You are on page 1of 8

DEQUILLA, HANNA ANGELA P.

FILIPINO — 9
GINOONG JOSEPH SOLOMON

BUOD NG KABANATA IKA-PITO HANGGANG IKA-LABINLIMA

Kabanata Ika-pito: Suyuan sa Balkonahe

Matapos magsimba nang maaga nina Tiya Isabel at Maria Clara ay nagyaya na ang dalaga
upang umuwi. Sumama pa ang loob ng kaniyang tiya nang akalaing madasalin at relihiyosa ang
pamangkin. Muntik nang makasagot si Maria Clara ng “Patawarin nawa ako ng Diyos. Alam
naman niya ang nilalaman ng puso ng isang dalaga!” matapos itong pabulong na pinangaralan
ng kaniyang Tiya Isabel. Natapos mag almusal ng dalagang si Maria Clara at itinuloy ang
pananahi. Habang si Tiya Isabel ay kumuha ng pamaspas upang pagpagan ang mga alikabok.
Si Kapitan Tiago ay abala sa pagbasa ng ilang mga papeles. 

Kinakabahan si Maria Clara sa tuwing siya ay nakakarinig ng yabag o ingay ng sasakyan sa


labas. Sapagkat siya ay nagbabakasakaling iyon na ang minamahal niyang binata na si
Crisostomo Ibarra. Tinanong naman ni Kapitan Tiyago ang dalaga kung saan niya nais
magbakasyon, agad naman itong nalungkot nang akalaing sa San Diego ang kanilang pakay,
ngunit sa kumbento lang pala. Agad na binawi ni Tiya Isabel ang naging desisyon ng ama,
kaya’t sa San Diego na ang kanilang pagtungo. Nabawi rin ang kalungkutan ng dalaga at
napalitan ng masayang ngiti. 

Hindi nagtagal ay dumating na si Crisostomo Ibarra. Namumutlang kinakabahan naman ang


dalaga habang pinakikinggan ang mga yabag at tinig mula sa binata. Namumutlang nagtungo
sa silid at agad na sinundan ng kaniyang Tiya Isabel. Sinabihan itong mag ayos at huwag
pahintayin ang binata. Lumabas ang mag-tiya sa silid at pilit na iniiwas ang tingin ni Maria Clara
kay Crisostomo, ngunit napangiti ang dalawa nang magkatagpo ang kanilang tinginan. 

Hindi nagtagal ay nagtungo ang magkasintahan sa balkonahe upang malaya silang makapag-
usap. Maaliwalas at malamig ang simoy ng hangin doon habang sila ay magkasama. 
Natanong naman ni Maria Clara sa kaniyang sinisintang si Crisostomo Ibarra kung lagi siya
nitong iniisip. Umayon naman ang binata na hindi niya malilimot ang dalaga. Binanggit naman
ng binata ang nakaraan nilang pagsasama noong siya ay nalulumbay at magkasamang
nagkasumpaang mag iibigan silang dalawa. Binanggit rin ni Ibarra kung gaano siya napukaw sa
mga awitin ng sinisintang dalaga at ang matamis nitong tinig. Agad na napangiti si Maria Clara
matapos ibahagi ni Crisostomo ang lagi niyang pag alala sa dalaga. Ibinahagi naman ni Maria
Clara noong bata pa lamang sila at kung gaano sila magkasundong dalawa habang paslit pa
lamang sila. Nilabas ng binata mula sa kaniyang pitaka ang dahon ng sambong na nagmula sa
dalaga, nilabas rin ng dalaga ang sulat na nagmula kay Crisostomo. Inis na hinawi ito ni Maria
Clara sapagkat aniya ito ay simbolo ng pamamaalam. Hindi nagtagal ay agad na binasa naman
ito ng dalaga.

Natigil ang kaniyang pagbabasa nang makita si Crisostomo Ibarra na tila balisa. Ninanais na
nitong magpaalam sapagkat may gampanan pa ito. Nagpaalam na ang dalaga habang iniabot
ang iilang bulaklak sa binata. Ilang sandali pa ay nagtungo na si Maria Clara sa silid-dalanginan
habang papasakay na sa karwahe si Ibarra. Hindi mapigilang hindi mapaluha ng dalaga.
Kabanata Ika-walo: Mga Alaala

Binagtas ng karwahe ni Ibarra ang San Gabriel at tumahak na sila sa isa sa magulong distrito ng Maynila.
Natutuwa siya sa mga nagsasalubong na mga kalesa. Sakay nito ang mga Europeo, Intsik at Pilipino.
Napansin ni Ibarra na wala nang nakalatag na bato sa kalye, naghanay na rin ang mga tindahan roon at
mga kainan. Nakakapuwing ang alikabok buhat ng hindi pag-ulan sa dalawang araw. Kung umulan
naman ay nagpuputik ang kalsada. 
Nasalubong niya ang isang kalesang may mga pasaherong inaantok patungo sa kanilang destinasyon.
May mga sundalo, prayle at mga empleyado. Sakay nito si Padre Damaso na nakakunot ang noo. Si
Kapitan Tinong naman ay kaniyang napansin kasama ang dalawang babae, agad siya nitong binati. 
Lumiko ang karwahe ni Ibarra sa Sabana na nasa gawing kaliwa ang pabrika ng tabako sa Arroceros.
Nang maraanan niya ang tanyag na halamanan, ang Harding Botaniko ay bigla niyang naalala. Ang
Hardin na pinapangalagaan at pinaglilimpakan ng salapi noon. Nilingon ni Ibarra ang Intramuros na
nakukulong ng labak at pader. 

Kabanata Ika-siyam: Iba’t-ibang Pangyayari


Dinatnan ni Padre Damaso sina Maria Clara at Tiya Isabel na pasakay sa karwahe. Ang mag
tiyahin ay papuntang kumbento upang kunin ang gamit ni Maria Clara. Nang matapos, nagkita
sina Padre Damaso at Kapitan Tiyago, sinadyang hindi inabot ng Padre ang kamay nito at binati
ng may matigas na tinig. Matapos ang misa, nagpunta ng kumbento si Padre Sibyla at
nagtungo sa may sakit na matandang pari. Ikinuwento ni Padre Sibyla na ikakasal na sina
Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Nabanggit ng matanda na dahil kay Maria Clara at Kapitan
Tiyago ay magiging kapanalig nila ang binata para sa kabutihan ng kanilang korporasyon.

Ayon sa naghihingalong matandang may sakit, pinili niya ang pag-atake sakanila kaysa sa mga
papuri at pambobola ng kanilang mga nasuluhan. Sapagkat makapangyarihan lamang sila
habang pinaniniwalaan. Kung inaatake naman, iisipin ng gobyernong ginagawa lamang ang
gayon pagkat hadlang sila sa paglaya ng bayan kaya minabuting manatili sila sa tungkulin.
Hindi pinakikinggan ng gobyerno ang atake laban sakanila at halimbawang may magkainteres
sa kanilang mga nakakamit ay kaawa-awa ang taong iyon pag nagkagayon. Hindi na muli pang
umimik ang dalawa.

Kinakailangan na kalabanin sila para makita ang kanilang kamalian, para sila lamang ang lalong
mapabuti. Nalulunod sila sa pananahimik laban sakanila at labis na papuri, ang hindi nila alam
ay pinipintasan na sila ng marami. Darating rin ang araw na babagsak sila gaya ng kanilang
pagbagsak sa Europa at wala nang salaping papasok sa kanilang simbahan. Kung maghirap
naman ay wala nang maniniwala pa sakanila. Gaya ng pagkawala sa Europa ay mawawala rin
ang kanilang asyenda, bahay at lupang paupahan, sapagkat sila rin mismo ang magiging
dahilan ng pagkamahak nila. Halimbawa na rito ang taon-taong pagpapataas ng buwis at
inaatake na ang bagay na iyon. Dahil doon ay napilitan ang mga Indio na sa ibang lugar bumili
ng bukirin. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam at umalis na si Padre Sibyla.

Sa kabilang dako naman ay natapos ang pag-uusap nina Padre Damaso at Kapitan Tiyago.
Bago umalis ang Pransiskano ay nasabi niya na ang lahat ng kaniyang gusto at pakay sa
Kapitan. Balisa namang nagpalakad-lakad si Kapitan Tiyago nang makaalis na sa wakas si
Padre Damaso. Nagtuloy siya sa silid-dalanginan at inisa-isang pinatay ang may sinding mga
kandila at lampara.

Kabanata Ika-sampo: Ang San Diego


Ang San Diego ay isang bayan sa baybay lawa na may malawak na bukirin. Sagana ito sa
asukal, palay, kape at prutas na ipinagbibili sa iba’t ibang bayan o sa mga mapagsamantalang
Intsik. Tanaw na tanaw mula sa simboryo ng simbahan ang buong kabayanan. Tabi-tabi ang
mga bahay na may bubong na pawid, yero, tisa at kabonegro.

Ang higit na kapansin-pansin ay ang gubat sa gitna ng malawak na bukid. Makapal ang damo at
mga punongkahoy sa gubat na iyon at may naglawit nab aging. Sa ibaba ay may mga lumot.
May tumutubong kabute sa mga balat ng kahoy at may orkidya sa mga sanga. Maraming
itinatagong alamat ang gubat na iyon.

Noong araw, nang panay na kubo pa lamang ang mga bahay sa San Diego kung gabi ay may
dumating doong isang matandang Kastilang malalim ang mata at malalim managalog. Nilibot
nito ang paligid at pagkatapos ay ipinagtanong kung sino-sino ang may-ari ng gubat na iyon na
noon ay may bukal ng mainit na tubig. Maraming humarap sakaniyang nagpanggap na may-ari.
Binigyan sila ng damit, alahas at salapi ng matanda bilang kapalit ng gubat.

Ngunit hindi lamang nagtagal ay nawala ang matanda. Akala ng ilan sa mga mamamayan doon
ay naengkanto ito. Ilang pastol ang nakaamoy ng mabaho mula sa gubat. Hinanap nila ang
pinagmulan at Nakita ang nabubulok na bangkay ng Kastila na nakabitin sa sanga ng balete.
Noong buhay pa ito ay kinakatakutan na ang kaniyang tawa at tinig na tila ba nanggagaling sa
loob ng kuweba, lalo na nang matagpuan itong patay.

Halos lahat ng babae ay hindi makatulog sa takot. Kaya dahil dito ay ipinatapon nila sa ilog ang
mga alahas na nagmula sa Kastilang pumanaw at sinunog ang iilan pang mga kagamitan. Mula
nang inilibing nila ang bangkay sa tabi ng puno ng balete ay wala niisang lumapit pa roon. Ayon
sa isang pastol ay may Nakita itong ilaw na nagmula roon at ayon din sa mga binata ay
nakarinig sila ng pag-iyak. Mula noon ay marami nang kuwento at alamat ang nagsulputan
tungkol sa nasabing lugar.

Ilang buwan na ang nakalipas, may binatang Kastila na nagpunta roon. Ayon sa binate ay anak
siya ng pumanaw at balak na manirahan doon. Siya si Don Saturnino na nagsaka at nagtanim
ng tina roon. Walang kibo, mapusok, malupit ngunit masipag naman ang binata.
Nakapangasawa siya sa isang dalaga na si Manilenya. Sila ang nagging ama’t in ani Don
Rafael Ibarra na siyang ama naman ni Crisostomo Ibarra.

Mula noon ay kinagiliwan na ng mga magsasaka si Don Rafael mula pa noong kabataan niya.
Sa tulong ng pamamaraan ng kanyang ama ay napaunlad niya ang pagsasaka. Bunga nito ay
biglaang dumami ang mga dayuhan, kabilang na ang maraming Instik. Lumaki ang nayon dahil
dito. Nagpadala tuloy roon ng isang paring Indio. Hindi nagtagal at naging bayan ang nayon,
namatay ang pari at pumalit si Padre Damaso. Gayunman, ang libingan at ang karating-lupa ay
iginalang.

Kabanata Ika-labing isa: Ang mga Makapangyarihan

Si Don Rafael ay hindi kabilang sa mga makapangyarihan. Siya ay ang pinakamayaman sa San
Diego at marami ang may utang na loob sa kanya. Ngunit sa kababaang-loob at hindi
paghihintay ng kapalit sa kaniyang mga nagawa sa bayan ay hindi niya pinalakas ang sarili
kailanman. Kaya naman, kung siya ay nasa kagipitan ay kinakalaban siya ng karamihan. Sa
kabilang banda, si Don Tiyago ay sinasalubong ng orkestra at ng mga may utang sa kaniya.
Siya ay inuulanan ng regalo at pinagsisilbihan. Masasarap na prutas at karne ang ipinapadala
sa kaniya, tulad ng may kabayo ng may utang sa kaniya ay wala pang kalahating oras,
napapasakaniya na ito.

Ngunit sa kabila nito, lihim siyang pinagtatawanan ng mga tao at tinatawag pang Sakristang
Tiyago. Sa halip na mag utos naman siya sa Gobernadorcillo o Kapitan ay siya pa ang
sumusunod at hindi nang-aaway kundi siya pa mismo ang inaaway. Ni pag desisyon ay hindi
niya magawa, kundi siya ang dinidesisyunan. Siya rin ang nananagot sa alcalde mayor sa lahat
ng inuutos, ipinapagawa at hinihinging pagpasiyahan.

Liban sa mga bantayog na marmol, ang San Diego at ang Roma ay magkatulad. Sa halip, ang
makikita sa San Diego ay mga bantayog na yantok at sabungang pawid ang bubong. Kung ang
makapangyarihan sa Batikano ay ang Papa, sa San Diego naman ay ang kura. Quirinale ang
hari ng Italya, sa San Diego naman ay ang alperes ng guardia civil. Tulad roon, laganap din ang
ang samaan ng loob sa San Diego dahil sa gusting makontrol ng isa ang isa.

Si Padre Salvi naman ang batang Pransiskano, ay ibang-iba ang ugali at kilos kaysa ibang
kapwa pari, lalo na sa pinalitan niyang si Padre Damaso. Parang lagi siyang nag-iisip at
matapat sa simbahan na pinapangalagaan ang pangalan. Pinagmumulta niya ang mga
nagkakasala at bihira siyang manakit. Ito ang pinagkaiba nila ni Padre Damaso na laging
nanununtok at namamalo ng baston. Naging putlain si Padre Salvi buhat ng pag-aayuno, ayon
sa marami ay umakyat sa ulo nito ang hangin.

Wala siyang kaaway kundi ang alperes. Ang asawa niya’y isang matandang Pilipina na makapal
maglagay ng korete sa mukha, siya ay si Donya Consolacion na tawag sa sarili. Iba naman ang
itinatawag sa kaniya ng asawang alperes at ng kanilang mga kakilala. Para sa alperes ay isang
kasawian na maikasal sa Donya. Bilang pagsisisi at paghihiganti ay lagi itong naglalasing. Kung
minsan ay pinagmamartsa niya ang kaniyang mga guardia civil sa ilalim ng init na araw
samantalang siya ay nasa lilim. Madalas rin siyang manakit at bumugbog ng babae. Tila ba
biruan na lamang ang kanilang pag-aaway mag-asawa sapagkat nag bubugbugan sila sa harap
ng maraming tao at madalas na nakakagulo sa kapitbahay ang kanilang pagmumurahan.
Ngunit sa kabila nito ay sila ang tunay na makapangyarihan sa San Diego.

Kabanata Ika-labindalawa: Todos Los Santos

Sa dakong kanluran, sa gitna ng palayan ay hindi kabayanan ang naroroon kundi libingan sa
San Diego. Makipot ang landas patungo rito. Sa gitna ng sementeryo, ay may isang malaking
krus na kahoy sa ibabaw ng tuntungang bato. Niyupi ng bagyo ang karatula malapit sa krus na
binura ang mga titik nito buhat ng ulan.

Katataboy pa lamang ng ilang lalaki sa nagsipasok na mga hayop sa libingan. Dalawang lalaki
ang naghuhukay ng paglilibingan sa tabi ng isang wari’y matitibag nang pader. Mabagal sa
paghuhukay ang tagapaglibing samantalang ang isa naman ay balisa, pawis na pawis, at lura
nang lura habang naninigarilyo.

Ayon sa isa sa mga naghuhukay ay sariwa pa ang isang bangkay sapagkat may dugo pa ang
nahukay na buto nito at buhok na dalawampung araw pa lamang nalilibing. Kinilabutan ang isa
nang magkwento ang kasama na umuulan at nanamatay matay ang ilaw na hawak nito.

Ayon dito ay aksidenteng nabuksan ang ataul at lumabas ang bangkay na umaalingasaw,
kinakailangan pa niyang pasanin ito habang basang basa sa ulan. Ininda ng tagapaglibing na
kasamang nagkukwento nito ang nangyari sapagkat ayon sakaniya ay napagutusan lamang ito
ng kurang malaki. Inutos nito na ilibing at ibaon ang bangkay sa libingan ng mga Intsik, ngunit
sa layo ng sementeryo ng mga Intsik ay mas lalong dumami ang mga tao sa libingan.

Pagtapos nilang magkwentuhan, natapos na sa paghuhukay ang mga tagapaglibing.


Nakabunton sa tabi ng hukay ang dalawang tumpok ng basang lupa. Kumuha ng hitso sa
salakot at saka nginanga. Luminga ito sa kaniyang paligid.

Kabanata Ika-labintatlo: Hudyat ng Unos


Huminto sa tapat ng sementeryo ang isang karwahe at mapapansing galling ito sa malayo dahil
sa nababalot ng alikabok at pawisan ang mga kabayo. Bumaba si Crisostomo Ibarra na
kasunod naman nito ang isang matandang utusan. Walang kibong pumasok ito sa sementeryo
at pinaalis na ang karwahe.

Itinuro ng matandang utusan ang lugar at agad naman itong nilakad ni Ibarra. Huminto siya
nang marating niya ang lugar at iginala ang tingin. Nagtatakang luminga-luminga ang matanda
noong makitang wala ang sinasabi niyang itinirik na krus. Lumapit sila sa isa sa mga
tagapaglibing upang magtanong at magalang na yumukod ang binata.

Tinanong ng matandang utusan kung aling libingan ang may isang krus. Tugong patanong ng
tagapaglibing ang may malaking krus na nakaukit ang dekorasyon at may taling yantok na agad
na sumang-ayon ang matanda at napatingin pa sa binata. Ngunit ayon sa tagapaglibing ay
sinunog niya na ang krus na inutos ng malaking kura na nagngangalang Padre Garrote.

Parang birong sinambit ng tagapaglibing na wala na ang bangkay sa libingan nito sapagkat may
pumalit na isang linggong isang babae na ang nakabaon sa puntod na iyon. Ayon pa rito ay
matagal nang ipinahukay iyon ng malaking kura na humigit ilang buwan na at ipinalipat sa
sementeryo ng mga Intsik. Hindi pa natapos ang sasabihin ng tagapaglibing nang agad itong
sinunggaban ni Crisostomo Ibarra na may poot ang tinig. Ngunit mas lalong nagpuyos sa galit
ang binata na tumalikod na lamang at nagmamadaling umalis nang sabihin ng tagapaglibing na
ipinaanod na lamang niya ito sa ilog ang bangkay kaysa ibaon sa libingan ng mga Intsik.

Agaw-dilim na noon at parang uulan. Walang luha ang mga mata ni Crisostomo Ibarra at
walang himutok na laman ang dibdib habang tinahak ang kabayanan. Nagtungo ang binata sa
dakong kinatitirikan ng isang lumang bahay na matagal na niyang hindi napupuntahan. Nilinga
niya ang paligid na nakapalibot sa bahay-bahayang kaniyang kinatatayuan. Nakatuon ang mga
mata ni Crisostomo Ibarra sa paring kaniyang nakasalubong. Huminto ang binata upang titigan
si Padre Salvi na siyang iniiwas naman ang tingin. Agad itong sinugod ni Ibarra at diniinan sa
balikat. Marahas na tinanong nito sa padre kung ano ang ginawa nito sa ama.

Hindi agad nakasagot si Padre Salvi at maputla-putlang nanginginig habang ang binata ay
pinipigilan ang sariling magtimpi. Tila ba nauupos sa pagkakatayo ang pari dahil sa bigat ng
mga kamay ni Ibarra na nakadagan sa kaniyang mga balikat. Parang napilitan lamang
magsalita ng padre habang pinipigalang manginig sa kinatatayuan. Tuluyang napaluhod ito
habang nagmamakaawang bitawan siya ng binata. Agad sinambit ni Padre Salvi na hindi siya
ang padre na tinutukoy nito at nagkakamali lamang siya. Maaaring si Padre Damaso ito at
nagmamadaling iniwan ng binata ang padre at nagtuloy sa kaniyang bahay.
Kabanata Ika-labinapat: Baliw o Pilosopo

Ang isang mahiwagang matandang lalaki buhat sa sementeryo ay palakad-lakad sa kabayanan


na tila walang tiyak ang direksyon nito. Siya ay natigil sap ag-aaral ng pilosopiya hindi dahil sa
kahirapan o kahinaan ng ulo, kundi dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng kaniyang ina. Kung
tutuusin ay mayaman naman ang kaniyang ina at may likas na talion ang bata. Ngunit ang
pangunahing dahilan ay natatakot lamang ang ina na baka lumaki itong may dunong at
makalimot sa Diyos. Pinapili rin ng ina ang anak kung siya ba ay magpapari o iwan ang
Kolehiyo de San Jose. Huminto naman ang binata sa kaniyang pag-aaral upang magpakasal sa
kaniyang nobya. Kalaunan ay nabiyudo na siya at namatay rin ang kaniyang ina.

Upang siya ay malibang, nagbasa ng iba’t ibang aklat at nagkaroon ng pagkalulong sa


pagbabasa. Napabayaan na ang kanilang kayamaan at ari-arian hanggang sa naghirap. Siya ay
si Don Anastacio o Pilosopong Tasyo na tawag sakaniya ng mga may pinag-aralan,
samantalang Tasyong Baliw naman ang tawag sa kaniya ng mga di nag-aaral dahil sa kakaiba
niyang kilos at pananalita.

You might also like