Professional Documents
Culture Documents
Isinumbat niya sa dalaga ang liham na ginamit ng hukuman laban sa kanya ngunit
mariin itong itinanggi ni Maria. Aniya’y inagaw lang umano sa kanya ang liham ng
binata kapalit ng liham ng kanyang ina na nagsasabi na si Padre Damaso ang tunay
niyang ama. Dagdag pa ng dalaga, kaya daw umano siya magpapakasal kay Linares
ay para sa dangal ng kanyang ina. Ngunit ang pagmamahal niya kay Ibarra ay di
magbabago kailanman. Pagkatapos nito’y tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias.
Sumakay sila sa bangka at tinunton ang Ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng
Bay. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinabunan ng damo. Ngunit naabutan sila ng
tumutugis sa kanila. Naisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa kanila.
Pagkaraan ay lumundag siya sa tubig at inakala ng mga humahabol sa kanila na
ang lumundag ay si Ibarra. Pinagbabaril si Elias hanggang sa ang tubig ay magkulay
dugo.
Nagsimula ang lahat makalipas ang labintatlong taon mula ng mamatay sina Sisa
at Elias. May isang bapor na kung tawagin ay Bapor Tabo na naglalakbay sa
pagitan ng Maynila at Laguna. Ilan sa mga sakay nito ay ang mag-aalahas na si
Simoun, Basilio, at Isagani. Nang makarating si Basilio sa San Diego ay dinalaw niya
ang puntod ng kanyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Sa 'di inaasahang pangyayari
ay nagkita sila ng mag-aalahas na si Simoun. Nakilala niyang ito ay si Crisostomo
Ibarra na nagbabalatkayo. Upang maitago ang lihim ni Ibarra, tinangka niyang
patayin si Basilio.
Ngunit hindi ito natuloy kaya hinimok na lamang ni Simoun si Basilio na makiisa sa
kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Tinanggihan ito ng binata
dahil nais niyang makatapos sa kanyang pag-aaral. Samantala, habang ang Kapitan
Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga mag-aaral na Pilipino ay naghain ng
isang kahilingan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Hindi ito
napagtibay sa kadahilanang ang mga pari ang mamamahala dito. Sa gayon ay hindi
sila magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamamalakad ng
nasabing akademya.
Muling nagkita si Simoun at Basilio at muli niyang hinimok ang binata na umanib
sa binabalak niyang panghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi
ito nangyari dahil nang hapong din iyon ay binawian ng buhay si Maria Clara. Sa
kabilang dako, ang mga mag-aaral naman ay nagdaos ng isang salu-salo sa
Panciteria Macanista de Buen Gusto. Ito ay sa kadahilanang masama ang kanilang
loob dahil sa kabiguang maipatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Sila ay
nagkaroon ng talumpati sa loob ng Panciteria kung saan tahasang tinuligsa ng mga
mag-aaral ang mga pari.
Ninong sa kasal ang Kapitan Heneral. Ang mga may mataas na katungkulan sa
pamahalaan ay inanyayahan din niya sa piging na idaraos. Makalipas ang
dalawang buwan ng pagkakakulong ay nakalaya din si Basilio sa tulong ni Simoun.
Dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay pati na rin ang pagkamatay ng kanyang
kasintahang si Juli ay tuluyan na siyang umanib sa balakin ni Simoun na
paghihimagsik. Sinamantala na ni Simoun ang pagkakataong iyon at ipinakita sa
binata ang bomba na kanyang ginawa.
Lampara ito na hugis granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ihahandog niya ang
magarang ilawang ito sa ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ang ilawan umano ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung
minuto ay manlalabo. Kapag itinaas ang mitsa upang paliwanagin ay puputok ito
at ang granada ay sasabog. Kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng
kiyoskong kakanan dahilan upang walang sinumang makaligtas sa mga bisita.
Kapag narinig naman ang malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay
magsisilbi itong hudyat para simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni
Simoun. pamahalaan.
Binalaan niya si Isagani na kung maari ay umalis na din upang hindi na madamay
pa. Sakto naman at nanlalamlam na noon ang lampara kaya iniutos ng Kapitan
Heneral kay Padre Irene na pakitaas ang mitsa ng ilawan. Ngunit inagaw ito ni
Isagani, tumakbo sa asotea at inihagis ang lampara sa ilog. Hindi natuloy ang
balakin ni Simoun na paghihimagsik. Tumakas siya patungo sa bahay ni Padre
Florentino, isang paring Pilipino. Nang malapit ng dumating ang mga huhuli kay
Simoun ay uminom ito ng lason upang huwag na siyang abuting buhay ng mga ito.
Dito na rin niya ipinagtapat sa pari ang kanyang katauhan. Mula nang siya ay
bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-
iibigan nila ng kasintahang si Maria Clara, at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas
sa pakay na mapaghigantihan ang Pamahalaan sa pamamagitan ng isang
paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay na si Simoun. Ang
mga naiwang alahas naman ni Simoun ay itinapon sa dagat ni Padre Florentino.
Pamagat
Tagpuan
UNANG TAGPO
Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t
ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba
pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay
anng mga prayle/reverendos, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si
Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa
ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan
Basilio.
IKALAWANG TAGPO
Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa
bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang
prusisyon ng iba’t ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang
makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang
binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang
sikreto anng nalaman ni Basilio.
IKATLONG TAGPO
Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa
grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito
ay si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si
Pecson, na puro pag-aalinlangan, at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang
mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Macaraig upang ibalita
sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga mag-aaral kung sa palagay
ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si Pecson
lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga
mag-aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.
IKAAPAT NA TAGPO
Tagpuan: Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama
sa binabalak nitong paghihimagsik.
IKALIMANG TAGPO
Tagpuan: Sa isnag pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen
Gusto. Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang
masasama ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag
ng Akademya ng Wikang Kastila.
IKA-ANIM NA TAGPO
Tagpuan: Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa
ospital at upang asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanagnin sa kanyang
pagtatapos sa Unibersidad. Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram
ng kaunting halaga na kanyang gagamitin sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng
kanyang naipon ay nagugol niya sa pagtubos kay Huli at sa kanilang titirhan ng
kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio patungong unibersidad.
IKA-PITONG TAGPO
Tagpuan: Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong
naghahangad na matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din
dahil sa nalakad ang mga kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang
maglalakad ng kanyang papel dahil si Kapitan Tiago ay namayapa na. karamihan sa
mga estudyante ay hindi pumasa sa eng serbisyo sibil. Si tadeo naman ay tuwang-
tuwa dahil sinunog ang lahat nang mga aklat at sila ay pinauwi para sa isang
mahabang bakasyon. Si Juanito naman ay tinuruan na lamang ng kanyang ama
kung paano mangalakal. Si Macaraig naman ay nagtungo ng Europa. Si Isagani ay
nakapasa sa asignaturang pangmadlang pagpapahayag ngunit bagsak sa iba.
Dinaan namn ni Sandoval sa pagtatalumpati kung kaya siya ay nakapasa.
Sinubukan ni Huli, ang kasintahan ni Basilio na pakiusapan si Padre Camorra na
palayain ang kanyang kasintahan ngunit ito pa ang nagging dahilan ng kanyang
kamatayan. Hindi rin nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang maganda at mayamang
kasintahan ni Isagani, na magpakasal. Ngunit hindi sa binata kundi kay Juanito
Pelaez. Buwna na ng Abril at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun naman ay
nais nagdaos ng isang piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya.
IKA-WALONG TAGPO
Tagpuan: Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang
bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang
pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang
pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.
IKA-SIYAM NA TAGPO
Tagpuan: Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat.
Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura.
Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom
siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.
Tauhan
Balangkas ng Pangyayari
c. TUNGGALIAN
b. Pakikipagkapwa-teksto
Kung babasahin ang dalawang nobela, mapapansing ito ay may pagkakatulad.
Maaring sa banghay, sa tauhan, paniniwala sa mensahe, o sa tunggalian at iba pa.
Ito ay patunay lamang na ang akda ay nakikipagkapwa-teksto.
May pagkakahawig ang nobelang La Loba Negra ni Padre Jose Burgos at El
Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. May ilang kaalamang nakapaloob sa naunang
nobela na makikita sa ikawala t sa ganitong sitwasyon, ang El Filibusterismo ni Dr.
Jose Rizal ay nakikipagkapwa-teksto sa akda ni Padre Burgos.
Epekto sa Mambabasa
KonklusyonN
Nagustuhan ko ang aklat kasi nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa mga
dinanas ng ating lahi noong tayo’y sinakop ng mga dayuhan.
Karapat-dapat itong irekomenda sa lahat lalo na sa ating mga Pilipino upang
magsilbing aral na hindi dapat tayong magpaapi dahil wala namang aapihin kung
walang magpapaapi.Ang natutunan ko ay ang maging makabayan at huwag mag-
paapi. Ang pagsasakripisyo ay may maidudulot na kabutihan lalo na kung ito’y
para sa kapakanan ng lahat.
Aral/Kaisipan
Hindi natin dapat sisihin ang Diyos kung di man tayo nagtagumpay sa ating nais
gawin o ating ginawa dahil ito’y may dahilan kung bakit niya pinahintulutang
mangyari ang bagay na ganon at hindi rin natin dapat gamitin ang pangalan ng
Diyos para sa ating sariling kapakanan at kasiyahan bagkus atin itong igalang. At
isabuhay at gawin natin ang aral ng Diyos na “huwag gawan ng masama ang
masama” tulad ng ginawa ni Crisostomo Ibarra o Simoun dahil walang madudulot
na kabutihan ang paghihiganti, matuto tayong magpatawad dahil nandyan ang
Diyos na makatarungan.