You are on page 1of 9

DepEd Order No. 42, s.

2016
PANG-ARAW-
Cielito Zamora High
Paaralan Antas 10
ARAW NA School
TALA SA Guro Alyssa Mae S. Sayno Asignatura Filipino
PAGTUTURO Petsa/Oras Feb 12, 2024 Markahan Ikatlo
(Daily Lesson
Log)
Lunes
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napapamalas ng mga mag- napapamalas ng mga mag-aaral ang
Pangnilalaman pag-unawa at pagpapahalahalaga sa mga tauhan ng El
Filibusterismo sa mga piling kabanata nito.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay makabubuo ng isang star profile para sa mga
Pagganap tauhang itinampok sa bawat kabanata na may kaugnayan sa mga
kababaihan.
C. Mga Kasanayan sa Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang
Pagkatuto pangkasaysayan ng
pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod
nito gamit ang timeline. F10PD-IVa-b-81
D. Tiyak na Layunin 1. Nasusuri ang pagkakayos ng napakinggang buod ng kabanata ng
nobela.
2. Natutukoy ang papel ng ginampanan ng mga tauhan sa akda ng
El Filibusterismo.
3. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na
ginagamit sa binasang kabanata sa nobela.
II. NILALAMAN Unang Araw
Q4_W1_Aralin 1: KABANATA 3: ANG MGA ALAMAT

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga pahina sa Ang Pinaikling Bersyon ng El Filibusterismo ni Jose Rizal
teksbuk
B. Iba pang Kagamitang Laptop, TV, Visual, Aklat
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang BAGONG ARALIN: El Filibusterismo: Kabanata 3: Ang Mga Alamat
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin PANUTO: Ibigay ang mga salita gamit ang pahayag at letra na may
kaibat na mga numero.

1. Prayle - (noun)

16 18 1 25 12 5

Isang katawagang lumalarawan sa mga pari o madre, partikular na


mga Katoliko, lalo na sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo.

2. Arsobispo - (noun)
Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 1 ng 9 DLP sa FILIPINO 7
1 18 19 15 2 9 19 25 15

Pinakamataas na ranggo ng isang obispo sa simbahang Katoliko


Romano. Siya ang namamahala sa isang arkidiyosesis.

3. Balatkayo - (noun)

2 1 12 1 20 11 1 16 15

Pagpapanggap o pagsisinungaling sa tunay na pagkatao o katayuan.

4. Yungib - (noun)

25 21 14 7 9 2

Isang maliit na kweba o lungga na maaaring maging tirahan o taguan


ng tao.

B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak


aralin
Bilang panimula, ating subukin ang iyong kaalaman hinggil sa mga
tauhan ng nobela.

Panuto: Magbigay ng tatlong salitang maglalarawan sa bawat


tauhang nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 2 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


Tanong: Base sa itsura o kaanyuan ng mga larawan na nasa pisara.
Anong tatlong bagay o salita ang maaari ninyong ilarawan o
ihalintulad sa kanila.

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Kanina ay nabanggit ang pangalan na Basilio, Padre Florentino o
aralin Simuon. Sila ay ilan lamang sa mga tauhan ng El Filibusterismo

Mga Tauhan sa El Filibusterismo

 SIMOUN - Isang napakayamang mag-aalahas at


kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral.
 KABESANG TALES - ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay-ari ng lupang sinasakana inangkin ng mga
prayle
 ISAGANI - Siya ay pamangkin Padre Florentino at
kasintahan ni Paulita Gomez.
 BASILIO - Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay
dahil sa nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
 PADRE FLORENTINO - pilipino, si Padre Florentino.
Isang mabuti at kagalang-galang na paring
 BEN ZAYB - Isang mamahayag, mababa ang tingin niya
kay padre Camorra.
 DON CUSTODIO- Likas na matalino, siya ang susi
upang mapahintulutang magbukas na isang paaralang
nagtuturo ng wikang kastila.
 DONYA VICTORINA- mapagpanggap na Europeana
ngunit isa namang Pilipina
 PADRE BERNARDO SALVI- Isang paring Pransiskano
na pinakikinggan at iganagalang ng iba pa niyang
kasamahang prayle.
 PADRE HERNANDO SIBYLA - Isang matikas at
matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng
Unibersidad ng Santo Tomas.
 PADRE IRENE - Isang paring Kanonigo na minamaliit at
gaanong iginagalang ni Padre Camorra
 PADRE CAMORRA - Isang batang paring Pransiskano
na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung
ano-anong bagay na maibigan.
D. Pagtalakay ng bagong PAGSASANAY A
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1 Aktibidad: Character Analysis Presentation

Magpapayo ng mga pangkat, at bawat pangkat ay bibigyan ng isang


tauhan mula sa El Filibusterismo na kanilang pag-aaralan.

1. Hinihikayat ang bawat pangkat na suriin ang kanilang tauhan at


gawing character analysis.

2. Ang mga aspeto ng character analysis na maaaring isaalang-alang


ay ang mga sumusunod:
 Background at pagkatao ng tauhan

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 3 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


 Mga kilos, pananamit, at iba pang mga pisikal na katangian
 Motibasyon at hangarin ng tauhan
 Mga pangunahing relasyon sa iba pang mga tauhan
 Kung paano nakaaapekto ang tauhan sa plot o kwento

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng KABANATA 3: ANG MGA ALAMAT
bagong kasanayan #2
 Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang mga
nasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat
ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.

 Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng


bapor.

 Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang


alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang
alamat ng Malapad-na-bato.

 May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa


Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal
sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang
yungib na malapit sa Ilog Pasig.

 Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya


Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.

 Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi


ba higit na mainam ay lagay sa sang beateryo tulad ni Sta.
Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang
arsobispo, ay on kay padre Salvi At upang mabago ang
paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas
sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng intsik ang santo.

 Nang datnan nila ang awa ay nagtanong si Ben Zayb sa


Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra,
Navarra o Ibarra.

 Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victoria ng bakas ng


pagkamatay ng tubig labingtatlong taon matapos mangyari
iyon. Nakasama raw ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla.
Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb.
Nagtawanan ang iba! Si Simuon ay namumutla at walang
kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simon ay nahilo dahil sa
paglalakbay.

F. Paglinang sa
Kabihasaan Panuto: Tukuyin ang nais ipahiwatig ng sumusunod na mga pahayag.
(Tungo sa Formative Isulat ang letra ng napiling sagot sa iyong sagutang papel.
Assessment)

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 4 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


1. Ano ang kahalagahan ng alamat para kay Simoun?
a. Nakapagpapayaman ng kultura
b. Nagbibigay ng halaga sa isang lugar
c. Nagpapalakas ng pananampalataya
d. Walang kuwenta ang alamat

Tamang Sagot: d. Walang kuwenta ang alamat

2. Ano ang naging reaksyon ni Padre Florentino sa pag-uusig sa mga


bayarin sa simbahan?
a. Sang-ayon at suportado ang simbahan
b. Nagagalit sa pang-aabuso ng mga prayle
c. Walang pakialam sa mga bayarin
d. Pinagtatawanan ang mga Pilipino

Tamang Sagot: b. Nagagalit sa pang-aabuso ng mga prayle

3. Ano ang ginawa ng arsobispo sa hiling ng magkasintahan sa


Espanya?
a. Tinanggap ang kanilang hiling at pinakasalan sila
b. Itinago ang babae sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig
c. Nilisan ang kanyang tungkulin bilang arsobispo
d. Nagbalatkayo at nagtangkang tumakas

Tamang Sagot: b. Itinago ang babae sa isang yungib malapit sa Ilog


Pasig

4. Ano ang reaksyon ni Donya Victorina sa alamat ng Malapad-na-


bato?
a. Nainggit at nagnanais ding manirahan sa kuweba
b. Nagalit at tinawag na walang kwentang kuwento
c. Pinuri at nagbigay ng papuri sa may-akda
d. Wala siyang pakialam sa alamat

Tamang Sagot: a. Nainggit at nagnanais ding manirahan sa kuweba

5. Bakit ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahihilo dahil sa


paglalakbay?
a. Dahil sa sobrang pagkakaba
b. Upang itago ang totoong dahilan ng pagkakaabalahan ni Simoun
c. Dahil sa pagkain ng hindi nababagay na pagkain
d. Sapagkat masamang panahon ang dinaranas ng barko

Tamang Sagot: b. Upang itago ang totoong dahilan ng


pagkakaabalahan ni Simoun

G. Paglalapat ng aralin sa PAGISIPAN


pang- araw-araw na buhay
Kung papapiliin ka ng isang tauhan mula sa kuwento na maari mong
gawin inspirasyon sa buhay mo. Sino ito at bakit?

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 5 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


H. Paglalahat ng Aralin
Mga Tanong sa Pagkatuto:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang reaksyon ni Padre Florentino sa pagtatawanan


ng mga nasa kubyerta? Ano ang kanyang nabanggit
tungkol sa pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan?

2. Bakit nasabi ni Simoun na sayang at hindi nakita ang


mga dinaanan ng bapor?

3. Ano ang paniniwala ni Simoun tungkol sa mga lugar na


walang alamat? Paano isinalaysay ng kapitan ang alamat
ng Malapad-na-bato?

I. Pagtataya ng Aralin SAGUTAN MO!

Pagsasanay A. Isulat ang PANGALAN NG CRUSH kung TAMA,


isulat naman ang PANGALAN kung MALI. Isulat sa iyong sagutang
papel ang wastong sagot sa bawat bilang.

_________ 1: Ang alamat ng Malapad-na-bato ay walang halaga


ayon kay Simoun.
_________ 2: Ang arsobispo ay sumunod sa hiling ng magkasintahan
sa Espanya at pinakasalan sila.

_________ 3: Ang reaksyon ni Donya Victorina sa alamat ng


Malapad-na-bato ay walang kaugnayan sa kanyang pagnanasa na
manirahan sa kuweba.

_________ 4: Pinaniwala ng Kapitan na si Simoun ay nahihilo dahil


sa paglalakbay

__________ 5: Ang mga prayle ay nagdaraingan sa pag-uusig sa


mga bayarin sa simbahan ayon kay Padre Florentino.

TAMANG SAGOT
1. Mali
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama

PAGSASANAY B:
Panuto: Tukuyin ang nais ipahiwatig ng sumusunod na mga pahayag.
Isulat ang letra ng napiling sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang mga layunin at motibasyon ni Simoun sa nobelang El


Filibusterismo?
a) Paghihiganti at pagpapalakas ng kapangyarihan
b) Pagpapabagsak sa gobyerno

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 6 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


c) Pagtulong sa mga prayle
d) Pagtuklas ng bagong mundo

2. Paano naging simbolo si Kabesang Tales ng paglaban sa pang-


aabuso ng mga prayle at kolonyalismo?
a) Sa pamamagitan ng pakikibaka at rebelyon
b) Sa pagiging mapagmahal at mabait na lider
c) Sa pag-aalaga sa mga mahihirap
d) Sa pag-aaral ng mga kaaway

3. Ano ang naging papel ni Isagani sa pag-unlad ng kuwento at


anong kontribusyon niya sa pakikibaka ng mga tauhan?
a) Bida na nagligtas sa lahat
b) Isang estudyanteng aktibista
c) Tagapag-ambag ng mga ideya at pananaw
d) Tagapagsalaysay ng mga pangyayari

4. Paano naapektuhan ang buhay at pananaw ni Basilio matapos ang


kanyang pag-aalipin kay Kapitan Tiago?
a) Nagkaroon ng matinding galit at paghihiganti
b) Nagbago ang pananaw at naghanap ng bagong layunin
c) Sumuko at nagpakalunod sa pag-aalakbay
d) Tuluyan nang nagbigti at nagpakamatay

5. Ano ang mga aral at prinsipyong ipinapahayag ni Padre Florentino


sa nobela?
a) Kapayapaan at pagpapatawad
b) Kasakiman at ambisyon
c) Pakikibaka at rebelyon
d) Pagiging mapagkakatiwalaan at matapat
J. Karagdagang gawain ISAGAWA
para sa Panuto: Gamit ang natutuhan. Gumawa ng isang GRAPHIC
takdang-aralin at ORGANIZER na naglalaman ng mga pangyayari sa Kabanata 3:
remediation Ang Mga Alamat.

1. Konteksto:
Sa loob ng isang barko (Bapor) na may kasamang si Padre
Florentino, Simoun, Ben Zayb, Donya Victorina, Padre Salvi, at
iba pa.

2. Mahahalagang Pangyayari:
a. Pansin ni Padre Florentino:
Napansin ang tawanan sa kubyerta.
Nabanggit ang panunupil sa mga utang ng simbahan.

b. Pagsisisi ni Simoun:
Pinagsisisihan ang pagkawala sa mga tanawin sa daan ng barko.

c. Pananaw ni Simoun sa mga Alamat:


Naniniwala na walang halaga ang mga lugar na walang alamat.
Binanggit ang alamat ng Malapad-na-bato.
d. Kuwento ng Arsobispo:

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 7 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


Dati'y magkasintahan mula sa Espanya, kung saan naging
arsobispo ang lalaki.
Nagbalatkayo ang babae, humiling ng kasal, ngunit itinago ng
arsobispo.

e. Reaksyon sa Alamat:
Pinuri ni Ben Zayb ang alamat.
Ininggit ni Donya Victorina, nagnanais na manirahan sa isang
kuweba.

f. Usapan kay Padre Salvi:


Itinanong ni Simoun ang tungkol sa paglalagay ng isang santo sa
isang kumbento.
Umikot si Padre Salvi, ibinahagi ang alamat ni San Nicolas.

g. Paghanap sa Awa:
Tinanong ni Ben Zayb ang tungkol sa lokasyon ng pagkamatay
ng isang Guevarra, Navarra, o Ibarra.
Hinanap ni Donya Victorina ang mga bakas ng pangyayari.
Binanggit ni Padre Sibyla ang bangkay ng isang bata.
Si Simon ay maputla at tahimik, itinuring ito ng Kapitan na dulot
ng sakit sa dagat.

3. Mga Tauhan:
Padre Florentino
Simoun
Ben Zayb
Donya Victorina
Padre Salvi
Kapitan
Padre Sibyla
Iba pang mga tauhan (mga pasahero ng barko)
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Alin sa mga
estratehiyang pangturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 8 ng 9 DLP sa FILIPINO 7


F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan ng
punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

Allyssa Mae S. Sayno


Student Teacher

Binigyang-pansin nina:

MARILOU M.SURIAGA Flordeluna M. Ora


Puno, Kagawaran ng Filipino Punong-guro

Inihanda ni: Allyssa Mae S. Sayno Pahina 9 ng 9 DLP sa FILIPINO 7

You might also like