You are on page 1of 27

WIKANG

FILIPINO AT PAG-
AARAL NG
KULTURA
Week 14
MGA LAYUNIN NG ARALIN AYON SA
KASANAYANG K HANGGANG 12:
1. Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamamaraan ng paggamit ng wika
sa iba’t ibang sitwasyon.
2. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita
ng mga kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino.
MGA KARAGDAGANG KASANAYANG
LILINANGIN:
1. Nababatid ang mayaman at maraming
mapagkukunang kaalamang bayan ng mga
Pilipino.
2. Natutuhan ang Araling Pilipino bilang tulay
sa pag-aaral ng wika, kultura, at
lipunangPilipino.
Lunsarang Tanong!

Paano natin pag-aaralan ang


sariling kultura?
Usap Tayo!
1.Ano-ano ang iba’t ibang uri ng
umpukan ng mga tao?
2. Saan ito nagaganap?
3. Sino-sino ang kasalo sa
usapan?
4. Ano-ano ang karaniwang
pinag-uusapan sa umpukan ng
mga tao?
TALAKAYAN AT UNAWAIN:
UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA
WIKA KULTURA
• Instrumento sa pakikipag-ugnayan • Tumutukoy sa paraan ng
• Ginagamit para maipahayag, pamumuhay na nakagawian o
malinang at mapalaganap pa ang nakasanayan na ng mga tao sa
kultura isang lugar.
• para sa pagsasalin at • Binubuo ng mga karunungan,
pagpapamana ng kultura panitikan, paniniwala, kaugalian,
sining, batas, pagpapahalaga,at iba
pa.
Tandaan!
Ang paraan ng paggamit ng wika at pagbibigay-
kahulugan ay maaaring magkakaiba sa iba’t ibang lugar
batay sa kulturang taglay ng lugar na gumagamit nito.
KAALAMANG BAYAN
BILANG KULTURA NG
PAMAYANAN
Ang kaalamang bayan ay…
• umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala,
ritwal, gawi at tradisyon ng mga
mamamayan sa isang pamayanan
• Isang kalinangan na nagpasalin-salin sa
iba’t ibang lahi at pook
• Ito ay bukambibig ng taumbayan
Alamin Natin!

ANO-ANO ANG
IBA’T IBANG URI
NG KAALAMANG
BAYAN?
MGA IBA’T IBANG URI NG
KAALAMANG BAYAN
1. Awiting bayan
2. Pabula
3. Epiko
4. Kuwentong katatakutan o urban
legend
5. Pista
6. Pagtitipon/paligsahan
ANO ANG AWITING-BAYAN?
(SIMBULAN,2012)
✔ Ito ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
✔Leron, Leron Sinta, Bahay kubo, Atin Cu Pung
Singsing, Paruparong Bukid
✔Inaawit sa mga nayon tuwing may okasyon tulad ng
kasalan, pagpapatanim, paglalamay sa patay at iba
pa
✔May sukat, may tugma, lamang isinasahimig o
isinasatono
KUNDIMAN
✔Awiting may tema ng pag-ibig na malungkot
at mabagal
✔kadalasang ginagamit para maipadama ang
pagmamahal sa iniibig o pagmamahal para
sa bayan o bansa
✔Punong-puno ng pangarap at minsan ay
walang kasing lungkot
✔May iba’t ibang paksain: pag-ibig sa Diyos,
sa bayan, sa mga magulang, sa kapatid, sa
kaibigan, sa gawain at iba pa.
✔Sa Ilokano, Pamulinawen; sa Bisaya,
Balitaw; sa Negrito, Uso
DALIT O IMNO
✔Awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o
pasasalamat
✔Inaawit bilang papuri sa Diyos
✔Awit ng pagsamba
✔Mga awiting panrelihiyon
✔Karaniwang binubo ng 48 na saknong ,
may 4 na taludturan, may isahang tugmaan
✔May 2 bahagi:
Talindaw- tinutula ng namumuno
Pabinian- sinasagot ng
kapulungan
KUMINTANG
✔Isang awit na pandigma
✔Isang uri ng kundiman na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan
✔Mutya ng Pasig
OYAYI O HELE O DUAYYA
✔Awitin para sa pagpapatulog ng bata
✔Karaniwang naglalaman ng mga bilin
✔Malambing ang himig, monotono, maulit ang liriko subalit
makahulugan
TALINDAW
✔Awit ng mga bangkero sa pamamangka o
pagsagwan
DIONA
✔Awit ng pag-ibig, ginagamit sa
kasalan
✔Binubuo ng 7 pantig bawat
taludtod, 3 taludtod kada
saknong, may isahang tugmaan
DUNGAW O DUNG-AW
✔Makalumang tula at tradisyon ng
mga Ilokano
✔Inaawit bilang panaghoy ng
isang taong namatayan
ANO ANG ALAMAT?
✔mga pasalitang panitikan tungkol
sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay.
✔Tumutukoy sa pinanggalingan ng
mga pangalan ng lugar, kalikasan at
kay Bathala
✔Nagbibigay ng aral sa buhay at
paghamon na maituwid ang
masasamang nakaraan
✔Alamat ng pinya, Alamat ng
Marinduque, Alamat ng Kanlaon
atbp.
ANO ANG PABULA?

✔isang kathang-isip, may aral sa


buhay
✔Mga hayop ang mga tauhan
✔May paglalarawan o
pananagisag: pagiging maamo
(tupa), mabagsik (lobo),
masipag (langgam),
mapanlinlang (matsing)
ANO ANG EPIKO?
✔nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay
ng kapangyarihan
✔Galing sa salitang “epos” na
salawikain o awit
✔Binibigkas nang paawit
✔Layuning manggising ng damdamin
upang hangaan ang pangunahing
tauhan, sa kaniyang tagumpay.
✔Katipunan ng mga kwento tungkol
sa mga Diyos o Diyosa
✔Rivera,www.kapitbisig.com
ANO ANG KWENTONG KATATAKUTAN?

✔Urban legend sa Ingles


✔Patungkol sa misteryosong
paglabas ng babaeng
nakaputi, kapre o aswang
✔Nakapapaniwala kahit na
walang matibay na
ebidensiya
✔Mahiwagang babae sa
Balete Drive o multo sa mga
unibersidad
ANO ANG PISTA?
✔Alay sa patrong santo sa simbahan ng mga Katoliko
✔Sa Muslim, ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr matapos
ang isang buwan ng pag-aayuno
IBA PANG KULTURANG PILIPINO
✔Bahagi ng kultura ang
mga pagtitipon tulad ng
kasal, binyag, pagtatapos
sa kolehiyo.
✔Mahilig din ang mga
Pilipino sa pagkanta,
pagsayaw, at
pagpapakita ng iba’t
ibang talento
PROSESONG TANONG:

1. Bilang Lasalyanong mag-aaral, bakit


napakahalaga na magkaroon ng kaalaman
tungkol sa kulturang Pilipino?
2. Ano ang ugnayan nito sa ating sarili,
pamilya, bayan at bansa?
SANGGUNIAN:
SIDHAYA 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino (Batayang Aklat sa Filipino sa Senior High
School)
https://uclaliwanagatdilim2015.wordpress.com/2014/10
/27/importansya-ng-pamilya/
https://studentsbloc.home.blog/2018/08/07/kultura-sa-
pilipinas/
Maraming Salamat
sa iyong pakikinig.

You might also like