Crisostomo Ibarra Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Maria Clara Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso. Padre Damaso Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara. Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Elias Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito. Sisa, Crispin, at Basilio Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Sina Basilio at Crispin ay ang magkapatid na anak ni Sisa. Boud ng Noli Me Tangere
Ang nobelang NOLI Me Tangere o Touch Me Not sa
Wikang Ingles ay isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ipinamumulat ng nobelang ito sa mga Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari noong panahon ng mga Kastila, gayon din ang mga pang- aabusong nagaganap sa lipunan noong panahong sakop pa tayo ng mga dayuhan. Pagkatapos ng pitong taong pag-aaral sa Europa ay bumalik sa Pilipinas ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra. Dahil dito’y naghandog ng piging si Kapitan Tiyago kung saan inanyayahan niya ang ilang kilalang tao sa kanilang lugar. Sa piging ay hinamak ni Padre Damaso si Ibarra ngunit sa halip na patulan ay magalang na lamang itong nagpaalam sa kadahilanang siya ay may mahalaga pang lalakarin. Si Ibarra ay may magandang kasintahan, siya si Maria Clara na anak-anakan ni Kapitan Tiyago. Dinalaw ni Ibarra ang dalaga kinabukasan pagkatapos ng piging. Inalala nila ang kanilang pagmamahalan at maging ang mga lumang liham bago pa mag-aral sa Europa si Ibarra ay muling binasa ni Maria Clara. Sa bangketeng inihandog ni Ibarra pagkatapos ng nasabing pagdiriwang at pagbabasbas,ay malabis na hinamak ni Pari Damaso ang alaala ni Don Raphael. Ito’y di na natiis ni Ibarra. Halos baliw nang tatarakan si Pari Damaso ng kutsilyong nasunggaban, ngunit naawat siya ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag ng Arsobispo sa simbahang katoliko si Ibarra. Sinamantala ni Padre Damaso ang pangyayaring iyon at iniutos sa ama-amahan ni Maria Clara na huwag ituloy ang pagpapakasal ng dalaga kay Ibarra. Habang ginaganap ang handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago para sa kasunduang pagpapakasal nina Linares at Maria Clara ay nakatakas si Ibarra sa tulong ng kanyang kaibigan na si Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng lihim sina Ibarra at Maria. Isinumbat niya sa dalaga ang liham na ginamit ng hukuman laban sa kanya ngunit mariin itong itinanggi ni Maria. Aniya’y inagaw lang umano sa kanya ang liham ng binata kapalit ng liham ng kanyang ina na nagsasabi na si Padre Damaso ang tunay niyang ama. Dagdag pa ng dalaga, kaya daw umano siya magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng kanyang ina. Ngunit ang pagmamahal niya kay Ibarra ay di magbabago kailanman. Pagkatapos nito’y tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa bangka at tinunton ang Ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay.. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinabunan ng damo. Ngunit naabutan sila ng tumutugis sa kanila. Naisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa kanila. Pagkaraan ay lumundag siya sa tubig at inakala ng mga humahabol sa kanila na ang lumundag ay si Ibarra. Pinagbabaril si Elias hanggang sa ang tubig ay magkulay dugo. Nabatid ni Maria Clara ang diumano’y pagkamatay ni Ibarra. Nalungkot siya at nawalan ng pag-asa kaya hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok na lang siya sa kumbento dahil kung hindi ay wawakasan na lamang niya ang kanyang buhay. Natunton ni Elias ang maalamat na gubat ng mga Ibarra. Dito ay nakita niya si Basilio at ang kanyang walang buhay na ina na si Sisa. Noche Buena na noon samantalang si Elias ay sugatan at hinang- hina. Bago pa siya nalagutan ng hininga ay nasabi niya na kung hindi man daw niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Iyon ang huling mga salitang lumabas sa bibig ni Elias. El Filibusterismo Ang Nobelang El Filibusterismo o ang Paghahari ng kasakiman ay isinulat ni Jose Rizal upang ihandog para sa Tatlong paring martir, na siyang naging pangunahing dahilan kung bakit Ito itinuring na isang Nobelang politikal. Makikita sa El Filibusterismo na ang pagiisip ni Rizal ay napunta na sa Pagiging rebolusyon mula sa Pagiging repormista. Mga Tauhan: Simoun – Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap Juli – Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama Pari Camorra – Paring mukhang artilyero Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino - ang amain ni Isagani Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio. Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Tiyo Kiko - matalik na kaibígan ni Camaroncocido. Gertrude - mang-aawit sa palabas. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal
noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere Boud ng El Filibusterismo Buod Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya. Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hápong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang
kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macaňista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga pasking na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan. Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang naging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad- lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di- kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana ngunit namalas niyang dumating si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang binatang ito. "Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas siya at nakarating sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang magpang- abot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makapaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. mangungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun