You are on page 1of 11

BANGHAY –ARALIN SA FILIPINO 10

IKAAPAT NA MARKAHAN
EL FILIBUSTERISMO
Aralin 4.3
Unang Araw –Tuklasin
Pamantayang Pangnilalaman : Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo
bilang ubra maestrang pampanitikan.
Pamantayan sa Pagganap : Ang mga mag-aaral ay nakakapagpalabas ng
makabuluhang photo/video documentary na
nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
I. LAYUNIN:
F1OPB-Ivd-e-88 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda
(Diyos, kapwa tao, magulang).
F1OPB-Ivd-e-89 Natatalakay ang mga kaisipang ito:
 Kabuluhan ng edukasyon
 Pamamalakad sa pamahalaan
 Pagmamahal sa:
 Diyos
 Bayan
 Pamilya
 Kapwa-tao
 Kabayanihan
 Karunungan
 Paggamit ng kapangyarihan
A- Napapahalagahan ang pagkakaroon ng isang buo at tahimik na
pamlya.

II. PAKSANG- ARALIN:


A. Paksa : El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig
Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanat 10: Kayamana’t Karalitaan
Kabanata 30: Si Huli
B. Sanggunian: El Filibusterismo: Disenyo batay sa Kurikulum n K-12
C. Kagamitan : Aklat, cartolina
D. Kagamitang Pampagtuturo: aklat, cartolina at pentel pen
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagagangyak na tanong:
 Tanungin ang mga mag- aaral kung paano nila ipinapakita
ang kanilang pagpapahalaga sa mga sumusunod:
 Diyos
 Magulang
 Kapwa-tao
(maaaring magkaroon ng iba-ibang kasagutan)

B. Paglalahad :
 Paglalahad ng aralin.
 Pangkatang Gawain: Basahin ang sumusunod na kabanata
Pangkat 1: Magbigay ng reaksiyon sa pagpapahalaga at
paniniwala ng tauhan sa Diyos.
Pangkat 2: Tatalakayin ang paniniwala at pagpapahalaga sa
bayan.
Pangkat 3 Pagsasadula ng pagpapahalaga sa kapwa tao.
Pangkat 4: Pagbuo ng larawan tungkol sa paniniwala at
pagpapahalaga sa magulang.

C. Pagtatakay:
 Pag-uulat ng bawat pangkat at pag-usapan ang sagot ng
mga mag-aaral. Magbigay ng karagdagang nput ang
guro.

D. Paglalahat:
 Masasalamin ba ng pagpapahalaga at paniniwala ng
mga tauhan sa Diyos, bayan, kapwa-tao, at magulang sa
pamamagitan ng kanilang ipinakitang kilos o gawi sa
nobela?

E. Paglalapat:
Kung kayo si Kabesang Tales, alin ang higit ninyong
pahahalagahan ang pamilya o kayamanan? Pangatwiranan.

IV. EBALWASYON :
Panuto: Suriin ang mahahalagang kaisipan sa bawat kabanata gamit ang
talahanayan sa ibaba.
TAUHAN PANINIWALA PAGMAMAHAL PAKITUNGO PAGMAMAHAL
SA DIYOS SA BAYAN SA KAPWA SA MAGULANG

KABESANG
TALES
TANDANG
SELO
SIMON

HULI

TANO

V. TAKDANG- ARALIN :
Magsaliksik tungkol sa program ng pamahalaan sa pamamahagi
ng lupa sa mga tenant/tagatanim o ang Comprehensive Agraran
reform program (CARP).
BANGHAY –ARALIN SA FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
EL FILIBUSTERISMO
Aralin 4.2
Ikalawang Araw - Linangin
I. LAYUNIN:
F10PT-Ivd-e-84- Nabibigyng kahulugan ang matatalinghagang
pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa.
F10PD-Ivd-e-83-Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na
bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang
akda.
K- Nasusuri ang mga kaisipang namayani sa akda.
S- Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda.
A- Napapahalagahan ang pagkakaunawa ng isang buo at tahimik
na pamilya.

II. PAKSANG- ARALIN:


A. Paksa : El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig
Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanat 10: Kayamana’t Karalitaan
Kabanata 30 : Si Huli

B. Sanggunian: El Filibusterismo: Disenyo batay sa Kurikulum n K-12


C. Kagamitan : Aklat, cartolina
D. Kagamitang Pampagtuturo: aklat, cartolina at pentel pen

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak na tanong : Para sa inyo alin ang mas mahigit na
mahalaga, ang lpaing iyong pinaghirapan o ang isang buo at tahiik na
pamilya?
Gawain:
Bigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na mahahango sa
kabanatang binasa. Gamitin ang tsart sa pagsagot.

TALINGHAGA DENOTASYON KONOTASYON


1
2
3
4
5

B. PAGLALAHAD:
Sa pamamagitan ng radio broadcasting o iba pang masining na
paraan, iulat sa klase ang nasaliksik na impormasyon tungkol, sa
CARP.

C. PAGTATALAKAY:
Susuriin ang inilahad na mpormasyon tungkol sa CARP at
iugnay sa mga kaisipang lumitaw sa akda o sa karanasan sa
pangunahing tauhan.

D. PAGLALAHAT:
Batay sa mga balitang napanood at nabasa, naging matagumpay
kaya ang pagpapatupad ng CARP sa ating bansa?

E. PAGLALAPAT :
Sa pamamagitan ng fishbone, ipasuri sa mga mag-aaral ang
naging sanhi at bunga ng mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan
sa mga kabanatang binasa.
IV. EBALWASYON :
Ano ang mga pangyayaring napanood o nabasa ang pwedeng
maiugnay sa mga kaisipang namayani sa akda?
(ilahad sa maikling talata )

V. TAKDANG- ARALIN :
Manood ng mga balita para magkaroon ng mga kamalayan hinggil sa
mga problemang panlipunan sa kasalukuyan.
BANGHAY –ARALIN SA FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
EL FILIBUSTERISMO
Aralin 4.3
Ikatlong Araw - Pagnilayan at Unawain
I. LAYUNIN:
F1OPS-Ivd-e-87- Naipapahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda.
F1OWG-Ivd-e-80- Naipapahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa
pagpapahayag ng saloobin at damdamin.

A- Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa


mga kasiisipangnamayani sa akda.

II. PAKSANG- ARALIN:


A. Paksa : El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig
Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanat 10: Kayamana’t Karalitaan
Kabanata 30 : Si Huli

B. Sanggunian: El Filibusterismo: Disenyo batay sa Kurikulum n K-12


C. Kagamitan : Aklat, cartolina at pentel pen

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak na tanong :
 Ano ang pinakamahalagang kayamanan o ari-ariaan ang
inyong pinahahalagahan?
 Isulat ang mga sagot sa pisara at ihanay ang mga ito mula sa
pinakamahalaga patungo sa di masyadong mahalaga.

b. Gawain:
Magsagawa nang malayang talakayan sa mga kasagutan
ng mag-aaral tungkol sa mahahalagang kayamanan o ari- arian.
Maaaring magbigay ng pagkakatulad o pagkakaiba ng
kasagutan.
Pipili ng ilang mag-aaral na maglalahad ng kanilang
dahilan bakit iyon ang itinuturing niyang painakmahalagang
kayamanan.

B. Paglalahad:
Pagpapanood ng isang videoclip ng isang balita o senaryo ng
isang demolisyon o pagpapaalis ng may-ari ng lupa sa mga eskwater.

C. Pagtatalakay:
 Pabigyang reaksyon sa mga mag-aaral ang napanood na video
clip. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol dito.
 Ano ang mga pangyayaring napanood sa videoclip ang
pwedeng maiugnay sa mga kaisipang namayani sa akda?

D. Paglalahat:
Iugnay sa sariling paniniwala at pagpapahalaga ang kaisipang
namayani sa akda.
Paano naipapahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga gamit ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin o damdamin?
E. Paglalapat :
Iugnay ang kaisipang natutuhan sa kabanatang tinalakay sa
sariling paniniwala sa pamamagitan ng pagdurugtong sa sumusunod
na pahayag:
Napag-alaman ko na _________ at ito’y makatutulong upang
ako’y ___________ dahil dito __________________.
IV. EBALWASYON :
Panuto: Sa isang buong papel, isulat ang inyong sariling karanasan,
paniniwala, at saloobin sa kasalukuyang kaganapan na nangyayari sa
sa ating lipunan Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga
gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin at damdamin.

V. TAKDANG- ARALIN :
Manood ng balita at alamin ang mga suliraning kinakaharap ng pamahalaan
sa kasalukuyan.
BANGHAY –ARALIN SA FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
EL FILIBUSTERISMO
Aralin 4.3
Ikaapat na Araw - Ilipat
I. LAYUNIN:
F1OPN-Ivg-b-82- Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring
napanood sa videoclip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng
akda.
Nakagagawa ng isang makabuluhang photo/ video documentary na
nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa
kasalukuyan.

K- Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring pinanonood na bahagi


ng binasang akda sa mga kaiisipang namayani sa akda.
S- Nagagamit ang iba –ibang sanggunian ng impormasyon sa
pananaliksik.

II. PAKSANG- ARALIN:


A. Paksa : El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig
Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanat 10: Kayamana’t Karalitaan
Kabanata 30 : Si Huli

B. Sanggunian: El Filibusterismo
C. Kagamitan : Aklat, cartolina at pentel pen

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
Pagbabalik –aral sa tinalakay na aralin.

B. Paglalahad:
Pagpapanood ng isang videoclip ng isang balita o senaryo ng
suliraning panlipunan (gaya ng kahirapan)
C. Pagtatalakay:
Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa napanood na
video clip. Pagbibigay inputt ng guro tungkol sa isasagawang
photo/video documentary at pamantayan sa pagmamarka.

D. Paglalahat:
Ano ang mga pangyayaring napanood sa videoclip ang pwedeng
maiugnay sa mga kaisipang namayani sa akda?

E. Paglalapat :
Mula sa video na pinanonood ng buong klase, humanap ng
isang suliraning panlipunan ng bansa at magmungkahi ng ilang mga
solusyon. Tatalakayin ng guro ang mga dapat isaalang-alang sa
gagawing dokumentaryo.

IV. EBALWASYON :
Panutp: Gumawa ng isang makabuluhang video documentary
na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panpunan sa
kasalukuyan.
Pamantayan sa pagmamarka:

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

PAGGANAP
KAANGKUPAN NG PAKSA
PAGKMALIKHAIN
ASPEKTONG TEKNIKAL
NAPAPANAHON
KABUUAN

V. TAKDANG- ARALIN :
Mag-aral para sa isang lagumang pagsubok.

You might also like