Professional Documents
Culture Documents
Basahin:
“Ang kuwento ng Noli ay umiikot sa mga mamamayan at makapangyarihang tao sa bayan ng San Diego,
isang baying pinamumunuan ng ordeng Dominikano. Papauwi mula sa pag-aaral sa Europa si Crisostomo Ibarra,
bugtong na anak ng mayamang si Don Rafael Ibarra. Nakarating na sa kanya ang balita ukol sa pagkamatay ng
kanyang ama, ang di umano’y excommunicacion kay Don Rafael at ang pagtanggi sa pagkakaloob sa kanya ng isang
disenteng libing. Bilang pagbati sa kanyang pagdating, magpapapiging ang matalik na kaibigan ng kanyang ama, si
Kapitan Tiyago. Dito, makikilala ni Crisostomo Ibarra ang mga makapangyarihang tao sa San Diego at muli niyang
matatagpuan ang matalik na kasintahang si Maria Clara. Mapapansin ni Crisostomo Ibarra ang makupad na pag-
unlad ng kanyang bayan at makakaisip na magpatayo ng isang paaralan upang matuto ang mga bata. Sa okasyon ng
paglalatag ng panandaang bato sa paaralan, magkakaroon ng aksidenteng halos ikamatay ni Ibarra kundi lamang sa
maagap na pagsaklolo ng isang di-kilalang taong paglaon ay makikilala bilang Elias. Maririnig ni Ibarra ang mga
palagay ni Tandang Tasyo ukol sa di-mabilang na pagsisikap na pagtatayo ng paaralan at ang pagkapalis nito.
Sasadyain din ni Elias na kausapin si Ibarra upang hikayatin siyang suportahan ang pag-aaklas laban sa mga Kastila.
Makikilala rin niya ang mga tulad ng mag-asawang de Espadaña, ang tumututol sa pagtatayo ng paaralang si Padre
Salvi, karibal ni Ibarra kay Maria Clara at di kalilimutan ay ang pagkamuhi ni Padre Damaso, kura paroko ng San Diego
ay siya ring may malaking kinalaman sa pagkamatay ni Don Rafael Ibarra. Pilit na ipakakasal ni Padre Damaso ang
kanyang inaanak na si Maria Clara kay Linares upang mailayo lamang ito kay Ibarra.
Masasangkot si Ibarra sa paratang na pangunguna sa himagsikan kaya’t tutugisin ng mga guwardiya sibil. Sa
gitna ng pagtakas ni Ibarra ay mangyayaring maipagpalit ni Maria Clara ang sulat ni Ibarra sa sulat na naglalaman ng
kanyang tunay na pagkatao bilang anak ni Padre Damaso kay Pia Alba, asawa ni Kapitan Tiyago.
Mapapabalita ang pagtugis ng mga guwardiya sibil kay Ibarra na tatakas sa tulong ni Elias. Kakalat ang
balitang namatay si Ibarra sa pagtugis ng mga guwardiya sibil at siyang labis na ikalulumbay ni Maria Clara. Dahil sa
inaakalang pagkamatay ni Ibarra, magdedesisyon si Maria Clara ng pumasok sa kumbento, sa kabila ng pagtutol ng
kanyang ama-amahang si Padre Damaso.
Salungat sa balita, buhay si Ibarra bagamat sugatan. Si Elias ang iniwan ni Ibarra sa gubat na nag-aagaw
buhay. Bago malagutan ng hininga si Elias sa gubat, matatagpuan niya si Basilio, kasama ang bangkay ng inang
nasawi. Bibilinan ni Elias si Basilio na sunugin ang kanilang mga bangkay at hukayin ang gintong nasa may di kalayuan
at gamitin ito para sa kanyang pag-aaral.” (Atienza,et.al.,pp.142 and 143)
Buod ng El Filibusterismo
“Ang pangunahing tauhan ng El Filibusterismo ay isang mayamang aleherong nagngangalang Simoun. Siya si
Crisostomo Ibarra ng Noli, na sa tulong ni Elias ay nakatakas sa mga tumutugis na sundalo sa Laguna de Bay, na
nahukay ang ibinaon niyang yaman, at nagtungo sa Cuba kung saan siya yumaman, at nakipagkaibigan sa maraming
ospisyal na Espanyol. Pagkaraan ng maraming taon, bumalik siya sa Pilipinas, at ngayo’y malayang nakakakilos. Siya
ay isang makapangyarihang tao, di dahil sa siya ay isang mayamang alehero, kundi dahil sa mabutin siyang kaibigan
at tagapayo ng gobernador-heneral.
Nang nagsisimula ang kasalan, ang makatang si Isagani, na nabigo kay Paulita dahil sa kanyang mga liberal na
kaisipan ay nakatayo sa labas ng bahay, malungkot na pinapanood ang kasiyahan sa loob. Sinabihan siya ni Basilio ,
kanyang kaibigan, na lumayo dahil sasabog na ang ilawang lampara.
Nang marinig ang kahila-hilakbot na lihim ng lampara, kaagad na naisip ni Isagani na nasa panganib ang
pinakamamahal niyang si Paulita. Para mailigtas ang buhay nito, pumasok siya sa loob ng bahay, kinuha ang lampara,
at mabilis na inihagis sa ilog, at doon ito sumabog.
Natuklasan ang planong pag-aalsa. Si Simoun ay nahuli ng mga sundalo ngunit nakatakas ito. Malubhang
sugatan, at dala-dala ang kanyang kayamanan, nagtungo siya sa bahay ni Padre Florentino na nasa may
dalampasigan.
Nalaman ng mga awtoridad ang kanyang pagtatago sa bahay ni Padre Florentino. Sa pamamagitan ng isang
liham, ipinaalam ni Tinyente Perez ng mga Guardia Civiles na darating sila ng alas otso ng gabi para dakpin si Simoun.
Hindi nadakip si Simoun dahil uminom siya ng lason. Nang naghihingalo, nangumpisal siya kay Padre
Florentino, sinabi niya ang kanyang totoong katauhan, ang paggamit niya ng kanyang yaman para maipaghiganti ang
sarili, at ang masama niyang balak na wasakin ang buhay ng kanyang mga kaibigan at kaaway.
Mahaba at masakit ang kumpisal ng naghihingalong si Simoun. Gabi na nang si Padre Florentino, na
nagpupunas ng pawis sa kanyang napakunot na kilay, ay tumayo at nagsimulang magmuni-muni. Kinausap niya ng
mahinahon ang naghihingalong lalaki. Lumuhod sya at ipinagdasal ang namatay na alahero. Kinuha niya ang kaban-
bayan at itinapon ito sa dagat.” (Zaide at Zaide, 1997, pp. 239-243).
Gawain:
Batay sa binasang buod ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo (bukod sa ibinigay na buod, malayang
gumamit ng iba pang sanggunian na nagbibigay ng mas detalyadong pagsasalaysay), punan ang Venn Diagram sa
ibaba.
El Filibusterismo
- Nasa pamahalaang tinangkilik ng pangunahing tauahn at binigyan niya ng diin ang
paghihimagsikaan.
- Nobelang tumatalakay sa kalagayan ng Politika.
- Gawa mula sa isip dahil ito’y nagtataglay ng kapaitan, pagkakasuklam, sakit, karahasan at
kalungkutan.
- "Ang Subersibo" (The reign of greed) ay isinulat niya para sa kaibigan niyang si Ferdinand
Blumentrit.
- Buong puso niyang inalay sa tatlong pareng martir na lalong kilala sa bansag na GomBurZa.
- Simoun ang Pangunahing tauhan
Pagkakatulad
- Parehong isinulat ni Dr.Jose Rizal.
- Nang isinusulat ni Dr. Jose Rizal ang Fili at Noli Me Tangere ay parehas siyang nakaranas ng mga
sularanin at mga paghihirap.
- Isinulat ni Rizal upang magising ang mga Pilipino sa mapang aping pamamaraan ng pananakop
ng mga Espanyol.
- Parehong tumatalakay sa katiwalian ng pamahalaan at paghahari harian ng mga prayle noong
panahon ng mga kastila.