You are on page 1of 34

Pinagpalang Araw!

FILIPINO 10
Gng. Rizza Wayne B. Reyes
PANALANGIN
LAYUNIN
Pagkatapos talakayin ang araling ito kayo ay inaasahang:
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVg-h-85)
Naipapaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang
Espanyol.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVg-h-91)


Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVg-h-88)


Naiuulat ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang katulad na
akda, gamit ang napiling graphic organizer.
BALIK-
ARAL
AKTIBITI
1. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Mungkahing Istratehiya: AGNOS KO, SAGOT KO
Piliin sa mga agnos na may laman na
mga salita ang kahulugan ng mga
sumusunod na salitang hiram sa wikang
Espanyol at ipaliwanag ito sa klase.
AKTIBITI
Mungkahing Istratehiya:
BABAE NOON AT NGAYON
1. Motibasyon
Ihambing at ihalintulad ang mga
Kababaihan NOON at NGAYON sa
kanilang katangian o maging sa karapatan
na kanilang tinatamasa. Kung sino ang
matapatan kapag huminto ang musika ay
siya ang sasagot.
BABAE BABAE
NOON NGAYON
Gabay na Tanong:
• Ang mga nabanggit ba na
mga katangian at
karapatan ng mga BABAE
NOON ay masasalamin
kaya kay Huli?
2. PRESENTASYON

Babasahin ng malakas ng bawat


grupo ang mga nakahandang
buod.
PAG N I LAYAN
AT
U NAWAI N
Huli,
Bilang Simbolo ng Kababaihang
Pilipino
Noon at Ngayon
4.4 HULI
Kabanata 4 - Si Kabesang Tales
Si Kabesang Tales ang nag-aruga at kumupkop kay Basilio
ng maligaw ito sa kanilang lugar. Dahil sa angking sipag at tyaga
ng kaniyang pamilya ay umunlad ang kanilang kabuhayan. Dahil
sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan kaya siya ginawang
“Cabesa de Barangay”. Sanhi ng kasakiman ng mga pari tumaas
na ng tumaas ang taripa ng kanilang lupang sinasaka. Dahil sa
tinamong kabiguan, nagbitbit ng baril sa Tales tuwing patungo sa
kanyang bukid na kinalaunan nabihag siya ng mga tulisan.
Ipinatutubos siya sa kanyang pamilya sa halagang P500.00. agad
ipinagbili ni Huliang kanyang mga alahas maliban sa agnos na
bigay ni Basilio. Subalit, kulang pa ng P200 ang kaniyang
nalikom kaya’t siya aynagprisintang magpaalila kay Hermana
Penchang. Kinabukasan, malungkot na malungkot ang maglolo
dahil Paskong-pasko’y magsisimula nang magpaalila si Huli.
Kabanata 6 - Si Basilio
Hindi naging hadlang ang kahirapan
atpang-aalipustang naganap kay
Basilio upang hindi magpatuloy
sakanyang pag-aaral. Ngayon nga’y
nasa huling taon na siya ng medisina
pagkatapos niya sa kanyang pag-aaral
ay pakakasalan na niya ang
kasintahang si Huli.
Kabanata 8 - Maligayang Pasko
Sa pagkakataong ito, nilisan ni Huli ang
kanilang tahanan upang mamasukan bilang
katulong upang makatulong sa pamilya.
Subalit ganito ang kanyang sambit sa kanyang
Tata Selo”, Pagbalik ni ama( Kabesang Tales),
sabihin mong pumasok na ako sa eskwela sa
wakas. Ang amo ko ay marunong ng Kastila.
Hindi kayo makatatagpo ng ganitong
kamurang paaralan!”
Kabanata 9 - Si Pilato
Mabilis na kumalat sa bayanang kasawiang
nangyari sa pamilya ni Huli. Ayon kay Padre
Clemente, Marapat lamang ang nangyari kay Tales
sapagkat siya ay isang makasalanang tao. Ayon
naman kay Hermana Penchang dahil sa kakulangan
ni Huli sa kaalaman sapagdarasal kaya sa impiyerno
ito mapupunta kaya ipinangako niya sa mga
kaibigang tuturuangmabuti si Huli. Bilang alila laging
subsob sa trabaho mula umaga hanggang sa gabi. Sa
kanyang pamamahinga ipinasasaulo naman ang mga
dasal upang makaligtas daw ang kanyang kaluluwa.
Kabanata 10 - Kayamanan at Karalitaan
Dalawa ang uri ng tao dito sa mundo: ang nanlalamang at
nilalamangan o ang nang-aapi at nagpapaapi.Kapuna-
puna kung paano ang marami sa mga maralita ay lalong
pinag-uusig , inalisan ng karapatang iparinig ang
karaingan kung paano nilalapastangan at di dinidinig ang
katwiran at kung paano niyuyurakan ang dangal. Talaga
nga bang ang langit at lupa ay di maaaring magtagpo?
Napakarami ng pangyayari na ang mahirap ay madalas na
nasa ilalim at inilalagay sa basurahan tulad ng ginawa ni
Simoun kay Kabesang Tales. Sinamantala niya at
pinaglaruan ang pusong uhaw sa paghihiganti na sa halip
na tulungan si Kabesang tales, siya ay tinakaw dahil alam
niyang ang isang mahirap ay madalas kumapit sa patalim.
Kabanata 30 - Si Huli
Sa kabanatang ito, naging kalunos – lunos ang
pagkamatay ni Huli, Hangad lang sana niya ang
tulungan si Basilio ngunit itinulak siya sa
kapahamakan ng taong akala niya at makakatulong
sa kanya , tulad ng tagasulat sa tribunal, hukom
pamayapa at Hermana Bali. Maging kamag-anak ay
naging instrumento ng kapahamakan nang kutyain
nila si Huli sa hindi pagpayag nito na lapitan si Padre
Camorra. Kung inunawa sana nila si Huli at
nagkaroon ng mabuting hangarin ang ilan sa
pagtulong , maaaring buhay pa si Huli at nakalaya si
Basilio.
GABAY NA TANONG:
Mungkahing Istratehiya: MUSIC-
KAHON!
a. Anong mga desisyon ni Huli ang
nagpakita ng kanyang kalakasan at
kahinaan?
b. Alin sa mga ito ang taglay rin ng mga
kababaihan sa kasalukuyan?
c. Bilang anak o kasintahan, gagawin mo
rin ba ang mga sakripisyo ni Huli
3.PANGKATANG GAWAIN

Mungkahing Istratehiya: GRAPHIC


ORGANIZER
Sa pamamagitan ng Graphic Organizer,
ihambing si Huli (Bilang Babae at Bilang
Anak) at ang mga nangyari sa kanya sa iba
pang babae na nabasa na sa ibang akda.
l Pagtatanghal ng pangkatang
gawain
l Pagbibigay ng feedback ng guro at ng
kabilang pangkat sa itinanghal na
pangkatang gawain
l Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa
natatanging pangkat na nagpakita ng
kahusayan sa ginawang pangkatan
batay sa rubriks na ibinigay ng guro
.
ANALISIS
1. Paano naipakita ni Huli ang pag-iingat at
pagpapahalaga sa kanyang puri at dangal?
2. Paano binigyan ni Rizal ng pagpapahalaga
ang mga kababaihan sa kabanata?
3. Sino ang maaari mong ihalintulad kay Huli sa
kasalukuyang panahon? Patunayan.
• Pagbibigay ng Input ng Guro

Si Huli ay mahalagang tauhan sa nobela.


1. Pagiging mapagmahal sa pamilya.
2. Matayog na pagpapahalaga sa puri.
3. ang pagiging tapat na mangingibig.
4. Katangian niya ang pagiging mahina nang
siya ay magpakamatay.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Istratehiya:
THE BOTTOM LINE…

Bumuo ng akrostik na aangkop sa salita upang


makabuo ng konsepto ng aralin.
B-bawat babae ay may
taglay na katangian
A- ATING DAPAT
PANGALAGAAN AT
PAHALAGAHAN
APLIKASYON

Mungkahing Istratehiya:
ANG PANGARAP KONG BITUIN
Isulat sa loob ng bituin ang pangalan ng
babae na hinahangaan o pinapangarap mong
maging katulad batay sa iba’t ibang larangan.
Isulat sa ilalim ang dahilan kung bakit siya ang
inyong pinapangarap o hinahangaan.
Kapamilya Artista Lingkod-
bayan
__________________ ___________________
___________________
__________________ ___________________
___________________
__________________ ___________________
___________________
3.Ebalwasyon
Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan.
1. Inakala ng marami na ginawang guardia civil ang
kapatid ni Huli na si Tano.
a. tulisan c. pulis o sundalo
b. katiwala d. tagapaglingkod

2. Ang uldog na tagapangasiwa ng mga pari ay wala


raw kasalanan sa mga pangyayari.
a. lider c.kalihim
b. kaibigan d. katiwala
3. Ang mga karanasan sa buhay at pamilya ni
Huli ay nagpapatunay na:
a. Ang pagpapakatatag at pananampalataya ang
pinakamabisang panlaban sa mga pagsubok sa
buhay.
b. makapangyarihan ang mga kastila at walang
makakatalo
c. ang pagpapakita ng kahinaan ay hindi dapat
ikahiya
d. ang mga tao sa paligid ay di dapat
paniwalaan
4. Ang pagiging mabuting anak ay naipakita
ni Huli sa pamamagitan ng:
a. paglapit kay Padre Camorra upang
humingi ng tulong
b. pamamasukan niya bilang katulong
upang matubos ang kanyang ama sa mga
tulisan.
c. pag-aalaga sa kanyang lolo habang wala
ang ama
d. ang pakikinig niya kay Hermana
Penchang
5. Alin sa mga katangian ni Huli
ang nararapat taglayin ng mga
kabataan sa kasalukuyang
panahon?
a. mapagmahal na kasintahan
b. maingat sa puri at dangal
c. mabuting apo
d. maunawaing kaibigan
*Susi sa Pagwawasto:
1.C 2. D 3. A 4. B
5. B

*INDEX OF MASTERY
IV. KASUNDUAN

1. Itala ang aral na iyong napulot batay


sa mga nangyari sa buhay ni Huli. Ilahad
kung alin ang nais mong tularan sa kanyang
mga karanasan.
2. Pag-aralan ang mga salitang
naghahambing. Magtala ng 5 halimbawa at
gamitin sa
MARAMING
SALAMAT!
PAGPALAIN NAWA
TAYO NG MAY
KAPAL!

You might also like