You are on page 1of 4

Kabanata 41 Talasalitaan

1. mamarapatin - papayagan/ kung maaari


2. nakapangluksa - nakasuot ng bagay na magmumukang nagluluksa o nalulungkot
3.nagpabilad - nag babad sa arawan
4. ipabatid - iparating, ipaalam
5. pagkayamot- pagkalungkot
Gawain
1. Upang ipaalam ang mga bagay bagay. Ang pinaka pakay nya ay upang ipaalam kay Crisostomo na
patungo siya sa lalawigan ng Batangas at Kung may ipagbibilin ba si Crisostomo
2. Ang magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga guwardiya sibil
3. dahil minsan nang nailigtas ni Elias ang buhay ng magkapatid kaya't pinahintulutan na itigil na ang gulo
4. si Lukas, at ang pakay niya ay gusto niyang malaman kung magkano ba ang ibabayad ni Crisostomo
Ibarra sa naging kasawian ng kanyang kapatid, ang taong madilaw
5. hindi, dahil hindi naman si Lukas ang natangka sa kanyang buhay sa nangyari, kundi ang taong madilaw

Aral Matutong tumanaw ng utang na loob sa lahat ng pagkakataon at panahon, at maging mabuting tao
kanino man kabanata
42 Talasalitaan
1. nakatingkayad-bahagyang naka-angat ang paa
2. karalitaan - kahirapan?
3. mabuway- ( di ko alam hehe)
4. maalwan - di din hehe
5. pulotgata- unang gabi ng magasawa
Gawain. 1. sina Dr. Tiburcio de Espadaña, Doña Victorina delos Reyes de Espadaña, Alfonso Linares at
Padre Damaso
2. Dahil sa tanda ng kaniyang edad, ay napilitan na lamang sya na magpakasal kay Tiburcio de Espadaña
3. Magpanggap bilang isang doktor sa kabila ng katotohanang hindi sya nakapag-aral
4.dahil nalaman ni dona victorina kay padre damaso na wala ng bisa ang pagiging magkasintahan nila ni
ibarra kaya gusto ipakilala ni dona victorina si linares
5. Siya ay isang ginang na may edad na apatnapu't lima pero nagbabalita na siya'y tatlumpu't dalawang taon
lamang, mapili sa lalaki, ang tingin sa sarili'y ubod ng ganda, mapagmataas

aral Maging totoo sa kung sino ka, huwag pilitin ang mga bagay na hindi naman nararapat para dito at
maging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon.

Kabanata 43 Talasalitaan
1. magaspang - hindi mabuti
2. nagpaawa - humingi ng awa
3. pinagtabuyan - ipinalayo
4. ibinulalas- ipaalam
5. karampatan - katumbas
Gawain
1. dahil anak niya si Maria Clara
2. Siya'y lubhang malungkot at mahina
3. Nais niyang magpatulong dito sa pagkuha ng trabaho at mapapangasawa
4. Nais nyang siraan si Crisostomo Ibarra, at nagpaawa ito sa Kura
5. dahil sa mga sinabi nya sa Kura ay naging dahilan ito ng pagiging galit ng Kura kaya ito'y napsigaw na
naging sanhi ng gulo

Aral Huwag basta bastang maniniwala sa mga kuwento o sinasabi ng iba lalo na't kung ito' kahina hinala
Kabanata 44 Talasalitaan
1. nabinat- gumaling sa sakit ngunit muling bumalik
2. hinablot - kinuha bigla
3. marangal - maayos, legal
4. sinasambit - sinasabi
5. kola - inde ko alam hehe

Gawain
1. Ang kanyang ina
2. Dahil raw sa kanyang ibinigay niyang reseta ng gamut
3. Ang pag papamisa at pangakong magbibigay ng limos sa mapaghimalang santo
4. Pinagtatalunan nila ang kaniya kaniyang mga ginamit o ginawang paraan upang mapagaling si Maria
Clara
5. Bibigyan ng kura ng Viatico si Maria Clara

Aral Maging maingat sa ibibigay na gamot lalo na't kung ikaw ay pinaniniwalaang manggagamot. Igalang
ang kaniya kaniyang paniniwala ng mga tao ukol sa mga bagay bagay

Kabanata 45 Talasalitaan
1. tanglaw - search mo, di ko alam heheh
2. nasasagkaan- nasasandalan
3. hinaing- reklamo
4. malamlam- search hehe
5.nagpatiwakal -nagpakamatay
Gawain
1. Kay Kapitan Pablo
2. Dahil noon na nilang naging kasangga ang isa't-isa, at nais ni Elias na ipagsama ang matnda sa lupain na
kung saan payapa at ligtas, at magiging pamilya ang turing nila sa isa't-isa
3. Ang kanyang anak na babae ay nilapastangan, ang dalawa nyang anak na lalaki ay pinagbingtangan na
magnanakaw ng malaking halaga sa kumbanto dahilan para sila'y dakpin, nakatakas ang isang anak na lalaki
ngunit ang isa'y binitin at pinagpapalo
4. Ipinangako niyang mapagkakatiwalaan nila si Crisostomo Ibara upang sila'y makapaghatid ng hinaing
5. Ibibilang si Elias sa samahan nila Kapitan Pablo

ARAL Maging matulungin sa mga nangangailangan, pakinggan ang hinaing at hinanakit ng bawat isa
mabigyang solusyon and anumang problemang dulot nito

Kabanata 46 Talasalitaan
1. nakahanay - naka linya
2. dehado - talo
3. sumalakay – sumugod
4. mamumusta - magtataya
5. salpukan - banggaan
Gawain
1. Ang sabungan ay maraming tao, may dalawa itong pasukan, may mga nagtitinda sa tabi tabi at may mga
taong abala sa kanilang mga manok panabong at ang iba nama'y abala sa pagbibilang ng pera
2. Nais niyang maglingkod ang mga ito kay Crisostomo Ibarra na lingid naman sa kaalaman nito
3. Dahil iniisip ni Tarsilo ang kailang kapatid na babae
4. tatlumpong piso at kung magtatagumpay ay bibigyan sila ng tig isang daang piso
5. kay Crisostomo Ibarra

Aral Huwag basta bastang sumunod sa mga taong hindi pa lubusang nakikilala, maaari itong mag utos sa iyo
ng masama at makapag dulot sa iyo aa kapahamakan
Kabanata 47

Talasalitaan
1. nagpupugay- nagbibigag galang
2. ibulatlat- isiwalat
3. marapat - search hehe
4.pilantod -pilay, hindi makapag lakad ng maayos
5. lulugo - lugo - iika ika

Gawain
1. Paano raw nagagawang tumira ng mga tao sa ganoong klase ng bahay
2. na hindi nagbibigay pugay ang mga ito
3. Sila'y parehong mapagmataas, nagmamaganda at parehong nagpapanggap. Naging dahilan ng kanilang
away ay ang kagustuhang maangatan ang isa sa isa pa
4. Dahil sa kanilang mga kagustuhan na umangat ang isa kesa sa isa
5. Dahil isiswalat raw ni Doña Victorina ang tunay na pagkatao ni Linares

Aral Matutong magpakumbaba, huwag maginv masyadong mataas ang tingin sa sarili, at tignan muna ang
kalagayan ng sarili bago mang husga
Kabanata 48 Talasalitaan
1. nagsasaad - nagsasabi
2. nagkukumpol - nagtitipon
3. namataan- naabutan
4. naumid - umurong
5. napadpad - napunta sa kung saan

Gawain
1. Na siya ay napatawad na at hindi na excomunicado
2. Si Linares at Maria Clara
3. Na hindi man lamang sinabi ni Maria Clara na magaling na sya at mayroong kasamang iba
4. Na wala nang bago dahil ang tingin sa kanilang lahat ay Excomunikado
5. Nais nya itong makausap

Aral Matutong makipag usap sa lahat ng oras dahil ito ang mabisang solusyon upang maayos ang mga
problema at hindi pagkakaintindihan, magkasintahan man o magkaibigan

Kabanata 49
Talasalitaan
1. baybayin - dalampasigan
2. naglipana - nagkalat
3. kabuktutan - kaabusuhan
4. panlunas - gamot
5. tulisan - mga taong sumusuway sa batas

gawain
1. wala, dahil alam niyang mabuting tao si Elias
2. nais nilang magkaroon ng pagbabago ukol sa militar, pari, pagbibigay ng katarungan at pagtangkilik sa
pamahalaan.
3. Oo, dahil siyay naniniwala na iba si Elias sa kanyang iniisip na masamang ta
4. Dahil sa nangyaring kasawian sa buhay ni Elias, nais nyang makamit ang hustisya mula sa Bayan
5. Nais niyang magkwento si Elias sa kanyang nakaraan

Aral huwag mawalan ng pag asa pagdating sa mga pagbabagong ninanais para sa ikabubuti ng lahat. lahat
ng problema ay mabibigyang solusyon, basta lamang magtiwala
Kabanata 50 Talasalitaan
1. isinakdal - inilagay sa pwesto
2. pinaratangan – pinagbintangan
3. nag-aalsa - gumagawa ng pagkilos
4. panukulan - pamahalaan
5. balaraw- itak/ kutsilyo
Gawain
1. natagpuang patay at nakabulagta sa ilalim ng puno at sa isang sanga ay may bakol kung saan nakasabit
ang ulo nito
2. sa Tayabas
3. Na may katuwiran ang pagsasabing kailangang bigyang gantimpala ang mga taong mabuti at parusahan
ang masama. ngunit hindi madali ang pagbabagong ninanais dahil sa mahirap na pananalapi
4. Hindi, dahil buong tunay na ibinahagi o ikinuwento ni Elias ang kanyang pinagdaanan para lamang
mapatunayan na totoo ang nais nyang iparating kay Crisostomo Ibarra mula sa mga taong nagnanais ng
pagbabago
5. Na siya ay magiging parte ng kanilang hukbo

Aral huwag matakot ibahagi ang nakaraan sa taong pinagkakatiwalaan dahil maaring sila ay makatulong sa
iyong paglimot at pag unlad sa kasalukuyang hinaharap mo

You might also like