You are on page 1of 17

NOLI ME TANGERE BUOD at KASAYSAYAN

EL FILIBUSTERISMO BUOD at KASAYSAYAN

ANG BUOD at KASAYSAYAN NG IBONG


ADARNA

GRACE JOY C. OBUYES


Teacher
NOLI ME TÁNGERE

Ang Noli Me Tángere[1] ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa
Europa. Ang pagbasa nito at ng itong kasunod, ang El Filibusterismo, ay kailangan para sa mga
mag-aaral sa sekondarya.

Pamagat
Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)".
Sinipi ito mula sa Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na "Huwag mo
akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama."

Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli me Tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa
rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang
tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Orihinal itong nakasulat sa wikang Kastila, ang
wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng
Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na
manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya
nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at
ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga
lokal na alkalde.

Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na
pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, pinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero sa
Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng
usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang
magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.
Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:

Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila
“ akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman,
ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang
abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong
dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... ”
Mga Pangunahing Tauhan
Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa


Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan
ng mga kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag
ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan. [2]

Maria Clara

Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay
Padre Damaso. Siya ang kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng
edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay inilarawan bilang maganda, relihiyosa,
masunurin, matapat, at mapagpasakit. [2]

Padre Damaso

Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang


parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni
Maria Clara.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo na


asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at laging masunurin sa
nakatataas sa kaniya, [2]

Elias

Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang
bayan at ang mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at Basilio

 Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.

 Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasyo

Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng


marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi
maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.

Donya Victorina

Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing


nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng
"kalidad" sa pangalan niya.

Ibang Tauhan
 Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.
 Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng
Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
 Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.
 Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
 Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na
napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
 Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
 Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.
 Lucas - kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
 Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
 Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
 Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
 Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
 Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
 Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe.
 Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
 Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
 Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
 Mang Pablo - pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
 Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin;
ama ni Sinang
 Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra
ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
 Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng
ama.
 Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
 Albino - dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.
BUOD NG AKLAT NA NOLI ME TANGERE

May handaan sa bahay ni Kapitan Tiago. Maraming handa, dumalo ang mga kaibigan at kakilala
ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga táong hindi inimbita, simbolo ng isang sakít sa lipunan.
Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kayá lámang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng
iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guwardiya sibil. Talo pa nila ang mga
walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don
Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si
Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kaniyang pag-aalala nang lapitan siya ni
Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kaniyang ama.

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bílang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa
pagdatíng ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang ilang panauhin ay humanga kay Ibarra sa
pagsasalaysay nito. Marami ang namasid at nagbigay ng palagay tungkol sa kalagayan ng mga
bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lámang ng salapi ang
gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng datíng pari sa kaniyang bayang San Diego. Umalis
siya nang hindi pa tapos ang hapunan.

Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo
at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang laláki na
gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon
muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinúli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang
paglilitis ng kaniyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan nang may sakit.
Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kaniyang isipan.
Naging abalang lubha ang kaniyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng
kaniyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya
sa puso.

Mauuri ang mga táong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa
sa kaniya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kaniyang mga pandaranas at
katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Marahil ay
dahil sa pag-aakalang mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan
Tiago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito
kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng
asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa
mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.

Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria Clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa
Binondo. Sinariwa nila ang mga alalala nila noong sila ang bata pa, ang alaala nila sa dahon ng
sambóng. Ipinakita rin ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambóng na itinago niya. Samantala, ay
isang matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring
may sakít na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat
namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Todos Los Santos o Araw
ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kaniyang
amang si Don Rafael Ibarra.

Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga
lansangan at mga pook na binagtas ng kaniyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga
iyon sa mga naobserbahan niya sa kaniyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi
niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Nakita
niya rin ang isang karwaheng hinihila ng kalabaw na simbolo ng mabagal na pag-unlad ng
Pilipinas. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila
pa lámang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa
matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dáting isang maliit na nayon
lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng
palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang
ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago
ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.

Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan
ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay
siyang inuutusan. Bagamat magkaaway, hindi nila ito pinakikita sa taumbayan, bílang tanda ng
kanilang pagkapropesyonal. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng
kasamang katulong ang puntod ng kaniyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon
natagpuan. Isinalaysay ng sepulturéro ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa
utos ng “Malaking Kura". Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isip. Diniinan niya sa
balikat ng kurang si Padre Salvi nang nakasalubong niya ito sa pag-aakalang iyon ang humamak
sa bangkay ng kaniyang ama. Sinabi naman nito na ang totoong gumawa nito ay ang pumalit sa
kaniya, si Padre Damaso. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo.
Kaya may mga nagbabansag sa kaniyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa
mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang makasiyensiya, makatao, at maka-Diyos ang
kaniyang mga

Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo pa
ang magkapatid. Ayaw siláng pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw ang
salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan
ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa
kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababâ si Crispin at pinagsabihan si Basilio
na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na raw siya ng gabí makauuwi. Ang sinasabing
curfew ay alas nuwebe lang ng gabí.

Maraming katangian si Sisa, mabuti at masamâ. Nakaimpluwensiya nang malaki sa asawa ni Sisa
ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at
masasámang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamáng kaangkinan
ay nagbubunga rin ng masamâ.

Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang takót
lalo pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng
bála sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lámang bílang pastol kay
Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng
kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malámang
wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lámang ang
pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ng kusinero.

Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa


edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at
kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng
kalagayan ng guro sa kaniyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.

May púlong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagpupulong.
Adyenda ng pagpupulong ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San Diego. Naging
mainit ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni
Don Filipo. Gayunama’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapì. Nang
nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan
na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura
para sa pista. Si Sisa ay hinúli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa
niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lámang ang hiya ni Sisa nang dalawang
oras siyang makulong sa kuwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't
pakana lámang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng
pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang ngging dahilan ng
kaniyang tuluyang pagkabaliw.

Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa
bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan
ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San
Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan
upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang laláki ang kumausap sa kaniya.
Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan.
Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang
magkasáma sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat
na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria
Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang
isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong
sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang
pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre
Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang
batang sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng
dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-
laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos
ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mga guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias
ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng
tenyente sa luba na puno ng putik.

Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang
kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos
ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya’t
hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak
niya sa Mindoro.

Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa
balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang
paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod dito kailangan paring sumangguni ang
binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga
payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kaniyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng
ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring
makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na
isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda
para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalakí at maliliit mang
bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansin sa mga lansangan sinabitan ng mga papel na
iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga
pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng
pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na
lámang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon.
Tanging si Pilosopong Tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain
niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang
gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng
iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.

Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa


pista ng San Diego gayong bisperas pa lámang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa
gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara.
Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego.
Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa
palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lámang nagpapahirap sa bayan,
ngunit taon-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng
bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinúnong Pilipino na tulad ni Don Filipo,
pagkat halimbawa siya ng mga pinúnong dinidiktahan ng mga dayuhan.

Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego, ang mayayaman at mahihirap,
ang pinúnong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sa
búhay ng tao ang mapapanood. Saisari din ang mararamdaman. Si Padre Salvi ng nagmisa at
naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kaniyang binigkas at kinakanta.
Sa maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang katatawanan sa pagsulat.
Punóng-punô ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre
Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-
alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy
sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa
pagsesermon. Isang laláking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng
pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayô ng panghugos na gagamitin sa sermonya
sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at
matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hindi malámang dahilan ay bigla iyong nagiba at
bumagsak nang si Ibarra na ang nasa hukay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka na ang
laláking nagtayô ng panghugos ang nabagsakan niyon, at hindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si
Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-
uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag
ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan
iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan
ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng
munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-
heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni
Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa
simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na
nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galít na galít na hinarap ng binata ang pari.

Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng
mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at
ng pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang
mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na
matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga
anak. Pati sina Kapitan Tiago at Maria Clara ay napasamâ o naapektuhan sa nangyari kina Padre
Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na putulin ang
relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara
ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinoproblema naman ni Kapitan Tiago ang
malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulin niya
nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.

Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kaniya upang magbigay-
galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa
pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring
hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat
nanghihinayang siya sa binata.

Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan


siyang magsimba ng kaniyang asawa sa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si
Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa ang
napagbalingan niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y ang
pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang
maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang
pagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog
si Ibarra dahil sa iba-ibang kaisipang gumugulo sa kaniya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ng
kung ano-anong kemikal sa kaniyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita
sa kaniya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong
pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang
ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot
noon sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakít si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr.
Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay may Maria Clara.
Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila
ang magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang
kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong
tauhan ang nakilala sa kabanatang ito, si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso.
Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lámang pinamalita
niyong pagdadalantao.

Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga táong
nakapaligid sa kaniyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa
kaniya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade
Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kaniyang bayaw na ipinagbilin sa kaniya sa sulat nito.
Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawán siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita
niya rito ang pagbibigay sa kaniya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabinat si Maria
Clara pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kaniya
inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si
Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa
kaniya.

Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga
abundukan sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni
Elias sa kaniyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-búhay. Ipinaliwanag ni Elias na
may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa
Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang
lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata
sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong
magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita
ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap
sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya
at pakanâ. Para itong baying kaikitaan ng mga táong nagsasamantala at pinagsamantalahan.

Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego.
Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kaniyang anyo.
Kay, gayon na lamang ang kaniyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga táong
nakasalubong, lalo na nga ng komandante. Nagyayâ na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni
Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa
nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya
Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat kapag hindi niyon hinamon ng duwelo ang
komandante. Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso
sa kaniyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang
dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa
dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, nagtaká si Ibarra
nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga
manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay
sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na
makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibarra tungol sa guardia
civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kaniyang
angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kaniyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni
Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa
pamahalaang Kastila sa Espanya upang magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng
pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang
gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangako niya ay Kapitan Pablo.

May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan
ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi.
Ngunit kapuna-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa
kaniya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang laláki.
Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento.
Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatagpo-tagpo sa sementeryo.
Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya
sa suhal sa baraha.

Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang
nakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa gayong
pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina
Pilosopo Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at
hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t tatlundaang taon na itong luma sa mga bansa sa Europa.
Ayon kay Padre Salvi ay natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa
kaniya ang isang malaking sabwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang
komandante at isinumbong niya ang kaniyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at
mahinahon sa pamaraan ang punò ng guardia civil para madakip at mapagsalita ang mga may-
pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pag-
asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng táong
siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kaniyang mga kaanak.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papások pa lámang siya sa bulwagan ay
umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putúkan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang
naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan.
Nang makabalik siya sa kaniyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan
siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kaniyang bahay. Hindi iilang pala-
palagay o sabi-sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putúkan ang kumalat sa kabayanan
kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan.
Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay
tungkol sa nagbigting laláking may pilat sa bakurang malápit kina Sister Pute. Isang nag-anyong
magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa
kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang
malápit nang mamatay.

Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na
imbestigahin sina Tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kaniyang amang
pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang
timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel
dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa
kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin
ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lámang walang
nagmalasakit nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo.
Isinisisi sa kaniya ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang
nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na ang bersiyon. Naging tampulan ng
pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami
ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong.
Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak ng tao.
Kadalasan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang nakapagpapahamak sa
kapwa.

Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso,
upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa ng tsimis ang dalaga.
Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kaniya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay
na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa
pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit
may ibang balak si Ibarra. Nais niyang makapaghihiganti sa mga táong nagsadlak sa kaniya sa
bilangguan at sa mga humamak sa kaniyang kapitán. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong
balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang
nasabing balak na hindi kasáma si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang
kaniyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang mga guardia civil.
Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang
kinahihigaan ni Ibarra.

Nabása ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tugisan sa lawa. Ipinasya
niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng
dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lámang si Ibarra.
Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasálang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan
nina Ibarra at Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang
panghihimasok.

Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kaniya sa


kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang
kaniyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y
hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kaniyang ina sa
gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-
ibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging
ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya
at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria
Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo
ng Sta. Clara.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

• Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me
Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa
kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang
nobela. Makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng
naisulat na niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang
nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng
Noli Me Tangere. Kung pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang
pahayag na ito dahil hindi man lamang nabanggit ang London sa mga bayang pinuntahan ni Dr.
Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela. Ayon sa aklat na “Rizal’s Life, Works,
and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng
Noli Me Tangere sa Madrid, Espanya noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Pransiya;
maging sa Wilhelmsfeld, Alemanya sa mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin, Alemanya
sa huling mga buwan ng 1886 at ipinalimbag sa Berliner Buchcdrukrei Actien Gesselchaft noong
29 Marso 1887 sa halagang Php300 para sa 2,000 kopya. Samantala, ipinagpatuloy naman niya
ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang
lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang mga nobela. Para sa
Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang
bansa at sa kaniyang propesyon. Samantala, mula sa Biarritz, Pransiya kung saan niya tinapos
ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya sa Ghent, Belgium dahil sa dalawang
bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga oras na iyon, at (2)
higit na mababa ang halaga ng palimbagan sa nasabing lugar. Tanong: Bakit niya iniiwasan si
Suzanne Jacoby sa mga sandaling iyon kung tunay niya itong sinisinta? Sa kabila ng silakbo ng
pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang damdamin kay Suzanne Jacoby alang-
alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang
nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na
kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga
Espanyol. Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa
pagpalalathala ng Noli Me Tangere, nanirahan siya sa masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang
si Jose Alejandrino para lamang maipalimbag ang kaniyang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van
Loo Press, No. 66 Viaanderen Street, Ghent, Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose
Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-labis ang pagtitipid na ginawa niya para lamang maging
matagumpay ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo. Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa
aklat muli na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan nilang
apartment ay may sariling canteen pero sa halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila,
ay bumili na lamang si Rizal ng isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang
dalawa sa loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa
kanilang dalawa ang mga biskuwit. Si G. Alejandrino, dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang
rasyon o kung ilang biskuwit lamang ang kaniyang kailangang kainin sa isang araw, ay halos
maubos na ang kaniyang mga biskuwit sa loob lamang ng kalahating buwan. Samantala, si Dr.
Rizal ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang kaniyang
nobela. Subalit sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala
ang unang nobela, muli na namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha
mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. [Hindi lamang malinaw kung may kinita siya
mula sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.] Muli na naman siyang humingi ng tulong sa
kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang
paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga
nangyari habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr.
Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong
ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18
Setyembre 1891.
• Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay isinalin
bilang “The Filibustering”. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay “The Reign of
Greed” na tinumbasan naman sa wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Sa ibang
aklat sa wikang Ingles, ito ay “The Subversive” na ang salin naman sa wikang Filipino ay “Ang
Subersibo”. Anuman ang pamagat, ang salitang filibusterismo ay nanggaling sa salitang Kastila na
“filibustero” na hiniram naman sa salitang Pranses na “flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na
mga kahulugan: pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at
isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para suportahan ang
isang pag-aaklas (freebooter). Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang
introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang nobela, ang
“filibustero” ay nangangahulugang “mapanganib na taong (makabayan) mamamatay kahit na
anong oras”. Ito ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Filipino noon
na nakaaalam ng salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay ang
tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na pagkabalisa ang
idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang parusang
bigla na lamang ipapataw ng mga Espanyol sa kung sinumang Pilipinong nais nilang mamatay.
Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit ng
mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong paring
martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lamang ang
nakaaalam ng salitang ito.

• Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang kalunos-lunos
na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez de los Angeles,
Jose Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami
ang nagalit dahil pinatay ang tatlong paring inosente na dinawit lamang sa Cavite Mutiny. Ang
Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-samang
manggagawang Pilipino at lokal na mga sundalo dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio at
pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol sa natatanggap nilang bayad. Gayunman, ang pag-aaklas
na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan, at
pinatay. Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa pag-aaklas ay parehong kapalaran
ang sinasapit. Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang mga prayle ang galit at naiinggit sa
GOMBURZA, idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari bilang mga filibustero. Sila ay binitay
sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17 Pebrero 1872.
Ang karumal-dumal na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa
isipan at bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng
pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo. Ano’t anuman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon
sa nobela ay nagkaroon ng kaunting pagkakamali ang bayani. Sa kaniyang orihinal na sipi,
naisulat niya na binitay ang GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17 Pebrero 1872 na
siyang talang pangkasaysayan. Maging sa pagsasama ng edad ng tatlong paring martir ay
nagkaroon ng dalumat: si Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng
85 taong gulang; si Jose Burgos, ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa
mga historyador ay 35 taong gulang; at si Jacinto Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero
ayon kay Dr. Rizal ay 35 taong gulang.

• Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos
lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa
kaniyang naging mga inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng ibang
manunulat―ang kaniyang masasakit na karanasan sa totoong buhay―dahilan para maging
mabigat ang mga emosyon at mga pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo. Ang mga ito ay
ang mga sumusunod: (1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng
Calamba at sa kanyang pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; (2) ang pagkamatay ng
dalawang Filipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria
Panganiban; (3) ang away nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly
Bousted; (4) ang tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahan ng
mga Kastila at mga Filipino sa Espanya―mababasa sa unang mga bahagi ng nobela ukol sa
pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila; at (5) ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang
si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa huling
mga bahagi ng nobela, sa kabanata kung saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.

• Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal sa
tunay na buhay: (1) ang ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang iba kundi
si Padre Leoncio Lopez na malapit na kaibigang pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si Vicente Ilustre na
isang makata; si Paulita Gomez ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal na naging kasintahan
niya, si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me Tangere, mapapansin na magkaiba ang mga
katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez pero pareho lamang hinalaw sa iisang tao; si
Simoun, ang pangunahing tauhan, ay walang iba kundi si Simon Bolivar, ang tagapagpalaya ng
Katimugang Amerika mula sa pananakop ng Espanya; si Padre Salvi ay si Padre Antonio
Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel; at si Kapitan Tiago ay si Kapitan
Hilario Sunico.

• Para sa inyo, alin nga ba ang superyor o mas nakaaangat: ang Noli Me Tangere ba o ang El
Filibusterismo? Sa bagay na ito, nahati ang mga opinyon ng mga kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Para
kina Ferdinand Blumentritt, Graciano Lopez-Jaena, Dr. Rafael Palma (kapatid ni Jose Palma na
siyang nagsatitik ng “Lupang Hinirang”), at marami pang iba, ang higit na nakaaangat ay ang El
Filibusterismo. Para naman kina Marcelo H. del Pilar, Wenceslao Retana (hindi siya kaibigan ni
Dr. Rizal, sa katunayan ay isa siya sa mga Espanyol na bumatikos ng Noli Me Tangere at
nakaaway mismo ng bayani pero nang mamatay si Dr. Rizal ay doon siya labis na humanga rito at
siya ang kauna-unahang gumawa ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal), maging kay Dr. Jose Rizal,
ang superyor ay ang Noli Me Tangere. Sang-ayon mismo kay Dr. Rizal, siya ay nakaramdam ng
tabang (grain of salt) o tampo sa mga nagsabing mas nakaaangat ang kaniyang ikalawang
nobela. Sa kabila ng kaniya-kaniyang opinyon, dumating naman ang pinakamagandang reaksiyon
mula sa isa sa mga kaibigan ng bayani―si Mariano Ponce― “It is, indeed, excellent. I can say
nothing of your book, but this: it is really marvelous like all the brilliant productions of your pen. It is
a true twin of the Noli.”
EL FILIBUSTERISMO BUOD NG BUONG KWENTO

Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang maraming taong
papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari.
Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y makarating sa San Diego. Doon ay
nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si Juan
Crisostomo Ibarra.
Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang parehas
sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa planong paghihiganti sa
Pamahalaang Kastila.
Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na
Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga
pari ang namamahala dito.
Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa gagawing
paghihigmasik.
Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si Maria
Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay ang dalaga kinahapunan.
Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si
Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa
pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.
Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng Pamantasan
na naglalaman ng mga paghihimagsik.
Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si Basilio. Labis
ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay
Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban kay Basilio.
Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad namatay.
Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang maisagawa iyon,
sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal si
Paulita kay Juanito.
Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang
dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakiisa
sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang paghihimagsik. Naghandog siya
ng magarang lampara para sa ikakasal.
Di-lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang
mitsa ay sasabog ito ng malakas.
Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya mapakali dahil alam
niya ang mangyayaring pagsabog.
Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara. Nakita din
niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon.
Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ang
mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.
Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si
Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.
Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang paghihiganti.
Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.
Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat
ng kayamanan ni Simoun.
ANG BUOD NG IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay isang koridong Tagalog na isinulat ng hindi kilalang may-akda. Ang buong pamagat nito
ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring
Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula.[1] Halaw ito sa isang
lumang Europeong alamat.[2]

Kaligirang Pangkasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang korido ay tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay
may sukat at tugma. Akda ito na umiikot sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.
Ang sukat nito ay aapating taludtod bawat saknong at wawaluhing pantig bawat taludtod. Isahan ang tugma nito.
Ito ay isang uri ng tulasinta (metrical romance). Binubuo ito ng 1,034 saknong. [1]
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba't ibang bansa, tulad ng
Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa.[3][4]
Sinasabing ang may-akda nito ay si Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. [1]
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ito ng mga estudyanteng nasa ika-pitong baitang sa sekundarya alunsunod sa
kurikulum ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED).[5]

BUOD NG IBONG ADARNA

Ang Haring Don Fernando ng Kahariang Berbanya ay napamahal sa kaniyang nasasakupan dahil sa kanyang
matalino at mahusay na pamamahala. Siya ay may tatlong magigiting na anak. Si Don Pedro ang
pinakamatanda sa lahat, si Don Diego ang panganay at ang bunso ay si Don Juan. Mahal na mahal ng hari ang
bunso niyang anak.
Nagkasakit ang hari dahil sa masama niyang panaginip. Isang manggagamot ang nagsabi na ang tanging lunas
sa sakit ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor.
Inutusan ng hari si Don Pedro na hanapin ang ibong Adarna. Nang hindi nakabalik si Don Pedro, sumunod si
Don Diego sa kanya. Nang hindi nakabalik ang dalawang nakatatandang kapatid ay humingi naman ng
pahintulot si Don Juan sa ama na siya na ang hahanap sa Ibong Adarna at sa kanyang dalawang kapatid.
Bagama't labag sa kalooban, pinayagan ng hari si Don Juan.
Dahil sa matapat at malinis na kalooban ni Don Juan, nahuli niya ang Ibong Adarna. Ang dalawa niyang kapatid
ay natuklasan niyang naging bato dahil naiputan ng Ibong Adarna. Parehong nakatulog sa ilalim ng puno ang
magkapatid dahil sa nakakaantok na tinig ng Ibong Adarna. Subalit nabuhay ni Don Juan ang dalawang kapatid
nang buhusan niya ng mahiwagang tubig na ipinakuha ng ermitanyo. Habang naglalakbay ang tatlo pabalik sa
kanilang kaharian, nakaisip ng kataksilan si Don Pedro. Naisip niyang kahiya-hiya siya sa amang hari kung hindi
siya ang makapag-uuwi ng Ibong Adarna kaya hinikayat si Don Diego na patayin ang kanilang kapatid. Sa
pakiusap ni Don Diego na huwag patayin ang kapatid ay binugbog na lamang nila si Don Juan at iniwan sa
kaparangan, Umuwi ang dalawang nakatatandang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego na dala ang
Ibong Adarna ngunit matamlay ang ibon at ayaw umawit nang dumating ito sa palasyo. Sa tulong ng matandang
ermitanyo ay gumaling si Don Juan hanggang sa siya ay makauwi sa kanilang kaharian. Pinatawad ng hari sina
Don Pedro at Don Diego dahil na rin sa kahilingan ni Don Juan.
Mahigpit na pinabantayan ng hari ang Ibong Adarna sa kaniyang tatlong anak. Sa pagkakataong ito ay nakaisip
na naman ng kabuktutan si Don Pedro. Binalak ni Don Pedro na pakawalan ang Ibong Adarna sa oras ng
pagbabantay ni Don Juan. Nakatulog si Don Juan kaya't napakawalan ang Ibong Adarna. Sa takot ni Don Juan
na mapagalitan ng hari umalis siya ng palasyo upang hanaping muli ang Ibong Adarna. Sa utos ng hari ay
hinanap nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan, Nang magkita-kita ang magkakapatid, natagpuan nila ang
isang balong malalim. Sa loob nito ay may kaharian. Nailigtas ni Don Juan ang magkapatid na sina Donya
Leonora at Donya Juana sa kamay ng higante at ahas na may pitong ulo. Humanga ang magkapatid na Don
Pedro at Don Diego sa kagandahan ng dalawang prinsesa. Nang balikan ni Don Juan ang singsing na naiwan ni
Leonora sa ilalim ng balon, may pumutol sa lubid na gamit ni Don Juan sa paglusong sa balon. Pinakawalan ni
Leonora ang kanyang lobo na siyang gumamot at nag-ahon kay Don Juan.
Hindi malaman ni Don Juan kung siya ay uuwi o hahanap ng bagong kapalaran. Sa kaniyang pagod at hirap ay
nakatulog siya sa ilalim ng isang punongkahoy. Nagising si Don Juan sa awit ng Ibong Adarna. Sinabi ng ibon
na may magandang kapalarang naghihintay sa kanya sa Reyno ng de los Cristales. Doon daw niya makikita si
Donya Maria, isa sa tatlong anak ni Haring Salermo.
Nilakbay niya ang malayong lugar na patungo sa Cristales sa tulong ng mga ermitanyo Sa tulong ng isang
malaking agila ay nakarating siya sa hardin nina Donya Maria, Naliligo noon ang tatlong prinsesa. Ninakaw ni
Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria. Nauwi ito sa pagmamahalan nina Don Juan at Donya Maria.
Pinagbilinan ni Donya Maria si Don Juan na huwag haharap sa kanyang amang hari sakaling siya ay ipatawag
sa palasyo. Ginagawang bato ng hari ang sinumang pangahas na pumasok sa kanilang kaharian. Sinunod ni
Don Juan ang bilin ni Donya Maria. Sinabi ni Don Juan sa sugo na hindi siya makahaharap sa hari subalit handa
siyang gumalang at sumunod sa ipag-uutos nito. Humanga ang hari kaya binigyan siya ng maraming pagsubok
Si Donya Maria ang gumagawa sa lahat ng ipag-utos ng hari kay Don Juan. Mas malakas ang agimat o
karunungan (mahika blanka) kaysa mahika negra ng hari. Nang hindi matalo ng hari si Don Juan, naisip ng hari
na ipatapon o ipapatay siya. Subalit tumakas sina Donya Maria at Don Juan nang malaman nila ang balak ng
hari.
Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa isang kubo na malayo-layo sa kanilang kaharian. Nalimutan ni Don Juan
si Donya Maria nang dumating siya sa palasyo. Hindi kasi niya sinunod ang bilin ni Donya Maria. Nagalit si
Donya Maria nang mabalitaang ikakasal sa Don Juan kay Donya Leonora. Dali-dali siyang nagpunta sa palasyo
sakay ng isang magarang karwahe. Nakabihis si Donya Maria ng magarang damit na tulad ng isang emperatris.
Nagkaroon ng palabas si Donya Maria sa pamamagitan ng Negrita at Negrito sa loob ng isang parasko.
Pagkatapos ng tugtog ng musiko ay magsasalita ang Negrita. Pinaalalahanan ng Negrita ang Negrito tungkol sa
nakaraang buhay ni Don Juan kay Donya Maria. Papaluin ng Negrita ang Negrito kapag hindi naalala ng Negrito
ang Negrita. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Sa galit ni Donya Maria ay babasagin na ang parasko ng tubig
upang pabahain at palalimin ang tubig sa palasyo subalit pinigilan siya ni Don Juan at humingi ng tawad kay
Donya Maria.
Ikinasal sina Donya Maria at Don Juan. Umuwi sila sa kaharian nina Donya Maria. Silang mag-asawa ang
namahala sa kaharian nang malaman nilang patay na ang amang hari ni Donya Maria. Ikinasal si Don Pedro
kay Donya Leonora. Ang mag-asawang Don Diego at Donya Juana ay naging maligaya rin sa kaharian. [3]
mga prinsipe sa iba't ibang pook.

You might also like