You are on page 1of 8

Paaralan Pambansang Baitang/Seksyon 10- SPA A

Mataas na Paaralan Namnama


ng La Union 10-10 Lapu-Lapu
Pre-service EFREN T. HESIM Asignatura FILIPINO 10
Teacher
Petsa at Oras 03/08/2023 Semestre/Termino Ikatlong
11:15- 12:15 PM Markahan
2:30-3:30 PM

Pagkatapos ng 60 minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan. (F10PN-IIId-e-79)

a. Nailalahad ang paraan kung paano alagaan ang mga hayop na


nararanasang suliraning pangyayari sa lipunan.
b. Nakabubuo ng isang maikling kuwento tungkol sa pinagmulan ng
sariling alagang hayop.
c. Nakatatamo ng kasiyahan sa pagkakaroon ng mga batas na
pinapangalagaan ang kapakanan ng mga hayop.
II. Paksang Aralin Maikling Kuwento: Ang Alaga mula sa East Africa
Ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Sanggunian: Filipino 10 Modyul Kuwarter 3
Ambat, V. C. et al. (2015). Filipino 10

Mga Kasanayang Kasanayan sa pakikinig at pag-uunawa


Kinakailangang
Paunlarin:

Mga Aral: Pangalagaan ang Karapatan at maalam sa mga batas para sa kaligtasan ng mga
hayop.

Kagamitan: Bidyo, power point presentation, laptop, at iba pang mga kagamitang
pampagtuturo.

III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Paghahanda Pagsasagawa ng pang-araw-araw na
gawain.
1. Pagbati
Magandang umaga/hapon mga mag-
aaral! Pagmasdan ang inyong paligid Magandang hapon po G. Hesim
pakiayos ang upuan at pakipulot ng
mga kalat kung mayroon man. Nais
kung gawin ninyong komportable ang
iyong mga sarili at sundin natin ang
mga protocols sa loob ng silid-aralan.

2. Panalangin
Tayo ay manahimik at damhin ang Amen……….
presensya ng ating Poong Maykapal.

(Magpakita ng isang bidyo klip ang


guro ng isang panalangin)
3. Pagtala ng liban

Sino ang mga lumiban sa klase? Wala po Sir.

Okay, Maraming salamat!

Pagbabalik-aral

Kategorya Mo ay Mahalaga

Madali Katamtaman Mahirap

Panuto: Pumili ng isang kategorya at


sagutin ang tanong na mabubunot ng
guro. Handa na ba kayo klas? Opo, Sir

(Pumili ng kategorya ang estudyante) Sir, Madali

Okay, tanong ito ay binubuo ng mga Sir, ito po ay isang saknong


taludtod sa isang tula?

Mahusay!

Tatawag ulit ng estudyante Sir, katamtaman

Okay, anong uri ng Tula ang Hele ng Sir, tulang Malaya


Ina sa Kaniyang Panganay?

Magaling!

Panghuli na tatawag ang guro Sir, mahirap

Okay, sa anong paraan mo


maipapakita ang pagmamahal mo sa Sir, sa pamamagitan ng pagsunod sa
iyong Ina. kanila sa lahat ng bagay na
nakabubuti po sa akin.
Tama!
Paglalahad ng
Paksa

Sir, ito po ay mga hayop o nag-aalaga


ng mga hayop
Ilarawan ang nakikita ninyo sa mga
imahe sa powerpoint?

Tama! Ito ay mga nag-aalaga ng mga


hayop
Pagganyak
Ngayon klas, umpisahan natin ang
klase sa isang laro na pinamagatan
kong “Kahon o Nganga”.

Kailangan ko ng tatlong mag-aaral dito


sa harapan. Tapatan ninyo ang mga
kahon na may larawan na gusto ninyo.

Kapag lumabas sa screen ang larawan


na inyong natapatan ibig sabihin ikaw
ang unang sasagot sa tanong.
Babasahin mo ito ng malakas bago
sumagot. Kapag tama ang iyong sagot
makukuha mo ang laman ng kahon
subalit kung mali “Nganga” ang
makukuha ninyo mula sa akin.
Tatawag ako ng iba para sagutin ang
tanong.
Opo, Sir
Handa na ba kayo?

Upang masagot ng tama ng kaklase


ninyong si ________, kailangan muna
niyang marinig ang babasahin kong
bahagi ng ulat mula sa isang
pahayagan.

Tanong:
Batay sa aking binasa, mayroong
Nilikha ang Republic Act of 8485
batas na nangangalaga sa mga hayop.
o Animal Welfare Act of 1998 Sa iyong palagay, bakit kaya may
para maprotektahan ang mga nagaganap pa ring pagkatay ng aso?
hayop. Sa ilalim ng batas, ang
pagmamalupit at pag-torture sa
mga hayop ay isang Criminal Act. Dahil po sa karne nito, may mga tao
Makukulong ng anim na buwan po na kahit may mga batas ay illegal
at pagmumultahin ng P1,000 ang pa rin po nila itong ginagawa.
Kinakain po nila ito minsan inuulam
magmamalupit sa mga hayop.
at ginagawang pulutan na kahit labag
sa batas ay ginagawa parin nila ito.
Tama, ano naman ang damdamin mo Kung ako man po ay makasaksi ng
sa patuloy na pang-aabuso sa mga pang-aabuso sa mga hayop ay
hayop? magagalit at malulungkot po ako
dahil hindi dapat saktan ang mga
hayop dahil may buhay din sila at
nakakaramdam sila sa lahat ng
ginagawa sa kanila.

Tama! Dahil diyan ay kunin muna ang


iyong premyo.

Ngayon, ang lumabas naman ay


larawan ng pusa. Bago ka sumagot,
panoorin muna ninyong mabuti ang
isang bidyo klip tungkol sa mga pusa.

Batay sa iyong napanood, paano ang


tamang pag-aalaga sa mga pusa?

Sir, sa pag-aalaga po ng pusa ay hindi


basta-basta at dapat tanggapin ng
mga nag-aalaga na may jungle
instinct at natural o kakaibang ugali
https://youtu.be/RHVnazbwGQg pa rin ang mga pusa.
Tama, mahalaga na maging bukas ang
ating isipan sa kanilang ugali upang
maunawaan natin ang kanilang mga
kilos at maalagaan ng tama.

Isa na lamang ang natitirang kahon.


Ngayon dito masusukat ang husay ng
iyong tainga.

Isang batas ang isinusulong ng AGAP Tanong:


Party List hinggil sa isyu ng laganap na Ayon sa binasa, paano nakakaapekto
kalakalan ng botya sa palengke. sa kalusugan ng tao ang pagkain ng
baboy na tinatawag na double dead o
Target ng panukalang batas na namatay nab ago ito ibenta?
palakasin ang pwersa upang sugpuin
ang ganitong illegal na kalakalan sa
likod ng bentahan ng botya. Sir, ang botya na karne ay maaring
magdulot ng sakit kung makakain.
Sa kasalukuyang batas na sinusunod sa Dahil ito sa mga baktirya at iba pang
National Meat Inspection Services mga mikrobyo na kaagad pumapasok
(NMIS) code, P1,000 pataas at sa katawan at karne ng hayop sa oras
confiscation ng mga karne sa na mamatay ito ang sakit na pwedeng
mahuhuling nagbo-botya. makuha ay maaaring food poisoning,
pagtatae o pagkamatay.
Anim hanggang 12-taong
pagkakakulong, multa 50,000
hanggang 200,000 at confiscation ng
mga karne maging ang sasakyan na
ginamit sa pagdedeliver ng mga
double dead meat ay magiging bagong
parusa.

Tama, paano nilulutas ng pamahalaan


ang ganitong suliraning panlipunan? Sir, sa pamamagitan ng pagharang o
pagkumpiska ng mga karne at
ibinabaon ito sa lupa para hindi na
mapunta sa mga bilihan at makain ng
Pagtalakay ng mga tao.
Paksa

Ano ang inyong mahihinuha sa mga


larawan na inyong nakikita? Sir, maaari ito ay isang istorya o
maikling kuwento.

Ano ang isang maikling kuwento? Ito ay isang maiksing salaysay hinggil
sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan
at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan.

Bahagi ng Maikling Kuwento


1. Panimula
- Kabilang sa simula ang mga
tauhan, tagpuan, at
suliranin. Sa mga tauhan
nalalaman kung sinu-sino
ang magsisiganap sa kwento
at kung ano ang papel na
gaganapan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan. Sa
tagpuan nakasaad ang lugar
na pinangyarihan ng mga
aksyon o mga insidente
kasama na dito ang panahon
kung kailan naganap ang
kwento. At ang bahagi ng
suliranin ang siyang
kababasahan ng
problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.

2. Gitna
- Ang gitna ay binubuo ng
saglit na kasiglahan,
tunggalian, at
kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang
naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Wakas
- Ang wakas ay binubuo ng
kakalasan at katapusan.
Ang kakalasan ang
bahaging nagpapakita ng
unti-unting pagbaba ng
takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa
kasukdulan, at ang
katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging
resolusyon ng kwento.
Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga
kwento na hindi laging
winawakasan sa
pamamagitan ng
dalawang huling
nabanggit na mga
sangkap. Kung minsan,
hinahayaan ng may-akda
na mabitin ang wakas ng
kwento para hayaan ang
mambabasa na humatol o
magpasya kung ano sa
palagay nito ang maaring
kahinatnan ng kwento

Mga Uri ng Maikling Kuwento

1. Kwento ng Tauhan
2. Kwento ng Katutubong Kulay
3. Kwentong Bayan
4. Kwento ng Kababalaghan
5. Kwento ng Katatakutan
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
7. Kwento ng Sikolohiko
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
9. Kwento ng Katatawanan
10. Kwento ng Pag-ibig

Panoorin ang Maikling Kuwento na


“Ang Alaga” na mula pa sa East Africa Pinanood ang Maikling Kuwento
(Magpakita ng bidyo klip ang guro)
Nais kung sagutin ninyo ang mga gabay
na tanong habang kayo ay nanonood.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


akda? Itala ang kaniyang Si Kibuka at ang alagang baboy
kalakasan at kahinaan bilang
tauhan.

2. Batay sa mga pangyayari sa


akda, paano mo ilalarawan ang Para po sa akin ay kahit anong
isang alaga nang may mangyari ay hinding-hindi ko kakainin
pagpapahalaga. ang aking alaga dahil parang
karugtong na sila sa aking buhay.

3. Paano ka naapektuhan sa
akdang iyong nabasa/narinig? Nakakaapekto ito sa akin dahil
mahilig ako sa hayop at naawa ako
kapag may aakita akong hayop na
pakalat-kalat sa daan. Kapag may
Nakita akong ahensya na pweding
ilagay ay yon ang una kong gagawin.

C. Paglalahat Panuto: Sa loob ng 10 minuto bumuo


ng isang maikling kwento tungkol sa
pinagmulan o pangalan ng inyong mga
alagang hayop. Gawing pamantayan Opo, Sir
ang nasa ibaba maliwanag?
(Pangkatang Gawain)

Kalinisan 10 puntos
Kahusayan sa 10 puntos
paglalahad
Nakapupukaw 10 puntos
ng damdamin
Kabuuan 30 puntos

D. Paglalapat Di Ba Teh
Panuto: Sagutin ang katanungan sa Di ba teh kapag may mga batas na
ibaba umpisahang sabihin ang “Di Ba nangangalaga sa hayop ay maibsan
Teh” bago sumagot. ang pang-aabuso nila sa mga ito kaya
malaking tulong ang mga batas na
Mahalaga ba ang pagpapatupad ng naipatutupad.
batas upang pangalagaan ang
karapatan ng mga hayop? Oo o Hindi
Ipaliwanag.

Masaya kabang nakakakita ng mga Sir, para po sa akin hindi dahil may
hayop na inaabuso? pakiramdam din nama sila kahit hindi
sila nakapagsasalita.
IV. Ebalwasyon Quiz Bee
Panuto: Hahatiin ko ang klase sa
dalawa o tatlong grupo. Sa bilang na 5
segundo ay itataas ng bawat grupo ang
kasagutan sa mga tanong.
1. Ito ay isang maiksing salaysay Maikling kuwento
hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon
lamang.
2. Bahagi ng maikling kuwento na Panimula
kung saan pinapakilala ang
tauhan, tagpuan at suliranin.
3. May akda ng kuwentong Barbara Kimenye
napakinggan.
4. Pangunahing mga tauhan sa Kibuka at Alagang Baboy
akda.
5. Uri ng maikling kuwento na Kwentong Kababalaghan
pinag-uusapan ang salaysaying
hindi kapanipaniwala.
6. Ito ay ang pangkalahatang Tema
kaisipang nais palutangin ng
may-akda sa isang maikling
kuwento.
7. Ito naman ang tuwirang Mensahe
pangangaral o pagsesermon ng
manunulat sa mambabasa.
8. Batas na kung saan Republic Act 8485/Animal Welfare
maprotektahan ang mga hayop. Act of 1998
9. Bilang ng buwan kapag nahuli Anim na buwan
na inaabuso ang isang hayop.
10. Nagpatupad ng Republic Act Fidel V. Ramos
8485 o Animal Welfare Act of
1998
V. Takdang- Panuto: Magsaliksik ng mga maikling Opo, Sir
Aralin/ kuwento na sa tingin ninyo ay may
Kasunduan aral kayong mapupulot. Ilahad ang
hinihingi sa mga salita na nasa ibaba.
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Aral
- Tema

Inihanda ni:

EFREN T. HESIM
Pre-service Teacher

Binigyang pansin ni:

GNG. ROSAL F. GAMBALA


Cooperating Teacher, LUNHS

You might also like