You are on page 1of 9

Paz,Jevy Rose Dimalaluan

BEED 3

Pre final exam in Rizal

Essay.

1. Ano ang kahalagahan ng librong " Sucesos delas Isla Filipinas" na sinulat ni Morga sa kasaysayan ng
Pilipinas? Ang kahalagahan ng librong ito Ang Sucesos de las Islas Filipinas ay isang librong isinulat at
inilathala ni Antonio de Morga na itinuturing na isa sa pinakamahalagang gawa sa unang kasaysayan ng
kolonisasyong Espanyol ng Pilipinas..[1] Nailathala ito noong 1609 pagkatapos na siya ay muling
maitalaga sa Mexico sa dalawang kabuuan ng Casa de Geronymo Balli, sa Mexico City . Ang unang
pagsasalin ng Ingles ay nailathala sa London noong 1868 at isa pang Ingles na salin ni Blair at Robertson
ay nailathala naman sa Cleveland noong 1907.

2. Sino sino ang mahahalagang tao na nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ni Dr. Jose Rizal? Ano ang
kanilang mga naging ugnayan? Si Suzanne Jacoby natala ang pagmamahalan subalit di rin
nagtagal.Umiibig din sya kay Gertrude Beckett na kanya din iniwasan.Ang kahuli Hulihang natalang
babae sa kanyang buhay na si Josephine Bracken na Isang dalagitang Irish Sa Hongkong.

3. Ipagkumpara ang 2 nobelang ginawa ni Rizal. Ang "Noli Me Tangere" at " El Filibusterismo". Magsulat
ng maikling pahayag tungkol sa dalawang nobela.Ang pagkakaiba ng Noli Me Tangere sa El
Filibusterismo

Ang dalawamg nobela ni Dr. Jose Rizal ay magkaiba sa maraming aspeto, bagamat ito ay isunulat ng
iisang manunulat o awtor, at ipinapalagay din na tumutuoy sa iisangkwento at mayroong
magkakaparehong mga tauhan.ngunit di maipagkakailang madami parin itong pagkakaiba.

Ang Noli Me Tangere

Ang aklat ng Noli nangangahulgan sa pamagat nitong "Huwag Mo Akong Salingin" Ang nobelang ito ni
Rizal ay isang Romantikong Nobela, Ito ay “gawa mula sa puso” “isang aklat na mayroong damdamin”
mayroong kasariwaan, kulay, katatawanan,kagaanan at kislap ng talino.

Ang El Filibusterismo

Ang aklat ng el Filibusterismo na mayroong kahulugan sa pamagat nito na “Ang Paghahari ng


Kasakiman" ito ay isang nobelang politikal isang “gawa mula sa isip’ “isang aklat ng kaisipan” nagtataglay
ng kapaitan,pagkakasuklam, sakit,karahasan at kalungkutan.
4. Ano ang mensaheng tumatak sa inyong isip sa pagkakabasa sa nobelang "Noli Me Tangere"? Naging
epektibo ba si Rizal na gisingin ang natutulog na kamalayang makabayan ng mga filipino?Ang pagsulat,
ayon sa isang kilalang Pilipinong awtor, ay “hindi tungkol sa paghingi ng inspirasyon kundi sa pagbibigay
nito.” Makapangyarihan ang panulat at papel. Kaya nitong magpalaya ng kaisipang pilit na ikinukulong
ng lipunan, kaya nitong magtatag ng isang pambansang kilusan at higit sa lahat, may kakayahan itong
gisingin ang natutulog na kamalayan. Dito sa Pilipinas ay hitik tayo sa mga manunulat –sila man ay mga
taong ipinanganak na may talento, nag-aral upang maging mahusay o sumulat dahil ito ang tawag ng
kanilang panahon. Sa katunayan, ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal ay isa sa
pinakamahusay na manunulat na nabuhay sa kasaysayan ng Pilipinas, kung ‘di man, ng buong mundo.

5. Sino-sino sa mga karakter ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang inyong gusto? Bakit?Sadyang
napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang bawat karakter sa kwento
ay may mga sinisimbulo sa lipunang ginagalawan ng ating pambansang bayani. Alamin kung sinu-sino
ang mga tauhan sa kwento at kung anu-anong mga papel ang kanilang ginampanan.

Crisostomo Ibarra

Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don
Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-
aral sa Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.

Matagal na niyang pangarap na makapag-patayo ng isang iskwelahan upang mapaunlad ang


kinabukasan ng mga bata sa kanilang bayan.

Siya ay itinuring na eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang Pransiskanong prayle na si
Padre Damaso. Bagamat siya ay pinalusot sa unang pagkakataong, nadawit siya sa isang pag-aalsa kaya
tuluyan siyang tinugis ng mga kinauukulan.

Maria Clara
Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na pinakaganda sa buong
bayan. Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking kayumian. Sa mga unang kabanata, ipinakita na si Maria
Clara ay ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit nang naglaon, ibinunyag niya kay
Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso.

Elias

Si Elias ang magsasakang nagpakita kay Ibarra ng tunay na sitwasyon sa kanilang bayan. Bagamat siya ay
kabilang sa angkan na kaaway ng mga Ibarra, isinakripisyo niya ang kanyang buhay para mailigtas si
Crisostomo nang sinubukan nilang tumakas papalabas sa lawa ng Bay. Nang siya ay nakarating sa
kagubatan ng mga Ibarra at nag-aagaw buhay, sinabi niyang hindi man lang niya.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista. Dahil sa kanyang
mataas na posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre
Damaso.

Wala siyang ibang gusto para sa kanyang nag-iisang anak na si Maria Clara kundi makapag-asawa ng
mayaman at maimpluwensyang binata. Kaya ganun na lamang niya kabilis talikuran ang
napagkasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra matapos itong itiwalag ng simbahan.

Padre Salvi

Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya ay kilala bilang isang
mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang mapalakas ang kanyang
impluwensya sa buong bayan. Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara kaya gumawa siya ng
paraan upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi ang nag-organisa ng rebelyon laban sa mga
Gwardya Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si Ibarra ang nasa likod nito.

Padre Damaso

Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong magsalita ng Filipino
kahit pa matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga kumpisal ng mga taga San Diego.
Tuwing may kumakalaban sa kanya, ginagamit niya ang kanyang mataas na posisyon sa simbahan upang
magpataw ng parusa gaya na lamang ng ekskomunikayon. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara matapos
maki-apid sa kanya si Donya Pia Alba. Nakalaban siya ng ama ni Ibarra na si Don Rafael. Dahil dito ay
nakulong si Don Rafael at namatay habang nasa kulungan. Siya ang naging mortal na kalaban ni Ibarra sa
buong nobela.

Pilosopong Tasyo

Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay Ibarra. Kilala siya sa
kanyang kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang sumisimbolo sa mga taong walang pakialam sa iniisip
ng iba. Sa kasamaang palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang kasama.

Crispin

Si Crispin ay anak ni Sisa na isang sakristan sa simbahan ng San Diego. Kasama ang kanyang kuya na si
Basilio, nagtratrabaho siya upang makapagbigay ng pera sa kanilang ina na si Sisa. Sa kasamaang palad,
napagbintangan siyang nagnakaw ng pera sa simbahan kaya napilitan siyang magtrabaho upang
mabayadan ang kanyang utang.

Isang gabi, plinano nilang magkapatid na bumisita sa kanilang ina, ngunit pinigilan sila ng punong
maestro ng mga sakristan. Nang sinagot ni Crispin ang punong maestro, pinalo siya ng paulit-ulit. Wala
ng nakakita pa sa binata matapos ang naturang pagmamaltrato sa kanya ng simbahan.

Basilio

Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid, nagsasanay rin siya upang maging
sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang kapatid matapos iton kaladkarin ng punong maestro
ng mga sakristan.

Sa kasawiang palad, hindi na niya nahanap ito. Tumakas na lang siya at nagtungo sa tahanan ng kanyang
ina. Nagpaalam siya na magtratrabaho na lamang kay Crisostomo Ibarra.

Don Tiburcio
Si Doctor Tiburcio de Espadaña ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao kahit hindi naman isang
tunay na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa medisina, sinisingil niya ang kanyang mga
pasyenteng ng napakataas na bayad. Akala ng maraming tao na tunay siyang doctor dahil sa kanyang
mataas na singil.

Sa kalaunan, nalaman ng mga tao na isa siyang pekeng doktor, kaya napilitan siyang humanap ng ibang
pangkabuhayan.

Donya Victorina

Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang Espanyol na nag-ngangalang


Don Tiburcio.

Walang ibang bagay na pinapahalagahan si Donya Victorina kundi ang pag-ingatan ang kanyang imahe
bilang isang elitista. Siya ang nagsuhestiyon na ipakasal si Maria Clara sa kanyang pamangking si Linares.

Tinyente Guevarra

Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya ng mga Ibarra. Ibinunyag
niya kay Crisostomo kung paano nakulong ang kanyang ama na si Don Rafael dahil siya ay nabansagang
erehe at pilibustero.

Idinetalye niya kung paano ipinahukay ang mga labi ni Don Rafael at pinalipat sa libingan ng mga Instik
ng kalaban nitong si Padre Damaso.

Linares

Ipinagkasundo siyang ipakasal kay Maria Clara matapos itakwil ng simbahan si Ibarra. Si Linares ay
pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Espanya at itinuturing na pinakamatalino sa
angkan ng mga de Espadaña.
Pumayag si Padre Damaso na makasal si Linares sa kanyang anak na si Maria Clara upang hindi
makatuluyan ng dalaga ang kalaban niyang si Crisostomo Ibarra.

6. Ano ang naging obserbasyon ni Rizal sa bansang Estados Unidos?Unang nakita ni Rizal ang Amerika
noong Abril 28, 1888. Pagdating niya sa bansang ito ay nabahiran na di makatwirang pagtrato sa mga
lahi sahil nakita nya ang masamang pagtrato ng mga putting Amerikano sa mga Tsino at Negro Itinala
nya ang lahat ng mga obserbasyon niya sa paglalakbay mula sa San Francisco hanggang newyork kung
saaan siya sumakay ng barko patungong Ingatera.

7. Ano ang dahilan ng katamaran ng mga Filipino ayon sa artikulong isinulat ni Rizal? Ang ating
kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may isinulat na isang artikulong naglalaman ng
kontrobersyal na pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging tamad ng mga Filipino,
ang Indolence of the Filipinos. Meroong dalawang ipinrisentang ideya si Rizal sa pagsusulat ng Indolence
of the Filipinos, unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na edukasyon, at pangalawa, ang
relihiyon. Sinabi n’ya na ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino.

8. Ano-anong pangyayari ang nagdulot ng kalungkutan kay Rizal nang nasa Madrid siya? Buhay sa
Madrid

Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong ng Asociacion Hispano-Filipina at
mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang
matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at mga kababayan sa Calamba. Sa
paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya, tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado
ng kanilang idinulog na protesta – ang kawalang katarungan ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler at
ng mga paring Dominikano sa mga tao roon.

9. Makatuwiran ba ang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan? Bakit. pinatapon si rizal sa dapitan dahil sa
hinala nilang pag-aaklas ni rizal laban sa pamahalaang espanya,inilarawan sya ng mga mga parayli na
isang traydor at walang utang na loob dahil sa eskwelahang espanyang pinapatakbo ng mga prayli sya
umangkat ng karunungan at ang salang pagsira sa reputasyon ng bansang espanya,gamit ang kanyang
mga akdang nobela katulad ng el filibusterismo at noli me tangere.

10. Kanino inihandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at bakit? Log in

Sign up

Mga Pangyayari sa Buhay ni Rizal habang isinusulat ang El Filibusterismo

STUDY

PLAY
Created by

sanluisbea

Terms in this set (21)

Kailan natapos ang Noli Me?

Disyembre

Kailan nagsimula ang El FIli?

Disyembre

Ilan ang pagitang ng pagtapos ng Noli Me sa simula ng El Fili?

13 taon

Kanino inalay ni Jose Rizal and El Fili?

GomBurZa

Totoong pangalan ng GomBurZa

- Mariano Gomez

- Jose Burgos

- Jacinto Zamora

(MG, JB, JZ)

Sino ang GomBurZa

3 paring Indio na hinatulang mamatay sa pamamagitan ng garote dahil sa diumano'y pagiging sangkot sa
pag-aalsa sa Cavite

Bakit inalay ni Joser Rizal ang El Fili sa GomBurZa?

- itinuturing niyang ang tatlong pari ay biktima ng isang kasamaang ipinangako niyang lalabanan

- upang magsilbing pagpupugay sa tatlong makabayan habang hinihintay na ibalik ng Espanya ang
nasirang dangal nila

Kailan nagsimulang isinulat ang El FIli?

Oktubre 1887
Saan nagsimulang isinulat ang El Fili?

Calamba, Laguna

Saan-saan itinuloy isinulat ang El Fili?

- London, Inglatera

- Paris, Pransya

- Madrid, Espanya

Kailan natapos isinulat ang El FIli?

Marso 29, 1891

Saan natapos isinulat ang El FIli?

Biarritz, Germany

Etimolohiya ng Pamagat (El Filibusterismo)

- ang salita'y 'di pa gaanong kilala sa bansa nang isulat ang nobela

- Una itong narinig ni Rizal nang ginagarote ang tatlong paring martir

- Ayon sa mga Espanyol at mga peryodiko sa Maynila, Filibustero ang sinomang Pilipino na nagtatangka
o pinaghihinalaang nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.

- ang salita'y kinatatakutan ng mga aral

- Ang isang makabayang nagtatanggol sa bayan ay mahahatulan ng kamatayan.

- Dahil kinatatakuta'y iniiwasang bigkasin ang salita at iniiwasan ang mga gawaing maiuugnay rito

Mga Dahilan sa Pagsulat ng Aklat

Ayon sa Liham ni Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt:

- Hindi niya inilimbag ang aklat upang gumanti.

- Isinulat niya upang mapabuti ang kalagayan ng mga nagdurusa

- pinagtanggol ang lahing Tagalog sapagkat mayroon silang karapatan

Mga suliranin ng Pilipinas noong panahong isinusulat ang El Filibusterismo

- Hindi matatag na administrasyong kolonyal


- Tiwaling kolonyal na opisyal

- Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino

- Hindi pantay-pantay sa harap ng korte (Kawalan ng Hustisya)

- Diskriminasyon

- "Pamahalaan ng mga Prayle"

- Polo Y Servicios

- Prayle ang may-ari ng mga asyenda

- Guardia Civil

- Pataas nang pataas ang buwis

- Tumataas na bayad sa mga serbisyo ng simbahan

- Hindi pagkakaisa ng mga Pilipino

You might also like