You are on page 1of 5

OUTPUT OF THE WEEK 3 IN FILIPINO (Q4)

Gawaing Pasulat

Sumulat ng isang suring-basa tungkol sa nobelang iyong nabasa. Sundin ang mga tuntunin sa
pagsusuri ng akdang binasa.

Suring-Basa sa Nobelang El Filibusterismo

I. PAG KILKALA SA MAY AKDA

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda - Ang layunin ng El Filibusterismo ay angimulat sa
realidad ang mga mamamayang Pilipino upang makita nila ang masasamang gawainng mga Espanyol
nang sa gayon ay lumaban sila sa mga dayuhang mananakop. Naisulat ni Dr.José Rizal ang El
Filibusterismo dahil sa mga pangaaboso at pananakopt na naranasan nya atng kanyang pamilya sa
kamay ng mga Espanyol noong isinusulat palamang nya ang kanyang unang libro na ‘ Noli Me Tángere’.
Ito rin ay para sa mga GOMBURZA o mga martyr na pinatayng mga Espanyol dahil sa propagandang
ginawa nila laban sa mga mananakop.

II. URI NG PANITIKAN

Nobela - Ang nobela, akdang-buhay o katambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon nabinubuo ng
ibat-ibang kabanata. Ang tagpuan, tauhan, banghay, pananaw at tema ay isa sa mga elemento nito.

III. LAYUNIN NG MAY AKDA

Ang layunin ni Dr. José Rizal ng isinulat nya ang El Filibusterismo ay upang magising ang
mgamamamayang Pilipino sa katotohanang hindi mabuti ang hatid ng mga Espanyol. Upang sila ay
malinawan sa mga masasamang bagay na pinag-gagagawa ng mga dayuhan hindi lang sa kanilang bayan
kundi pati narin sa mga mamamayang Pilipino na palaging inaabuso.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA

Sinasalamin nito o tinatalakay ang karahasan at pang aabusong tinatamasa ng mgamamamayang


Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Kastila. Tinatalakay din rito ang kaibahanng pag hihiganti ni
Crisostomo Ibarra na ngayon ay kilala na bilang si Simoun laban sa kanyangpag babago.
V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Simoun – ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan
Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sakanyang mga kaaway.

Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino

Basilio – ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Kabesang Tales – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka nainaangkin ng


mga prayle.

Tandang Selo – ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Ginoong Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben Zayb – ang mamamahayag sa pahayagan.

Placido Penitente – ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraningpampaaralan.

Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez – ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Salvi – ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

Padre Florentino – ang amain ni Isagani

Don Custodio – ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene – ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez – ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalangangkang may
dugong Kastila

Macaraig – ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya


ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval – ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina – ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin niPaulita.

Paulita Gomez – kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Juli – anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio

Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

Hermana Penchang – ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds – ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.


Imuthis – ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Pepay – ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.

Camaroncocido – isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyangpanlabas na


anyo.

Tiyo Kiko – matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Gertrude – mang-aawit sa palabas.

Paciano Gomez – kapatid ni Paulita.

Don Tiburcio – asawa ni Donya Victorina.

VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Ito ay makabuluhan at nakakaenganyong basahin sapagkat sinasalaysay dito ang hindimakataong pag
trato ng mga Kastila sa mga mamamayang Pilipino at kung anong systemamayroon ang Pilipinas sa
panahon ng mga Kastiula, higit sa lahat isinasalaysay dito angkasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng
mga Kastila.

VIII. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang El Filibusterismo ay nagtataglay ng impormasyon at nagpapaliwanag sa mga pangaabusong mga


Kastila, ito ay makatotohanan at nagpapakita sa buktot na sistema noong panahon ngEspanyol at ang
karanasan ni Dr. Jose Rizal at ng iba pang mga rebolusyunista ang patunay dito.Ipinapakita din ng akda
ang hindi pag sangayon ng may akda sa pamumuno ng pamahalaan atng simbahan noong panahon ng
mga kastila dahil sa pangaabuso nila sa kapangyarihangkanilang natatamasa.

IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Naging epiktibo ang mga salitang ginamit ng may akda ngunit mayroong ibang mga salita nanapakalalim
sapagkat ito ay isinulat noong unang panahon. Maraming matututunan ang bawattao sa akang ito at
maganda ang pagkakadetalye ng kwento.

X. BUOD

Isang bapor tabo ang naglalayag at sakay nito sina Simoun, Isagani, Basilio, Kapitan Heneral, Donya
Victorina, Don Custodio, Padre Irene, Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Kapitan Basilio, at Padre
Florentino. Napag-usapan nila ang tungkol sa suliranin sa ilog. Makikita rin sa bapor tabo ang mahirap na
kalagayan ng mga taong nasa ilalim ng kubyerta. Napag-usapan din ng ilang nabanggit na tauhan ang
tungkol sa ilang mga alamat.Nang makarating si Basilio sa San Diego ay nakita niya si Simoun sa lugar
kung saan na kalibing ang kanyang inang si Sisa. Nalaman niya na ang mag-aalahas na si Simoun ay
walang iba kundi si Crisostomo Ibarra na nagbabalat kayo. Tinangka ni Simoun na patayin si Basilio
upang ang lihim niya ay hindi mabunyag. Naghunos-dili si Simoun at hinikayat nalamang si Basilio upang
tulungan siyang maghiganti at baguhin ang bulok na sistema ng pamahalaan. Ngunit tumanggi si Basilio
at pinili na magpatuloy sa pag-aaral at di makialam samga plano ni Simoun. Hiniling ng mga estudyante
ang pagpapatayo ng isang paaralan para sa pag-aaral ng Wikang Kastila. Bagamat hindi pa ito aprubado
ay sinisikap ng mga estudyante na sila aymagtagumpay sa kanilang adhikain. Sa ikalawang pagkakataon
ay nakipagkita si Simoun kay Basilio upang hikayatin itong maghimagsik at tulungan siyang makuha si
Maria Clara. Ngunit sa kasamaang palad, si Maria Clara na ililigtas na sana ay pumanaw na noon ding
hapong iyon. Samantalang ang mga estudyante na bigo naman sa kanilang panukala na magpatayo
Akademya para sa wikang Kastila ay nagsalu-salo sa Panciterìa Macanista de Buen Gusto. Dahil sa
tahasang pagtuligsa ng mga estudyante sa mga prayle sa pamamagitan ng talumpatiay pinadakip sila
dahil sa bintang na sila ang may pakana ng mga paskin na naglalaman ng pagtuligsa, paghihimagsik at
pagbabala sa harap ng pinto ng unibersidad. Kasama si Basilio samga nadakip kaya si Juli na kanyang
kasintahan ay labis na nagdamdam. Nakalaya naman kaagad ang mga estudyante sa tulong ng kanilang
mga kamag-anak nainilakad sila para mapawalang-sala maliban kay Basilio. Dahil sa kahirapan ay wala ni
isang namagitan sa kanya at dahil sa wala na rin si Kapitan Tiago ay nananatili siyang nakakulong. Inihingi
ni Juli si Basilio ng tulong kay Padre Camorra ngunit sa halip na makatulong ito ay siyapang naging sanhi
ng kanyang kamatayan dahil sa pagkahulog nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisakatuparan
ang plano ay nakipagsosyo siya kay Don Timoteo Pelaez naipakasal ang kanyang anak na si Juanito kay
Paulita Gomez. Ang ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral at kasama sa mga dadalo sa pagdiriwang ang
mga may katungkulan sa Pamahalaan. Habang si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay na
pinagdarausan ng pagdiriwang aynilisan ni Simoun ang lugar. Susunod na sana si Basilio kay Simoun
ngunit nakita niya siIsagani. Sinabihan nya ito na umalis ngunit nagkibitbalikat si Isagani. Ipinagtapat ni
Basilio angplano kay Isagani. Nang mapansin na lumalabo na ang ilaw ng lampara ay agad itong inihagis
ni Isagani sa Ilog. Dahil sa pumapalpak ang plano ni Simoun na himagsikan ay nakituloy siya sa tahanan
ni Padre Florentino. Siya ngayon ay pinag-uusig na ng mga maykapangyarihan. Nang palapit na angmga
darakip kay Simoun ay uminom ito ng lason upang hindi na mahuli ng buhay at ipinagtapatang kanyang
tunay na pagkatao kay Padre Florentino. Isinalaysay nya lahat mula sapagbabalik nya sa Pilipinas galing
Europa, labintatlong taon na ang nakakalipas. Isinalaysaydin nya ang pagmamahalan nila ni Maria Clara
at ang pagpapanggap nya bilang si Simoun na mag-aalahas na may layuning maghimagsik sa
Pamahalaan. Matapos ang makumpisal ay namatay si Simoun. Upang hindi na magamit pa sa kasamaan
ang kayraming kayamanan ni Simoun aytinapon ito lahat ni Padre Florentino sa karagatan. Matapos ang
dalawang buwan ay nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun kaya’t umanib sya rito. Ipinakita nya kay
Basilio ang bomba na gagamitin sa pagpapasabog sa pagdiriwang ngkasal. Ang bombang ito ay lampara
na may hugis ng granada at sinlaki ng ulo ng tao. Ang lamparang ito ay magbibigay ng liwanag sa kasal at
matapos ang dalawampung minuto aylalabo. Sa oras na hatakin ang mitsa nito upang mapaliwanag at
magdudulot ito ng pagsabogat wala ni isang naroroon ang mabubuhay. Sa kabilang banda naman,
magiging hudyat ng paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun ang pagsabog ng ng dinamita sa
lampara.
Pamantayan sa Pagpupuntos

Nilalaman Bahagdan
1. Nasunod ba ang tamang hakbang sa pagsulat 25%
ng suring-basa?
2. Malinaw bang nailahad ang puntos ng sulatin? 25%
3. Magkakaugnay ba ang mga ideya/ kaisipan ng 20%
suring-basa?
4. Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe? 10%
5. Angkop ba ang mga salitang ginamit? 10%
6. Tama ba ang mga bantas na ginamit? 10%
Kabuuan 100%

You might also like