You are on page 1of 7

MAHAHALAGANG TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

JUAN CRISOSTOMO MAGSALIN IBARRA

- Ang binatang nag-aral sa Europa na nangarap na makapagpatayo ng paaralan


upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego; Nag-
iisang anak ni Don Rafael Ibarra: Itinuring na "eskumulgado at idinawit sa naganap
na pag-aalsa: Katipan siya ni Maria Clara.

MARIA CLARA

- Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang


lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng
relihiyon: Kilala siya sa kaniyang angking ganda at kayumian; Tunay na Anak ni Pia
Alba kay Padre Damaso.

ELIAS

- Isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para


makilala ang kaniyang bayan gayon din ang mga suliranin nito, Isang tunay na
maginoo, hindi mapaghiganti at iniisip niya ang kapakanan nang nakararami:
Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra.

TIYA ISABEL

- Siya ang hipag ni Kapitan Tiyago na nag-alaga kay Marin Clara simula nang siya'y
sanggot pa lamang

KAPITAN TIYAGO / DON SANTIAGO DELOS SANTOS

- Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at


itinuring na ama ni Maria Clara; Laging masunurin sa nakatataas sa kaniya; Kilala
siya sa pagiging bukas-palad.

PADRE DAMASO VERDOLAGAS

- Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at
nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik; Masalita at
magaspang kumilos; Nagpalipat sa ibang parokya matapos maglingkod nang
matagal na panahon sa San Diego.

PADRE BERNARDO SALVI

- Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego: May lihim na pagtingin kay
Maria Clara; Mahilig niya sa pangingilin at pag-aayuno,

PADRE HERNANDO SIBYLA

- Paring Dominiko na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra;


Kura ng Binundok at naging propesor ng San Juan de Letran.

KAPITAN HENERAL

- Ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; Siya ang lumakad upang maalisan ng


pagkaekskomunyon si Ibarra.

PILOSOPO TASYO/DON ANASTACIO

- Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan sa San Diego:


"baliw" para sa mga 'di nakapag-aral at "pilosopo" naman para sa mga edukado;
Hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya't ginugol ang panahon
sa pagbabasa ng mga aklat.

SISA

- Dating mayaman ngunit naghirap dahil nakapag-asawa ng isang sugarol, pabaya


at malupit; Nabaliw dahil nawala ang dalawang anak.

BASILIO

- Sampung taong gulang na nakatatandang kapatid ni Crispin; Panganay na anak ni


Sisa; Isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang
mga walang malay at inosente sa lipunan.

CRISPIN
- Pitong taong gulang na bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama
ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

ALPERES

- Siya ang puno ng mga guwardiya sibil; Siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego.

TINYENTE GUEVARRA

- Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng


mga bagay tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.

DONYA CONSOLACION

- Napangasawa ng Alperes; Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-


uugali; Katawa-tawa siyang manamit at ikinahihiyang isama ng alperes;
Ipinalalagay niya na siya'y higit na maganda kay Maria Clara.

DON ALFONSO LINARES DE ESPADAÑA - Pamangkin ni Don Tiburcio; Naibigang


ipakasal ni Padre Damaso para kay Maria Clara.

DON FILIPO LINO

- Isang tinyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo; Asawa ni Donya Teodora


Vino; Mahilig magbasa ng Latin; Ama ni Sinang.

DONYA PIA ALBA

- Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng
kaniyang kabiyak na si Kapitan Tiyago ay hindi nagkaanak; Namatay siya matapos
maisilang si Maria Clara.

SENYOR NOL JUAN

- Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kaniyang


paaralan.

DON RAFAEL IBARRA


- Ama ni Crisostomo Ibarra; Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil
mayaman ito; Tinawag din siyang "erehe".

DONYA VICTORINA DE ESPADAÑA

- Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kaniyang


pagpapanggap bilang mestisang Espanyol: Mahilig din siyang magsalita ng Kastila
bagama't ito'y laging mali.

DON TIBURCIO DE ESPADAÑA

- Kastilang nagpapanggap na doktor; Kabiyak ni Donya Victorina; Nakarating sa


Pilipinas dahil sa kaniyang paghahanap ng magandang kapalaran.

SALOME

- Isang simpleng dalagang naninirahan sa kubong matatagpuan sa loob ng


kagubatan; Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal. Isinulat


niya ito nang siya ay magdadalawampu't apat na taong gulang. Ito ay maituturing
na walang kamatayan katulad ni Dr. Jose Rizal na walang kamatayan ang kaniyang
kabayanihan. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay "isinulat sa dugo
ng puso". Ngunit ano nga ba ang tunay na layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng
nobelang ito? Narito ang kaniyang sariling paliwanag

"Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (na
dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang Huwag mo
akong Salingin. Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa
kasalukuyan ay walang sinomang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay
na iyon ay napakaselan kaya't walang makasalin man lamang. Pinangahasan kong
gawin ang 'di mapangahasang gawin ng sinoman. Sinagot ko ang mga paninirang-
loob ng daan-daang taon ay ikinulapol sa amin at sa aming bayan. Inilarawan ko
ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay roon, ang aming paniniwala,
mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan, mga pagdadalamhati. Itinambad ko
ang mga pagpapaimbabaw na sa balatkayong relihiyon ay siyang nagpahirap at
nagmalupit sa amin.

Ipinakilala ko ang kaibhan ng tunay sa di-tunay na relihiyon sa relihiyong ang


kinakalakal ay ang Banal na Kasulatan upang mapagsalapi, upang kami'y
papaniwalain sa mga kaululang sukat ikahiya ng Katolisismo kung kaniya lamang
malalaman. Inangat ko ang tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng
mga madaya at nakasisilaw na pangako ng aming pamahalaan. Sinabi ko sa aming
mga kababayan kung ano-ano ang aming mga kapintasan, ang aming mga bisyo,
ang aming pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita roon na nagpakilala ng
karuwagan at tunay na masisisi sa atin. Saanman ako makakita ng kabaitan, ito'y
aking ipinagbabansag at pinag-uukulan ng karampatang paggalang. Ang mga
pangyayaring aking isinalaysay ay pawang katotohanan at tunay na nangyari; ang
mga iyon ay maaari kong patunayan. Maaaring ang aklat ko ay may mga
kapintasan kung sining at ganda ang pag-uusapan; iyan ay hindi ko itatanggi:
datapwat ang hindi matutulan ay ang kawalan ng pagkiling ng aking
pagsasalaysay."

Bakit kaya naisip at nawika ng ating bayani ang lahat ng ito? Bata pa lamang
siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng Pilipinas dahil sa
pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan, sa Calamba, unti- unting
namulat ang kaniyang mga mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.
Naligalig siya sa pang-araw-araw na kalupitan ng mga Espanyol. Nasaksihan niya
kung paanong ang mga matatandang lalaki ay hinahagupit ng mga guardia sibil
kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng sombrero kung
sila'y mapadadaan sa harapan nila; ang pagmamalupit sa mga babae at maging sa
mga bata. Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang- katarungan ang
pinakamamahal niyang ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling paratang
na kasabwat ng kapatid na si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa niyong
huli. Hindi pa napapawi ang kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa
pagkabilanggo ni Donya Teodora ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na
ibinintang kina Padre Burgos, Gomez at Zamora, kasama ang iba pang lider na
Pilipino. Ang tatlong paring martir ay binitay sa pamamagitan ng garote sa
Bagumbayan.

Ang mga pangyayaring ito'y nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ng


malaking pagbabago ang kaniyang bayan - pagbabagong sa pamamagitan lamang
ng karunungan at ng edukasyong matatamo. Kaya nang mabasa niya ang aklat na
The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat
ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at
magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol. Kaya bago
matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo'y natapos
niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong
1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat
na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.

Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang
magtipid si Rizal. May pagkakataong dalawang beses lamang siyang kumakain sa
maghapon sa maliit lamang na restawran. Ito ay ginawa niya sa paglalayong
makaipon ng salapi para sa pagpapalimbag ng nobela. Natapos niya ang nobela
ngunit wala siyang sapat na halaga upang ipalimbag ito. Mabuti na lamang at
dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram ng salaping naging daan upang
makapagpalimbag siya ng 2,000 kopya sa Imprenta Lette sa Berlin, Germany
noong Marso 29, 1887.

Maraming humanga sa katalinuhang ipinakita ni Rizal sa pagsulat ngunit


marami rin ang nagalit sa kaniya lalo na ang mga Espanyol. Gayon na lamang ang
pangamba at takot ng kaniyang mga kababayan, lalo na ang kaniyang buong
pamilya, dahil sa ibinunga ng kaniyang nobela nang ang mga sipi nito ay
makarating sa Pilipinas. Nabalitaan nila ang balak na pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas
dahil dito'y lalo silang nangamba na baka siya ay mapahamak sa kamay ng mga
taong nagagalit sa kaniya. Ngunit dahil sa kaniyang matitibay at mahahalagang
dahilan ay inibig niyang makabalik sa Pilipinas. Una, nais niyang bumalik sa
Pilipinas dahil sa hangaring maoperahan ang kaniyang ina sa lumalalang panlalabo
ng kaniyang mata; pangalawa ay upang mabatid niya kung bakit hindi tinugon ni
Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884 hanggang 1887; at
panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kaniyang nobela sa
kaniyang bayan at mga kababayan.

Nang magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6, 1887, si


Rizal ay agad na tumuloy sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang ina.
Samantala, habang siya ay nasa Pilipinas, ang kaniyang nobela ay isinailalim sa
masusing pagsusuri ng kaniyang mga kaaway. Ito ay ipinasuri sa isang sadyang
Komisyon, na matapos magsuri ay nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat,
pagpapalimbag at pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas.
Bilang hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral
Terrero kay Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka
ng kaniyang mga kaaway. Hindi nagtagal ay pinayuhan siya ng nasabi ring
Gobernador na umalis na muli ng Pilipinas alang-alang sa kaniyang pamilya at
buong bayan. Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888. Sa kaniyang
pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong. Hapon, San Francisco at New York sa
Estados Unidos at sa London sa United Kingdom.

Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kaniyang panahon sa
pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kaniya. Ang una'y tinugon niya ang mga
polyeto ni Fray Rodriguez laban sa kaniyang nobela. Inilagay niya sa katawa-
tawang anyo ang naturang pari sa sinulat niyang La Vision de Fray Rodriguez, Ang
kaniya namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna sa
lupong nagsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na basahin ang kaniyang
nobela ng sinomang Pilipino.

Tunay na maraming pinagdaanang unos at bagyo si Rizal sa pagsulat niya ng


nobelang ito ngunit isa lang ang tiyak, ang nobelang ito ay tunay na walang
kamatayan - patuloy na mananatili ang diwa at mensahe nito sa puso ng mga
Pilipinong tunay na nagmamahal sa Inang Bayan. Sa kasalukuyan, ang Noli Me
Tangere ay naisalin na sa iba't ibang wikang banyaga at patuloy na nagsisilbing
inspirasyon sa mga taong nakababasa nito.

You might also like