You are on page 1of 9

KABANATA 14

SI PILOSOPO TASYO
MGA TAUHAN:
• Don Anastacio o Tasyo
• Ang Alkalde
• Ang dalawang batang lalaki na
magkapatid
• Don Filipo Lino
• Donya Teodora Vina
• Ang magtretrenta-anyos na kaibigang
nangangastila
TALASALITAAN:
Pilosopo – nag-uusisa, matalinong tao
Pananaw – paniniwala
Kabiyak – asawa
Inatupag – inasikaso
Sinapit – dinanas
Naengganyo – naaya o nahikayat
Napabayaan – naiwan
Sanlibutan – mundo
•Nagbabadya – nagbabanta
•Lilipol – sisira
• Mungkahi – opinyon
•Purgatoryo – Dito nananatili ang mga taong
namatay na at hindi pa kinukuha ng langit o ng
lupa
•Talakayan – usapan
Si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo ay
kilala sa San Diego dahil siya ay may kakaibang pananaw
tungkol sa pulitika at mga paniniwala.
Si Tasyo ay dating estudyante ng pilosopiya. Isinantabi niya
ang kanyang pag-aaral upang sumunod sa inang matanda na.
Pinili niyang huwag nang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral
sa halip ay pinakasalan niya ang kaniyang kasintahan. Ngunit
namatay ang kanyang ina at kabiyak.
Pagbabasa ng libro ang kanyang inatupag upang hindi niya
maalala ang lungkot na sinapit. Naengganyo siyang bumili ng
mga aklat kaya napabayaan na niya ang mga kayamanang
namana.
Simula noon ay tinawag na siyang Pilosopo Tasyo ng mga
may kaya sa buhay, samantalang baliw naman ang tawag
sa kanya ng mga mapagbirong tao.Masaya siya dahil may
gumuhit na kidlat sa madilim na langit at nagbabadya
nang bumuhos ang malakas na bagyo. Aniya, ang bagyo
ang lilipol sa mga tao na siyang maglilinis sa sanlibutan.
Batid niyang mas maiigi pang bumili ng tagahuli ng kidlat
kaysa sa mga paputok at kwitis. Hindi din sang-ayon si
Pilosopo Tasyo sa pagpapatugtog ng kampana kapag
kumukulog dahil ito ay lubhang mapanganib.
Pinagtatawanan lang si Pilosopo Tasyo ng sinumang
MAHAHALAGANG
PANGYAYARI:

• Ang paglalarawan kay Pilosopo Tasyo na sinasabi


ng iba na siya ay wala sa katinuan ng pag iisip,sa
mga hindi nakakaunawa sa kanya ngunit sa iba
siya ay napakatalino.

• Siya ay hindi pinatapos sa pag aaral ng kanyang


ina sa takot na siya ay makalimot sa Diyos.
• Naiwang mamuhay mag isa sa buhay pagkatapos
na pumanaw ang ama at ina
• .Binuhos ang kanyang panahon sa pagbili at
pagbabasa ng mga libro
• .Siya ay sinasabihan na isang wala sa katinuan
ang isip dahil sa mga hindi pangkaraniwang
sinasabi niya
• Ikinatuwa niya ang pagdating ng isang bagyo at
kidlat na di umano ay papaslang daw sa
mamamayan ng San Diego.
KANSER SA LIPUNAN
Ang isa sa mga kanser ng lipunan na nakapaloob sa kabanatang ito
ay ang paniniwala na ang labis na katalinuhan ay maaaring
magtulak sa isang tao para makalimutan ang Diyos. Ito marahil ay
bunga ng kaisipan na ang mga matatalinong tao ay walang ibang
pinaniniwalaan kundi ang kanilang sarili.

Karamihan sa mga matatalinong tao ay nagkakaroon ng posibilidad


na takasan ng katinuan sa labis na paggana o pagtatrabaho ng
kanilang utak. Kaya naman sa bayan ng San Diego madalas na
iniisip ng marami na si Pilosopo Tasyo ay totoong nasiraan ng ulo.

You might also like