You are on page 1of 10

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 10

Ikaapat na Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikapitong Linggo - Aralin 7

Kabanata 33-39
at Pangwakas na Gawain

Baitang 10- Filipino


1
Kompetensi: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda (F10PB-IVi-j-94); nabibigyan ng kaukulang
pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86); nagagamit ang angkop at
masining na paglalarawan ng tao, pangyayari, at damdamin (F10WG-IVg-h-82); nailalarawan ang mga tauhan at
pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at pandama (F10PB-IVi-j-83); at naisusulat ang
paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga
salitang panlarawan (F10PU-Ivi-j-89).
Aralin 7 KABANATA 33-39

Magandang araw sa iyo! Isang masayang pagbati dahil matagumpay mong natapos ang
Kabanata 1 hanggang 32 ng El Filibusterismo. Marahil ay marami ka nang natutuhang mga
aral at ideya sa pagsubaybay sa buhay ng mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo. At
upang lubos na maunawaan pa, halina’t ating ipagpatuloy ang paglalakbay sa kapana-
panabik na huling tagpo ng El Filibusterismo.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang mga layuning:


a) nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda (F10PB-IVi-j-94); at
b) nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng
awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86).

Marahil ay handang-handa ka na sa mga gawain. Simulan na!

Panuto: Kilalanin ang mga tauhang nagsabi ng mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang
suliraning panlipunang kinakaharap ng bawat isa.

Sinong tauhan? Suliraning


Panlipunan
a. “Ang mga amang
duwag ay nagkakaanak
ng alipin lamang.”

Sinong tauhan? Suliraning


b. “Ang poot ay walang Panlipunan
nalilikha kundi mga
panakot; ang mga
krimen ay mga
salarin ang nalilikha.”

Magaling! Aking tinitiyak na sa iyong pagsisimula ay magkakaroon ka ng hitik na


kaalaman sa kabanata 33-39 ng El Filibusterismo. Halika na’t ating dagdagan ang
kaalamang iyong tinataglay.

1
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
(F10PB-IVi-j- 94); at nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang
mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86).
Alam mo ba na…

Ang akdang klasiko ay isang uri ng panitikan na ang layunin ay maipahayag o mailahad
ang mga pangyayari sa paraang payak o karaniwan kung saan ang mga salita ay higit na
pinili upang maunawaan ng mga mambabasa. Napapanahon ang mga pinapaksa ng akdang
klasiko kahit daang taon na ang lumipas nang ito ay naisulat.

Ilan sa mga katangiang taglay ng uri ng panitikang ito ay ang mga sumusunod:
a. malinaw
b. obhetibo o nakabatay sa umiiral na katotohanan na walang panig na pinapanigan
c. marangal
d. simple o payak
e. matimpi
f. maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
g. nagtataglay ng hangganan
-mula sa panitikan.com.ph

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang buod ng mga kabanatang 33-39.
Kabanata 33-39 ng El Filibusterismo
Nagtungo sa Basilio sa tahanan ni Simoun
nang matulungan siya nitong makalaya.
Kakaibang Basilio na ang nabasa ni Simoun sa
kanya. Sa labi mismo nito nanggaling ang buong
puso niyang pagsuporta sa paghihiganti ni
Simoun. Lubhang nagalak ang mag-aalahas
sapagkat natagpuan niya ang isa pang taong
makatutulong sa kanyang minimithi. Ipinaliwanag
nang mabuti ni Simoun sa binata ang
mangyayaring pagsabog sa mina ng mga pulbura
na siyang magiging hudyat ng isang madugong
rebolusyon na papawi sa lahat ng masama sa
kasalan.

Sa dating tahanan ni Kapitan Tiyago idaraos ang piging ng kasalan nina Juanito at
Paulita. Nabili ito ni Don Timoteo sa murang halaga lamang. Malaking halaga ng salapi ang
iginugol sa kasalan mula sa perang inutang kay Simoun. Inabangan ng lahat ang piging.
Hindi ipinaalam ni Simoun kay Basilio ang tungkol dito at ang tanging bilin ng mag-aalahas
ay umiwas sa kalye Analogue kung saan idaraos ang piging. Nang makita ni Basilio ang
bagong kasal ay nahabag siya para sa kaibigang si Isagani na matagal na niyang
hinahanap.

Nagsidatingan na ang mga panauhin mula sa maliit hanggang sa may pinakamataas na


katayuan sa buhay at tungkulin. Dahil likas naman ang kabutihang loob ni Basilio nahirapan
siyang pigilan ang sarili. Naisin niya mang bigyang-babala ang mga inosenteng panauhin na
madadamay sa pagsabog ngunit hindi niya ito magawa. Nang makita niya ang sanhi ng

2
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
(F10PB-IVi-j- 94); at nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang
mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86).
kanyang kabiguan at nang marinig niya si Simoun na galit na nag-utos sa kutsero ay
nagbago ang kaniyang isip. Sa pagkakataong lilisanin na niya ang lugar ay nakita niya si
Isagani na tila tulala na nakatingin sa piging. Pinigilan niya ito at sinabihang huwag
magtungo roon subalit tumanggi siyang sumunod kaya nabunyag ang tungkol sa lihim na
regalong gintong “lampara”.

Hindi natuloy ang pagsabog dahil mabilis itong kinuha at itinapon sa ilog ng isang di
kilalang lalaki. Tumalon din sa ilog ang lalaki.

Humagos namang umuwi si Ben Zayb sa kanyang tinutuluyan kahit hindi pa tapos ang
piging upang isulat ang natatangi niyang lathalain na pumupuri sa katapangan ng kapitan at
ng mga prayle sa nabigong “nakawan”. Hindi siya natulog hangga’t hindi natapos ito subalit
pinabago kaagad ng patnugot. Ayaw ipabanggit ng kapitan ang nangyari sa piging. Mahirap
at masakit ito para kay Ben Zayb na ginawa ang lahat upang maging mahusay at tapat na
tagapamahayag ngunit lumabas ang imbestigasyon na si Simoun ang utak ng lahat ng
pakana.

Nakinig lamang si Isagani sa mga alingasngas tungkol sa nangyari sa piging. Isang saksi
ang nagpatunay sa balita at sinabihang ipinid ang bibig ng mga naroon subalit nabunyag din
sa usapan nilang ito. May mga nagalit kay Simoun at sinabihan ng masasakit na salita. Ang
iba naman ay nagpahayag ng paghihinayang sa ninakaw na lampara, dapat daw ay ubos na
ang masasamang Espanyol. Hindi nakatiis si
Isaganing ipaliwanag ang panig ng
magnanakaw at nagsabing kung alam daw
sana nito ang layunin ng nagpakana ay baka
raw hindi nito ninakaw ang lampara.

Samantala, sugatan namang dumating si


Simoun sa bahay ni Padre Florentino at
tumangging magpagamot sa mediko. Pumayag
naman siyang magpagamot kay Dr. de
Espadaña na kalaunan ay umalis dahil sa pag-
aakalang siya ang tinutukoy sa telegrama na
darakpin.

Bago tuluyang malagay sa mahabang katahimikan si Simoun, ibinunyag niya ang


kaniyang lihim kay Padre Florentino at halos masindak naman ang pari sa nalaman na si
Ibarra at si Simoun ay iisa. Sinabi niya rin ang kaniyang mga hinanaing sa bayan at sa
Diyos.

Inihagis ni Padre Florentino sa talampas


ang mga brilyante at alahas ni Simoun.
Nilulon ng dagat ang kayamanang iyon at
winika ni Padre Florentino, “Itago ka sana ng
kalikasan sa kailaliman, kasama ng mga
perlas at korales ng kaniyang walang
hanggang dagat. Kapag kakailanganin ka ng
mga tao para sa isang banal at dakilang
layunin ay hahanguin ka riyan ng Diyos.
Samantala, diyan ay di ka makagagawa ng
kasamaan.”

3
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
(F10PB-IVi-j- 94); at nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang
mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86).
Gawain 1:
Panuto: Bigyang-kahulugan ang sumusunod na mga pahayag na hinango sa akda.

“Ngayong gabi maririnig sa buong Pilipinas


ang pagsabog na sa wakas ay sisira sa
bulok na balangkas na pinadali kong
karanasan.”

“Ano ang mawawasak? Karanasan, pagtitiis


at masamang damo upang palitan ng
malulusog na butil. Matatawag mo ba itong
pagwawasak? Matatawag ba itong paglikha,
paggawa, pagbibigay ng kabuluhan,
pagbibigay ng buhay”?

Ngayon mas lalong mauunawaan mo ang nilalaman ng nobela sa pamamagitan ng mga


susunod na gawain.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangyayari sa akda. Tukuyin ang ilang
katangian ng akdang klasiko sa akda.

Pangyayari sa akda Katangian ng akdang klasiko


Sa dating tahanan ni Kapitan Tiyago idaraos
ang piging sa kasalan nina Juanito at
Paulita. Nabili ito ni Don Timoteo sa murang
halaga lamang. Ginastusang mabuti ang
kasalan mula sa perang inutang kay Simoun.
Nagtungo sa Basilio sa tahanan ni Simoun
nang matulungan siya nitong makalaya.
Kakaibang Basilio na ang nabasa ni Simoun
sa kanya. Sa labi mismo nito nanggaling ang
buong puso niyang pagsuporta sa
paghihiganti ni Simoun.

Mahusay! Ako’y humahanga sa iyo at ipinapakita mo ang iyong galing sa pagsagot ng


mga gawain. Ngayon, muling ipagpatuloy pa ang pagtuklas ng kaalaman.

4
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
(F10PB-IVi-j- 94); at nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang
mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86).
Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang kaukulang pagpapakahulugan ng mahahalagang pahayag ng awtor o
mga tauhan.
1. “Itago ka nawa ng kalikasan sa kailaliman, kasama ng mga perlas at korales ng
kaniyang walang hanggang dagat. Kapag kakailanganin ka ng mga tao para sa isang
banal at dakilang layunin ay hahanguin ka riyan ng Diyos.”

2. “Nasaan ang mga kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga


pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan?”

3. “Pinalusog ninyo ang kabulukan sa lipunan nang walang binhing mithiin.”

4. Ang kabutihan ay pagpapakasakit; ang pagpapakasakit ay pag-ibig.”

5. “O, kabataan, kayo’y aming hinihintay.”

Binabati kita sa sipag at tiyaga mong ipinakita upang masagutan ang mga gawain.
Ipagpatuloy ang kahusayang ito sa susunod na aralin.

5
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
(F10PB-IVi-j- 94); at nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang
mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-iVi-j-86).
Aralin 7 PANGWAKAS NA GAWAIN
Binabati kita at narating mo na ang pinakahuling bahagi ng sanayan sa ikaapat na
markahan. Nasisiguro kong marami kang natutuhang mga aralin patungkol sa mga akdang
inihabilin ni Dr. Jose Rizal. Alam kong handa ka na upang ipamalas ang iyong kaalaman.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang mga layuning:


a. nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari, at
damdamin (F10WG-IVg-h-82);
b. nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring
umaakit sa imahinasyon at pandama (F10PB-IVi-j-83); at
c. naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na
isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang
panlarawan (F10PU-Ivi-j-89).

Handa ka na ba? Halina’t simulan mo na ang iyong mga gawain.

Panuto: Ihambing ang mga katangian at pangyayari sa buhay ni Basilio noon at ngayon
gamit ang mga salitang naglalarawan.

Basilio Basilio
(Noon) (Ngayon)

Magaling! Natitiyak kong mas magiging malawak pa iyong kaalaman sa pagpapahayag


ng iyong ideya at damdamin sa pamamagitan ng pag-aaral mo ng mga salitang panlarawan.

Alam mo ba?

Ang paglalarawan ay piling-pili at angkop na paggamit ng mga salita upang makabuo


ng isang hugis o anyo sa mga mambabasa o mga tagapakinig. Kinasasangkutan ito ng
mga bahagi ng pananalita na naglalarawan (pang-uri at pang-abay).

Tulad ng pagsasalaysay, ito ay maituturing din na teknikal na gawain. Ang maling


gamit ng salita ay nakapagpabago ng kabuuan ng ideya ng nais ipahayag ng sino mang

7
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari,
at damdamin (F10WG-IVg-h-82); nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa
tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at pandama (F10PB-IVi-j-83); at
naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang-
alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan (F10PU-Ivi-j-
89).
magsusulat o magsasalita. Malaki ang papel na ginagampanan nang masining na
paglalarawan upang maiparating sa mambabasa o tagapakinig ang kawastuhan ng
pagpapahayag.

Ang masining na paglalarawan ay ginagamitan ng matalinghagang salita samantalang


ang payak naman ay simpleng paglalarawan lang.

Naglalayong pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na nabibigyang-


diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng
imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay at iba
pang mga salitang matalinghaga.

Narito ang mga dapat isaalang-alang sa mabisang paglalarawan:


1. Maingat na Pagpili ng Paksa.
2. Pagpili ng Pansariling Pananaw.
3. Pagbuo ng Isang Pangunahing Larawan.
4. Wastong Pagpili ng mga Sangkap.
5. Maingat na Pagsasaayos ng mga Sangkap.

Batid kong mas lalo mo pang nauunawaan ang mga konsepto hinggil sa paglalarawan.
Magaling! Ngayon ay muling sanayin ang iyong sarili.

Panuto: Ilarawan ang pangyayaring naganap sa piging sa pamamagitan ng pagguhit.


Gawing makulay at kaakit-akit ang iyong likha at sumulat ng maikling paglalarawan
hinggil dito gamit ang pang-uri at pang-abay.

Magaling! Natitiyak kong handang-handa ka nang maisakatuparan ang pangwakas na


gawain.

8
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari,
at damdamin (F10WG-IVg-h-82); nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa
tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at pandama (F10PB-IVi-j-83); at
naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang-
alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan (F10PU-Ivi-j-
89).
Panuto: Si Simoun ay inilarawan bilang isang mayamang mag-aalahas na may malakas na
personalidad o pagkatao. Gamit ang iyong malawak na imahinasyon, baguhin mo
ang paglalarawan kay Simoun na maaaring magpabago sa galaw ng mga
pangyayari at hindi humantong sa kaniyang kasawian. Isaalang-alang ang
paggamit ng angkop at masining na paglalarawan.

Mahusay Katamtaman Paghusayan pa


Pamantayan (10 puntos) (5 puntos)
(15 puntos)
Ang paglalarawan ay Ang paglalarawan Hindi nagpakita ng
nagpakita ng ay hindi gaanong kasiningan at
Orihinalidad/Sining/Estilo orihinalidad at nagpakita ng orihinalidad sa
sa Pagsusulat kasiningan na orihinalidad ngunit pagsulat.
kasiya-siyang nagpakita naman
basahin. ng kasiningan.
Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay Hindi nagpakita ng
angkop at wasto sa angkop sa kaangkupan at
Nilalaman hinihinging hinihinging kawastuhan ang
paglalarawan ng paglalarawan ng nilalaman.
tauhan. tauhan.
Wasto ang Hindi nagpakita ng
Angkop at wasto ang pagkakagamit ng kangkupan at
Wasto at Angkop na
pagkakagamit ng gramatika kawastuhan ng
Gamit ng Gramatika at
gramatika (baybay, (baybay, bantas, pagkakagamit ng
Diskurso
bantas, at iba pa). at iba pa). gramatika (baybay,
bantas, at iba pa).
Kabuuang Puntos

Mahusay ang ipinamalas mong kagalingan sa paglalarawan. Batid kong ipinamalas mo


talaga ang pagiging malikhain mo. Sigurado akong handa ka na sa pinakahuling gawain mo.

9
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari,
at damdamin (F10WG-IVg-h-82); nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa
tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at pandama (F10PB-IVi-j-83); at
naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang-
alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan (F10PU-Ivi-j-
89).

You might also like