You are on page 1of 11

Kabanata 4: Ehere

At Subersibo
Ang EREHE ay isang kristyanong
sumusuway at ayaw sumampalataya sa
ilang mga kautusang pinag uutos ng
Simbahang Katoliko Romano.

Tinatawag ding Pilibustero ang mga Pilipinong


may radikal na kaisipang di nagpapasakop ng
relihiyon at ng hukbo. At ang SUBERSIBO
naman ay mga taong lumalaban sa umiiral na
sistema ng pamahalaan.
MGA TAUHAN:

1.CHRISOSTOMO IBARRA
2.TEYENTE GUEVARRA
3.DON RAFAEL IBARRA
4.ARTILYERO
5.BATA
TAGPUAN: SA PLAZA NG BINONDO
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang
destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may
Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong
pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago
sa kanyang dinatnan. Sa paggala-gala ng kanyang
paningin, naramdaman niyang may dumantay na
kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra, na
sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-
ingat din sapagkat nangangamba siyang baka
matulad si Chrisostomo sa sinapit ng kanyang
ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng Tinyente
ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat
tunay na wala siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat ang kanyang ama sa kanya may
isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni
Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi
siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga
gawain.

Ganito ang salaysay ng Tinyente: Si Don Rafael ay siyang


pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay
iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga
nuno nila ay mga Kastila. Ang mga Kastila dahil sa kasawian
ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa
Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay
maraming mga kagalit na mga Kastila at pari. Ilang buwan pa
lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Pari
Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si
Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim
na kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang
mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng
mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang


Artilyero ng ”ba be bi bo bu” na labis na ikinagalit nito.
Pinukol ng kanyang tungkod ng Artilyero ang mga bata. Isa
ang sinampalad na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya
ito. Napatiyempo namang nagdaraan si
Don Rafael. Kinagalitan niya ang Artilyero. Pero, ito ay lalong
nagpuyos sa galit at si Don Rafel ang kanyang
hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol
ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-
suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang
kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay
tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi
nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan


siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito
sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang


dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo,
nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si
Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan,
siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na
si G.A. at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang
ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito

Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don


Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos ng lahat ang mga
kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping
kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas
ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa
mismong loob ng bilangguan,
nalagutan ng hininga si Don Rafael.

Huminto sa pagsasalaysay ang Tinyente. Inabot


nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si
Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang
magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat
sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa
kalesa si Ibarra.
Salamat po.

You might also like