You are on page 1of 5

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 10 IKALIMANG LINGGO


KWARTER 1
ANG KUBA NG NOTRE DAME
Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean

Mga Kasanayang Pampagkatuto


1.F10PB-Ig-h-68 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.

2.F10PS-Ig-h-69 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa


kabanata

3.F10PN-Ig-h-67 Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang


(nabasa ) diyalogo

Unawain Natin

GAWAIN 1: Katangian Ko... Diyalogo Ko

Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa babasahing diyalogo na hango sa mga akda.

1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian


na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag ako’y nawala.”
Halaw sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian”,

2. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng


babae.
Halaw sa nobelang “Isang Libo’t isang Gabi
(Thousand and One Nights) Saudi Arabia

3. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang gana
mo.” (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong...) O, e, di don ka magtrabaho.
Burahin ko na ang pangalan mo?”
Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”

4. “Kasalanan n’yo ang nangyari, e! Natataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita kayo ng dolyar, naduduling
na kayo, kaya binabastos ninyo ang mga kapwa Pilipino.”
Halaw sa nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista

5. “Walang ibang babae akong minahal.”


Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”

1
Mga Gabay na Tanong

1.Paano nakatulong ang mga pangyayari sa pagkilala ng katangian ng tauhan?


2.Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may-akda?
3.Nalaman ba sa diyalogo ang pagkakilanlan ng isang tauhan? Patunayan.

Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na “Ang Kuba ng Notre
Dame.” Alamin kung makikita ba ang magandang mukha ng France sa kanilang
panitikan mula sa akdang ito. Gayundin, bigyang-pansin mo rin kung paano naiiba
ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan
sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa.

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)


ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Maikling Buod ng Kuba ng Notre Dame

Noong unang panahon mayroong isang kuba na may taglay na kapangitan na


nagngangalang Quasimodo. Siya ay nagkakagusto kay La Esmeralda, isang
napakagandang dilag na magaling sumayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may
gusto at may nararamdaman kay La Esmeralda, maging ang paring kumupkop kay
Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na si
Phoebus ay nabighani rin sa angking kagandahan at galing sumayaw ng dalaga. Sa
mga nagkakagusto kay La Esmeralda, si Frollo ang labis na may pagnanasa sa dalaga
kaya isang araw bigla nitong sinunggaban si La Esmeralda habang ito ay naglalakad
na mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire.

Dinakip si Quasimodo at itinakdang bitayin ngunit si La Esmeralda ay nakiusap


na huwag itong gawin kay Quasimodo. Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang
loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay
kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't
pinagdesisyunan siyang bitayin. Kaya't sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni
La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din ang kubang si Quasimodo.
Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto bang ituloy ang pagbitay sa kanya o ang
mahalin na lamang siya, ngunit mas ginusto ni La Esmeralda na mamatay na lamang
kaysa mahalin si Frollo. Kaya't tinuloy ang pagbitay dito. Nang makita ni Quasimodo
na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis n sakit ang kanyang naramdaman. Nang
dahil sa pangyayaring ito, naglaho na si Quasimodo at kalaunan at natagpuan na
lamang ang kalansay nito na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

Mga Tauhan
Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame na binansagang “Papa ng Kahangalan” dahil
sa taglay niyang labis na kapangitan.
Pierre Gringoire - ang nagpupunyaging makata at pilosopo

2
Claude Frollo - isang paring nagkagusto rin kay La Esmeralda
La Esmeralda - ang dalagang mananayaw
Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian
Sister Gudule - dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na
babae

GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan.


Isaayos ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan nito gamit ang paraang
pagkiklino.

Ilapat Natin
GAWAIN 3: Pag-unawa sa Akda

Sagutin ang mga tanong .

1.Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo. Ano ang suliranin na


bumabagabag sa kaniya?
2.Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw?
3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La
Esmeralda?

4.Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? Pag-ibig? Magbigay ng mga patunay.

3
Ilapat Natin
Gawain 3: Pumili ng tiyak na bahagi / pangyayari sa nobela na
magpapakilala sa KULTURA ng bansang pinagmulan ng akda.

Tiyak na Pangyayari/Bahagi ng Kultura o Pagkakakilanlan ng Bansa


Nobela

1.

2.

3.

4.

Suriin Natin

Gawain 4: Ilarawan ang mga tauhan sa nobelang binasa at suriin kung paano Ipinakilala
ang kultura o pagkakakilanlan ng kanyang bansang pinagmulan.

Tauhan Paano mag-isip? Ano ang Paano ipinakita ang mga


kaniyang namumukod na
damdamin? katangian na mula sa
bansang kaniyangpinagmulan?
Quasimodo

Claude Frollo

La Esmeralda

Phoebus

4
Tayain Natin
Pagsasanay 1:
Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang pangungusap ay may kaugnayan sa
nobelang binasa.

1. Isang kuwento o kasaysayan

2. Binubuo ng sukat at mga talata


3. Binubuo ng mga kabanata
4. Bungang- isip/katha na nasa anyong prosa
5. Tungkol sa mga kaisipanat bagay-bagay na maaaring
kapulutan ng mga impormasyon
6. Tumutugon sa mga tanong na Sino? Ano? Kailan? Saan?
7. Isang Pag-aaral
8. Naglalahad ng mga kawili-wiling pangyayari
9. Naglalarawan ng mga tauhan
10. Paggamit ng malikhaing guni-guni

Likhain Natin
Sumulat ng sariling reaksyon /komento tungkol sa kahalagahan ng KULTURA sa isang akdang
pampanitikan bilang salamin ng isang lahi. Sundin ang pamantayan sa ibaba.

PAMANTAYAN PUNTOS

1.May malinaw na paglalahad ng kaisipan tungkol sa 4


paksa.

2. Wastong bantas at baybay 3

3.May hikayat sa mambabasa 3

You might also like