Professional Documents
Culture Documents
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON V
SANGAY NG MASBATE
GAWAING PAGKATUTO 4
Ikaapat na Markahan
TALASALITAAN:
Bahaw - paos;malat Balisa - nag-aalala; magulo ang isip
Asotea - balkonahe Kapanalig - kakampi; kasamahan
Magtulos - magtirik Dumagsa - biglang pagdami ng mga tao
Naulinigan - narinig Naglisaw - nagkalat
Pag-uulayaw - pagsusuyuan;paglalambingan Panaghoy - pagtangis; pag-iyak
Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang
pagdating ng kanyang kasintahang si Ibarra. Halos pitong taon ding lumipas na hindi nagkita ang dalawang
magkasintahan.
Dumating si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-alaala sa kanilang mga nakaraan
mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Nagbalik tanaw si Maria mula sa kanyang buhay sa Beaterio
habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.
Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra para mag-aral, pero dagli naman itong sinagot ng binata.
Lumayo raw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng
hinaharap ng bayan.
Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. dali-
dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan (Buod)
Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre
Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.
Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kunin ang mga
naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre Damaso.
Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong malaman aybiglang nag-init
ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan
hanggang sa umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari.
Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ni Maria
Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang kaaway.
Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng desisyon patungkol kay Maria
Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang ama.
Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol kay Ibarra. Pagkatapos
ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas na pagbibyahe
ni Ibarra.
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my
malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang
kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito
ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa
umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang
mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi
nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila
ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang
puno ng baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na
takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga
mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay.
Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan,
nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don
Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya
ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura
pareho ng bayan.
Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos (Buod)
Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang dalawang sepultorero at
pinamagatan itong “Araw ng mga Patay.”
Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo ng bayan. Inilarawan
ang sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing may isang krus na nakatirik
sa isang bato sa gitna ng libingan.
Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay naisipan nilang
kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa trabaho.
Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na bagong lipat lamang siya sa bayan
dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-
lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar. Ang sepultorerong may
higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad naman niya na noon ay may isang bangkay na
dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay. Iniutos sa
kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng
ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa. Napag-alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote
and nag-utos.
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang
malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino.
Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring
pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batanggas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas
ng pista.
Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng
hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos
upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas. Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng
mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila
ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na
nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.
Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid
ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang
misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng .
Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin.
Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay
Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.
Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang
makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan
Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul.
Crisostomo:
Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng
kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya
nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay
talagang iiwan ko sila. Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na
kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.
Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam.
Ano nga ba ang tinatawag na Antas ng Pormalidad ng mga salita (level of formality)?
May dalawang uri ng pormal na salita – ang Pambansa at ang Pampanitikan.
Ang pambansa ay yaong mga salitang ginagamit sa pamahalaan, mga aklat, o mga wikang
ginagamit sa pagtuturo.
Ang wikang pampanitikan ay ang salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. Ito ay mga
salitang may malalalim na kahulugan at ginagamit na mga pahiwatig.
Halimbawa:
Pambansa Pampanitikan
1. Kapatid 1. kapusod
2. kayamanan 2. hiyas
Gawain 1
Panuto: Gamit ang estratehiyang Read and React ay suriin ang isinasaad ng mga pahayag at
pagkatapos ay ibigay ang iyong sariling pananaw o reaksiyon ukol dito.
Pagmamahal sa Magulang
Read : “Napuno ng luha ang mga mata ng aking ama. Napaluhod ako at niyakap ko siya. Humingi ako ng
tawad at sinabing handa na akong maglakbay.”
React :
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Pagmamahal sa Kasintahan
Read :”Maaari ba kitang malimot? Paano ko tatalikuran ang isang sumpa? Isang banal na sumpa.
Natatandaan mo pa ba nang isang gabing bumabagyo ay lapitan mo ako sa tabi ng bangkay ng aking ina?
Ipinatong mo sa aking balikat ang iyong palad…ang palad mong ni hindi ko man lamang mahawakan…Sabi
mo: ‘Nawalan ka ng ina. Ako’y hindi nagkaroon ng ina kailanman.’ At nakisalo ka sa aking pagluha.”
React:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Pagmamahal sa Kapwa
Read: “May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpakilala sa isang panauhin ay siya na mismo ang
nagpapakilala sa kanyang sarili. Itulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi dahil sa kagustuhan
ko lamang magpasok ng ugaling dayuhan, kundi dahil lamang sa hinihingi ng pagkakataon.”
React:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Pagmamahal sa Bayan
Read: “Ang mga pag-ibig mo ay isa-isa pa lamang sumisilang samantalang ang sa akin ay isa-isa nang
naghihingalo. Sumusulak pa ang dugo sa iyong mga ugat samantalang ang sa akin ay unti-unti nang
nanlalamig. Ngunit umiiyak ka at hindi makapagtiis ngayon alang-alang sa ikabubuti ng iyong bayan-“
React:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Pangkatin ang mga pormal na salitang magkasingkahulugang ginamit sa bawat pangungusap.
Isulat ito sa talahanayan sa ibaba.
1. Si Maria ay maganda katulad ni Sisang may angking kariktan.
2. Maraming maharlika ang dumating sa handaan ni Kapitan Tiago. Ilan sa kanila ay ang mayayamang
tao sa San Diego.
3. Bakas sa suyuan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ang kanilang pag-iibigan. Matagal nilang
nakaulayaw ang isa’t isa sa balkonahe.
4. Nalanta ang mga halaman sa kumbento. Naluoy ito dahil hindi na ito nadidiligan at naaalagaan.
5. Si Don Rafael ay itinuring na erehe at pilibustero ni Padre Damaso bagaman hindi napatunayan ang
kanyang pagiging suwail at rebelde sa pamahalaan at simbahan.
PAMBANSA PAMPANITIKAN
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga napiling tauhan ng Noli Me
Tangere. Magsaliksik ng mga ebidensyang gagamitin sa Mock Trial. Isulat ito sa isang malinis na papel.
V. SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Ang puntos ay nakadepande sa sagot ng mga mag-aaral.
Gawain 2
PAMBANSA PAMPANITIKAN
Maganda Kariktan
Mayaman Maharlika
Ibigan Suyuan
Nalanta Naluoy
Suwail at rebelde Erehe at pilibustero
Gawain 3
Bibigyan ng marka/puntos batay sa ginamit na pamantayan.
VI. SANGGUNIAN
Ailene G. Baisa-Julian, et al. Pinagyamang Pluma – Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2019
https://www.panitikan.com.ph
Inihanda nina:
MALEN A. ARROYO
IRISH R. DALANON
Mga Manunulat