You are on page 1of 4

GUMACA NATIONAL HIGH SCHOOL

Gumaca West District


Gumaca, Quezon

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN
A. Naibibigay ang kahulugan ng ilang matatalinhagang pananalita mula sa kabanatang
tatalakayin sa pamamagitan ng isang word map
B. Naibabahagi ang natutunan mula sa binasang kabanata sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga inihandandang katanungan
C. Nakagagawa ng isang panibagong wakas para sa kabanatang tinalakay sa pamamagitan
ng iba’t-ibang pangkatang gawain.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Rizal
Kabanata 30 : Si Juli
B. Sanggunian: Pinagyaman Pluma 2 (Ika-10 Baitang) p. 798-808
C. Kagamitan: Sipi ng Kabanata 18, video clip, manila paper, marker
D. Pagpapahalaga: Maging mapagmatyag at mapanuri sa lahat ng oras

III. PAMAMARAAN
A. AKTIBITI

1. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Paglilinis ng paligid/silid-aralan

2. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral sa mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Juli.
(Kabanata 4, Kabanata8 at Kabanata 9)
3. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga tanyag na babae sa Pilipinas.

a. b. c.

4. Paghahawan ng Balakid

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salita na nasa gitna ng bawat Word Map sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga salita/parirala na may kaugnayan dito.

BANGUNGOT
BABAE PAGPAPAKASA
KIT
5. Input ng Guro
Magbibigay ang guro ng ilang mahahalagang detalye tungkol kay Huli.

B. ANALISIS
1. Paglalahad ng Aralin
Ipabasa/Ipapanood ang buod ng Kabanata 18: Mga Kadayaan sa loob ng 8 minuto

2. Pagtalakay sa Aralin
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa binasang/pinanood na Kabanata?
2. Ano ang kakaiba sa palabas ni Mr. Leeds at nais itong panoorin ng pangkat ng mga
pari at nina Ben Zayb?
3. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay ng kanyang buhay? Kaninong buhay mo ito
maihahambing at bakit?
4. Bakit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa isinalaysay si Imuthis?
5. Kung ikaw si Padre Salvi, ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni
Imuthis?

C. ABSTRAKSIYON

Bilang paglalahat, ibigay ang mga sumusunod na tanong sa mga mag-aaral:

1. Magbahagi tungkol sa mahahalagang detalye mula sa tinalakay na kabanata.


2. Ano ang mahalagang aral na nais ituro ng Kabanata 18 sa mga mambabasa?

D. APLIKASYON
1. Paglalahad ng Gawain
Pangkatang Gawain
Panuto: Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang Power Point Presetation na
magpapakita ng mga mahahalagang detalye/kaisipang nakapaloob sa Kabanatang
tinalakay. Ang Power Point Presentation ay hindi lalampas sa 5 slides at marapat na
gamitan ng Transition at Animation na magbibigay dito ng elemento ng ilusyon. Gagawin
sa loob ng 10 minuto.

2. Presentasyon

Isa-isang ipepresenta ng bawat pangkat ang kanilang nagawang awtput.

IV. EBALWASYON

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap mula sa Kabanata 18 at sagutan ng buong husay.
Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Siniyasat ng mabuti ni Ben Zayb ang entablado subalit hindi niya makita ang ____________
na sa palagay niya ay ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya.
a. Agimat b. Salamin c. Aklat
2. Si Imuthis ay nagmula sa bansang ____________.
a. India b. China c. Egypt
3. Si Padre Salvi ay nahimatay at bumagsak sa lapag dahil _____________.
a. Sa sobrang takot dahil sa espinghe
b. Nahilo dahil sa sobrang dami ng tao sa perya
c. Nakita niya si Crisostomo Ibarra
4. Matapos ang palabras ay nais na nina Don Custodio na ________________.
a. Ipapanood sa Kapitan Heneral ang palabras
b. Imbitahan si Mr. Leeds na magtanghal sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas
c. Ipatigil ang pagpapalabas ni Mr. Leeds
5. Sino ang may pakana ng nasabing palabas ukol sa Espinghe?
a. Si Simoun b. Si Basilio c. Si Isagani

V. TAKDANG ARALIN

Basahin ang Kabanat 19: Ang Mitsa sa pahina 76 – 81 ng Pinaikling Bersiyon ng El


Filibusterismo.

Inihanda ni: Sinuri ni:

MARIFE R. CAÑAZARES MABEL A. DEAZETA


Guro I Dalubguro I

Naobserbahan:

ELVIRA DONA G. SILANG


Ulongguro III

You might also like