You are on page 1of 8

YUNIT IV: NOLI ME TANGERE

Our Lady Of Fatima Academy of Davao, Davao City

PANGALAN: ________________________________________
BAITANG/ PANGKAT: ___________ PETSA:_______________
PUNTOS: ____________

BINUO NI: JOEL S. LAPASARAN, LPT


YUNIT IV: NOLI ME
TANGERE

“Kawikaan 4:24 Kung natutuksong magsinungaling o magsalita ng masama.”


Layunin:

1. Natitiyak ang pagkamatotohanan ng mga pangyayari sa binasang mga kabanata ng nobela


sa pamamagitan ng paghahalintulad ng mga ito sa ilang pangyayari sa kasalukuyan.
2. Nailalahad ang mga hinaing ng mga piling tauhan sa binasa na amy katumbas na hinaing
ng mga mamamayan sa kasalukuyan na maririnig, napapanood, o nababasa sa iba’t ibang
midya.
3. Naipaliliwanag kung paano nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang asyano ang ilang
kaugaliang Pilipinong nabanggit sa binasa.
4. Nakapaglalahad ng sariling opinion at damdamin ukol sa isang pangyayari sa binasa sa
pamamagitan ng isang monologo.

PAG-ARALAN

“Ang pakikipag-alit ay siyang batas ng buhay”


–Elias-

Aralin 6: Usap-usapan (Kabanata 32 - 35)

2|P age
Kabanata 32: Ang Panghugos

Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos
ng kalong ang kanyang itinayo. Ito ay mayroong walong metro ang taas, nakabaon sa lupa
ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng
pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang
kulay.
Tiningnang mabuti ni Nor Juan kung paano itinaas
at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa
ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang
tao lamang. Hanggang hanga si Juan sa taong
madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga
taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan
niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino
na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay
maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at
magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;
marunong ding gumising ng mga natutulog at
magpatulog ng gising.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni
Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming
habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing
isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at
mag-aaral.

Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-


okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping
pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman
sa bumbong na yari sa tingga.
Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid.
Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batong na ilalapat
sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, sa ukang ito ilalagay ang bumbong
na tingga.

Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang Alkalde.
Pagdaka’y isa-isang bumaba ang Kura, mga Prayle , mga Kawani, ilang mayayamang

3|P age
bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa biro ni Kapitan Tiyago at amuki ng
Alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang
humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalimbukay ang makapal
na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng
bumagsak na kalo at ng batongbuhay.
Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga
na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng Alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa,
na walang iba kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala sa
lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit
ng damit.

Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang


masamang simula.

KABANATA 33: Malayang Isipan

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay
niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa
kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako
ito ay mayroong kaaway. Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban,
mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong
mayaman at makapangyarihan, pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga
ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na
pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y
narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at
sinabing hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo.
Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na
ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas
na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa
pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero,
ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan
ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol
at naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral
o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat

4|P age
nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong
kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na
kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay
Ibarra.

KABANATA 34: Ang Panghalian

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking
hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang
Alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang Eskribano. Sa
magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga Prayle,
kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng
telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at
magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito
umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga
kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso,
kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang
ipapakuha nila sa kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya,
maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula nang ilagay ang
mga tsampan sa kopa. Nahalata ng Alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay
Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang Pari sa pagsasaring. Walang
kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay
ng ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang
dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni
Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

KABANATA 35: Mga Usap-usapan

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa
buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa
dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari
ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat

5|P age
wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa
sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang
itinangi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan ng hininga
si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa
taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang
ama. Nanindigan naman ang Kapitan ng Bayan na wala silang magagawa sapagkat
laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari
sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga
prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa
grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing
karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong
alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka
na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Sapagkat bawa’t isa sa kanila ay
naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang
pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman
maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.

TALASANGGUNIAN:
Sinag ng Wikang Filipino sa Ikasiyam na baitang ng Innovative Edducational Materials, Inc.
Ryan C. Rivera, 2019
Punla, Mga Akdang Pampanitikan mula sa Asya at Noli Me Tangere, Binagong Edisyon,
Gina P. Canlas, et.al.2020
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-
summary-in-tagalog-kabanata-14-22-pangarap-sa-gabing-madilim-ang-buod-ng-noli-me-
tangere_140.html

6|P age
Pangalan: ______________________________ Taon/Baitang:_________________
Paaralan: ______________________________ Marka:_____________________

Gawain 1: PAGSASALIKSIK

PANUTO: Maghanap ng 20 mga matalinhagang salita sa mula sa mga kabanata na


nabanggit sa itaas at bigyan ito ng kahulugan. (20 puntos)

Gawain 2: PAGSASABUHAY

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga kabanata at magbigay ng mga aral bawat
kabanata na mai-uugnay natin sa buhay natin sa kasalukuyan.(5 puntos bawat kabanata)

Kabanata 32:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7|P age
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Kabanata 33:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Kabanata 34:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Kabanata 35:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

8|P age

You might also like