
Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
Huli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali - naghimok kay Huli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Huli.
Ginoong Leeds - misteryosong Amerikanong nagtanghal sa perya. Imuthis- mahiwagang ulo sa palabas
Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
1
BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero
ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang
mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na
pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si
Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio.
Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng
isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di
napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di
magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak
niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara
upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay
na nang hápong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang samâ ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay
nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang
sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle
kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga
paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito
ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si
Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Huli na kanyang kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si
Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni
Huli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay
siya pang naging dahilan ng pagkamatay ni Huli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don
Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina
Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya
upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matataas na katungkulan sa Pamahalaan at mga bantog
na tao sa lungsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkakulong ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang
nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon
upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis-granada at
kasinlaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at
Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakainan na ipasasadya niya ang
pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung
minuto ay manlalabo. Kapag hinangad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at

2
pagkatunaw ng kiyoskong kakainan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako
naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng


pinagdarausan ng handaan. Di-nagtagal ay bumaba si Simoun upang lisanin niya ang bahay na iyon upang
di makasama sa pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana ngunit nakita niyang dumating si
Isagani, ang naging kasintahan at mahal ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin
kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang
binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, pakitaas
ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa balkonahe at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa
ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas siya patungo sa bahay ni Padre
Florentino, sa baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang
mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay
niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang siya ay
bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara
at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na mapabagsak ang Pamahalaan at makipaghiganti sa
pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging


kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga masamang gawain ay itinapon ni Padre Florentino sa karagatan ang
kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

MGA SANGGUNIAN:
El filibusterismo/The Reign of Greed ni Jose Rizal, salin ni Charles Derbyshire, Project Gutenberg,
Gutenberg.org
"Pinag-alayan ni Rizal". Nakuha noong 2008-06-29.
"Nagdaan si Rizal ng hirap". Nakuha noong 2008-06-29.
"Mga Tauhan ng El Filibusterismo". Nakuha noong 2008-06-29

You might also like