Professional Documents
Culture Documents
Malaki ang utang na loob nito kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego,
ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay
Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga
taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang
nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang
pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-
paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng Kura. Nasanay
ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng
sigaw, at mura ang mga bata at guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling
natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa
pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang
kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog.
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong
bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag
man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-
aral din ang guro ng wikang kastila para sa kanyang pansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng
pamalo sa pagtuturo, siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng
pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din
siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo
sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito
ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa
kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong Kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng
pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang
Kastila.
Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na tapos
na ang pasya ng Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos ng anim na
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura,
kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matindi ang bumabagabag sa kanyang isip,
ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng Kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait
sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga Sibil. Tumindi ang
sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag
dalawang Sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng
mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si
Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang Sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya
diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya
tungkol sa paratang ng Kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang
kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga Sibil. At sa halip pakaladkad na
sinama siya sa kuwartel.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng
dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng
damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na
nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang
kasiphayuan.
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi
nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa
kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San
Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre
Salvi.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama ang Kura sa lakad nila
sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing
makakaharap niya ang Kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig
ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng
isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat
yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya
ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong
ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina,
Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at
nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa
pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang
sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng
mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si Albino ay kay
Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang
binatang may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at
siksik sa laman. Ito ay si Elias.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang
anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang
nasalok.
Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit, wala ring
nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil sa buwaya. Agad na lumundag
si Elias. Sigawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga
kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya,
nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa
lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong
mahimatay.’
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan
ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin
ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong
tumatampalasan kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala,
dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis
na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari
Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na
higit pang mahalaga sa Kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang
sakristan.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na
pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang
kalahati ay ibinigay kay Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng
pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga
kaibigan.
Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya
umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at
pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang
maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga
taong ito. Ginagulad ng mga Sibil at Sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y
nagtapon din sa labak sa Alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito
ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng
gambalain ang matanda. Pero napuna nito nang siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra,
sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga
susunod na salinlahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at
malamang hindi maihahambing sa panahon ng kanilang mga ninuno.
Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang
Tasyo ng mga tao. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo
ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang
baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang Kapitan ng bayan at ang
lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay
magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng
pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay
ayon sa mga pinagsangunian.
Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin
sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap
na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan, ang kapangyarihan ng isang uldog,
nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman, ang lahat ng
kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang
paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.