You are on page 1of 21

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON VII
DIBISYON NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

NOLI ME TANGERE
Para sa Filipino 9
IKAAPAT NA MARKAHAN -LINGGO 7
(Aralin 34-39)

SARILING-LINANGAN KIT (SLK)

1
PAUNANG SALITA

Ang nobelang Noli Me Tangere ay nagbibigay-tuon sa kalagayang


panlipunan ng Pilipinas at uri ng pamumuhay mayroon ang mga Pilipino sa
panahong naisulat ang nobela. Binuo ito hindi lamang upang mailahad ang paraan
ng pamamahala noon kung hindi, upang mabuksan din ang isipan ng mga kabataan
kung bakit hindi naging madali ang pagkamit ng kaunlaran at kalayaan sa ating
bansa.
Sa mga susunod na aralin ay binibigyang pokus ng bawat kabanata ang iilang
isyu ng ating bansa. Maiuugnay din ang mga pangyayaring ito sa kalagayan ng
ating lipunan sa kasalukuyan.
Sa modyul na ito, tunghayan natin ang nakapaloob sa Aralin 34 hanggang
Aralin 39 ng nobela. Unawain at pag-aralan upang mas mapalawak pa ang
kaalamang nakapaloob sa bawat kabanata.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


aralin sa nobelang Noli Me Tangere.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami (F9PS-IVa-b-58)
2. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
• pamamalakad ng pamahalaan • paniniwala sa Diyos • kalupitan sa kapuwa •
kayamanan • kahirapan at iba pa (F9PB-IVg-h-60)
3. Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka-video clip batay sa
pamantayan (F9PD-IVi-j-60)
4. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng
paguugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan (F9PN-IVe-f-59)
5. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela (F9PN-IVc-57)

2
Gawain I – Ibahagi Mo

Panuto: Ang babasahin mong mga kabanata ay mananaig ang paksang patungkol sa
pagmamahal sa bayan. Ikaw, paano mo naman maipapakitang mahal mo ang iyong
bayan? Isulat ang iyong mga sagot sa kahon sa ibaba.

Maipapakita kong
mahal ko ang bayan
ko kung…

3
Basahin Mo!

Kabanata LV
Ang Kapahamakan

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain.


Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa
habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa
paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon
ang argos na si Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari Salvi.
Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang
nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo,
napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman
ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni
Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na
putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod
ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan,
sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang
pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal
samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa
kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga
pintuan at bintana ng biglaan. Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang
kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng
alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog
ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid.
Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata,
mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang
tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag
niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling
lumusob. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na
inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda
ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at
isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas,
salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria.
Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang
rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya
ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang
kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago
ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril
at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.
4
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra.
Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan,
ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat
ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang
damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang
mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya
ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat
sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas
at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog
sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria
at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito
nga mga gas at saka sinilaban. Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok.
Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi
maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya
tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng
makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng
bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga
kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.
http://www.joserizal.ph/no57.html

Kabanata LVI
Ang Mga Sabi-sabi

Hanggang sa kinabukasan sakmal ang buong bayan ng San Diego. Ni isa


mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang
buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas
loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.
Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na
magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay
nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang
gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-
uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw
pa rin ng takot kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay
nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw
pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na
itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya
kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong
ng mga sibil. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling
lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita
tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati
simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan
5
Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang
utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno
ng santol si Lucas.
http://www.joserizal.ph/no58.html

Gawain 2 – Iugnay Mo

Panuto: Ang pinagmulan ng sabi-sabi ay ang pagiging mapanghusga. Alam mong ang
ganitong kaugalian ay maaaring makasakit at makasira sa iba. Gamit ang iyong
maunlad at malawak na pananaw sa buhay, pagsabihan mo ang mga taong nagwika
ng masasama upang maiwasan ang pagiging mapanghusga at maliwanagan din sila.

“Oo nga, puwedeng mabait siya no’ng bata siya, iyon


nga lang, nagtungo siya sa espanya, at ang mga
nagpupunta roon ay nagiging erehe. “Iyon ang sabi ng
mga prayle.

Halatang di kilala ng personal ng babae si Ibarra subalit hinusgahan pa rin niya ito
base sa sinabi ng mga prayle. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

6
Basahin Mo!

Kabanata LVII
Silang mga Nalupig

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay


ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa
puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip.
Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation
at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-
ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na
naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo.
Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at
duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang
tanging buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo
Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang
walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang
kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin
si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si
Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali
pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang
pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si
Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito. Hindi maoakanta si Tarsilo,
kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw
sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang
nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng
dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya
lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang
nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng
malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala,
nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni
Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo
na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at
di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura
ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi
niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri
ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa
pang bilanggo. Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya
napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan

7
nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na
muli sa karsel.
http://www.joserizal.ph/no59.html

Kabanata XLIII
Siyang Dapat Sisihin
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.
Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal.
Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga
inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at
makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang
kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas
ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit
kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay
upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa
kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad
umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan
ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas
upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at
walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa
bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na
nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay
kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat
ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating
ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo
na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila
ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng
kanilang ka-anak ng bilanggo. Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at
pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don
Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin
ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio
ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay
napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka
gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa
pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng
mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan. Pagkakita kay Ibarra
ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa
itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng
abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin
8
sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata
ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.Sa kalipunan ng
mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan
sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang
mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe
ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni
Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy.
Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain. Waring
walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan
Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya.
Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan
at magandang kinabuhasan. Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid
si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot.
Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali
pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si
Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.
http://www.joserizal.ph/no60.html

Gawain 3 – Ibahagi Mo
Panuto: Ang Ginawang pisikal na pagpapahirap kay Tarsilo bago ang kanyang
kamatayan ay nagaganap pa rin sa kasalukuyan. Ibahagi mo ang iyong sariling
damdamin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang sasabihin mo sa mga taong nagpapasimuno ng ganitong pisikal na


pagpapahirap o pag-torture sa kapwa?

2. Anong parusa ang dapat ibigay sa mga taong nagsasagawa ng pagtorture o


pisikal na pagpapahirap sa kanilang kapwa? Ipaliwanag.

9
Basahin Mo!

Kabanata LIX
Pagkamakabayan
at Kapakanang Pansarili

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at


napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-
iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa
talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit
na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga
pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at
naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging
ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan
ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-
dapat na bigyan ng isang mitra. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan.
Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero.
Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay
nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang
si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at
di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay
haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa
mga manghihimagsik. Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa
nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at
mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo
sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si
Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang
bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay
ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila
magkaibigan. Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala
si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay
napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang
ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling
habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong
dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang
payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng
regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito
ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na
maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng
ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan. Boto silang lahat sa payo. Sa
kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa
at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap
10
na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra
sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang
walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao.
Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na
layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling
pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang
daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang
lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na
ng bahay. Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng
mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay
tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may
bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
http://www.joserizal.ph/no61.html

Gawain 4 – Suriin Mo

Panuto: Gamit ang link ng isang video clip na Dulang Panteatro. Suriin mo ang video clip
sa tulong ng mga sumusunod na pamantayan:

LINK: https://www.youtube.com/watch?v=yT1V7CWC_rw

Mga Pamantayan Marka


Nasagot nang maayos ang mahahalagang impormasyon tungkol
sa pinanood na pagtatanghal
Naging kawili-wili ang daloy ng mga pangyayari
Nailahad ng mahusay ang pagkakaganap ng mga artista sa kani-
kanilang papel
Angkop ang disenyo ng tagpuan, ilaw, tunog at mga kagamitan

Maayos ang paglalahad ng pangkalahatang obserbasyon tungkol


sa kabuoan ng pinanood na dula
Kabuoang Puntos
5- Napakahusay 2- Di gaanong mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang di mahusay
3- Katamtaman

11
Basahin Mo!

Kabanata LX
Ang Kasal ni Maria Clara

Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man


lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay
nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen.
Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang
dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di
nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay
lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba
ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng
isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong
sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si
Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa
itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung
babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya
ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si
Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong
ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si
Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang
nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong
pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat
nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang
niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na
siya ay kaiinggitan ng mga tao. Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga
bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng
komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si
tenyente Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na
kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae
na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol
ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil
bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap
ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking
nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng

12
alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra
na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang.
Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito
raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng
bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong
dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas
siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at
tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria
ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang
pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay
pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at
pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at
sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang
papalayo sa lumuluhang si Maria.
http://www.joserizal.ph/no62.html

Gawain 5 – Iugnay Mo

Panuto: Nakuha kay Maria Clara ang mga liham na nagdiin kay Ibarra dahil sa pamba-
balckmail o pananakot sa dalaga. Ang ganitong gawain ay nangyayari pa rin sa panahon
natin. Ito ay isang uri ng bullying. Mag- isip ka ng limang paraang maaaring gawin kapag
nangyari sa iyo o sa isang kapamilya o kaibigan moa ng pamba-blackmail. Isulat ang mga
ito sa ibaba.

Pamba-blackmail
1.
2.
3.
4.
5.

13
Basahin Mo!

Kabanata LXI
Tugisan sa Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya
sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may
puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si
Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra
at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa
kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng
kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias. Nang
mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay.
Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan
sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito
nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing
ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang
hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa
paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa
pagsasagwan at pinagbilinan na huwag
magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa
lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito
ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala.
Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay
nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias.
Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang
akalaing siya ay taga-Peñafrancia. Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha
ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan
muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig At nakarating sa may Sta. Ana.
Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang
manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang,
kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit
sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at
mahihingi, pinaraan niya si Elias. Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-
kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga
ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila
sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng
direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig.
Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala
ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na

14
magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at
tumalon sabay sikad sa bangka. Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa
bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito.
Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias
sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan. Makalipas ang
tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa
tubig ng baybayin ng pampang.
http://www.joserizal.ph/no63.html

Gawain 6 – Ipaliwanag Mo
Panuto: Basahin mo ang pahayag na hango sa kabanata. Sumasang-ayon ka
ba rito o hindi? Lagyan ng tsek at saka ipaliwanag ang iyong sagot.

“huwag, dumito ka’t lumaban tayo!”


Ako ay sumasang-ayon tumututol sa sinabi ni Ibarra na huwag
tumalon si Elias sa Bangka at sa halip ay lumaban sila dahil

Basahin Mo!

Kabanata LXII
Nagpaliwanag si Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas


ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa
pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo.
Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama.
15
Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang
bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang
kamatayan o ang kumbento. Napagmuni ni Pari Damaso
na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya
humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng
malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa
kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria
kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso
na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may
Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang
walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na
damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.
http://www.joserizal.ph/no64.html

Kabanata LXIII
Noche Buena

May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa


libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na
nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong
isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga
na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at
dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang
batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi
ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa
nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa
paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro.
Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na
ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay
Basilio na may dalawang buwan na ang
nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang
sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay
naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi
na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa
para sa kanyang inang si Sisa. Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San
Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga.
Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot
na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng
bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng

16
kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa. Ang
pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria
subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag
ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita
na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika
niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina,
umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na
papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo.
Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo.
Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si
Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya
ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong
niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat. Nang makita naman ni
Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip.
Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw
ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang
ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa
dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang
ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng
malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong
nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya
ng namatay. Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na
mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming
tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban
hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio
ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito
kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking
sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay
malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng
panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa
sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-
liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw
limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit,
kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa. Nang magmamadaling-araw,
namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa
may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng
siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.
http://www.joserizal.ph/no65.html

17
Kabanata LXIV
Ang Katapusan

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso


sa Maynila. Di nagtagal, aiya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong
probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri
ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay. Sa kabilang
dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito
ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago
naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping
paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng
tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel
na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay
mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya.
Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana.
Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di
nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating
marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de
Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya,
siya na isang tanyag at dating iginagalang. Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya
Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya
ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos.
Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot.
Wala na rin siyang ngipin.
http://www.joserizal.ph/no65.html

Gawain 7 – Tukuyin Mo

Panuto: Ang mga sumusunod na tauhang nakatala sa hanay A ay nagbigay-kulay sa


kabuoan ng nobela. Makikilala mo kaya kung ano ang kinahinatnan sa pagwawakas
ng nobela? Piliin at isulat ang titik ng sagot mula sa hanay B.

A B

____1. Maria Clara

18
a. Inilipat siya ng parokya sa
____2. Padre Damaso isang napakalayong
lalawigan. Nagdamdam at
____3. Kapitan Tiago kinabukasan ay natagpuang
patay sa kanyang higaan.
____4. Sisa
b. Pinauwi siya ni kapitan Tiago
____5. Tiya Isabel sa Malabon para doon na
manirahan.

c. Nabaliw subalit nanumbalik


ang katinuan nang makita at
paghahalikan siya ng
duguang anak.

d. Pumasok sa monastery
upang magmongha.

e. Nalulong sa baraha at sabong


at paghitit ng opium.

f. Bumalik sa Espanya bilang


probisyunal na medyor.

Sanggunian

Mga Aklat
Dayag, Alma M. et al. Pinagyamang PLUMA 9 (K to 12) Aklat 2. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc., 2017
Media/ Web Sites/Internet Sites
❖ Noli Me Tangere, Buod ng kabanata LV– LXIV
http://www.joserizal.ph/no01.html

Mga larawan
https://www.canva.com/

19
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI

Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D.

Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.

LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd

Education Program Supervisor in Filipino

RADNY N. TAGO
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE


SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI
Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervi

20
Sinopsis

Sa Sariling- Linangang Modyul na ito ay nakapaloob ang Aralin 34


hanggang Aralin 39 ng nobelang Noli Me Tangere. Maiisa-isa ng mga mag-
aaral ang mga mahahalagang pangyayari sa mga kabanatang ito.

Ang mga kabanatang nilalaman ng modyul ay Ang Kahapamakan, Ang


mga Sabi-sabi, Silang mga Nalupig, Siyang dapat Sisihin, Ang Kasaysayan ni
Elias, Pagkamakabayan at kapakanang Pansarili, Ang Kasal ni Maria Clara,
Tugisan sa lawa, Nagpaliwanag si Padre Damaso, Noche Buena at Ang
Katapusan.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang mauunawaan ang mga pangyayari


sa bawat kabanata upang maiuugnay ito sa mga pangyayari sa kasalukuyan.

May-akda

RADNY N. TAGO

Nagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education


Major in Mathematics sa University of the Visayas- Main
Campus noong 2011. Nakakuha ng units sa asignaturang
Filipino sa Mandaue City College. Kasalukuyang nagtuturo
ng Filipino sa Canduman National High School.

21

You might also like