You are on page 1of 4

NOLI ME TANGGERE

By: Jose Rizal


FILIPINO

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong
taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng
isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina
at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng
San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may
mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-
Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain
ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang
mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay
ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don
Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito
pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang
maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata,
nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na
kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan
ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas
ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa
pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong
sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay
ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy
ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya
nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong
binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang
binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya
nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano.
Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina
Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na
bagong dating sa Pilipinas.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil
sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na
muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang
kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala
talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay
tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa
bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na
siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang
siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria
Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y
ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni
Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang
ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si
Padre Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina
subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.

Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng
damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga
tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan
inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng
pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y
nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa
Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y
magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya
nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.

Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang
bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Ipinasa Ni: Caronan, Reyly- joy G.

Ipinasa Kay: Esbiert Anggad


EL FILIBUSTERISMO
By: Jose Rizal
FILIPINO

Nagsimula ang El Filibusterismo sa isang paglalakbay ng bapor Tabo ,sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa
mga pasahero ng kubyerta ay sina Donya Victorina, Don Custodio, Ben Zayb, at si Simoun. Nagkaroon ng iba't
ibang panukala dahil sa problema sa transportasyon.

Nakarating na sila sa San Diego, sa Los Banos. Ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan
upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-
alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Muling nagkita si Simoun at Basilio. Kinkumbinsi ni Simoun si Basilio na sumama sa kanya at muling hinikayat ang
binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi ito'y naibunsod dahil namatay si Maria Clara
nang hapong yaon.

Nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto ang mga estudyante ay nagsalu-salo dahil sa
kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo. Sa kainan ay may nagtatalumpati't ito'y tinuligsa ng mga prayle.
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga
pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik.

Dalawang buwang nakalipas. Sa tulong ni Simoun, kalaya na rin si Basilio at umanib na siya sa paghihimagsik.
Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon na ipakita ang ginawang bomba na isang lamparang hugis
Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Itong lamaparang ito'y ihahandog niya sa ikakasal na sina Juanito at Paulita.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don
Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito
at Paulita Gomez . Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral na anyayahan din niya upang dumalo sa
piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Ang kasukdulan

Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari.
Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo . Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de
mercurio , ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan ---
at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon.

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana
ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas siya sa bahay ni Padre Florentino , sa baybayin ng
karagatang Pasipiko.

Katapusan

Sa ilalim naman ng kubyerta, mga pasahero dito'y sina Basilio, Isagani, at si Kapitan Basilio nag-uusap tungkol sa
Akademya ng Wikang Kastila at kay Kapitan Tiago.
Nung nagtungo si Basilio sa bahay nina Kabesang Tales upang dalawin si Juli, napadalaw siya sa libingan ng
kanyang ina. Paalis palang siya nang nakita niya si Simoun, at nakilala niyang ito'y nagbabalatkayo.

Itinangka ni Simoun na patayin si Basilio ngunit hindi ito natuloy kundi hinikayat niya ang binata na makiisa sa
kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Tumanggi si Basilio dahil gusto niyang makapagtapos sa
kanyang pag-aaral.

"Sa pamahalaan ka ba o sa amin, sa mga sumisiil sa iyo o sa iyong bayan. Magpasya ka at hinihingi ng panahon.
Naparito ako upang iligtas ka alang-alang sa mga alaalang nag-uugnay sa atin." - Simoun

Ibinintang ang mga pasking ito sa mga estudyanteng kasapi ng kapisanan. Naparamay si Basilio at siya'y nakulong
dahil wala siyang tagapagmagitan.

"Hindi siya humingi ng tulong sa kura upang mailigtas ang ama t saka ngayo'y lalapit siya upang iligtas si Basilio?"

"...sa kanyang pagdarasal, pagtawag sa Diyos at paghingi ng kamatayan. Umaga'y nagbibigay sa kanya ng pag-asa,
ng isang himala."

Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa
durungawan ng kumbento.

Ang malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.

Bago ng kasal, si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si
Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Dumatng si Isagani, ang naging
katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na
ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.

Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag
pahuli nang buhay.

Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang
pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.

Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Ipinasa Ni: Bakidan, Jay- ann Q.

Ipinasa Kay: Esbiert Anggad

You might also like