Professional Documents
Culture Documents
1: Komunikasyon sa Akademikong
Filipino
Katutubong Pinagmulan ng Wika: Ang Pamilyang
Austronesyano at Ang Baybayin
Hawaiian kahi lua kolu ha lima ono hiku walu iwa umi
Tuvalu tasi rua tolu fa lima ono fitu valu iva sefulu
Rapanui tahi rua toru ha rima ono hita vau iva angahuru
Rotuman ta rua folu hake lima ono hifu valu siva saghula
Maori tahi rua toru wha rima ono whitu waru iwa tekau
Cebuano usa duha tulo upat lima unum pito walo siyam napulo
Tagalog isa dalawa tatlo apat limna anim pito walo siyam sampu
Bahasa satu dua tiga empat lima enam tujuh lapan sembila sepeluh
Malay
Katutubong Pinagmulan: Ang Pamilyang
Austronesyano at Konseptong Baybayin
• Inaakala rin na ang mga orihinal na ispiker ng Proto-
Malayo-Polynesia ay nagmula sa ilang bahagi ng
Asya malapit sa Malay Peninsula at di naglaon ay
dumayo pa-kanluran hanggang Madagascar at
silangan ng pasipiko.
• Ang pandarayuhan ay maaaring nagsimula 2,000
taong nagdaan sa dahilang ang mga ispiker ng
Malayo-Polynesia ay namuhay sa mga
magkakahiwalay na mga isla, maraming diyalekto at
wika ang nagmula sa matandang wikang, Proto-
Malayo-Polynesia.
Katutubong Pinagmulan: Ang Pamilyang
Austronesyano at Konseptong Baybayin
• Ang pamilyang wikang Austronesyano ay nahahati sa
dalawang sangay: Malayo-Polynesian at Formosan.
• Ang Malayo-Polynesian ay pinakamalaking sangay na nahahati
sa dalawang sub-sangay:
– Ang Kanlurang sub-sangay na kinabibilangan ng may 500 wika na
sinasalita sa Madagascar, Malaysia, Indonesia, Pilipinas, ilang bahagi ng
Taiwan, Thailand, Vietnam, at Cambodia. Dalawang wika ng Micronesia
(Chamorro at Palauan) ay kabilang din sa pangkat na ito. Kinakatawan ng
sangay na ito 300 milyong ispiker at kasama na ang malawak na
sinasalitang wika gaya ng Javanese, Malay, at Tagalog.
– Ang Gitnang Silangang sub-sangay, na tinatawag ding Oceanic, na
naglalaman ng 500 wikang sinasalita sa New Guinea, at sa 10,000 higit
pang isla ng Melanesia, Micronesia, at Polynesia. Kinakatawan ng sangay
na ito ang di bababa sa 2 milyong ispiker. Ang sinaunang mga wika ng
Australia at ang Papuan ng New Guinea ay hindi kabilang sa sangay na ito.
Ang Pagpapangkat-pangkat ng mga Wika
sa Pilipinas
tuktok tok
kutkot khut
lamlam lam
pipi pi
pukpok phok
saksak shak
sipsip sip
Impluwensya ng Malay
•katam • panaw
• akma •dalamhati • salamat
• agimat •dawit • salawal
• agnas •ginhawa • silid
• alam •halak
• siyasat
• alamat •hamak
• tibay
• ani •hasik
• wisik
• apyan •hirang
• yuko
• asal •hukom
• bakas •hudyat
• bikig •lagnat
• kalan •luwat
•paham
Ikalawang Yugto:
Impluwensiya ng Kastila,
Amerikano, at Hapon
TAGALOG
PILIPINO
FILIPINO
• May mga pananaliksik at pagsisiyasat sa mga nasusulat na
panitikan at kasaysayan na nagpapatunay na mayroon nang
mga dokumento o kasulatan tungkol sa Tagalog (o maging sa
iba pang wika ng Pilipinas).
• Nang mapagtibay ng batas sa Wikang Pambansa na Tagalog
ang gawing batayan, dumagsa ang mga tanong tungkol dito.
• Bagaman, napagpasyahan na ang Tagalog ang maging batayan
ng Wikang Pambansa, ay marami pa rin ang hindi lubusang
nasunod sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpapalawak,
pagpapalaganap at pagpapaunlad dito gaya ng mga
pagpapalimbag ng mga lathalain at babasahin, paggamit nito
sa mga miting pampolitika at sa transaksyong pampamahalaan
bilang opisyal na wika. Gayundin, itinuturo ito ng mga guro sa
buong bansa.
• Sinimulang itatag ng pamahalaan ang Surian ng Wikang Pambansa
(Institute of National Language) at itinakda rin ang Kawanihan ng
Paaralang Bayan upang tumulong sa pagpapalawak at
pagpapaunlad dito. At kahit na nga tinangkilik ang pagpapalaganap
nito ay masasabing matamlay pa rin ang ang paglaganap ng wika
sa buong bansa dahil sa mga sumusunod:
– May mga manunulat at dalubwika pa rin ang nagpupumilit
sa kaalamang laban sa paniniwala ng nakararami. (Purista)
– May mga siyentipikong dalubwika ang nagpupumilit na
ipagamit ang kanilang nilikhang mga bagong salita gayong
hindi naman ito nauunawaan o tinatanggap ng nakararami.
– Maraming Pilipino ang hindi tumangkilik sa sariling wika
dahil sa kaisipang kolonyal.
– Dahil na rin sa rehiyonalismong nangingibabaw sa
damdamin ng ilang Pilipino
Balakid sa Wika noong Panahon ng Kastila