You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo

SAN ISIDRO NATIONAL HIGH SCHOOL


C LAWIS EXTENSION BARANGGAY SAN ISIDRO ANTIPOLO CITY
Asignatura Filipino 10 Panitikang Pandaigdig
Learning Delivery Modality FACE TO FACE
DIVISION Antipolo City Baitang G10- Louis Pasteur
Pangalan Rizza Wayne B. Reyes
LESSON EXEMPLAR
Petsa ng Pagtuturo April 17, 2023 Markahan Ikatlong Markahan

Oras ng Pagtuturo 1:30-3:30 Bilang ng Araw 1 araw / COT 1

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo.

2. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan na


angkop dito.

3. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng


bansang Africa at/o Persia.

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Africa at Persia.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
binasang akdang pampanitikan

C. Pinakamahalagang (F10PB-IIIh-i-81) Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang


Kasanayan sa Pagkatuto pampanitikan na angkop dito.
(MELC)

D. Pampaganang
Kasanayan

II. NILALAMAN Aralin 3.7: Nobela


Panitikan: Paglisan (Buod)
Nobela mula sa sa Nigeria ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
III. KAGAMITANG PANTURO Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw.

A. Sagunian

1. Mga pahina sa gabay Filipino 10 Panitikang Pandaigdig


ng guro

2. Mga pahina sa Filipino 10 Panitikang Pandaigdig Pahina: 319-326


kagamitang pang-mag-
aaral

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


3. Mga pahina sa teksbuk

4. Karagdagang
kagamitan mula sa portal K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 10,MELC,BOW
ng learning process

B. Iba pangkagamitang
panturo
laptop,TV ,Powerpoint presentation ,Sipi ng akda, audio clip

IV. PAMAMARAAN

Panimula Alamin
(Introduction) Ang paksang ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maipamalas ang iyong
pag- unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

Pagkatapos talakayin ang araling ito kayo ay inaasahang:

1. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo.
2. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan na
angkop dito.
3. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng
bansang Africa at/o Persia.

B. Pagpapaunlad
(Development)
Tuklasin

Mungkahing Estratehiya: Scrambled Letter, Gawing Better

Pagganyak
Gawain 1: Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagay
na tanyag sa bansang Africa.

1. KMOUINAKYSON 2.
EPSRIUTI

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


3. TARDISOYN 3. INGAN-BYANA

SUSI SA PAGWAWASTO
1. KOMUNIKASYON
2. ESPIRITU
3. TRADISYON
4. INANG-BAYAN

Subukin

Bago tayo dumako sa ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng paunang pagtataya upang
malaman natin ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa paksang ating tatalakayin

Gawain 2: TAMA O MALI

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat tanong sa ibaba. Ilagay ang tsek (/) kung tama
ang sinasaad ng pangungusap tungkol sa nobela at ekis (X) naman kung mali.

____1. Ang nobela ay isang uri ng panitikan na kuwentong pinahaba na maaaring hindi
makatotohanang kasaysayan subalit maaari rin namang mangyari.

____2. Tinatawag ding kathambuhay ang nobela.

____3. Sa nobela ay maraming ligaw na tagpo at kaganapan.

____4. Ang pananalita ay hindi sangkap/elemento ng isang nobela.

____5. Ang nobelang pinamagatang “Ninay” ang kauna-unahang nobelangb Tagalog na


naisulat noong panahon ng Hapon.

SUSI SA PAGWAWASTO

1. / 2. / 3. / 4. X 5. X

Balikan

(Inquiry Based Approah)

Gawain 3: Bilang patunay na naunawaan mo ang nakaraang aralin, subukin mong sagutan
PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School
ang mga sumusunod.

1. Anu-ano ang mga teoryang pampanitikan?


2. Paano nagkakaiba ang mga teoryang pampanitikan?
3. Magbigay ng halimbawa ng mga nabasang akdang pampanitikan at ibigay kung anong
teoryang pampanitikan ang lumutang dito.

Suriin
Ano ang Nobela?
 Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba't ibang kabanata.
 Ito ay isang uri ng panitikan na kuwentong pinahaba na maaaring hindi
makatotohanang kasaysayan subalit maaari rin namang mangyari.
 Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
 Sa nobela ay maraming ligaw na tagpo at kaganapan.
 Ang nobelang pinamagatang “Ninay” ang kauna-unahang nobelang Tagalog na
naisulat noong panahon ng Kastila na isinulat ni Pedro Paterno.
 Elemento ng Nobela
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


Mungkahing Estratihiya: SINE MO’TO
Gawain 4: Basahin ang buod ng nobela na pinamagatang ”Paglisan” ni Chinua
Achebe sa pamamagitan ng isang video.

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School
PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School
Gawain 5: Komprehensiyon at Reaksyon sa Leksyon

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ilarawan si Okonkwo batay sa nabasa at napakinggang buod.

2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo ng


pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo?\

3. Makatwiran ba ng ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.

4. Batay sa mga ipinakitra ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na


madirigma? Bakit?

5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatatagan sa kaniyang paniniwala at


paninindigan?

6. Magbigay ng mga tradisyon at kultura ayon sa nabasang akda. Ano sa tingin mo ay iyong
magagamit sa pang-araw-araw na buhay?

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


7. Suriin kung anu-anong mga pananaw/teoryang pampanitikan na nakapaloob sa akdang
binasa. Maglahad ng mga pangyayari mula sa akda bilang patunay.

C. Pagpapalihan Isagawa ( Integrative Approach)


(Engagement)

Gawain 6: Mungkahing Estratihiya: Pangkatang Gawain


Pangkat 1: Dula-Dulaan
Batay sa mga batis ng impormasyon mula sa Africa, gumawa ng dula na nagpapakita ng mga
tradisyon/kultura ng Africa.
Krayterya Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto ang ipinakitang impormasyon sa dula. 5
Angkop ang isinadula sa tema. 5
Maayos at makakapukaw-pansin ang isinadula 5
Pagkakaroon ng kooperasyon sa grupo 5
Kabuuan 20
Pangkat 2: Fan-Fact Analyzer
Suriin ang nabasang akda batay sa elemento ng nobela.

Krayterya Puntos Nakuhang


Puntos
Wasto ang ipinakitang pagsusuri sa nabasang akda 5
Angkop ang ginawang pagsusuri sa paksa 5
Maayos at makakapukaw-pansin ang nagging presentasyon 5
Pagkakaroon ng kooperasyon sa grupo 5
Kabuuan 20

Pangkat 3: Poster-making
Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng mga tradisyon at kultura batay sa binasang akda.
Krayterya Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto ang ipinakitang impormasyon sa ginawang poster 5
Angkop ang poster sa tema. 5
Maayos at makakapukaw-pansin ang isinagawang poster 5
Pagkakaroon ng kooperasyon sa grupo 5
Kabuuan 20

Pangkat 4:Musika
Lumikha ng isang kanta na naglalahad kung paano pagyayamanin bilang isang Pilipino ang
mga tradisyon at kultura ng Pilipinas.

Krayterya Puntos Nakuhang


Puntos
Wasto ang ipinakitang impormasyon sa nilikhan kanta 5
Angkop ang ginawang kanta sa tema. 5
Maayos at makakapukaw-pansin ang ginawang kanta 5

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


Pagkakaroon ng kooperasyon sa grupo 5
Kabuuan 20
D. Paglalapat Isaisip
(Assimilation)

(Constructivism Approach)
Gawain 7: I-SHARE MO NA YAN!

Isa kang lider ng mga kabataan sa inyong pamayanan, isang araw nabalitaan
mon a ang isa sa mga kagrupo mo ay napagkamalang magnanakaw at
nabugbog ng mga kabataan na taga kabilang barangay. Bilang kanilang
pinuno, ano ang iyong gagawin? Bakit?

Tayahin
GAWAIN 8:PANUTO: ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT
1. Ayon sa akda, kung ikaw ay nakapatay ng tao sa isang tribo paano ka makikipagkasundo ng
kapayapaan sa kalahi nito?
a. Mag-alay ng isang katribo sa lahi ng taong napatay.
b. Makipagdigma sa kabilang tribo.
c. Ang isa sa mga anak ng nakapatay ang ipapalit sa nasawi.
d. Humingi ng tawad sa pamilyang pinagkasalaan.

2. Bakit nasabi ni Obierika ang mga katagang ito? “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong
nayon, dahil sa kanyang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.”
a. Para sa kanila ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan.
b. Para sa kanila ang taong nagpatiwakal ay parang isang hayop.
c. Isang pangkaraniwang bagay lamang ang pagpapatiwakal.
d. Ang pagkitil sa sariling buhay ang maghahatid sayo sa kaluwalhatian.

3. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng
Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.

4. Sa iyong palagay, bakit ginusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?


a. Mahina ang kanyang ama.
b. Gusto niyang maghiganti sa kanyang ama.
c. Dahil walang kwenta ang kanyang ama.
d. Gusto niya ng karangalan, katanyagan at pangalan.

5. Piliin ang angkop na kahulugan ng salitang yumao batay sa pagkakagamit sa bahagi ng


nobela.
a.Pumanaw c. Nanghina
b.Lumisan d. Nawalan ng pag-asa

SUSI SA PAGWAWASTO Index of Mastery

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School


1. C G10-PASTEUR Blg. Ng Mag-aaral INDEX
2. A
3. B 5
4. C
4
5. A
3

V. PAGNINILAY
(REFLECTION)
Pagninilay ng Guro:

Inihanda ni:

RIZZA WAYNE B. REYES


Teacher I

Siniyasat nina:

G. SIMON G. CABASAN GNG. CRISTINA N. POTENCIA


Head Teacher I Master Teacher I

G. ESTEBAN B. CASAUAY
Principal III

PAGE \* MERGEFORMAT 10 | IDEA Lesson Exemplar for Junior High School

You might also like