You are on page 1of 3

Maybelle A.

Fariñas

Kabanata 49 Ang Tinig Ng mga Pinag-uusig

Buod

Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong nagambala niya ang binata. Hindi na nag-
aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi ang pakay niya. Si Ibarra daw ang sugo ng mga sawimpalad.
Napagkasunduan daw ng puno ng mga tulisan na hilingin sa kaniya ang ilang bagay tulad ng
pagbabago sa pamahalaan, pagbibigay ng katarungan, pagbawas sa kapangyarihan ng mga guwardiya
sibil, at pagkilala sa dignidad ng mga tao. Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang
kayamanan at impluwensiya niya mula sa mga kaibigan sa Madrid ngunit batid nitong hindi ito
sasapat para sa pagbabagong hinihingi. Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas
sa kapangyarihan ng tao. Dapat din daw ay ang gamutin ang mismong sakit at hindi lamang ang mga
sintomas. Nagtalo ang dalawa saglit. Gayunamn, hindi nakumbinsi ni Elias si Ibarra at sasabihin na
lamang niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.

Kaisipan

Tinatalakay Ng ika-49 kabanata ang palitan ng kuro sa pagitan nina Ibarra at Elias na kung saan ang
dalawa ay may magkaibang paniniwala hingil sa narapat na pamamaraan ng pagpapanumbalik sa
lipunan at pagbuong muli tungo sa matuwid at mapayapang pamamahala.
Sa kabanatang ito, base sa pagkakaintindi ko at sa aking pananaw narin, ang nakikita kong tunay na
may depekto dito ay sa lipunan karaniwan na ang mga namumuno dito at ang sakit na tinataglay nito.
Batay sa kaalaman ko, kapag ang lipunan ay nawasak na dulot ng hindi matuwid at hindi magandang
pamamahala ay mahirap na itong ayusin muli at magtatagal pa ng mahabang panahon bago ito
tuluyang mapalitan at mabuo muli. Masasabi kong mapalad tayo ngayon at may kalayaan na tayong
piliin ang pinuno na sa tingin natin ay may sanay at kakahayang gawing isang magandang tirahan ang
ating bansa at may taglay na pangalagaan tayong nasasakupan nito at gayundin ag kahusayan at
katuwiran na pamunuan tayo.

Kabanata 50 Ang mga Kaanak ni Elias

Buod

Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Dito ibinunyag ni Elias na ang pamilya niya ay mula rin sa mga
sawimpalad. Ang nuno ni Elias ay namasukan noon sa isang bahay-kalakal sa Maynila na pag-aari ng
isang Kastila. Nasunog ito at napagbintangan ang lalaki niyang nuno. Pinarusahan ito at kinaladkad ng
kabayo. Dahil sa nangyari, namundok na lang ang mag-asawa. Ngunit namatay ang bata sa
sinapupunan ng babae. Nagpatiwakal naman ang lalaki dahil sa kamalasang nangyari. Di siya
naipalibing ng babae dahil walang pera. Nang mangamoy ang bangkay, nalaman ng mga awtoridad at
nais maparusahan ang babae. Pero nagdadalang-tao pala ito kaya ipinagpaliban.Nang makatakas sa
mga awtoridad, lumipat sa malayong lalawigan ang babae. Sa paglaki ng panganay, ito ay naging
tulisan habang ang isa pa nitong anak ay nanatiling matino. Nagpatiwakal din ang anak na panganay
ng babae habang nagpakalayo-layo naman ang bunso. Napadpad siya sa Tayabas at doon ay naging
obrero. Nakagiliwan siya ng lahat dahil sa mabuting ugali at nakahanap ng mapapangasawa.
Mayaman at babae at pinaghiwalay sila ng mga magulang. Ngunit buntis na pala ang babae at
nagsilang ng kambal, sina Elias at Concordia. Tulad ng mga ninuno nila, nagpakamatay din si
Concordia dahil sa labis na lungkot at natagpuan na lamang ang nila ang bangkay nito sa Calamba.

Kaisipan

Sa pagtatalo nina Ibarra at Elias sa kabanatang ito, naiintindihan ko ang panig ng bawat isa sa kanila,
bagkus man ay magkasalungat ay batid kong pantas naman ang pananaw nilang magkapareho. Nais ni
Ibarra ang maayos at mahinay na pamamaraan samantalang hiling naman ni Elias ang mabalasik na
pagpapabagsak sa pamahalaan subalit hindi ko rin masisi kung bakit sa ganitong paraan ang nais ni
Elias sapagkat natalakay nya dito ang mapait na kapalaran na dinanas ng kanyang mga nuno sa kamay
ng mga mapag-abusong kastila. Kung ako marahil ang nasa katayuan ni Elias ay malalim na poot din
ang maitatanim sa aking puso't isipan lalo't ang sakit Ng kahapon ay walang-likat na maililipat Mula sa
henerasyon hanggang sa sumunod na henerasyon at tiyak na maititigil lamang sa panahong ang
katarungan ay tuluyan naring makamit.

Kabanata 51 Mga Pagbabago

Buod

Balisa si Linares dahil sa liham ng pinsang si Donya Victorina. Nais nitong hamunin ng binata ang
alperes. Alam niyang seryoso ang Donya ngunit alanganin siya dahil wala naman siyang padrino.
Samantala, dumating naman si Padre Salvi sa bahay ni Kapitan Tiago. Masaya nitong ibinalita ang
pasya ng arsobispo na pinawawalang-bisa ang pagka-eksokomunikado ni Ibarra, sabay papuri dito na
kalugod-lugod naman ito ngunit may kapusukang taglay. Sinabi rin ni Salvi na tanging si Damaso na
lamang ang sagabal sa pagpapatawad kay Ibarra. Ngunit kapag si Maria Clara daw ang nakipag-usap
kay Damaso ay tiyak na patatawarin ito. Maya-maya ay dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel.
Kumamay naman si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing kapupuri lamang niya sa binata. Ilang saglit ay
lumapit si Ibarra kay Sinang upang kausapin si Maria. Gayunman, sabi ng dalaga ay umalis na lamang
ito at limutin siya ngunit nais ni Ibarra na makausap ang kasintahan. Nagmatigas si Maria at hindi
hinarap si Ibarra hanggang sa umalis ito.

Kaisipan

Pinapakita sa kabanata ika-51 ang payak na away-pag-ibig sa pagitan ng magkasintang Ibarra at Maria
Clara. Sa sandaling nabasa ko
ang ganitong eksena sa pagitan ng dalawang magkasintahan ay napangisi nalang ako sapagkat hindi ko
inasahan na tulad ng mga pangkaraniwang nakikita't nasusubaybayan kong tagpo ng mga magnobyo't
magnobya ngayon ay nangyayari narin pala noong mga panahong iyon.
Sa kabanatang ito, dito ko higit pang napatunayan na sa pag-ibig hindi laging masaya, may mga minsan
ding pumapatak ang mga luha at dalamhati tulad ng ginawa ni Maria Clara kung saan iniwasan niya si
Ibarra at dumistansya muna rito ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala na ang pagmamahal niya sa
binata ngunit may komensikal na dahilan lamang kung bakit kailangan niyang gawin ito.
Kaya nasabi ko na lamang sa aking sarili na sa anumang pagkakataon ay mahalaga na nasa akin ang
higit na pang-unawa at hindi lagi ang husga sapagkat may dahilan kung bakit minsan ay nilalayuan at
iniiwan ako o tayo.

Kabanata 52 Baraha Ng Patay at mga Anino

Buod

Sa isang malamig na gabi, tatlong anino ang nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Sabi ng isa, kung
nakausap na ba nito si Elias. Sumagot naman ang isa pang anino na hindi pa ngunit tiyak siyang
kasama ito dahil minsang nailigtas ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang isa pang anino na ito raw ay
pumayag na sumama sapagkat ipadadala ni Ibarra sa Maynila ang kaniyang may karamdamang
asawa. Sasalakay daw siya kumbento. Sabi naman ng ikatlong anino sa kwartel sila susugod para
ipabatid sa mga gwardiya sibil na may anak na lalaki ang kanilang ama. May dumating na isa pang
anino at sinabing sinusubaybayan siya kaya naghiwa-hiwalay daw sila. Sinabi din nito na kinabukasan
ay tatanggapin na nila ang kanilang mga sandata, sabay sigaw ng “Mabuhay Don Crisostomo.” Naiwan
ang dalawang anino sa pinto. Naisipan nilang magsugal. Ang sabi ng isa, kung sino daw ang manalo ay
maiiwan upang makipagsugal naman sa mga patay. Naibulgar ang pagkatao ng dalawa dahil sa
liwanag, sina Elias at Lucas.

Kaisipan

Nasa planong rebelyon ang tuon ng kabanata 52. Higit kong


naunawaan sa kabanatang ito Ang dahilan kung bakit marami Ang nag-aalsa at salungat sa mga
pamahalaan at ito ay dahil sa hindi kaaya-aya at Hindi makatarungang paraan at Sistema Ng
pamamahala. Kaya Ang aral na nakuha ko rito bilang Isang
kabataan at mamayan Ng bansang Pilipinas ay, kung may mga pagkakataon man na maitalaga ako sa
Isang may pamunuang posisyon ay dapat na gamitin ko Ang naikaloob sa akin na kapangyarihan sa
paraang Hindi ko naapakan Ang anumang aspeto Ng pagkatao Ng aking mga nasasakupan sa halip ay
gagamitin ko Ang aking impluwensiya upang akayin sila sa makabuluhang gampanin at magbigay Daan
sa kanila tungo sa pagkamit Ng pangkalahatang-mithi.

You might also like