You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS

Baitang/Antas:Baitang 10 Larangan:Filipino
Markahan: Ikaapat Petsa : Marso 02, 2018
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Seksyon Oras
Mabini 7:20-8:20
Aguinaldo 10:50-11:50
Malvar 12:40-1:40
Rizal 2:00-3:00

Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mag-aaral ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga tauhan ng El


Filibusterismo sa mga piling kabanata nito.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay makabubuo ng isang STAR PROFILE para sa mga tauhang itinatampok
sa bawat kabanata na may kaugnayan sa mga kababaihan.

Kompetensi

F10PN – Ivg-h-86
Nabibigyang puna ang narinig na paghahambing sa akda sa ilang akdang nabasa, napanood o
napag-aralan

Mga Layunin:
1. Nasusuri ang video clip na napanood tungkol sa kababaihan noon at ngayon.
2. Nasasalamin ang pagbabagong naganap sa mga kababaihan noon sa kababaihan
ngayon.
3. Nakalilikha ng isang tula na tumatalakay sa paghahambing ng kababaihan noon at ngayon .

I. Paksang Aralin:
Aralin 4.4
Panitikan: El Filibusterismo

Si Huli, Bilang Simbolo ng Kababaihang Pilipino Noon at Ngayon


Kabanata 4: Kabesang Tales
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 8: Maligayang Pasko!
Kabanata 9: Si Pilato
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 19: Ang Mitsa
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 30: Si Huli
Kabanata 32: Ang Ibinunga ng mga Paskin
Kabanata 35: Ang Pista

Sanggunian: Gabay ng Guro (pahina156-161)

Kagamitan: larawan, telebisyon, libro ng El Filibusterismo, pantulong na biswal, powerpoint


presentation, video clip.
Tuklasin

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Aktibiti

A.1 Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng Silid Aralan
 Pagtatala ng Liban sa Klase
 Pagwawasto ng Takdang Aralin
 Pagbabalik Aral

A.2 Pagganyak : “Copy Cut”

(Pangkatang Gawain)
Ang guro ay may inihandang mga larawan na kung saan ang bawat pangkat ay
bibigyan lamang ng 10 segundo upang gayahin ang mga ito. Ang pangkat na siyang
pinakamagaling ang makakatanggap ng puntos.

A.3 Pagpapasagot sa Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang mapapansin sa mga larawan?


2. Paano mo ilalarawan ang pagbabagong naganap sa mga kababaihan noon sa kababaihan
ngayon?

B. Analisis

B.1 Magpapanood ang guro ng isang video clip na tumatalakay sa kababaihan noon at ngayon.

B.2 Pagpapasagot sa Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang nahinuha matapos mapanood ang video clip?


2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na pumili, aling panahon ang nanaisin
mo? Kababaihan noon o kababaihan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
C.Abstraksyon

C.1 Pangkatang Gawain


May inihandang pangkatang gawain ang guro, kukunin ng bawat lider ang kanilang
gagawin sa loob ng “Aklat ng Kaalaman”

Pangkat 1: I-Poster You

Gumawa ng isang poster na


naglalarawan ng pagiging isang dalagang
Pilipina.

Pangkat 2: I Feel You

Mula sa mga napanood na pelikula na pinagbibidahan


ng kababaihan, gumawa ng isang maikling dula-dulaan na
nagpakita ng senaryo ng pagiging isang huwarang
kababaihan na dapat tularan ng kabataan

Pangkat 3: Poem-Bihira

Lumikha ng isang tula na tumatalakay sa


paghahambing ng kababaihan noon at
ngayon.

Pangkat 4: TABLEU

TABLEU Sa pamamagitan ng Tableu , bumuo ng isang


larawan na nagpapakita ng katangian ng mga
kababaihan na nais mong panatilihin at tularan.
Bigyan ito ng kapaliwanagan sa klase.

Pangkat 5 : Let’s Face It!

Talakayin ang pagbabagong nagaganap sa mga


kababaihan noon at ngayon mula sa pananalita, kilos,
pamumuhay, at abilidad. Gawin ito sa pamamagitan ng
talkshow.
Paglalahad ng Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman ng Presentasyon 40 pts


Kasiningan ng Paglalahad 20 pts
Kooperasyon 20 pts
Kaangkupan sa Paksa 20 pts
Kabuuan 100 pts

C.2 Input ng Guro.


Magbibigay ang guro ng karagdagang impormasyon sa ginawang pangkatang gawain.

D.Aplikasyon
Sa tulong ng Character Mapping, ilalahad ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng kababaihan
noon at kababaihan ngayon.

Kababaihan Noon Kababaihan Ngayon

Pag-iisip Pag-iisip

Pananamit Pananamit

Kilos/Gawi
Kilos/Gawi

E.Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang salitang KABABAIHAN kung tama ang sagot at KABABAITAN kung mali
ang isinasaad ng pangungusap.

1. Ang kababaihan ngayon ay malaki ang kaibahan sa kababaihan noon mula sa


pananamit, kaugalian at kilos.

2. Walang karapatan ang mga kababaihan noon na makapag-aral dahil sila ay inaasahan
na palaging nasa bahay lamang para alagaan ang pamilya niya.

3. Ang pagbabagong nagaganap sa mga kababaihan ay dala ng pagbabago ng panahon


at pagyakap natin dito, para tayo ay mapag-iwanan ng uso.

4. Sa kasalukuyan ang kababaihan ay likas na mahina at walang magagawa kaya naman


sila ay palaging nasa bahay lamang.

5. Ang kababaihan noon ay kaya ng makipagsabayan sa mga kalalakihan dahil


iginagalang na ang kanilang mga desisyon.

Susi sa Pagwawasto.

1. KABABAIHAN
2. KABABAIHAN
3. KABABAITAN
4. KABABAITAN
5. KABABAITAN
F. Takdang Aralin

Lumikha ng isang Spoken Poetry para mga Kababaihan. Isulat ito sa loob ng Kalatas.
Inihanda ni:

SARINA N. ENDAYA
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

VERIELLYN GRACE N. OBLIGAR


Gurong Tagapagsanay

Binigyang Pansin ni:

ANACLETO M. GUNIO Ed.D


Punongguro

You might also like