You are on page 1of 2

SAMAHANG FILIPINO (SAMAFIL)

Holy Cross of Davao College


Sta. Ana Avenue, Davao City

Agosto 03, 2016

Rev. Fr. Russell A. Bantiles, PhD


Vice-President for Academic Affairs
Holy Cross of Davao College

Thru:
Gng. Luzviminda Ates G. Armand Dura
Director, Student’s Life and Services Coordinator, OSA

Maligayang Pagbati,

Ang SAMAHANG FILIPINO (SAMAFIL) ay magsasagawa ng kulminasyon ng


Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wika ng Karunungan. Ito ay gaganapin sa
ika-25 ng Agosto taong 2016 sa Holy Cross Gymnasium. Ang kulminasyong ito ay
sasalihan din ng bawat departamento mula sa HCDC.
Sa kadahilanang ang kulminasyon ng Buwan ng Wika ay gaganapin sa oras na
1:00-5:00 ng hapon, mayroong mga klase na maaapektohan sa mga oras na ito, ito ay
ang mga klase sa oras na 12:30-2:00pm, 2:00-3:30pm at 3:30-5:00pm. Humihingi kami
ng pahintulot mula sa inyo na kung maaari ay kanselahin ang mga klase sa mga oras
na nabanggit, ito ay upang lahat ng mga mag-aaral ay makalahok sa kulminasyon ng
Buwan ng Wika.

Inaasahan po namin ang inyong positibong tugon sa bagay na ito.

Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.

Sumasainyo,

Jessery Iña Fabay Jason Oliverio


Pangulo, SAMAFIL Pangulo, EDUSCO

Gng. Grace S. Sayas Bb. Lilian B. Solatorio


Modereytor, SAMAFIL Subject Area Coordinator

You might also like