You are on page 1of 6

9

FILIPINO
KUWARTER 3 – MODYUL 7
 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay.
 Naisusulat ang isang halimbawa ng elehiya.
 Naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari
at mga katangian ng sinuman sa mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang
alamat na binasa.
 Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa
tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay.
 Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa
sa Kanlurang Asya.
 Naiisa-isa ang kultura ng Kanluraning Asyano mula sa mga akdang
pampanitikan nito.

K to 12 BEC CG (Competency Code F9PB-IIIa-50, F9PU-IIIa-53, F9PU-IIId-e-51, F9PB-IIId-e-


52, F9PT-IIIg-h-54, F9PB-IIIi-j-55)

1
PANGWAKAS NA GAWAIN
Pangalan: __________________________________________ Baitang at Seksyon: _______________
Guro: _____________________________________________ MODYUL #: _____________________

I. PAGTALAKAY
Alam mo ba ay may…
APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1. Paglalahad- Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag.
Sinasagot ito ng katanungang “bakit”. Ito ay may dalawang uri. Ang una ay pagbibigay-kahulugan o
katuturan, na pinapahaba ang definisyon para maintindihan at ito ang pinakakaraniwang uri ng
paglalahad. Ang ikalawa ay maanyo o formal definition sa Ingles na hango sa diksyunaryo. Sinasaklaw
ng paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng sinusulat, binabasa, aklat, diksyunaryo, manwal, aklat,
dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo.
2. Paglalarawan- Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa
kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat nang isang bagay na nagsasaad ng
kaibahan sa mga kauri nito. Ito ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay. Merong dalawang uri ng
paglalarawan: Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarawan.
3. Pagsasalaysay- Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag- ulat ng mga
pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kailan
at ano. May iba’t ibang uri ng pagsasalaysay tulad ng patalambuhay, pangkasaysayan, nagpapaliwanag,
mga pangyayari paglalakbay, alamat at saysayan, at maikling kwento.
4. Pangangatwiran- Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa
mga sarili at dahilan ng mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili. Ang pangangatwiran ay
may dalawang uri: ito ay pangangatwirang pabuod (inductive reasoning) at pangangatwirang pasaklaw
(deductive reasoning). Ang pangangatwirang pabuod ay nahahati sa tatlong bahagi: pangangatwirang
gumagamit ng pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari at sa sanhi; at
pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.

II. MGA GAWAIN


Gawain 1. SURI-TALATA
Panuto: Basahing mabuti ang mga talata. Pagkatapos, isulat sa patlang ang uri ng pagpapahayag na
ginamit.
1. Naputol ang pagbibiro ni Ned sanhi ng kaguluhan. Pinasok ng mga maton ang mga
nanonood at sinigawan nitong tumigil ang munting bata. Hindi pinansin ng bata ang mga maton. Wala ni
anumang babala, binato siya ng isang lalaki. Tinamaan siya sa noo. Tumulo ang dugo sa kanyang pisngi.
Tumalon mula sa kahon ang bata at nagtangkang tumakbo ngunit isang maton ang nakahablot sa
kanyang kuwelyo. Inumpisahan siyang gulpihin.
-Sinipi mula sa “Tigang na Palay” ni Minfong Ho
Salin ni Jun Cruz Reyes (Filipino_HS.COM p.265)

2. Ang karapatan ng kababaihan sa buong mundo ay dumaranas ng maraming mga


kakulangan katulad na lang ng deskriminasyon, kakulangan sa karanasan sa pagnenegosyo, at limitadong
akses sa pananalapi. Ang mga pagsubok para sa mga kababaihan ay maaaring mas malala pa sa mga
bansang Islamiko na kung saan ang relihiyon, mga salik-kultural, at kakulangan ng sapat na kaalaman sa
pagnenegosyo ay karagdagang balakid.
-Sinipi mula sa “Karapatan ng Kababaihan sa Saudi Arabia”
Salin ni Lynniel P. Carbonel (Kalinangan p. 349)

3. Death Penalty: Nararapat na nga bang Ibalik?


Para sa akin, sumasang-ayon ako sa pagbabalik nito at nakatuon lamang sa mga karumal-
dumal na krimen lalo’t may kaugnayan sa droga. Marami ng buhay ang nawala at kadalasang mga biktima
ay sadyang walang kalaban-laban. Bagamat may ilang sektor ang kumukondena , marami rin ang
naniniwalang dapat nang ibalik ito upang makamit ang tunay na hustisya para sa mga biktima.
2
Hinango ang ideya sa internet (news.abs.com>news)
Pamagat: ‘Sapul ang mahihirap’
4. Kung papipiliin ako nang isang lider para sa bansang Pilipinas, gusto ko ay taong
may busilak na kalooban, itinatakwil ang pagkamakasarili, at minamahal ang pangangailangan ng bawat
Pilipino. Sawa na ako sa mga mapagkunwari. Pasmado na rin ang isip ko sa lider na walang ginawa kundi
ang manipsip ng dugo ng may dugo. Kaya nga lang ang tanong kanino ko matatagpuan ang lider na gusto
ko? Mayroon pa ba?
-Sinipi sa aklat na “Pagbasa at Pagsulat
Tungo Sa Pananaliksik” p. 86

5. Hindi pa huli ang pagbabago. Putulin natin ang siklo na pagkabansot nating mga
Pilipino. Simulan natin ang pagbabago sa loob ngating pamilya. Ang sabi nga ni Rizal, “kung anong uri
nang isang ina mayroon ang isang pamilya ay ganoon din ang uri ng lipunan mayroon tayo!”
-Sinipi sa aklat na “Pagbasa at Pagsulat
Tungo Sa Pananaliksik” p. 87

Marahil ay sadyang handang-handa ka na sa mga pagsasanay o gawain bilang pangwakas ng buong


Kwarter 3. Ang natutunan sa panimulang bahagi ay makatutulong sa iyo sa matagumpay na pagsasagawa
ng mga inilaang gawain. Simulan na natin…

Bilang panimula ay pakinggan mo ang isang bahagi ng akdang babasahin ng kasama sa bahay upang
mailapat mo ang mga natutuhang kaalaman.

Ang Pariseo at Maniningil ng Buwis


(Lukas 18:9-14)

May ilang nagtiwala sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid at hinamak nila ang iba.
Sa kanila ay sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito.

Dalawang lalaki ang umahon sa templo upang manalangin. Ang isa ay Pariseo at ang isa ay
maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at nanalangin siya sa kanyang sarili ng ganito: “Diyos,
pinasasalamatan kita na hindi ako katulad nang ibang tao. Hindi ako katulad nila na mga mangingikil, mga
hindi matuwid at mga mangangalunya. Hindi rin ako katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang ulit
akong nag-aayuno sa loob nang isang lingo.
Nagbibigay ako sa lahat ng bagay na aking tinatangkilik.”

Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay hindi man lamang niya itinataas ang
kanyang paningin sa langit, sa halip ay kanyang binabayo ang kanyang dibdib. Sinabi niya, “ Diyos
pagkalooban mo ako ng iyong habag, ako na isang makasalanan.”
Sinasabi ko sa inyo: “ Ang taong ito ay umuwi sa kanyang bahay na pinaging- matuwid at ang isa ay
hindi. Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang bawat isang
nagpapakumbaba ay itataas.”

Gawain 2. Opinyon Mo, Ilahad Mo!


Panuto: Maglahad ng sariling opinyon kung ang mga pangyayari sa parabulang narinig ay nangyayari
pa rin sa kasalukuyan. Ipaliwanag ang iyong kasagutan. (1-2 talata)

3
Nakilala mo rin ang pangunahing tauhan sa epikong Rama at Sita. Katangi-tangi ang mga katangian
nilang taglay na nagpapamalas ng kaibahan nila sa ibang tao.

Gawain 3. Sino, Sino ang Naiba?


Panuto: Sumulat ng talatang naglalarawan sa maituturing mong isang “bayani”. Ipakita ang kanyang
mga natatanging katangian.( 1-2 talata)

__________________________
PAMAGAT

Natatandaan mo ang isang napakagandang istorya na‘Alamat ni Prinsesa Manorah’? Nagustuhan mo


ba ang kanyang wakas? Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas nito, paano mo kaya ito
wawakasan?

Gawain 4. HAPPY ENDING


Panuto: Sumulat ng talatang nagsasalaysay ng nais na wakas nang isang alamat. Bigyan din ng
natatangi at kakaibang pamagat. (1-2 talata)
(Ang Natatanging Wakas)
Pamagat

Bago ka dumako sa huling mga gawain, pagtulungan nating unawain ang SINTESIS tungkol sa
Modyul 1-6 ng Ikatlong Markahan. Simulan na natin…

Ang Modyul 1ay tumuon sa aralin tungkol sa parabulang ‘Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan’ at ‘Parabula ng Banga bilang karagdagang akda. Ang mga akdang ito ay hinango sa Banal na
Aklat.

Kasunod nito ang pagtalakay sa epikona pinamagatang ‘Rama at Sita’ mula sa bansang India at
nakapaloob sa Modyul 2. Ito ay nagpapakita nang kabayanihan ng tauhan bagamat may mga pangyayaring
hindi kapani-paniwala.

Masisidhing damdamin naman ang pinalulutang sa mga akdang elehiya na mababasa sa Modyul 3 at
Modyul 4. Kinasangkapan ang mga akdang ‘Elehiya sa Kamatayan ni Kuya’ mula sa bansang Bhutan at
‘Dalit kay Maria’ na isang awit/himno sa mga naturang modyul.

Kinalugdan din ang mga akdang ‘Alamat ni Prinsesa Manorah’ kasunod ang araling pangwika na
pang-abay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Mababasa ang mga ito sa Modyul 5. Samantala, sa
Modyul 6 ay kinapalolooban ng maikling kuwento na may pamagat na ‘Nang Matuyo ang Kipot’ ni Orhan
Pamuk.Tinalakay rin sa modyul na ito ang araling pangwika na mga pang-ugnay.
4
Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng pagtatapos ng Ikatlong Markahan. Ipinapauna ko na ang
mainit na pagbati sa iyo!
Gawain 3: Pagbuo ng Kaisipan
Panuto: Itala sa kahon ang mga natutuhan sa mga aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe o aral
na napulot.

MGA ARALIN MENSAHE O ARAL NA NAPULOT


Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Parabula ng Banga
Rama at Sita
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Alamat ni Prinsesa Manorah
Nang Matuyo ang Kipot

Mga Rubrik sa Pamantayan sa Pagmamarka

PAGLALAHAD NG OPINYON
Pamantayan Puntos
Organisasyon
Kaayusan sa paglalahad ng opinyon
Maliwanag at tiyak ang mga inilahad na mga pangyayari
Kabuluhan
May lalim at kabuluhan ang mga inilahad na Opinyon/pangyayari
Gamit ng Wika
Kaangkupan ng mga salitang ginamit
Kabuuang Puntos

Legend:
4- Napakahusay 2- Mahusay-husay

3- Mahusay 1- Pagbutihan pa

PAGLALARAWAN NG ‘BAYANI’
Pamantayan Puntos
Organisasyon
Nakabuo nang malinaw na larawan ng tauhan
Kabuluhan
May lalim at kabuluhan ang mga inilahad na Opinyon/pangyayari
Gamit ng Wika
Kaangkupan ng mga salitang ginamit
Kabuuang Puntos

Legend:
4- Napakahusay 2- Mahusay-husay

3- Mahusay 1- Pagbutihan pa
5
PAGSASALAYSAY: PAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS
Pamantayan Puntos
Natatangi at kakaiba ang pamagat
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Maliwanag at maayos na nailahad ang
wakas ng kuwento
Angkop ang mga ginamit na salita sa
pagsasalaysay
Kabuuang Puntos

Legend:
4- Napakahusay 2- Mahusay-husay

3- Mahusay 1- Pagbutihan pa

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1: Suri-talata

Pagsasalaysay Ang mga gawaing ito ay pupuntusan o

Paglalahad mamarkahan ng guro batay sa

Pangangatwiran pamantayan
Gawain
gamit 2 rubric na nasa pahina 7 at 8.
ang
Paglalarawan
Gawain 3
Pangangatwiran Gawain 4

You might also like