You are on page 1of 4

Kabanata 20

Mga Tauhan: Tagpuan:


- Crisostomo Ibarra - Sa Tribunal
- guro
- pangkat conserbador
- pangkat liberal
- Don Filippo
- Kapitan Basilio
- Don Rafael

Mahalagang Pangyayari:
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at
lugar na pulungan ng mga may kapangyarihang mga tao sa
bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang
pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay
binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng
mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo
ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don
Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista
ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista
na. Tinuligsa ni Don Felipo ang Tinyente Mayor at Kapitan dahil
malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.

Aral:
Matutong manindigan at wag maging sunud-sunuran making mag kaiba
upang makamit ang nais.
Kabanata 21

Mga Tauhan: Tagpuan:


-Sisa - kwartel
-Crispin - bayan
-Basilio - bahay ni Sisa
-Guwardiya sibil
-Alperes

Mahalagang Pangyayari:
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa
kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura.
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano
maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang
sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay
natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala
ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa
kanyang anak.

Aral:
Ang pagmamahal ng ina sa kaniyang mga anak ay walang katumbas.
Tunay na ikasisira ng bait ng isang ina kung mawalay siya sa anak o di
kaya ay mapahamak ang mga ito
Kabanata 22:

Mga Tauhan: Tagpuan:


- Crisostomo Ibarra
- Tiya Isabel
- Maria Clara
- Padre Salvi

Mahalagang Pangyayari:
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San
Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni
Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang
sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa
kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan
siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking
pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi

Aral:
Ugali nating mga Pilipino na magpakita ng paggalang sa kapwa lalo
na kung ito ay may kinauukulang posisyon sa gobyerno, simbahan o
lipunan. Kahit na hindi tayo pabor sa mga ikinikilos ng taong ito ay
pinakikisamahan natin. Importante sa mga Pilipino ang pagsasaalang-
alang sa nakaugalian. Kahit hindi gustong imibitahan ni Maria Clara si
Padre Salvi, hindi pumayag si Ibarra sa kagustuhan ng dalaga na
huwag na itong imbitahin pa sa piknik. Si Padre Salvi ang kura ng
bayan kaya nararapat na ito ay imbitahin.

You might also like