You are on page 1of 3

Panimula

Ang pag-unlad ng isang lugar ay nakaugat sa mga bagay na naganap sa nakaraan. Sa mahusay na
pamumuno, disiplina ng mga mamamayan at pagtutulungan ng lahat ay magkakaroon ng magandang
bunga sa pamayanan. Sa pag-unlad ng wika, ang mga taong mag marubdob na pag-ibig dito ang maaaring
nag-ambag upang mapayaman at patuloy na malinang ang wika.
Sa modyul na ito ay patuloy na tututunin ang mga yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na naging daan sa
pagkakaroon ng wikang pambansa.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Panahon ng Hapon
• Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang
katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
• Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
• Ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na ipinalabas noong Hulyo 24, 1942 ng Philippine
Executive Commission na pinamumunuan ni Jorge B. Vargas, nag-uutos na gawing opisyal na wika
ang Tagalog at wikang Hapon. Gagamitin lamang ang Ingles na pansamantalang wika habang
tumutungo ang mga Pilipino sa masteri ng Tagalog at Niponggo.
• Nagbunga ng maraming babasahing nakalimbag sa Tagalog at naging masigla ang panahong ito
para sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensya
ng mga Amerikano.
• Nagpatuloy ang pagtatakwil sa Kanluranin maging sa Saligang Batas 1943. Ayon sa Artikulo IX,
Seksyon 2, “dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan tungo sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Tagalog bilang Pambansang Wika”. Sang-ayon ito sa isa sa mga propaganda
ni Pangulong Laurel na “Isang watawat, isang bansa, isang wika.”
• Noong Nobyembre 30, 1943, inilabas ni Pangulong Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang
10 na nagtatakda ng pagturo sa pambansang wika.
• Pinabuksan noong Enero 3, 1944, ang Surian ng Tagalog, gaya ng Surian ng Niponggo, upang ituro
ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog na pagkaraan ay ipadadala sa mga lalawigan upang magturo
ng pambansang wika (Catacataca at Espiritu, 2005).
• Ang mga pinunong military ng puwersang Hapones ang naging mga tagapagturo ng Niponggo.
Binigyan din naman ng katibayan ang mga nagsipagtapos: junior, intermediate at superior
(Constantino, et. Al, 2002)
• Nakilala ang mga tulang tinatawag na Haiku at Tanaga. Samantala, ang “Panday Pira” ni Jose
Matute Hernandez, “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo, “Bulaga” ni Cloudualdo del
Mundo, at “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni N.V.M Gonzales naman ang
mga dulang sumikat noon.
• Ang mga mahuhusay na maikling kwento nang panahon na ito gaya ng “Lupang Tinubuan” ni
Narciso Reyes, “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at “Ang Lungsod, Nayon at
Dagat-dagatan” ni N.V.M Gonzales
• Ang mga Hapon ang mas nagturo sa mga Pilipino noon kung paano maging makabayan gaya ng
pagkilala, pagmamahal, at pagpapayaman nang lubos sa sariling wika.

Panahon ng Pagsasarili
• Naisalin ang kapangyarihan kay Dating Pangulong Manuel A. Roxas, huling pangulo ng Pamahalaang
Komnwelt at unang pangulo ng Ikatlong Republika.
• Nabigyan ng higit na pagkakataon ang mga opisyal ng bayan na pag-aralan ang kalagayan ng
pambansang wika at magpatupad ng mga batas na magsusulong nito.
• Sa panahong ito, naideklara ang pagkakaroon natin ng wikang pambansang tatawaging Pilipino - na
kalauna’y naging Filipino.
BAKIT NAGING ‘F” ANG “P”?
• Ang wikang Filipino ay tinaguriang “Tagalog-plus” na kung saan ito ay binubuo ng iba’t ibang
banyagang salita maliban sa Tagalog at nagbibigay lawak sa ideya ng makabagong
diksyunaryong Filipino., na kung saan ang salitang Ingles na Dictionary at Espanyol na
Diccionario ay maaari na ring gamitin sa wikang Filipino bilang ‘diksyunaryo.’
• Para sa mga malamim managalog o mas kilala sa tawag na “purist,” ang salitang dictionary ay
ang “talatinigan.” Ilan pa sa mga halimbawa nito ay ang kompyuter, kwalipikasyon, okasyon,
indibidwal, sipilis, at iba pa na galing sa mga salitang Ingles tulad ng computer, qualification,
occasion, individual, at syphilis.
• Para sa mga eksperto,mas maiging tawaging “Filipino” at hindi “Tagalog” ang sarili nating wika
upang magbigay galang o konsiderasyon sa mga kababayan nating hindi ginagamit ang wikang
Tagalog bilang kanilang pangunahing salita.
• Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947,
inilipat ang SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukadyon sa Arroceros.
Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y
Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang
SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod
Quezon.
Ebolusyon ng Wikang Pambansa
• Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
• Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang mailagan na ang
mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.
• Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na
nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong
sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus ito’y may nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.
• Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,
1946, ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 6, 1954 - Nagpalabas ng
isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19
tuwing taon. Agosto 12, 1959 - Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. Nakilala ang wikang tagalog bilang
Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog.
• Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
• Set. 23, 1955 - Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19
ng Agosto.
• Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang
pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
• Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga
Tagalog.

EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO

Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaaring


ito ay sa porma ng watawat, sa himig ng pambansang awit, o sa wikang
sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili
ding wika. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang Filipino? Kusa
lamang ba itong sumibol? Ito ba ay isang wikang hiram? O ito ba ay
pinagsama-samang mga salita mula sa iba’t-ibang kultura?

May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at


kinabibilangan ito ng humigit-kumulang 3,000 pangunahing wika. Isa sa
siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating wika ay
nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na
kinabibilangan ng mga kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng
Indonesia at Malaysia.

Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong


subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang Malayo-Polynesian. Sa mga sub-
pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang sangay na
Tagala.

Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano,


Pangasinan, Kapam-pangan, Bicol, Waray o Samar-Leyte, Cebuano,
Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at Maguindanao, batay sa dami
ng populasyon o porsyento ng mga tao na gumagamit, nagsasalita,
nagsusulat, at nakakaunawa rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may
kanya-kanyang dayalekto, gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal, Tagalog-
Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba
pa. Gayundin sa Cebuano, na kung saan ay may Cebuano-Cebu,
Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang Hiligaynon naman ay
mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweño, Ilongo, at iba pa.
Ang Bicol ay mayroong Naga, Legaspi, Bato, Buhi, Catanduanes,
Sorsogon, Masbateño, at iba pa. Samantala ang Ilocano naman ay may
Ilocos, Abra, Cagayan, Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa.

You might also like