You are on page 1of 6

Kabanata 50.

Ang mga Kaanak ni Elias


Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na
siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang
kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama
ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi
nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno
sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo
sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap
ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit.
Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na
lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan
ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap.Nagbigti
ito.Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga
awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi
itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

Kabanata 51.
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin
niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang
kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang
nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Kabanata 52.
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo
at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas
na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya
ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na
minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag
na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang
ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.

Kabanata 53.
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa
libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San
Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi
naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan.
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa
kaluluwa sa purgartoryo.

Kabanata 54.
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra
kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias
nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido.
Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng
matinding kasawian sa kanilang buhay.

Kabatana 55.
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain.
Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang
nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo,
napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman
ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang
magdasal.
Kabanata 56.
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego.
Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na
tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na
magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod
ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay
nagbalitaan.Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat.Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw
ang sumalakay.

Kabanta 57.
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra
sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito,
iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang
kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na
may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang
pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Kabatana 58.
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang
mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang
isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila
iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga
tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali.
Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata 59.
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala
sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang
estilo ng mga balitang lumaganap.Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-
uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na
nagiging pilibustero. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na
dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang
pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa
nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang
mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao.

Kabanata 60.
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na
pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si
Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si
Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na
kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari,
desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-
masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng
Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kabanata 61.
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa
bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa
may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may
magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila
ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias.
Kabanata 62.
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag.
Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay
o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-
maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama.
Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang
pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o
ang kumbento.Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang
kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng
malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria.
Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria
kaysa piliin ito ang kamatayan.

Kabanata 63.
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga
ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na
masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong
bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa
tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don
Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa
na isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa.Nakarating na si Basilio
sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang
landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang
katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.
Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni
Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Kabanata 64.
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa
Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako, si Padre
Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa
kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na
rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging
ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping
paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng
tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya
Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang
mabuhay mag-isa.

You might also like