You are on page 1of 5

Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang


nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Maria Clara

Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan
ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña
Pia Alba kay Padre Damaso.

Padre Damaso

Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na


napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-


Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Elias

Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at Basilio

 Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay


ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

 Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang


sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasyo

Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang


tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang
tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan
niya.

Donya Victorina

Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing


nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya
dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.

Ibang Tauhan

 Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon
ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

 Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego


(itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa
ng Estado Pontipikal)

 Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dáting abandera na may


malaswang bibig at pag-uugali.

 Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad


sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni
Donya Victorina.

 Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng


inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

 Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin

 Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.

 Lucas - kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-


natuloy na pagpatay kay Ibarra.

 Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga


Kastila.

 Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria


Clara.

 Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na


kaagad na siya'y maisilang.

 Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San


Diego

 Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na


maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

 Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre


Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
 Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni
Elias.

 Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

 Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

 Mang Pablo - pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

 Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong
at Kapitan Valentin; ama ni Sinang

 Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na


nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.

 Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol


ni Ibarra sa alaala ng ama.

 Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni


Ibarra.

 Albino - dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.


Kinahinatnan ng mga sumusunod na Tauhan

Padre Damaso

Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila at di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang
malayongprobinsiya. Kinabukasan, siya ay natagpuang patay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor,
sama ng loob o bangungot angsanhi ng kanyang ikinamatay.

Padre Salvi

Habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa simbahan ng Sta. Clara.

Kapitan Tiyago

Dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan


ng tiwala samga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito
sa Malabon o sa San Diegosapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at
santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng
liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya satindahan ng
intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang
datingmarangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap
na siyang nalimot ng mga tao.Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating
iginagalang.

Donya Victorina

Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya ay
taga-Andalucia.Siya ngayon ang nangungutsero.

Don Tiburcio

Si Don Tiburcio ay hindi na pinakikilos ni Donya Victorina. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya
natatawag bilang"doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.

Linares

Nailibing na sa sementeryo ng Pako. Ang ikinamatay niya ay sakit na iti ang masamang pakikisama sa
kanya ng hipag nasi Donya Vitorina.

Alperes

Umuwi sa Espanya at tinalikdan na ang kalaguyong babae.

Donya Consolacion

Naging mapag-isa at at walang inatupag kundi ang mag-lasing at humithit ng tabako, kaya’t siya
ay kinatakutan.
Maria Clara

May dalawang Guardya Sibil sa bubong ng monastaryo noong bumabagyo. Parang nagdadasal daw
siya. Inireport iyonng mga Guardya Sibil. At napabalitaang siya’y namatay.

Elias

Namatay dahil sa binaril siya. Sabi niya kay Basilio na hukayin ang sako at gamitin para makapag-aral

Basilio

May kumupkop sa kanyang mahirap na pamilya.

Crispin

Wala nang balita sa kanya ngunit siya ay pinaghihinalaang patay na.

Sisa

Akala ni Sisa na namatay si Basilio kaya inatake siya sa puso

Tiya Isabel

Nalulong sa opyum, baraha at sabong

Ibarra

Nakatakas sa tulong ni Elias. ngunit may diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod
niya.

You might also like