You are on page 1of 12

Efefefef

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng 50-minutong Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang elemento ng maikling kuwento.

b. Nahihinuha ang mga mahahalagang detalye sa nobela.

c. Naisasadula ang mahahalagang detalye ng “Si Anne ng Green Gables”

d. Naiiuugnay ang sarili sa tauhan ng kuwento.

II. PAKSANG-ARALIN

a. Paksa

“Si Anne ng Green Gables” buod ng nobela ng Canada

b. Sanggunian

Tuon-Dunong Filipino 10

Pahina 184-189

c. Mga Kagamitan

Laptop Kahon Larawan

PPT Kartolina Manila Paper

Chalk/Marker Tape

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin (ang mga mag-aaral ay tatayo para sa panalangin)
na pangungunahan ni Jisha.

Maari na kayong magsiupo Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu, santo Amen…

Salamat po Ma’am
Efefefef

2. Pagbati

Magandang umaga Compassio


Magandang umaga rin po Ma’am Bianca.
Bago tayo magsimula sa ating talakayin
ngayong araw tandaan ang mga protokol sa
kalusugan at kaligtasan ng ating paaralan.
Panatilihin lamang ang pagsusuot ng ating mga
face mask, kung may nararamdaman na hindi
maganda maaring magsabi upang magabayan
papunta sa ating klinika.

3. Pagtatala ng Liban

Carla, pakitala sa papel ang mga lumiban sa


araw na ito at ibigay sa akin pagtapos ng ating
talakayin.

B. Balik-Aral
Opo Ma’am.
Bago tayo magsimula balikan muna natin ang
ating tinalakay noong mga nakaraan patungkol
sa elemento ng maikling kuwento.

Anu-ano nga ulit ang Elemento ng Maikling


Kuwento?

Tauhan, ang tauhan ay tumutukoy sa


gumaganap sa kwento. Ma’am (nagtaas ng kamay)
Ano pa?

Tagpuan, ang tagpuan ay lugar kung saan Tauhan, ito po ay gumaganap sa kuwento Ma’am
nagaganap ang mga pangyayari.

Tunggalian, dito makikita ang pakikipag


tunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliranin. Tagpuan, ito po ay lugar ng pinangyayarihan Ma’am

Kasukdulan, ito ay ang pinakamatinding


nangyari sa kuwento at ito ang pinaka
maaksiyon.
Tunggalian, makikita po ang pagtutunggali ng tauhan.

Kasukdulan, pinaka matinding nangyari po sa kuwento


Ma’am

Wakas, kinahinatnan ng pangyayari po Ma’am


Efefefef

Wakas, ito ang kinahinatnan ng kuwento,


maaring malungkot o masaya.
Mahuhusay! natatandaan pa ang elemento ng
maikling kuwento. ngayon naman bago tayo
magsimula sa ating talakayin ay magkakaroon
muna ng tayo ng laro.
C. Pangganyak

Ang ating laro ay pinamagatang hula mo! Sagot


mo!
Pamilyar ba kayo sa larong Family Fued?
Ang ating laro ay kahalintulad ng Family Fued, Opo Ma’am
mayroon akong isang tanong at mayroon kayong
pagpipilian. Kung sa family Fued mayroong
kalaban dito naman ay tanging sarili lang sapagkat
aalamin niyo lang ang hihingi ng tanong. mayroon
lamang kayong limang pagkakataon para sabihin
ang tamang sagot. Maliwanag?
Ang tanong ay

Opo Ma’am

Tandaan ang tanong. Para naman sa inyong


pagpipilian ay

Ano sa inyong palagay ang kabilang sa Elemento


ng maikling kuwento?
Magaling, Mahusay! Hindi nagkaroon ng pagkalito
sa mga pagpipilian.

D. Talakayin

Ngayon ay dumako na tayo sa ating tatalakaying


nobela na pinamagatang “Si Anne ng Green Tauhan, tagpuan, tunggalian, kasukdula at wakas.
Gables”
Pero bago yan alamin muna natin ang pagkakaiba
ng Nobela at ng maikling kuwento sa pamamagitan
ng venn diagram.
Kapag sinabing Nobela ano ang unang pumapasok
sa inyong isipan?

kilalang uri ng panitikan sa buong mundo.


Efefefef

Kilalang uri ng panitikan. Ano pa?


Ito po ay naglalaman ng mahahabang kuwento.

Naglalaman ng mahahabang kuwento. Ano pa?


mayroon pa?
Karaniwan pong nabibilang sa piksyon

Mahusay! Nabibilang sa piksyon. Tama ang inyong


mga sinabi. Kapag sinabing nobela ito ay…

NOBELA

Pinakakilalang uri ng panitikan.

Nahahati sa kabanata at bawat


kabanata ay naglalaman ng iba’t
ibang pangyayari.

Karaniwang nabibilang sa piksyon.

Ang tauhan ay naglalaman ng isa o


higit pa.

Ang halimbawa nito ay ang “noli me tangere” ni Dr. Jose


Rizal, buklatin lang librong ito makikita moa gad ang bawat
kabanata nito. Nauunawaan? Opo Ma’am

Samantalang ang maikling kuwento naman ay? Magbigay maikli lamang ang bawat pangyayari.
nga?

Maikli ang pangyayari, ano pa?


Kakaunti ang tauhan

Kakaunti lamang ang mga tauhan, ano pa?


Nais lamang na maipaabot ang impormasyon o mensahe sa
mambabasa.

Mahusay! Mayroon pa?

Natatapos sa isang upuan lamang

Mahusay! Ang lahat ng inyong sinabi ay tama patungkol sa


maikling kuwento. Kapag sinabing maikling kuwento ito
ay…
Efefefef

MAIKLING KUWENTO

Nagsasalaysay ng isang pangyayari.

Nais lang maiabot agad ang


mensahe o impormasyon sa
mambabasa.

Kakaunti lamang ang mga tauhan.

Natatapos sa isang upuan lamang.

Nauunawaan na ba ang pagkakaiba ng Nobela at maikling


kuwento?

Opo Ma’am
Samantalang, ang pagkakatulad ng dalawa ay… may ideya
ba kayo?
Gumagamit po ng Teknik

Mahusay! Ginagamitan ng Teknik sa pagsulat. Ano pa?

Mayroong tema
Mayroong tema, kadalasan ay pinapakita na sa kuwento o
minsay ginagamitan ng simbolo.

May kasukdulan po Ma’am

May kasukdulan upang maging kapanapanabik sa


mambabasa.

PAGKAKAPAREHO

Gumagamit ng Teknik sa
pagsulat

Mayroong tema

Nangangailangan ng
kasukdulan upang maging
kapanapanabik.

Naiintindihan na ba ang pagkakaiba at pagkakapareho ng


nobela at maikling kuwento?

noong nakaraan ay sinabi ko sainyo na basahin ang buod ng


nobela sa inyo libro, tama? Binasa ba?
Opo Ma’am
Efefefef

Ngayon para mas maunawaan mayroon akong ipapanood na


bidyo, kung saan mapapanood ninyo ang buod ng nobelang
“Si Anne ng Green Gables” at upang mas maunawaan ninyo
ito siguraduhin lamang na ang lahat ay makikinig at
panonoorin ang buod ng nobela hanggang sa ito ay matapos.

(pagpapanood ng 4-5 minutong bidyo)

Ngayon ay napanood niyo na ang buod ng nobela, ano nga


ulit ang pamagat ng nobela?
“Si Anne ng Green Gables” po Ma’am

Mahusay! Saang bansa nagmula ang Nobela?


Sa Canada po Ma’am

Mahusay! Alam niyo ba na ito ang kauna-unahang bantog na


nobela ni Lucy Maud Montgomery.

Naisalin ito sa iba’t ibang wika. Ito rin ay dating isinasadula


pa sa telebisyon at ito ay naging isang pelikula. Ang
naitampok na buhay ng pangunahang tauhan ay ang sariling
karanasan sa buhay ni Lucy, dahil ang kaniyang mga
magulang ay namatay noong siya ay dalawang taon gulang pa
lamang.
pamilyar ba kayo sa mga teorya?
Opo Ma’am

Magbigay nga ng halimbawa ng teorya


Teoryang klasisimo, humanism, imahismo, realism at
Mahusay! Sa inyong palagay ano ang teorya ng nobela? peminismo

Teoryang peminismo po Ma’am


Efefefef

Mahusay! Ito ay peminismo. Diba sa lipunan mayroon


tayong tinatawag na “stereotype” na kung saan kapag
sinabing babae mahina, mahinhin, hindi kayang pantayan
ang kayang gawin ng mga lalaki. Pero ang mga iyan ay
binuwag ng mga katangiang pinakita ni Anne bilang isang
babaeng pinatatag kaniyang karanasan sa buhay.
Ngayon naman ay ating hihimay-himayin ang nobela sa
pamamagitan ng Elemento ng maikling kuwento at sa
paraan ng Graphic organizer. Sa libro makikita niyo na
buod lang ang nobela ng “Si Anne ng Green Gables” mas
madali nating masusuri ang nobela gamit ang elemento ng
maikling kuwento sapagkat pareho naman ito na may
tauhan, tagpuan, tunggalian, kasukdulan at wakas.
Ang Nobela ay pinamagatang?

Umpisahan natin sa mga tauhan. “Si Anne ng Green Gables”


Sino ang mapapansin ninyo sa larawan?

Si Anne Shirley po Ma’am

Ano ang katangian ni Anne Shirley?

Isang babaeng may pulang buhok, madaldal, matalino. Siya


ay napaka sensitibo at maraming may ayaw sa kulay ng
Ano ang pangalan ng nasa larawan at ano ang katangian
kaniyang buhok. Ang malungkot na buhay ni Anne ay
niya?
ginugol sa bahay ampunan.

Si Marilla, siya po ay isang mahigpit ngunit makatarungang


babae. Ang kaniyang buhay ay walang kulay at walang
kagalakan hanggang sa pagdating ni Anne.

Sino ang nasa larawan at ano ang kaniyang katangian? Si Matthew Cuthbertpo, Ang kapatid na lalaki ni Marilla.
Isang mahiyaan at mabait na tao. Siya ang unang taong
nagmahal kay Anne.
Efefefef

sino siya? Kaano-ano siya ng pangunahing tauhan? Si Diana Barry Ma’am, ang matalik na kaibigan ni Anne.
Siya ang nag-iisang batang babae na ka-edad ni Anne na
nakatira malapit sa Green Gables.

Si Gilbert Blythe po, siya ay isang Matalino. Walang


Sino ang nasa larawan? Ano ang katangian niya?
kamalayan sa pagiging sensitibo. Ang karibal ni Anne sa
kanilang paaralan at palaging tumutukso sa kaniyang karot

Ano ang paangalan niya at ano ang katangian niya? Si Gng. Lynde po Ma’am, siya ay kilala bilang isang
mausisa at mapagmatyag sa kaniyang mga kapitbahay.

Sino siya sa? Ano ang kaniyang kaugnayan kay Anne?


Si Miss Muriel Stacy ay ang guro ni Anne, hinihimok niya
si Anne na paunlarin ang kanyang katauhan at talino.

Mahuhusay! Ngayon nakilala pang lola ang mga tauhan at .


ang katangian, ngayon naman ay dumako tayo sa tagpuan.

Ang lugar po ng Green Gables po Ma’am


Ano ang mapapansin ninyo sa larawan?

Aa

Mahusay! Ang Green Gables ay pagmamay-ari ni? Matthew po Ma’am, kung saan nakatira ang kaniyang
kapatid at si Anne.
Ang Green Gables sa kasalukuyan ito ay isang
makasaysayang lugar sa Canada. Ang salitang “gable” ay
Efefefef

nangangahulugang burol, pero marami pa ring pagtitiyak sa


kahulugan ng akda.

Anong lugar ito? Ano ang nangyari dito?


Tren po Ma’am, kung saan susunduin ang aampunin nina
Matthew at Marilla. Ngunit nagulat sila ng Makita nila
babae pala ang kanilang aampunin imbis na lalaki.

Sa paaralan niya nakilala si Gilbert at ang kaniyang


Ano ang nasa larawan? Ano ang nangyari dito?
kaibigan na si Dianna. Dito rin nagsimulang magkaron ng
karibal si Anne sa loog ng silid-aralan.

Ngayon naman ay ang tunggalian. Ano-ano ang mga


naging pagtutunggali sa kuwento? Una ay ang
pagtutunggali ni…

Noong makaharap po ni Anne si Gng. Lynde dahil sa anyo


nito at kung ano-ano ang mga winika nito patungkol kay
Anne. Kaya naman ang ginawa ni Anne ay sinagot niya ito
ng pabalang at pinagdabugan niya ito.

Hindi nagkakasundo ang dalawa sapagkat sa pagiging


sensitibo ni Gilbert ay hindi na niya namamalayan na
nasasaktan na si Anne sa mga pang-aasar niya sa kaniya
upang mapansin lamang siya Anne.
Mahusay! nang pumasok si Anne sa Queen’s Academy ay
lalo siyang nagsikap sap ag-aaral at at siya ay nakakuha ng
Avey Scholarship dahil siya ang mag-aaral na pinaka
mahusay sa wikang ingles.

Dito na ngayon papasok ang kasukdulan, sa paanong


paraan namatay si Matthew? Ikinabigla ni Matthew ang pagbagsak ng bangkong
kinalalagyan ng kanilang ipon dahilan para siya ay atakihin
sa puso.
Efefefef

bakit ninais na lamang ni Anne na manatili nsa Green


Gables at maging guro sa Carmodary?
Sapagkat ang mga kumopkop kay Anne ay tumatanda na po
at nagkaron ng sakit sa puso si Matthew habang si Marilla
naman po ay lumalala ang pagka labo ng mata.

Mahusay! Ano ang nangyari kay Anne at Marilla ng


mamatay si Matthew? Nahirapan po sila at hindi nila alam ang gagawin paano sila
magsisimula.

Ano ang nagyari kay marilla?


Lalong lumalala ang mata ni Marilla dahilan para tanggihan
ni Anne ang iskolarsyip at manatili na lamang sa Green
gables. Nagturo na lamang si Anne sa Carmodary.

At ang wakas ay?


nang malaman ni Gilbert ang kalagayan ni Anne,

nagsakripisyo siya at binigay na lamang ang pagkakataon


kay Anne na makapagturo sa Carmodary upang
mabantayan si Marilla.

Ngayon ay mas naunawaan pa nating Mabuti ang buod ng


Nobela, nais ko naman kayong tanungin kung ano ang
Ma’am hindi po hadlang ang lumaki sa bahay ampunan
napulot ninyong aral sa kuwento
para mangarap at magpatuloy sa buhay. At para rin po
makapag tapos ng pag-aaral at masuklian ang kabutihang
loob ng mga tumayong magulang para sa kaniya.

Ang pagiging kapamilya ay hindi lamang nasusukat sa


Mahuhusay! At sa huli sinuklian naman ni Anne nang pagiging kadugo, kundi sa pagiging Mabuti.
buong puso ang kabutihanng ipinakita ng magkapatid sa
kaniya. Nawa ay magsilbi itong leksyon na kapupulutan ng
aral ng sa gayon ay maging inspirasyon upang kayo ay
maging matatag sa buhay katulad ni Anne

A. Paglalahat

ngayon ay natapos na natin himay-hiyain ang


nilalaman ng kuwento sa inyong palagay Sino ang Si Anne po Ma’am, dahil sa siya ay may angking talino at
naging paborito ninyong tauhan sa kuwento? katatagan sa buhay. dahil narin sa siya ay pinagtibay ng
kaniyang karanasan sa buhay upang maging matatag. Si
Anne ay nagsilbing simbolo ng katapangan.

Mahusay! Sino pa?


Si Gilbert po Ma’am, dahil sa kaya niyang baguhin ang
kaniyang ugali at sa kabaitan niyang taglay ng isakripisyo
niya ang kaniyang trabaho para kay ibigay ito kay Anne

Magaling! Mayroon pa ba? Si Matthew po Ma’am, dahil sa kabaitan niyang taglay.

Mahuhusay! Sana ay kapulutan ito ng aral. Opo Ma’am


Nauunawaan na ang kuwento?
Efefefef

Naiintindihan?

B. PAGLALAPAT Opo Ma’am

Para naman sa inyong pangkatang gawain, ang mga


mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang
bawat pangkat ay magkakaroon ng isang lider, ang
bawat pangkat ay gagawa ng isang Tableau. ano ba
ang Tableau?

Ang salitang ingles na Tableau ay


nangangahulugan at tumutukoy sa isang pangkat ng
mga modelo o mga pigurin na hindi gumagalaw
upang ilarawan ang isang eksena mula sa isang
kuwento.

Nauunawaan na ang Tableau?

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng eksena mula sa


Opo Ma’am
nobelang “Si Anne ng Green Gables” ang eksena
ay gagawin ninyong Tableau. isa sa inyong
miyembro ang magpapaliwanag kung bakit iyon
ang nabuo ninyong larawan.

Nauunawaan ba?

Makikita ninyo sa ating PPT ang pamantayan ng


pagbibigay ng grado sa inyong tableau.
Opo Ma’am

Pumunta na dito sa harap ang apat na lider para kuhain ang


inyong magiging eksena.

Unang Pangkat
“ng makarating si Matthew sa estasyon ng tren, ay
nabigla siya dahil ang akalang lalaking aampunin
ay biglang naging babae. Nagkamali ang ampunan
sa pagpapadala ng bata. Nagngangalang Anne
Shirley Ang batang babae na may suot-suot na
kupang, luma at karaniwang damit. Kasama ang
tila pinaglipasang panahong sombrero. Siya rin ay
may kulay pulang buhok.”

Ikalawang Pangkat
“nakilala niya rin dito si Ginang Lynde. Sa halip
na siya ay katuwaan, kung ano-ano ang winika nito
sa bata. Sinabihan ng ginang na si Anne ay hindi
kaaya-ayang tignan at ang buhok ay gaya ng kulay
karot”
Efefefef

Ikatlong Pangkat
“karibal niya rito si gilbert Blythe. Labis niya
kinaiinisan ang kamag-aral dahil sa lagi siyang
tinutuksong karot at madalas pang hatakin ang
kaniyang nakatirintas na buhok”
Ikaapat na Pangkat
“nang malaman na bumagsak ang bangko,
ikinabigla ito ni Matthew na naging dahilan ng
kaniyang sakit sa puso. Nawala ang lahat ng ipon
ng pamilya, hindi malaman ni Anne at Marilla ang
gagawin. Dahil sa bukod sa namatayan ay hindi na
nila alam kung paano magsisimula.”
Mahuhusay! Magandaa ang pinakitang tableau ng
bawat grupo. Naging malikhain ang bawat isa sa
pag-iisip ng kanilang ilalarawan.
(presentasyon ng kanilang tableau)

IV. EBALWAYSYON

a. Pagsasanay

Bilang bahagi ng ating talakayin kay ay gagawa ng 5-10 pangungusap patungkol sa kung ano ang natutuhan
ninyo sa nobelang “Si Anne ng Green Gables”

b. Takdang-Aaralin

Para sa inyong takdang aralin kailangan ninyong sagutan ang pahina 179, A. Punan-puwang, pupunan ang
mga puwang ng angkop na sagot batay sa hinihingi ng talatang mababasa sa loob ng larawang tahanan. Piliin
at isulat sa patlang ang mga sagot na makikita sa loob ng bubong ng tahanan. At B. Hudyat-ulat gamit ang
mga hudyat na titik, tukuyin ang kahulugan ng may salungguhit sa bawat pangungusap. gamitan ito ng
makabuluhang pangungusap na nagpapakita ng pagsusuri.

Ruby Bianca B. Garcia Ms. Judy Ann Complido, LPT


Student Teacher Checked by Critic Teacher

You might also like